Showing posts with label story. Show all posts
Showing posts with label story. Show all posts

Mar 22, 2014

Mag Asawa Ay Hindi Biro......



myfamilyfoto

My parents got married year 1970.  14 years old lang ang edad ng tatay ko noon, at 14years old naman ang aming inay. Nakita ko pa ang picture noong sila ay ikinasal noon, para lang silang toty at nene sa black and white na picture. Sayang nga lang at nasira na ito noong may malakas na bagyo.

Bakit sila maagang ikinasal?

Hindi sila mag kasintahan. At lalong hindi rin nanliligaw ang tatay naming noon sa aming inay.  Ang crush kasi noon ng aming tatay ay ang kapatid na sumunod sa aming inay. 

Isang araw, nagka ayaan na sila ay mangahoy sa gubat.  Dahil mga bata pa ay nawili sila sa pangangahoy na may kasamang paglalaro. Namalayan nila na pagabi na pala. Dahil malayo ang kanilang napuntahan; sila ay ginabi na nang dumating sa kanilang bahay. Kung saan ay inihatid ng aming tatay si nanay noon.  Nagalit ang Lola naming na sobrang istrikto. Dahil doon, pilit na iginiit ng aming lola na sila ay nagtanan.

Ikinasal sila sa ayaw at sa gusto nila. Batas ang salita ng magulang noon. Bawal suwayin. Ang hawak kamay noon, o kapag ginabi sa labas ang isang lalaki at babae, ay isang kasalanan na; kasiraan nang dangal ng pamilya,at kailangang kasalan ang kasunod.

Saksi ako sa mga struggles nila sa buhay. Sa mga away, tampuhan at sa mga  masasayang sandali ng kanilang pagsasama

Isa lang ang na-realized ko, maaari pala talagang ma-develop ang LOVE sa ganitong pagkakataon. At basi sa aking mga magulang, sa aking mga naging karanasan sa buhay may asawa….nasa babae pala talaga nakasalalay ang malaking porsyento sa success ng isang marriage life. Nakita ko kasi iyon sa Nanay ko na tiniis lahat lahat ng pagsubok. Nagkaroon din kasi ng mga bisyo ang aming tatay noon. Babae, alak, sigarilyo at mga barkada. Matiisin ang nanay ko pero napakasipag at responsable. Unfortunately, emotionally and physically victim or  abused din ang nanay naming noon.

Dahil sa pagtitiis, sakripisyo, panalangin, pang unawa at pagmamahal sa asawa at mga anak; lahat ng iyon ay nalampasan ng aming inay.  Diyos, na ang gumawa ng paraan, para tuluyang magbago ang tatay namin ilang taon pa lang ang nakalilipas. Natural lang kasi talaga sa mag asawa ang hindi pagkakaunawaan, hindi pagkakasundo paminsan-minsan at ang mga argumento. 
 ----------------
Ang buhay mag asawa ay isang chapter ng buhay na punong-puno nang pagsubok. Kung saan, sinusukat ang buong kakayahan ng isang mag asawa, kung paano nila ito pagtutulungan na manatiling buo at maging isang masayang pamilya.

Jul 29, 2012

" Sana Nga! Para For Good Na Ako Sa Pinas Mare", (Dream ng Bawat OFW at Pa

..."Sana nga ate, para hindi na ako aalis ulit"

"Mahirap ang malayo sa pamilya mare, lumalaki ang aming mga anak na wala ako."
http://www.dreamstime.com/stock-photo-girl-full-dreams-image1314820
"Pero, kapag hindi naman ako umalis, ano ang mangyayari sa amin?

"Mahirap dito ate, malaki nga ang sweldo, pero malayo naman ako sa aking pamilya."
"Pero kailangan ko magtiis para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking pamilya."

"Malayo na ang loob sa akin ng aking mga anak mare, gustuhin ko 'mang umuwi, wala akong kakayahan gawin ito."  
"Wala akong maipakain sa kanila kapag hindi ako nagtiis dito!"

"Friend, hindi na nagpapadala sa akin ang aking asawa, bihira na rin maka-alalang tumawag, para kami'y kamustahin.  Gusto ko na siyang pauwiin, pero baon kami sa utang!"

"Bakit ka ba nagtitiis diyan magtrabaho? Eh, 'di hamak naman na mas malaki pa ang kinikita mo sana dito noon?" 
"Paano kasi, si Mrs., gusto magkasama kaming dalawa na dito magtrabaho, para daw mabilis kami makaipon."

"Tamad kasi si Mr, kaya kailangan umalis ako, ito lang ang alam ko para kumita at makapag-aral ang aming mga anak.  Pero Ayaw ko sanang umalis, kung meron lang sana akong pagkakitaan 'dian."

