Di ko maiwasan mapangiti habang binabasa ko ang isang blog sa isang website na tumatalakay sa “kagandahan”.
Naalala
ko noon first job hunting ko dito sa Manila, lahat ng nakalagay sa
classified ads ay "w/pleasing personality". Pumasok kaagad sa isip ko
yong mga nakikita ko sa SM Dept stores noon at sa iba pang sikat na mga
malls.
Sobra ako nagandahan sa kanila para silang mga artista,
naka make up, kolorete sabi ng lola ko pero sabi naman ng lolo ko
pintura na parang nasubsub kaya namula ang mga labi. Ang tataas ng mga
takong ng sandals o di kaya sapatos nila 3 hanggan 4’ pa nga.
Tingin ko sila yon mga napapanood ko sa TV ang gaganda nila ( sabi ng kaibigan ko dito lang daw sila maganda sa loob kasi sa reflect ng ilaw at kapal ng make up ). Sa isip ko “sana tulad din nila ako maganda para puede rin ako mag work dito”. Akala ko nga mga model kasi naman ang iiksi ng mga skirts (kinulang yata sa tela biro ko sa sarili ko ). Yong iba naka pants medyo sopistikada ang dating. Siempre meron pagka ignorante ang lola at kawalan tiwala sa sarili basta nakita ko ang with pleasing personality sa classified ads nilalampasan ko na agad ito.
Tingin ko sila yon mga napapanood ko sa TV ang gaganda nila ( sabi ng kaibigan ko dito lang daw sila maganda sa loob kasi sa reflect ng ilaw at kapal ng make up ). Sa isip ko “sana tulad din nila ako maganda para puede rin ako mag work dito”. Akala ko nga mga model kasi naman ang iiksi ng mga skirts (kinulang yata sa tela biro ko sa sarili ko ). Yong iba naka pants medyo sopistikada ang dating. Siempre meron pagka ignorante ang lola at kawalan tiwala sa sarili basta nakita ko ang with pleasing personality sa classified ads nilalampasan ko na agad ito.
photo barrowed from123rf.com |
Kaasar
naman paano ba ito? Pero, kailangan ko tlaga magkaroon ng trabaho at
ayaw ko maging “PAL” member. Taas noo suot ko ang pinang graduate ko na
damit sa province at sabi nila noon sexy daw ako kasi bilugan ang legs
ko at mapuputi kaya mahilig ako noon mag mini skirt. Meron kasabihan
na pagyamanin mo kung ano ang asset meron ka at huwag itatago. Mag apply
ako bahala na sabi ko try ko secretay katuwaan lang kapag natanggap ako
ibig sabihin may pleasing personality ako. Ang dami namin grabe at
inay ko po ang gaganda nila at mga long legged pa graduate pa sa mga
kilalang unibersidad ang ilan sa kanila, dahil don parang na discouraged
ako. Pero napa "wow" na din ako sabi ko talagang secretary ang dating
ng mga ito at wla na ako laban dito. Napasa ko ang exam at interview
then sabi balik ako kinabukasan for final interview. Four kami napili
after ng katakot takot na screening bago sinabak sa first interview,
sabi ko sa isip ko wow lumusot ako hahaha meaning meron pala ako
pleasing personality at take note nakalusot kahit graduate ako sa
province lang at sa isang technology school lang din. Sinala mabuti at
out of 30 applicants dalawa lang ang kailangan. Naku wla na ako pag asa
hahaha di bale for experience na rin naman ito.
