.facebook.com/photo.php?fbid=338239462930983&set=a.186665851421679.49845.178609772227287&type=1&theater |
Oo, sobra akong abuso sa katawan ko. Sobra ang pagnanais ko na makamit ang aking mga pangarap at magkaroon ng magandang kinabusan. Kailangan ko ang kumita para malampasan ang buhay ng isang single parent noon, kaya naman, walang bawal sa akin. Kaya naman, kahit bagong panganak at maraming bawal, sige pa rin ako sa mga ipinagbabawal sa akin na puedeng maksama. Ayon, ang unang reward ko na natanggap sa sarili ko?“Binat sa gutom, pasma at nerbyos”. Feeling ko masisiraan na ako tuluyan ng ulo. Doctor dito, doctor doon, wala rin. Lahat kasi sinasabi stress lang. Stress nga siguro ang medical term sa "binat" (hula ko lang, baka maka tiamba :) ) Hanggang tumaba na ako sa kaiinom ng mga vitamins kasama na ang stresstab.
Last choice ko ang "quack doctor" albularyo ang tawag sa probinsya. Meron kasi mga “quack doctor”, sabihin na nating gifted ang hindi lamang panggagamot ang alam. May iba na meron silang kakayahan na silipin ang iyong nakaraan, kasalukuyan at ang hinaharap . Iyon bang tipong isang tingin lang niya sayo, nababasa na niya ang kaloob-looban mo, parang x-ray. At para nga maniwala ka, na nagsasabi siya ng totoo, epa flash back pa niya ang iyong “past”. Interesting di ba? Kasi nga first time mo pa lamang siyang na meet, then meron syang alam sa mga nangyari o kasalukuyan mo. May bonus pa at pati na rin ang iyong bukas ay sinasalamin niya. Kaya ko ito naibahagi dito sa blog ko, hindi para magyabang ako at para sabihin na maniwala kayo sa mga merong gifted knowledge tulad ni manang. Sa totoo lang kasi ,eh, nangyari halos lahat ng pinagsasabi niya sa akin. Gusto ko nga siyang hanapin at pasalamatan, kaso wala na akong contact sa kanya. Inisip ko na lang din na nagkataon lamang ang lahat. Nagsisikap lang kasi talaga ako kaya nangyari ang lahat ng sinabi niya.
Ito ang isa sa mga natandaan ko sa mga sinabi niya:
- “Alam mo ba, darating ang araw meron isang lugar na mawawala sa mapa ng Pilipinas, lulubog ito kapag hindi mahigpit na ipinatupad ang illegal logging.
- Dito sa Maynila, iyong Milenyo na nangyari? Masusundan pa ito ng paglubog ng buong NCR sa matinding baha, hindi bastang baha lamang ito. Marami ang ma apektuhan na mga tao at magbubuwis ng buhay. Nakikita ko BASURA ANG MAGIGING DAHILAN, AT KAPAG HINDI NAAYOS ANG PROBLEMA SA BASURA, NAKIKITA KO NA, DARATING ANG ARAW TALAGANG PAGSISIHAN NG LAHAT ITO. ( ito talaga ang tunay na hindi ko makalimutan sa lahat ng sinabi niya)
- Ang Pilipinas kapag hindi napalitan ang kasalukuyang namumuno, tiyak lalong maghihirap ang bansa, sobrang laganap ang corruption.
- Meron isang mamumuno ng bansa ng Pilipinas ang hindi inaasahang makakatulong para makaahon ang bansa, isang lalake ito. Pero, mahihirapan siyang sugpuin ang mga hindi gumawaga ng mabuti.
Pero, kung bibigyan ko rin pansin, at maniwala sa mga sinabi ni manang, parang totoo din ang sinasabi niya, naiisip ko lahat ng ito, habang nakahiga ako at nakatitig sa kisame. Kinikilabutan ako, pero alam ko, si God ay 'andyan lamang, at siya ang mas higit na nakakaalam. Pero naiisip ko din, si God nga ang nakakaalam, pero, dapat naman talagang kumilos ay tayo mismo na mga tao. Hindi sapat iyong puro dasal lamang, ngunit kulang sa gawa.
KAILANGAN NGA BA TAYO KAILANGANG KUMILOS? KAPAG HULI NA ANG LAHAT?!
Ako? Ang magagawa ko, iiwasan ko ang gumamit ng “aircon” madalas, para hindi makadagdag ng lason sa ozone layer. Basta, lahat ng alam ko, na puedeng magdulot ng kabutihan at kagandahan sa kapwa at kapaligiran k , lahat ay gagawin ko. Gagawin ko bilang isang mabuting mamamayan ng bansa ko. Wala akong dapat ereklamo, dahil naniniwala ako sa sinabi ng aking nakatabi sa pila ( pumunta ako ng Cityhall) "Huwag naman ibagsak ang sisi sa gobyerno! Maaring nagkulang ang gobyerno sa pagpa alala at pagdisiplina. Pero, hindi ba dapat tayo na mismo ang magpatupad ng disiplina sa ating sarili? Sa ating buong pamilya? Mabuti na lang, marunong ako mag ligpit at magtapon sa tamang tapunan ng aking mga basura. Mabuti na lang at nakikita ko sa anak ko, marunong kung saan dapat itapon ang basura. Limang taon gulang pa lamang ito, ngunit marunong siya mag intindi kung paano e segregate ang mga basura. Kahit 'san kami magpunta, naghahanap ng basurahan para lamang itapon kung ano ang hawak niya na di na niya kailangan at puro na lang balat.
Sana ikaw din, magnilay-nilay ka na rin. Umpisahan na natin ang mag-isip ng para sa kaligtasan nating lahat at nang sanlibutan. Dahil kung hindi, tayo rin ang higit na magdusa at makaranas ng hirap ng dahil sa kakulangan natin ng disiplina sa ating mga sarili.
pano ka ginamot sa binat mo mam?
ReplyDeletehello po san kayo pede macontact?!
ReplyDeleteBakit po ma'am?
Deletemay binat daw po kasi ako.. nanlalamig..nanginginig.. parang lutang.. nagpahilot at nagpasuob kapo ba?! minsan naiisip ko na baka need ko na ng albularyo.. baka po may kakilala kau.. san po kau pede macontact?! pls..help naman po..salamat..
DeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteBaka po pwede nyo ma share yung manggagamot sa binat?
ReplyDelete