"Sana nga huling alis ko na ito, kaya lang sabi ng magulang ko, kailangan makatapos muna ang aking mga kapatid."

"Sana nga mare, tulad mo ang asawa ko, marunong humawak ng pera, marunong sa buhay.  Alam paano sinupin ang pinaghirapan naming mga OFW dito."

"Ate, pag uwi ko, gusto ko mag negosyo, para naman meron akong makikita sa pinaghirapan ko."


"Ate, gusto ko sanang magnegosyo, kaso wala namang mag-asikaso dian."

"Insan, lahat ng sideline ginagawa namin dito sa taiwan, pati pagtitinda ng kung anu-ano. Para lamang kami makapag-ipon mag-asawa at makapag-negosyo na lang 'dian.  Lumalaki na ang aming anak na wala kami pariho."

Hindi ko na mabilang ang mga taong nagsabi sa akin ng mga nabanggit ko sa taas.  Hindi nga lang iyan, mas marami pa at baka matapos lang itong blog na ito puro lahat hinaing, plano at kunsultasyon ang laman ng artikulo kong ito.  Sa dinami-dami ba naman ng aking mga kakilalang OFW, at mga asawa ng mga OFW, kaya naman alam ko ang mga saloobin nila. Kasama na din ako doon, pero sooner malapit na magtapos ang pagiging OFW partner ko.  Huling contract na ito ng aking lovey duds, dapat nga noong huling alis 'nya, for good na talaga.  Kaso, sabi ko siguro habang inaayos ko lahat dito, para pag andito ka na eh hindi ka manibago o ma miss ang buhay saudi, umalis ka muna at sayang din ang kikitain mo pa 'don. Pandagdag din, lalo na sabi nga ni "boss" wala akong sweldo, para mas madali ako makabayad sa kanya.

Hindi rin kasi biro ang kailangan kung bayaran, isang reward sa akin bilang isang matapat nilang empleyado, isa sa pinakamaliit nilang kumpanya, na parang libangan lang nila; ito'y tuluyang ipinamana sa akin.  Installment basis, mahirap, pero kailangan kayanin dahil kung hindi, paano na lang ang mga umaasa dito.  Sabagay mag dalawang dekada na rin naman itong hinahawakan ko.
Sanay ako sa hirap, dahil galing din ako sa napakahirap na pamilya, iyong tipong madalas noon kinakain namin "gamos lang at kanin", minsan "balenghoy o kamoteng kahoy".  Isang tipikal na buhay mahirap sa isang mahirap na probinsya noon.  Bata pa ng mamulat sa pagiging responsable sa buhay, kung paano maghirap at gumawa ng paraan para lamang maka bili ng bigas at ulam, para lamang makapasok sa eskwelahan.  Maagang namulat sa "entrepreneurship" ika nila. Naglalako ng luto namin ng nanay ko.  Pati na rin ang paggawa at pagtitinda ng bukayo.

Sabi nila, magaling daw ako humawak ng pera, alam ko daw paano dumiskarte, alam ko daw paano pagkasyahin, at marunong daw ako mag plano.  Hindi ko alam ang mga 'yon basta ang alam ko lang, kailangan ko magkayod marino, bilang isang single mommy noon (17yrs na ang eldest ko).  Iniisip ko lang noon, kailangan namin kumain o mabuhay mag-ina na hindi humihinge ng tulong sa mga magulang ko at kamag-anak.

Siguro iyong mga iyon ang dahilan at nakikita nila sa akin, kaya siguro sadyang lapitin na ako ng mga humihinge ng idea, o payo tungkol sa negosyo at kung paano ma save ang pera nila.  Feeling ko nga kailangan ko nang magtayo ng "consultation office", hehe joke lang!  Kasama na rin dian ang "usapang pag-ibig", ala "Cathy G" ang dating ng beauty ko.  "Di naman ako expert, pero nakapagbibigay ako suhestyon, opinyon, idea at mga optional na diskarte sabi nila.

Kaya ko ito naisulat, dahil sa susunod kong blog (part 2) susubukan ko na makapagbahagi sa inyong lahat, lalo na 'don sa mga nagnanais na pasukin ang larangan ng pagne-negosyo.  At base ito, sa actual na karanasan ko mismo at ng mga taong nakadaupang palad ko.  Alam ko kahit papano, hindi man ako eksperto, alam ko makakatulong ito para sa inyong mga OFW; lalo na 'don sa mga maliliit lang ang kita o sweldo at nang pamilya ninyo dito sa Pilipinas. 

Jul 25, 2012

'Limang Piso"....Laman-'Tiyan Din 'To!