Sinama
ako ng isa sa apat na kasamahan ko at interview daw nya sa isang
company at malapit lang daw doon. Sabi sa akin ng secretay ng andun na
kami Miss? Ikaw? Try mo mag apply para masama ka sa interview, kailangan
namin ng saleslady for SM Dept. Store. Ha??? Ayaw ko po! Hindi ako
maganda bagsak ako sa SM kulang pa ako sa height. Try mo lang miss,
malay mo saka may itsura ka din kaya saka di halata na di ka 5’2 (weee
hehe sarap pakinggan binola ako medyo lumapad ang tenga ko sumabay sa
laki ng ngiti ko). Interview ng may ari at napili ulit ako . Okey, tom.
dalhin mo ito at pumunta ka ng SM North Edsa. Pang eleven ka na sa
ipinadala namin at sana ikaw na ang pumasa doon dahil bagsak yong mga
naipadala namin don at badly needed na talaga at tingin ko papasa ka.
Hmmp 5'2 ang need nila sir baka di ako pumasa pero singit ng supervisor
mag skirt ka lang at kapag sinukat ka tumingkayad ka ng wag pahalata.
Ok
game! Mini skirt, blouse long sleeve, 3” high heel binili ko pa sa
Divisoria mumurahin lang, blush on kunti lipstick na pink at kunting
eyeshadow. Makati sobra di sanay eh. Pila ng napakahaba parang Edsa ang
nadatnan ko after ko maglakad ng malayo galing sa babaan ng pasahero
galing sa Quiapo ang hirap maglakad sa sobrang taas ng sapatos ko,
nagmamantika na ang mukha ko bago nakapasok. Biodata, screening, sukatan
ng height siempre at wow for interview na ako? At eye to eye contact
confident ako sa bawat sagot ko sa mga tanong. Sa isip ko patutunayan
ko sa kanila na kahit wala akong pleasing personality matutupad yon
dream ko na mag work o mapabilang sa kanila na mga hinahangaan ko.
Daanin na lang sa coconut shell (yabang pero grabe dami rat naghahabulan
sa dibdib ko hehe) Okey, Miss hintayin mo un ibibigay sayo then pag
complete na yan puede ka na mag start. Waaaa hahaha the unforgettable
moment in my life. Mam, nakapasa po ako? I mean tanggap na ako? tumango
lang un incharge. Natawa un mga kasamahan ko kasi sabi ko tlaga "Ibig
sabihin mam hindi ako pangit meron pala ako pleasing personality? Ibig
sabihin maganda pala ako? Ms. hindi naman sa ganda ng mukha yong
pleasing personality na sinabi kundi maayos ka sa sarili mo presentable.
At hindi dahil lang sa maganda ang mukha kaya tinatanggap dito at about
sa height naman dahil hindi puede na mas mataas pa sa iyo ang mga
estante sa store baka di ka na mapansin ng mga shoppers. Importante sa
lahat naipasa mo un screening at interview meaning aside sa meron ka
pleasing personality meron din laman ang utak mo at malinis ka tignan at
maayos. Ikaw ba naman kasi ang nakasuot ng mukhang executive sa makati
kung di ka pa papasa nian sabi ng katabi ko habang nagkukuwentuhan kami
about sa pag intro namin...Ganun? sabi ko. Well, siguro nga ganun kasi
sabi pang 11 na ako sa pinadala un 10 na un bagsak at ako ngayon ang
pumasa.
original photo of me year 1997 |
Kaya naibahagi ko buo dito sa mga blog readers dahil para
kahit papano makapagbigay ako ng inspirasyon sa mga bago pa lang
naghahanap ng trabaho. Ika nga ay first timer dito sa Manila at first
time din maghanap ng trabaho.
Dahil sa karanasan ko na iyon
nagkaroon ako ng tiwala sa sarili ko. Dati mahiyain ako sobra at walang
tiwala sa sarili at bukod pa dian laging meron pag alinlangan. Nag grow
ako bilang isang masipag at matiaga sa trabaho natuto ako sumabay sa
agos ng buhay maynila . Lalo na develop ang strong personality ko pati
na rin ang physical appearance ko dahil sa ibat ibang uri ng trabaho at
position sa kompanya na ipinagkatiwala sa akin. Proud ako dahil wala sa
isip ko na makakaharap ko sa isang meeting o personal na makakausap
(work related) ang mga meron matataas na posisyon sa mga ahensya ng
gobyerno at kasama na din ang mga nasa malalaki at kilalang mga may ari
ng ilan sa mga kilala din na mga kumpanya. Kaya naman obligado na ako
noon na lagi executive look ang suot at lagi high heel ang suot ko.
