(google/angrywoman) |
“An angry man open his mouth and
closes his eyes”
Tama!
Ang taong sobrang galit, iyong
tipong may usok na lumalabas sa ilong at tenga; parang dragon ay iyon ang mga
taong nawawala na sa sariling katinuan.
Hindi na nagawang kontrolin ang
sobrang galit na nararamdaman.
Ang galit ay mas lalong
nagniningas kapag sobrang emotion ang nakabalot dito Kaya nga madalas mayroong nakakalimot sa
sarili, nakakagawa nang krimen o mga bagay na kahit sa panaginip nito ay alam niya
na hindi nito kayang gawin.
Ang isang tao dahil sa sobrang
galit, nagagawa nitong maging asal hayop na nakakatakot, handang sumila ng
kalaban. Galit na maaring makasira sa
mga taong nakapaligid sa taong ito, pati na rin sa kanyang sarili; at lahat ng
ito ay dahil sa bugso ng damdaming galit at pagkapuot..
Kanina sa palengke, habang
hinihintay ko ang aming isda na binili at pinalinis; mayroong isang babae at
lalaki na nagtatalo. Hindi ko lang pinansin, dahil sanay na ako makarinig nang
mga sigawan sa palengke na akala mo may rambulan lagi. Biglang nagsigawan, may palahaw na umiiyak at
sumisigaw nang tama na! Maya maya ay
nagsigawan na pati ang mga namimili at nagtakbuhan. Kitang-kita ko na hinabol ng lalaki iyong
isang lalaki ng kutsilyo. Natulala ako
dahil sa direksyon namin papunta, halos hindi ako nakahuma at ang tanging
ginawa ko niyakap ko ang aking anak.
Pumikit ako nang papalapit na dahil wala akong matakbuhan at tanging
nasambit ko lamang ay “Dios ko po
tulungan mo kami, iligtas mo po kami sa kapahamakan kasama ko ang aking anak!”
Hindi ko pa natapos ang aking
sinabi, kumalabog na sa tagiliran ko kasabay nang mga hiyawan. Akap-akap ko pa
rin ang aking anak na pilit tinatakpan ang kaniyang mga mata. Dahil kitang-kita ko kung paano inundayan ng
saksak ang kaawa-awang mama na nakalugmok na sa semento. Hindi ko alam kung paano, ako nakaalis sa
lugar kung saan kami nakatayo. Tulala
ako, halos hindi ko mailakad ang aking mga paa.
Hindi mawala sa isip ko ang pagtama ng kutsilyo sa katawan na puro dugo
na.
Naglalakad ako na wala sa sarili,
at namalayan ko na lang nasa loob na kami ng isang kainan. Hindi ko tuloy alam kung ano ang na- order
ko……nagulat ako nang inilapag na ng waiter..dinuguan na may kasamang puto. Hindi ko na rin alam paano ko napaliwanagan
ang aking anak. Natandaa ko lang sinabi
ko, wala iyon anak, away palengke lang.
Paano nga ba ma-control ang galit
ng isang tao? Ayon sa nabasa ko sa book ni K. Sri Dhammananda,
“A good way to control anger is
to act as if the undesirable thoughts do not exist in our mind By using our will-power, we focus our minds
in something wholesome and thus subdue negative emotions.”
Ang ganda nga sana kung itong nabasa ko na ito ay nai-apply
talaga sa sarili. Kahit ako aminado ako,
mahaba ang pasensya ko at hanggat maari kailangan kong magpigil. Ngunit sa isang banda, kahit anong pigil ko
pa sa aking sarili; kahit anong control pa sa isip ko, sadyang kapag nasagad
ka na at umiral ang silakbo nang iyong damdamin 80% ay makakalimot ka at huhulagpos ang iyong emosyon..
Pero mayroong isang sekreto para
ma-develop ang ating sarili, kung paano ma-control ang galit na ating
nararamdaman. Sabihin sa ating sarili
araw-araw at i-program ang mga sumusunod:
I can control my anger, I can
subdue irritability, I will keep cool and be unruffed
I can be unmoved by anger as a
rock, I am courageous and full of hope
No comments:
Post a Comment