Piso, 

Limang Piso,

Sampung Piso,
http://en.wikipedia.org/wiki/File:PhilippinePesoCoins.jpg

"Ikaw, matanong kita!".  Gaano o paano mo pinahahalagahan ang mga baryang ito?  Paano nakakatulong sa iyo ang mga  ito?

Noong kapanahunan ko, uso pa ang belikoy at nutriban.  Marami na akong mabibili ng belikoy sa halangang "bente singko sentimos".  Makakabili na rin ako ng isang "nutriban". Kasama na ang "singko" na hugis bulaklak.  Ngayon, hindi na pinapansin ang "singko" lalo na ang isang centavo, na merong butas sa gitna.  Umabot din sa punto na ang bente singko na barya, ay hindi na rin pinapansin.  Nauso ang "Pondong Pinoy", kung saan ang lagayan ay plastic ng miniral water, na wala nang laman.  Ang dating pakalat-kalat at halos binabalewala nang bente singko, ay biglang nagkaroon ng kabuluhan, at nakatulong pa sa simbahan.  Para kasi'ng nawalan ng halaga o ningning, kahit sa mga bata.

"Pahinge po ng piso?"....'yan ang madalas nating marinig di ba?  Kapag binigyan mo ng bente singko sentimos, iirapan ka pa o dadabog pa; sabaya sabing, "Wala nang mabibili nito, kahit kendi!".  

Oo nga naman, 'kaw naman kasi, magbibigay ka na rin lang bente singko pa!...kuripot mo naman!.  'Buti na nga lang, nauso nga ang pondong pinoy sa simbahan, pati na rin sa mga malls.  Lata naman ang lagayan kapag nasa mga groceries o kahit saang pamilihan na meron tulad nito.  Nang nagtaas ng singil ang mga jeepney's nitong nakaraan, si "bente singko" muling nagkaron ng halaga, sa lahat ng commuters.  Sayang!  Matagal na tuloy mapuno ang pondong pinoy.  Kaya, ayon ang laman ay isang sentimo at limang sentimo na meron butas, kasama na rin ang sampung sentimo.  At muling bumaba ang pamasahe, salamat,  marami na namang laman ang pondong pinoy.

Piso, kapag pinagsama-sama at naipon, ito ay meron halaga.  Lalo na sa mga bata na nag- aaral ng elementarya. Piso, na madalas iyon ang nadudukot sa bulsa o sa coin purse, at naibibigay sa mga nagpapalimos. Makadukot ng dalawa, tatlo o apat, ito ay sapat na sa iyong pakiramdam.  Hindi ka nanghihinayang  Ayon sa iba, hindi mabigat na bitawan, lalo na kapag meron umaakyat sa jeep, at pupunasan ang iyong sapatos; sabay lahad ng kamay sa pasahero.  'Swerte! nakadami! Marami na namang pambili ng rugby ito mamaya.  'Wag ka, naka senyas pa yan ng subo ang kamay, ibig sabihin, "pangkain lang daw".  Pagkaing rugby pala!

Pero, hindi iyan ang gusto ko tukuyin, 'kundi ang "Lima at ang Sampung Piso".  Para sa mga mayayaman, siguro ang limang piso ay katumbas na lang ng isang sentimo, mayaman nga eh.  Siempre, mga papel na ang pera nila.  Iyong mga "barya" nasa tabi-tabi na lang 'yan, o  'di kaya ay nasa altar, at sa pondong pinoy na  Pero para sa akin, tulad ko na meron trabaho at sariling hanapbuhay, mahalaga pa rin ito.  Mas lalo na 'don sa mga commuters, dagdagan mo lang iyan ng tatlong piso; makakarating ka na sa pupuntahan mo. Maging honest ka lang kay manong driver ng jeep. "Kuya!... kulang ng dalawang piso, pasensya na pero, 'dian lang naman ako bababa sa unahan". Mabait si manong driver kaya ayun okey na. Kung hindi mabait, "Miss saang "unahan" ka bababa?...Wala namang lugar na, "Dian Lang"!.  Meron Dian St.! Wafak tuloy kay manong driver hahaha, napahiya man oks lang, wag ka na lang titingin sa mga kapwa mo pasahero. Kunyare eh, "nothing".  Sori, bingi ako, sabay saksak ng headset ng celphone mo!

