Ang mga susunod na mababasa ay pawang
sariling opinion, karanasan at obserbasyon lamang. Nasa inyo na ito
kung makaka-relate kayo, o medyo tatamaan ng konti. Kaunting ilag
lamang tayo, sabay sabi ng “teka, oo nga ano? Baka kasi medyo
nakakalimot na tayo, sa kabila ng kabisihan natin. Iyong mga pasok pa,
ayon “congrats” mayroon kayong tinatawag na healthy marriage
relationship. Despite the fact na wala naman talagang perfect marriage
relationship. Nasa nagdadala nga daw iyan. Siguro nga totoo, pero spice
nga iyon ng pagsasama, ang meron kaunting tampuhan, awayan at
argumento.
Kapag sapakan issue na, mag-isip
na, dahil hindi na healthy ang relasyong meron physical violence. Pero
sabi naman ng iba, eh ok lang daw na sila ay abusuhin pisikal kaysa
verbal. Ang verbal abuse daw kasi ay andoon na ang pilat, hindi
nawawala. Ang “sampal” naman daw ay ilang minuto lang na ang manhid
nito o sakit. Sa ganitong aspeto wala akong gaanong masabi, hindi ko
kasi ito naranasan pareho ( ang swerte ko di ba?)
Ideal Husband & Ideal Wife ka–
May respeto ka sa iyong asawa sa lahat ng bagay. Lagi isinaalang alang
ang opinion ng bawat isa. Kahit hindi ka agree sa sinasabi niya.
Kakausapin mo ang iyong asawa nang mahinahon at ipaunawa ang gusto mo o
ibig mong iparating sa maayos at mahinahon na paraan. Itapon ang pride.
Ideal Husband & Ideal Wife ka–
Kapag meron respeto sa privacy ng asawa Hindi sa walang tiwala, pero
kailangan at importante ito sa isang relasyon. Huwag naman pagselosan
ang mga ka text ni wife or ni hubby. Lalo na kapag career woman si Wife
or careerman si hubby. Hindi rin kasi maiwasan na maraming katawagan,
ka text etc. kapag friendly si wifey or si hubby. Puera na lang kapag
nabasa mo sa celphone, sa wall ng fb o kahit anung bagay na valid para
ikaw ay mawalan ng tiwala. Ibang usapan na kasi kapag nakabasa ka ng
meron ” iloveyou, at iloveyou too” sa mga nabanggit ko.
Para kay wife – Makulit
ang babae, walang katulad sabi nga nila, lalo na kapag nag-tantrums,
tiyak outside de kulambo si husband. Wife, huwag namang masyadong
panghimasukan ang mga private password ni husband pati na rin ang
cellphone. Kapag pakalat-kalat ang cellphone, malamang walang tinatago
si husband. (‘yon pala meron isang simcard na nakatago, hehe joke lang)
Ang wallet, puede pa siguro, lalo na kung bibisitahin mo kung meron pa
s’yang allowance. Baka nahihiya lang magsabi at bungangaan mo pa. Iyon
pala, naubos lang kabibigay sa mga anaki’s, na panay ungot at di
matiis. Tatay eh!
Para kay hubby – Ikaw
naman hubby ideal kang asawa talaga kapag natiis mo ang dobleng
bunganga ni wifey (doble nga eh di ba?…kaya wala ka nang magagawa doon
kundi lambingin mo na lang at titigil yan hehe) Saka isa pa hubby, para
walang gulo o away at laging happy ang buhay eh, iwasan ang mga bagay na
puedeng pagselosan ni wifey at ganun din si wifey kay hubby. Give and
take nga eh, di ba? Saka hubby tandaan mo kapag nagtampo o
naggalit-galitan si wifey eh, hindi naman ibig sabihin non eh galit.
Madalas kaming mga wifey kapag naghahanap kami ng kalinga o lambing kay
hubby eh dinadaan namin sa tampo-tampohan at galit-galitan. Minsan kasi
meron mga manhid na wifey at hubby vice versa lang talaga iyan
Ideal Husband ka–
Kapag hindi ka insecure sa kung ano ang narating ng iyong wife. Be
proud ka na lang. Hindi masamang kainin paminsan-minsan ang pride, kung
sa ikabubuti naman ng inyong pagsasama bilang mag-asawa. Ideal ka
hubby ka, kapag ipinagluluto mo ang iyong mag-iina minsan. Hindi
nakakalimutan magsabi kay wife ng “I love you” at paminsan-minsan pinupuri ng “ang ganda naman ng asawa ko.” “Ang sexy naman ng asawa ko.” “Ang sarap naman ng luto mo loves.”
Kahit bola lang lahat ito. Mababaw lang kasi kaming mga babae eh! At
siyempe, don’t forget ang hug and kisses, kahit amoy laway pa J.
Ideal Wife-
Vice versa ulit. Magaling magluto para sa pamilya. At Purihin naman
natin si hubby kapag bagong gupit, bagay iyong polo o kahit na anong
gamit sa katawan na kayong dalawa ang bumili. Lalo na kapag siya ang
pumili. Purihin naman natin si hubby kapag nag-effort magluto. Higit
sa lahat kahit mapalaki o mapaliit man na achievements nagawa nya, hindi
naman siguro mahirap ang palakpakan si hubby sabay hug and kiss.
Ideal Husband –
Every pay-day iaabot mo kay wife ang iyong pay check, pay invelope o
ATM. Hintayin si wife na magtanong kung ano ang kailangan mo, at kung
ok na sa iyo ang ibibigay niyang allowance mo galing din sa iyong sweldo
J. Isipin mo mahirap magbudget, kaya pakinggan ang litanya ni wife
kahit nakakabingi na. Haplusin mo na lang sa likod nya at tatahimik na
iyan.
