Nov 1, 2012

Usapang Pasko

google/stuff toys
Mamay : Inday, bilhan mo ako ng mga paninda sa Divisioria. Gusto ko mga kaldero, kaserola at kung ano pang mga gamit pambahay.

Me: Kayo na lang ang pumunta dito sa Pasko ni Papa, at para ikaw na ang makapamili kung ano ang mga gusto mong bilhin at ititinda.
Mamay : Huwag na! Gastos lang sa pamasahe, idagdag mo na lang sa puhunan ng mga ititinda ko dito.  Bilhin mo mga gamit sa bahay; kalderom, kaserola, kutsara, baso at mga plato.  Samahan mo na rin ng mga damit ha?
Me : Kayo ang bahala; gusto ko lang naman sana na nandito kayo sa pasko. Para sana sama-sama tayo dito lahat :( ......saka kapag hindi kayo pumunta dito, hindi kita bibigyan ng puhunan para sa paninda mo.

Isang biro na binitawan ko at para malaman ko kung ano ang reaksyon at isasagot niya sa akin.Mamay : Ay ok lang Inday, marami naman akong nilalako at tinitinda na mga kurtina at unan hehehehe...

Ngekk!..... hindi umobra ang aking pang ba-blackmail sa kanya at tumawa pa!

----------------
Natutuwa at nalulungkot ako sa reaksyon niya, nang marinig ko ang sinabi niya sa kabilang linya.

Una, natutuwa ako kasi, hanggan ngayon hindi pa rin nagbabago ang nanay ko.  Sa kanya ako natuto at nagmana ng
sobrang kasipagan at sa pagiging entrepreneur. Kahit anu-ano lang ang itinitinda; basta kumita ng pera galing sa marangal na pamamaraan, at hindi ikinahihiya nito ang paglalako sa mga kakilala at sa mga ka baraggay.

Ang nanay ko kasi ay isang ina na maparaan.  Hindi siya palaasa sa aking ama; sobrang workaholic at napaka energitic na ina.  Mabait din siyang ina, iyong tipong isusubo na lamang niya ay ibibigay pa sa iyo.  Kesehodang tiisin niya ang kaniyang gutom basta may maibigay lamang sa iyo na pang project sa school. Basta, maraming katangian ang aking ina; sa kabila ng naging ina siya sa murang edad na 18 anyos lamang at ang aking ama naman ay 14 anyos noong ikasal sila. Higit sa lahat, kahit hindi nakatapos ng high school ang nanay ko eh napakatalino rin,  Parang tatay ko rin, grade 3 lang ang tinapos, pero talo pa ang abogado hehehe.

Hayy naku!....ang aga nilang naglandi anoh? Pero maganda ang love story nila na nakakainis.Nakakalungkot, dahil sila na nga lang dalawa ng tatay ko sa probinsiya. Lahat kaming mga anak ay nadirito sa Maynila. Hindi ko natandaan na nagkasama kaming lahat sa araw ng pasko.  Noong maliliit pa kasi kami, ang pagkatanda ko ay nasa ibang tiyahin ko ang aking mga kapatid.

At nitong lumaki na kami at nagkaroon na rin ng kanya-kanyang buhay at pamilya.  Sila na ang aming pinapupunta dito sa Maynila.  Pero, hindi naman sila nagkakasabay na pumupunta dito; hindi kasi nila kayang maiwan ang kanilang hasyenda :)).  Iyan ang madalas naming biro na magkakapatid. Kasabay ng pag ngisi ng tatay ko.  Mas mahalaga pa ang mga alaga nilang hayop at kubo. Kapag mayroon lang silang sakit at kailangan magpa doctor saka sila sabay na nandirito sa Maynila.
Hindi naman namin magawang magkakapatid na sabay-sabay umuwi, hindi naman kasi lahat ay nakakaluwag sa schedule at sa pinansyal.

Hindi naman kasi sila nagtatagal dito sa Maynila eh!....parang napapaso kasi sila dito, laging bukambibig na mamatay sila kaagad kapag nandito sila sa Maynila. Wala daw excercise at ang mga pagkain hindi sariwa at may mga preservatives pa.  Higit sa lahat...mas alalang-alala pa sila sa kanilang mga alagang hayop na naiwan kesa sa amin hahaha...ang buhay nga naman talaga ano?

Oo, nga!,,,,, minsan mahirap talaga magpalaki ng magulang hehehe (Joke) Ito minsan ang mga biruang naririnig ko sa mga anak na may makukulit na mga parents.

No comments:

Post a Comment