"Ate, pabili po kanin, limang piso lang." Ibig sabihin, kalahati lang ng isang order na kanin ang bibilhin 'nya. Isang order ng kanin kasi ay sampung piso.  "Ate, lagyan mo po ng sabaw ng adobo ha?" Sabaw lang naman ang hinihinge bakit ipagdadamot pa, kaya hala sige bigay.  Noong una akala ko, sadyang bumibili lang, baka nabitin sa kanin, at meron pa siya natirang ulam sa bahay nila.  Sumunod na bili, sinundan ko ng tingin.  Ayon, ang bata nasa isang tabi, kumakain habang nakatayo.  Sarap na sarap, binutas lang iyong plastic na balot at parang ginawang ice candy.  Sabay tingin sa akin, at sumenyas pa ng "thumbs up".  "Aray ko!", mukhang meron tumusok na karayom sa dibdib ko.  Meaning, okey nabusog na sya sa pag thumbs up nya, sabay parang senyas na din ng "ok! Thank You!

Sa isang tindahan ko, meron araw araw dumadaan estudyante.  Nakita ko bumibili din ng kanin at humihinge lang ng sabaw sa aking tindera.  Masaya, masigla at maliksi.  Tulad ng isang bata noon, nakita ko ganun din ang ginawa, kinain at sarap na sarap.  Biro mo, sa halip na ibili ng candy o ice cream paglabas ng eskwelahan, ibinili ng kanin at huminge ng kaunting sabaw ng ulam. Solve na ang gutom ng bata.  Kakaawa naman, kaya ng mga sumunod na araw na, pagdadaan at bibili, meron na din dagdag na isang hiwa ng karne.  Kakaawa eh!  Mabuti pa pala ng ako nag-aaral noon, meron pa akong ulam na "balitsaw", halagang "dos" o dalawang piso. Dikit mo lang ang iyong dalire sa balitsaw, at sabay dila ng dila na meron pang laman na "bahaw na kanin" (lamig kanin)....sarapp!. Nakakatuwa at masarap sa pakiramdam, marinig galing sa isang batang tulad nya ang makarinig ng "salamat ate".

Hindi lang pala mga bata, o binatilyo ang gumagawa ng ganun.  Wala ng pinipili na edad, mapababae o lalaki, ganun ang ginagawa.  "Sampung piso na kanin ate", tapos pahinge ng sabaw ng itong ulam na ito".  Hindi lang iyong mga batang lansangan mo matandang lansangan na din (pakalat-kalat eh).  Taga repair ng relo, dating meron puesto sa isang maliit na mall, kung saan ang rent ay 200/day,  ngayon wala na.  Lakad ng lakad na lang alok sa bawat madaanan, pasok sa mga opisinang meron entrance na bukas.  Wala pa daw kita, ayun, bumili ng kanin at huminge ng libreng sabay.  Isang subo ng kanin, isang higop ng sabaw.  Ilan pa kayang  mga bata ang tulad nila?  Ilan pa kayang mga tulad ni manong repairman, at ilan pa kayang pakalat kalat na tulad nila?  Ilang pamilya kaya ang meron tulad nila na naghihirap, nagtitiis sa kanin at sabaw lang? At ilan kaya sa mga batang ito, ang balang araw ay magtatagumpay dahil lamang sa "limang pisong kanin at sabaw?".  At ang limang piso na dating hawak nila ay maging limampu, limang daan, limang libo, limampong libo hanggang maging doble doble pa?  Nakakadurog ng puso, ngunit nakakabilib. Madiskarte, pantawid gutom nga naman. 

Limang piso, kanin at libreng sabaw ng ulam.  Malayo ang mararating mo bata.  Hangad ko ang iyong tagumpay pagdating ng araw.  At kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin ko sa iyo; matitikman mo na ang mga pagkaing naipagkait sa iyo, dulot ng KAHIRAPAN. 

Jul 10, 2012

"Tara, Drive Tayo!"

You block your dream when you allow your fear to grow bigger than your faith.  ~Mary Manin Morrissey


The driving site (photocreditwww,journeyoflife.blogspot.com)

Sa nakaraang article ko, "Kahit Milyon Pa Ang Ibayad Mo Sa Akin, Di Bale Na Lang!  Kung saan dito ko tinukoy, ang isang salitang ako mismo ang sumira.  Binali ko, dahil kailangan kailangan gawin.
Ang aral na natutuhan ko mismo sa aking sarili ay,  "Wag magsalita nang patapos!" Dahil hindi natin alam kung ano ang  puwede mangyari! At lahat ng ito ay akin mismong napatunayan. Sa una at sa pangalawang pagkakataon.
 Takot ako sa aksidente lalo na sa kalye. Isipin ko pa lang 'yong mapisa ka ng mga naglalakihang sasakyan. 'Yong maputulan ka ng kamay at paa! O 'di kaya, kapag sadyang minalas ka, eh hindi mo na makikita ang lahat ng mahal mo sa buhay. "NO TO DRIVING!" 'yan ang madalas kong sabihin noon.  Bukod sa natatakot ako sa kalye, eh, wala naman akong hilig sa mga sasakyan. 

