Hindi na yata maiaalis sa buhay nating mga Pilipino na minsan ay nagiging
mapanghusga tayo sa kapwa natin. Napakadali nating mag-isip nang hindi
maganda sa kapwa; at para na rin natin itong ipinapako sa krus. Aminin
man natin o hindi, pero iyon ang nagsusumigaw na katotohanan. Hindi pa
nga tapos magkuwento ang kaharap mo, ipinako mo na kaagad sa krus.
May kani-kaniyang dahilan ng pagkawala ng virginity, kaya sana huwag tayong masyadong mapanghusga.
Isang
kaibigang nagkuwento sa iyo; iniwan ng kaniyang boyfriend dahil noong
unang ginalaw siya, wala nang bleeding. Nag-isip ka at mayroong
pagdududa sa sinabi ng kaibigan mo, hindi ba?
Bagong
kasal, sa kanilang honeymoon biglaang naghiwalay o nagkalamigan.
Punong-puno ng pagdududa si mister. Inisip ni mister na niloko siya ng
kaniyang asawa; na hindi na ito donselya nang kanyang pakasalan.
Hindi
ako nurse o doctor, pero mahilig akong magbasa. Sa pagbabasa, marami
tayong maaaring matutunan. Lumalawak ang ating kaalaman. Mas nagiging
makatotohanan ang ating mga nababasa, kapag ito ay mayroong pagpapa
totoo.
Ibabahagi
ko sa inyo ang kaalamang mayroong katotohanan mula mismo sa aking mga
kaibigan o kakilalang naging biktima ng mga taong mapanghusga:
1.
Bisiklita - Ang babae na mahilig magbisikleta ay kadalasang wala
nang bleeding during the intercourse. Sa katagalang paggamit ng
bisiklita, ang upuan nito at pagpe-pedal ang nagiging dahilan para
mag-stretch ang hymen ng isang babae. Kaya madaling makapasok ang
manhood ng lalaki, dahil na stretch na ito.
2.
Accident - naaksidente dahil sa bike, sigurado ang pagkasira ng
hymen nito lalo na kung nagkaroon ng bleeding. Ibig sabihin nito ay
napunit ang manipis na laman. B) Nahulog sa puno, sa puno ng niyog o
kadalasan sila iyong mga mahihilig umakyat sa mga matataas na puno at
aksidente sa kanilang pagbaba ay nadulas, naiwan ang kabilang paa o
hita. Dahilan para mapunit ang hymen at magkaroon ng bleeding.
3.
Tampon - Ito ay isang napkin din, pero ito ay parang gasa. Hugis
sigarilyo, pero malaki nga lang ang bilog nito. Ipinapasok mismo ito
sa private part ng babae at ang tanging makikita lamang ay ang
kapirasong malaking sinulid. Huhugutin ito kapag alam na puno na.
Kapag ito ang laging gamit, sa katagalan nae-stretch na ang hymen ng
babae. Kaya naman kadalasan hindi na nagkakaroon ng bleeding, lalo na
kung thin or malnourish ang manhood ng guy ( hehehe sorry guys )
4.
Masturbation - Aminin man natin o hindi, kasabay ng pagbabago nang
panahon at teknolohiya, maraming kabataan na ang curious at ginagawa
ito. Una, hanggang labas lang. Pero nadala ng makamundong pagnanasa,
hindi namalayan naipasok na pala sa private part nito ang daliri, hindi
lamang isa kundi mas higit pa. In public na ngayon makikita ang mga
“sex toys” kahit sa bangketa sa Avenida, Recto makikita ito. Ang
paggamit ng mga instrumentong ito ay nakakawala ng virginity ng isang
babae.
5.
Born without Hymen – Kahit ako, nagulat ako nang mabasa ko ito. Before
kasi ako magsulat ng blog. Kapag mayroong involve na pang siyensya,
nagbabasa-basa muna ako; nang sa ganoon mayroon akong basehan at hindi
lamang sa mga kuwento. Kung ito ay hindi ko mismo naranasan. O hindi ko
karanasan. Ayon sa nabasa ko, out of 10 mga 3 lamang ang ipinanganak
na sadyang walang hymen.
6.
Rape victim – marami ang biktima ng rape. Rape na ang salarin ay
mismong kapamilya, kapitbahay, kaibigan, kamag-anak. O mga halang na
kaluluwa ang may kagagawan. Hindi nila ito kagustuhan, mas pinili na
manahimik dahil marami ang isinaalang-alang.
7.
Blackmail - ito ay nangyayari, kapag mayroong hininging pabor o
nag-offer ng tulong sa oras ng kagipitan. Ang kapalit ay ang dangal.
8.
Willingness – ito iyong kusang loob na pagsuko ng isang babae sa taong
kaniyang minamahal. Dahil demanding ang lalaki, hindi ibinigay ang
tamang respeto sa minamahal. Binola-bola at pinangakuan ng buwan at
bituin, na pagkatapos ay pakakasalan daw…..nang nakuha na ang gusto,
bigla nang naglaho kasabay ng mga bituin at buwan na kaniyang
susungkutin daw.
Ang dipinisyon daw ng hindi na virgin na matatawag ay ang pagkakaroon nang actual na penetration.
Kaya
para sa mga girls, magsabi nang buong katotohanan sa umpisa pa lamang.
Kung mahalaga ang virginity sa inyong boyfriend, huwag nang mag-
dalawang-isip. Sabihin kung ano ang totoo, habang maaga para wala nang
masaktan pa. Dito rin ninyo masusukat kung tunay ang pagmamahal sa inyo
ng lalaki.
Saludo
ako sa lahat ng mga lalaki na hindi naging big deal sa kanila ang
virginity ng isang babae. Saludo rin ako sa mga kalalakihang marunong
rumespeto sa kanilang girlfriend. Hindi batayan o sukatan ang
kapirasong laman para lamang mapatunayan na mahal ka ng iyong
girlfriend.
Sa
panahon ngayon, nakabibilib pa rin ang mga babaeng naaalagaan ang
kanilang pagkababae. Mas masaya siguro ang pakiramdam kapag naglalakad
ka papuntang altar, suot ang puting-puti na gown na simbolo ng kalinisan
ng iyong pagkababae. Pagkababae na inilaan mo lamang sa taong mahal na
naghihintay sa altar.
No comments:
Post a Comment