Ideal Wife –
Kapag inabot ni husband ang sweldo niya at masinop mo itong naba-budget.
Nagagawa mo pang mag save. At higit sa lahat, e konsidera mo rin ang
pangangailangan ni husband. Bigyan mo rin ng kunting pang happy happy,
huwag lang isama sa allowance ang pang date nya don sa nae teybol niya
minsang naaya sya ni pare J
Ideal Husband-
Kahit anong busy sa career, meron ka oras sa iyong pamilya. Nagagawa mo
itong pakainin o ipasyal sa labas (kuha kay wife ng budget hehehe)
Kapag mayroong sideline, mas maganda at tiyak happy face si wife.
Ideal Wife-
Kapag kahit busy ka pa sa career mo o sa lahat ng gawaing bahay at alaga
sa mga anak, nagagawa mo pa ring asikasuhin ang iyong asawa, iyong
pagkain nya lalo na kapag ginabi ng uwi. Huwag nang amuyin kung amoy
alak at beerhouse. Initin mo ang sabaw na lumamig at ulam. Asikasuhing
pakainin. Kapag ayaw at busog o lasing. Ibuhos mo na lang iyong sabaw
sa kanya bakasakaling mahimas himasan. J biro lang ‘yan, huwag
susundin. Punasan mo ang suka nya kapag di kinaya, at kinabukasan
sabihin mo “loves, inom ka ulit mamaya ha, meron na akong naka ready na basahan.” Sabay hug and kiss. Mapapangiti na lang si hubby.
Ideal Husband –
I-date mo si wife and treat her like noong una pa lang kayong
nagkakilala, iyong nasa stage pa lang kayo ng tipong ang lalaki ng
laggam na kumakapit sa inyo pareho. Bolahin pa rin si wife kahit hindi
na kapani-paniwala. Ang sarap kaya sa pakiramdam naming mga babae kapag
kami ay binobola ang aming mga asawa J.
Ideal Wife- Lambingin mo naman lagi si hubby at ayain na mag date kayo paminsan-minsan, Iyong solo nyo lang ang mundo ninyo.
Ideal Husband-tumutulong
kay wife sa gawaing bahay kahit hindi utusan. Hindi kabaklaan iyon,
kundi pagmamahal sa aming mga babae. Patunay lamang na ayaw ninyo kaming
nahihirapan. Tulungan din si wife sa pagre-review sa mga anak.
Ideal Wife- Huwag naman gawing under de saya si hubby. Kawawa naman kapag nakantiyawan ng kumpare.
Ideal Husband
-kapag kahit galit ka sa mga biyenan at kapamilya nito. Ok lang, go ka
lang sa pagbisita ninyo tuwing linggo at sa mga special gathering.
Besides, pamilya iyon ng iyong asawa kaya dapat tanggapin at mahalin mo
din kahit mga engot pa ito sa iyo.
Ideal Wife-Ganun
din vice versa. Huwag mo naman talakan si husband, tapos hindi ka rin
pala sasama sa special gathering ng kanyang pamilya na kapamilya mo na
din. Love your in-laws daw, kahit hindi naman lovable J.
Husband & Wife-
Kapag meron away o tampuhan, pinapalamig muna ang situation. At kapag
nasa kama na at matutulog na, simpleng hug and kisses lang ang katapat
niyan at sabay sabi ng “sorry” peace na tayo. Huwag matulog na hindi
nagkakaayos. Panatilihin ang open communication lagi. Tiyak, kasunod ay
labing-labing na. After ng labing labing, take note mga hubby “kiss your wife sa forehead.”
Napakalaking bagay sa aming mga babae ang kiss sa forehead. Sign of
respect and love iyan na tunay, walang balatkayo. Kahit napagod,
kunting kwentuhan at holding hands hanggang makatulog na nang tuluyan.
Huwag naman after ng labing-labing eh, wala na tulog kaagad o di kaya ay
talikuran style na at narinig na lang ang mga hilik na akala mo eh
nakasakay ka sa barko .
Husband & Wife
– kapag ang samahan ninyo ay “friends and lovers”. Friends, kasi para
lang kayong nagkukulitan, nakakapg usap ng anything “under the sun” ‘ika
nga. Walang lihiman sa isat-isa. Makasakit man o hindi andun ang
understanding lagi. Kaya ninyong intindihin ang bawat isa at ang
sitwasyon. Marunong magpakumbaba at magpatawad. Nagbibigayang ng advise
tulad ng magkaibigan. Marunong intindihin at tanggapin ang pagkululang
ng isa’t-isa. Wala naman kasing perpektong tao. Kung iyong
magkakapatid nga hindi nagkakaintindihan minsan. Tayo pa kaya ng ating
mga asawa, eh total stranger tayo sa isa’t-isa di ba? Nagkita o
nagkasama lang noong nanligaw na.
Husband & Wife-
kapag dumadaan sa oras ng pagsubok, nandyan ang isa’t isa para
sumuporta. Magsilbing lakas ng bawat isa at hindi parang walang
pakialamanan.
Husband & Wife- Kapag napatawad ang pagkakamali ng bawat isa at piliting magbago at huwag na manakit ng damdamin ng bawat isa.
Ideal Husband & Wife – kapag
kahit malayo kayo sa isat-isa (work abroad) at lagi niyong
ipinararamdam na andiyan lamang kayo magkatabi, nalalampasan ang mga
tukso na nasa paligid. Naayos ang mga gusot at laging napapanatili ang
pagbibigay ng oras o panahon sa pamamgitan ng pagtawag, chat, text at
kung anupaman.
Ano ang score mo?…marami pa sana kaso, sigurado antok na kayo sa sobrang haba
Pero puede naman talaga maging IDEAL HUSBAND AND WIFE tayo, kahit hindi perpekto ang buhay.