Para kasi sa akin, luxury lang 'yan!  Mas importante sa akin ang edukasyon ng mga anak ko, at ang pagkakaroon ng sariling bahay.  Para sa akin, wise lang ako.  Ayaw kong mag invest sa isang bagay, na alam ko nagde depreciate ang value.  Puede naman akong mag commute, at  safe pa ako! Lalo na sa tulad ko na antukin sa byahe.  Higit sa lahat, wala pa akong sakit ng ulo, na karaniwang nararanasan ng mga meron sasakyan; kapag ito ay nagkaroon na ng aberya. 'Tyak butas ang bulsa ko! Para sa akin hindi ko 'to priority!  Walang parking space, bawal ang meron car sa apartment at halos lahat ng pinupuntahan ko ay walking distance lamang.

Nag-umpisa sa isang biruan at napunta sa seryosohan. "Ok, sige! Bibilhin ko, para na din pang delivery service."  "Ok na ako dian, hindi ko naman kailangan ng bongga na sasakyan."   Sa isip ko, magagamit ko ito sa negosyo. At para na din makita ko man lamang, ang isang "bunga" ng aking pinaghirapan ng sobra-sobra.  Dagdag pa roon ang isang kwento, kung saan at 'pano pina-angat ng sasakyan na iyon, ang pamumuhay ng may-ari ng sasakyan.  Mula sa pagiging ordinaryong empleyado, negosyong pagkain ng kanyang sawa; hanggan sa nagsarili at nagkaroon na ng sariling negosyo.  Nakapagpatayo ng mga paupahan, nakabili ng mga lupa at bukod pa doon nakabili na rin ng mga mamahaling sasakyan.  Ayon sa may-ari meron hatid na "swerte" raw sa kanila ang sasakyang iyon.  Naniwala na rin ako, dahil isa ako sa saksi sa istoryang ng buhay nila.  Type ko ang kulay, pati na rin ang plate number nya na pariho kong lucky color.  Mahilig kasi akong mag feng shui, wala naman masama kapag ito ay subukang gawin. Walang marunong magdrive, kailangan ko e hire ang serbisyo ng dating driver, sa  tuwi na'y meron delivery o lakad.  Meron akong messenger, pero motorsiklo lamang ang kayang e maneho. Motorsiklo  na galing din, sa aking food business.  Kung saan binili ko ito, para regalo sa aking mahal ng huling nagbakasyon ito dito sa Pilipinas.

Dahil kailangan mag cost cutting at maka survive sa lumalaking gastusin ng kumpanya, binitawan ko ang aming messenger, at inilipat sa kabilang office. Sumagi sa isip ko na ito'y bilhin na, since na kailangan ang todong pagtitipid, at para mabawasan ang expenses ng kumpanya; na dulot ng sunod-sunod na gastusin sanhi ng paglilipat ng aming opisina. Kung bakit kasi ang lugar pa namin, ang napusuang bilhin ng ayala para tayuan ng mga condo. Ayan, napilitan tuloy maghanap ng ibang lugar.  Dahil kailangan ko mabayaran ang aking dating mga boss, sa pagbenta sa akin ng kumpanya, kung saan 17years ko rin itong hinawakan. Kaya kapit patalim din ako, sukdulang pagba-budget sa operating expenses. At dahil dito, Ako ay naglakas loob at nag desisyon na mag aral ng driving tuwing linggo.

Apat na araw ang theory, at limang oras ang "actual driving." Huling klase ay "trouble shooting". Hmmm..hindi na masama, pang masa ang bayad tuwing papasok.  Una, nagdalawang isip pa ako, naisip ko na naman ang aksidente; Pero bahala na! Kailangan ko talagang matuto, at sayang ang bayad sa taxi 'twing mayroon delivery. Sobra na rin busy ang kabilang kumpanya, para makahiram ng sasakyan at driver sa tuwina'y meron deliveries.
Twenty Five kami lahat na nag-enroll.  May bata pa, may edad, at may mga trabaho na karamihan.  Kaya sila ay nag-aral mag drive, ayon sa kanila, isa daw sa hinahanap ngayon na skill ng isang kumpanya, ang marunong ka mag drive.  Napansin ko karamihan sa kanila, alam mag drive ng motorsiklo, pero hindi alam magdrive ng apat na gulong.  Ang aming guro ay isang MMDA traffice head enforcer, partime 'nya ang pagtuturo at pagiging dentist.  Ang kagandahan sa Xavier School Tech School, meron theory. Kung saan tuturuan kayo ng mga road signs at iba pang diskarte sa kalye tulad ng mga sumusunod:

1. Kailangan nyo matutuhan kung paano maging defensive driver.
2. Isipin ninyo na ang kalsada ay hindi isang malaking "playground"
3. Matutong magbigayan
4. Pairalin ang presence of mind, maging alerto lagi
5.Matutong intindihan ang mga road signs
6. Alamin ang karapatan mo sa kalye at kailangan mo maging abogado ng iyong sarili.
Ilan lamang 'yan sa mga tips na natutuhan ko, bukod pa sa trouble shooting.