Hanggan sa nalipat kami ng management doon karamihan noon empleyado mga
kalalakihan lagi nila ako sinasabihan ang sexy mo naman at ganda mo
bagay sayo ang suot mo. Naniwala na rin ako kasi kahit yong mga
kababaihan nila kasamahan iisa lang sinasabi pati ng boss ko na lalaki
na parang tatay ko na din hanggan ngayon. Ang sexy mo naman Ms D----- (
sad to say that was 1997 to 2007 ngayon kasi chubby na at simple na
lang manamit at flat na ang mga shoes ko ). Iba ang feeling kapag
nagkaron ka ng kumpyansa sa sarili mo kahit sino pa ang kaharap mo
kayang kaya mo silang harapin at makipag deal. Natuto din ako kumilatis
ng isang tao dahil na rin siguro sa ibat ibat klase ng tao at
personality ang na kilala ko. Dahil part ng trabaho na kailangan
marunong ka paano mo e present o project ang iyong kumpanya para
magkaroon kayo ng good impression sa lahat ng mga client. Sa Gobyerno
natutuhan ko paano sumabay sa tugtog ( dito ako natuto mambola hehehe )
Siempre kailangan ang connection lalo na kapag nasa mundo ka ng
pagnenegosyo.
Hindi
lang naman sa ganda o kung saan ka nagtapos na school o university.
Actually, 2yr grad lang pero civil service eligibility passer ako. At
para naman medyo madagdagan ang tiwala ko sa sarili ko nag aral ako ulit
dahil binigyan din ako ng time ng aking boss para magkaroon ng degree
course . At dahil sa natutunan ko sa sarili ko ang magtiwala sa
kakayahan ko, sipag at tiaga, dedication at loyalty sa kumpanya at
pagmamahal ito ako ngayon isa na rin sa nagmamay ari ng isang maliit na
kumpanya courtesy of my boss's at meron din isang maliit na food buss.
na galing sa dugo't pawis ko. Salamat din sa buong family (mga bosses ko) sa binigay na pagkakataon para maipakita ko ang kakayahan ko at lalong lalo na sa tiwala na ibinigay nila sa akin. Sila ang aking inspirasyon kung paano magpatakbo ng
isang kumpanya at negosyo at kung paano maging manatili na isang taong meron kababaang loob at marunong magpahalaga sa bawat empleyado.
Kahanga hanga ang iyong karanasan at ang iyong
ReplyDeletedetermination ..sanay mag silbing inspiration ito sa lahat ng makaka basa lalo na sa mga bagong graduate na kasalukuyang nag aaply... sanay mag silbi ring insparation ito sa ating mga magulang na ituro sa mga anak natin kung papaano mag ka roon ng tiwala sa sarile...napakaganda Miss D...Humahanga ako sa galing mo...mabuhay ka....
Thank you
ReplyDeleteask ko lng po. pano po klase interview po ang gnwa sa inyo po? may balak po kse sana ako mag apply. hehe. salamat po.
DeletePwede po ba ako mag apply sa inyo?
ReplyDeletehello po saan pwede mag apply bilang sales lady or san ka po nag apply bilang sales lady? hehe pwede po humingi ng tip kung anu question nila sa interview? :)
ReplyDeleteGd am po mam kailangan ko tlga nang trabahu po mam bilang sales lady paano po mag apply po mom anong mga ricqurmens po Sana matolongan nyo po ako maka pasuk po mam kailangan ko tlga maka trabahu po mam salamat po good bless
ReplyDeleteIto pla Ang number ko po 09154904343
ReplyDelete