Kailangan ko mag 'tyaga tuwing linggo pumunta sa driving site.  Ang tawag nila sa lugar na iyon ay "FARRRVIEW".  Biruan 'yon dahil sa napakalayong lugar ng Fairview, para sa aming actual driving.  Isang malaking subdibisyon, na wala pa gaanong bahay. Paikot-ikot kami doon, kapag nakita nila kaya na ng estudyante, ilalabas ka na ng instructor mo.  Ayon sa kanila, mas madali ka daw matuto sa mga mahihirap na sasakyan,  Pinili ko ang isang owner type jeep. Ang sungit ng instructor, sa halip na matuto ka, andun 'yong matataranta ka, dahil masyadong hyper.  Kaya ka nga nag aral eh, kasi hindi mo pa alam mag drive at gusto matuto!  Next sunday na lang ulit, bad trip sayang ang aking 2 cards na katumbas ng 1hour.

 Sunday ulit, masaya din ang aming samahan.  Kahit doon lamang kami nagkakilala, biruan at kwentuhan, para hindi mainip sa byahe papuntang farrrrview.  Swerte! "Lalabas na tayo ng highway, marunong ka na pala eh!." Ayon sa aking instructor.  Bahala na! Hmmm....okey din pala, kahit nakaka nerbyos mapipilitan ka na maging alerto.  Masarap pala ang mag drive, exciting kapag walang kasabayan.  Lalo na kapag madalang ang sasakyan.  Maiinis ka lang kapag nasa ma-traffic kayong lugar.  Sa sobrang tuwa ko, sinubukan ko mag overtake, natulala ang instructor ko!  Hehehe.... tutulog-tulog kasi eh! Huwag ko na daw uulitin iyon. Ang kailangan ko lang daw tandaan, ay maging defensive driver ako at alalahanin na ang kalsada ay hindi playground kundi isang lugar kung saan ay puedeng tumapos ng iyong mga pangarap sa buhay o maaring maging daan para ikaw ay maging inutil habambuhay.

Pagkaraan ng ilang linggo na pagtiyaga, tinawagan na kami para sa aming trouble shooting class.  Ang iba hindi satisfied, dahil natapos ang mga sessions na hindi nila nagawang magdrive ng maraming beses sa labas. Last day at bigayan na ng certificate. Habang hawak ko ang Certificate,  sabi ko sa sarili ko, 'to na ang aking "Certificate of Overcoming Fear in The Road thru Driving". Muli binali ko na naman ang isang salitang binitawan ko sa pangalawang pagkakataon, pero dahil naman sa meron magandang dahilan.  Paminsan, minsan kahit na meron tayong paninindigan sa ating mga ginagawa at salitang binibitawan.  Maari din na ito ay makapagpababa ng ating "pride".  Ang pride na kadalasan ay dulot nito ang madalas na hindi kagandahan.  Ngunit, hindi sa lahat ng oras, kapag ibinaba mo ang iyong pride, ay para sa ikasasama. Bagkus, para ito sa ikabubuti natin bilang isang tao.

Jun 12, 2012

"Kapag Meron Tiyaga Tiyak Meron Pagpapala"

Every great dream begins with a dreamer. Always remember, you have within you the strength, the patience, and the passion to reach for the stars to change the world.
Harriet Tubman

Tawagin natin siyang Donita Gan. Ito ang kanyang tunay na pangalan nakilala ko siya dito sa aking bagong tirahan at opisina; at kapag tiningnan mo siya makikita mo ang kanyang maamong mukha at palangiti na mga labi. Una, pasilip silip muna siya hanggang nagkaroon ng lakas ng loob para ito ay mag alok ng kanyang paninda na nilalako; mahirap magtiwala lalo na dito sa bagong lugar namin. Sa katagalan nakagaanan na din namin sya ng loob kaya pinapayagan na rin namin sya pumasok sa loob ng aming opisina.

Si Donita at ang kanyang paninda
Habang tumatagal paunti unti namin siya nakikilala, sa paudlot udlot na kwento at pagtatanong nagkaroon kami ng kunting background tungkol sa buhay niya.  Minsan kahit sumasakit na ang ulo ko dahil halos araw araw iyon ng iyon ang kanyang nilalako, matitigas na banana cue at maliliit, turon at maruya sa hapon. At sa tanghali naman ay pinya at pakwan o di kaya ay papaya, nakakaawa naman kasi eh kaya napipilitan na lang ako bumili kung puede nga lang pakyawin ko na, pero hindi naman ako mayaman para gawin ko iyon dahil iisa lang ang kilala ko na gumagawa ng ganun walang iba kundi ang aking dating chinese na boss sobra maawain at matulungin kaya pinapakyaw nya madalas ang tinda ni lola noon, ang tinda na mais ni aling Lourdes at ang Taho ni manong at ito ay ipapakain sa kanyang mga tauhan. How I wish na dumating din sa akin iyong time na maging successful din ang aking business at magkaron ng sobrang pera at gagawin ko din iyon para makatulong sa kapwa at mabubusog ko lagi ang aking mga staff.

Si Donita ay 7year old pa lang ng tumira sa kanyang tiyuhin kapatid ng kanyang ina lumaki sya na kasama ang kanyang mga pinsan. Produkto si Donita ng broken family, ang kanyang ama ay may ibang pamilya at ang kanya naman ina ayon sa kanya ay nasa probinsya pero nagkaroon ng diperensya sa utak. Marami silang magkakapatid at lahat sila ay hiwa-hiwalay (kaya nakikita ko ang aking sarili sa kanya noon). Napag alaman ko sa paunti unting pagtatanong sa kanya kung bakit kailangan niya maglako ng paninda, dahil ito daw ang ikinabubuhay nila tiyuhin nya ang nagluluto at siya taga lako. Ang kanyang mga pinsan ay nasa bahay lang to make the story short sya ay inaapi pati sa pagkain ng kanyang mga pinsan at ganun na din ng tiyuhin at tiyahin niya. Salat siya sa lahat pero sinisikap nya mag aral galing sa kanyang suhol kapag naglalako; dahil kapag hindi naubos meron sya 15.00 at kapag naubos meron siya 20 o 25 pesos.

Ang kanyang tsenilas ay butas na sa paglalako ang kanyang damit ay sobrang luma na sa gawain bahay ay tumutulong din sya minsan naabutan pa sya ng isa kong staff nagsusundot ng bara ng kanal sa tirahan nila. Minsan kinausap ako ni Donita kung puede ko ba raw siya kunin at dito na lang sya magtabaho habang nag aaral siya. Gustushin ko man pero ayaw ko dahil baka magalit ang tiyuhin niya kahit na awang awa ako na malaman na kapag hindi sya magtinda ng maaga pinagagalitan siya ng tiyuhin niya at lagi sya inaakmaan ng kutsilyo sa kamay pero ayon sa kanya hindi naman sya nasusugatan dahil hindi naman dinidiin ang paghiwa at parang tinatakot lang sya.  Doon ako naawa sa kanya, masinsinan ko siyang kinausap kong ginagawan ba sya ng hindi maganda bukod pa doon sa sinabi nya sa akin at hindi naman daw.

Pinayuhan ko siya na magtiis lang at sundin lang ang kanyang tiyuhin na sya ay magtinda basta huwag lang na sya ay sasaktan ng pisikal atn gugutumin. Madalas maawa sa kanya ang kanyang teacher kaya teacher na ang nanlilibre sa kanyang mga test papers o maliit na bayarin sa school. 

Ikinuwento ko sa kanya ang pinagdaanan ko noon bago ako naging ganito ngayon sinabi ko na marami ako tiniis na hirap at pasakit at pagtitiis para lang magkaron ng magandang kinabukasan at sinabi ko na sana ganun din ang gawin niya.  Siya ay 3rd yr high school na at isang taon pa graduate na sya ng high school at sinabihan na din siya ng kanyang tiyuhin na hindi na sya mag aaral ng college dahil meron ito mga sariling anak na kailangan tustusan ng pag aaral.  Sinabi din sa kanya na kailangan na nya umalis kapag nakatapos na sya at lumipat na sya doon sa kanyang isang tiyahin. Hindi rin daw sya paaralin doon at ang gagawin din niya siya din ay paglalakuin ng paninda tulad ng ginagawa nya ngayon.

Binigyan ko sya ng pag asa at sinabi ko na kung sakali man makatapos ka at ako ay nangailangan ng tao sa aking canteen kukunin ko siya at ipagpapatuloy nya ang kanyang pag aaral kahit vocational lang. Sa araw araw na kanyang paglalako ng paninda lagi ko siya binibigyan ng pangaral, payo at binibigyan ng pag asa.  Alam ko balang araw meron naghihintay na magandang kapalaran sa batang ito. Nagsisikap nagtitiis sa init ng araw sa pagtitinda araw araw at kahit pagod hindi tumitigil sa pag aaral at pagtulong sa kanyang kinalakihan na pamilya.

Ilan pa kayang kabataan ang katulad ni Donita na patuloy lumalaban para lang matupad ang kanyang pangarap, ang pangarap sa sana maiba ang kanyang mundo na iniikutan. 

Jun 4, 2012

Paru-Paro

Alas 11:00 na ng gabi,  pero di pa rin ako  inaantok.  Naka tune in sa aking paboritong radio station "DZMM". Walang magandang palabas sa TV.  Wala din akong makausap, dahil offline ang aking mahal.  Oo nga pala, umpisa lumipat ng ibang kumpanya, bihira na kaming magka-usap sa chat.  Nasa labas daw sya halos araw-araw at pagod na pagod na pag-uwi.  Kawawa naman, 'di bale, darating din ang oras na hindi na siya mangingibang bansa ulit.  For good na 'ika nga.  Tulog na rin lahat ang aking mga kasama sa bahay.
Photo credit Henry Allen Solanoy Romblon 2012 vacation

Sa mga gabing ako ay hindi dalawin ng antok, isang abot kamay na ballpen at notebook, ang aking aabutin.  Depende sa aking mood, kung ano ang puede kong umpisahan.  Matagal na panahon na din pala na ako'y huling nakapagsulat, dahil na rin siguro sa pagbabago ng aking pamumuhay; na umikot na lang sa aking anak, pamilya at trabaho ang aking oras at panahon.  At ngayon, ito akong muli, pagkatapos ng mahigit dalawang  dekada; ay akin muli ang susubukan ang magsulat. Ang isang bagay na lingid sa lahat, ito ang aking kanlungan sa bawat oras at araw, o pagkakataon na pansamantalang ninanais ko ng katahimikan. At para bigyan  ng pagkakataon na maibahagi ang mga bagay na inaabot ng aking aking malikot na imahinasyon.  Imahinasyong bunga ng matinding emosyon. Sinusulat noon sa papel gamit ang lapis, habang nakaupo sa gitna ng bukid, habang  nakatanaw sa dagat.  Ngayon, maibahagi ko na, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. 


PARU-PARO
(orihinal na kopya at binuo ng may akda)

Pilit ipinipikit ang mga mata sa kabila ng dilat na aking ISIP
Pikit na mga mata ngunit isip ko'y gising sa kalaliman ng gabi
Liwanag sa balintataw aking nakikita at  ito' nagsusumiksik
Mga paru-paro aking nakikita sa liwanag habang ako'y nakapikit
Nagsalimbayan sa paglipad..at ganda nito'y sadyang mapang akit


Sa kanilang bawat pag ikot kulay nila ay sadyang nakakabighani
Lumilipad dumadapo...at muling lilipad dadapo ng ito ay paulit ulit
Sa kanilang bawat galaw at pag ikot 'di maiwasang di mapa isip
May mabagal lumipad parang pagod at parang nalulungkot din
May nahihirapan ngunit merong matitikas at masasaya din

Hindi ko lubos na mawari ngunit kita ko ang tunay na pakiramdam
Habang nakikita ko sa dilat kung isip pero nakapikit na aking mata
Bakit hindi ko maiwasan mga paru-paro ay aking maikukumpara
Ibat -ibang buhay ng mga taong aking araw-araw ay nakakasalamuha
Ako, sila, kayo ay tulad ng mga paru-paro na akin ay maihalintulad

MASAYA!......dahil alam ko ako ay isang tao na pinagpala NYA
May maayos na paligid masarap na pagkain at ibang karangyaan
Masaya dahil alam ko mas maswerte ako kumpara kesa sa kanila
Sa mga katulad nila na sadyang pinagkaitan ng tadhana upang sumaya
Sila na pakalat-kalat matanda man o bata na pinabayaan na ng lipunan


MALUNGKOT? ....maraming dahilan at ito'y mahirap isa-isahin diba?
Minsan binabahagi natin pero kadalasan ay gustong sinasarili na lang
Dahil lahat naman tayo ay sadyang meron kanya-kanyang sariling dahilan
Ngunit sa kabila ng kalungkutan nakangiti at makikita mukha na masaya
Kahit ano pa man sadyang buhay ay laging may hatid na lungkot at saya


NAPAPAGOD?... oo pisikal dahil sa bigat ng trabaho na ating ginagawa,
Biyahe at kung anu-ano pa dahilan upang mapagod buong araw
NAPAPAGOD?... emosyonal alam mo na ang ibig kong sabihin nito di ba?
Kumplikado at  may kasamang depresyon at apektado na ang lahat
AT nanaisin mo pa ang mapagod ng pisikal at hindi emosyonal di ba?


NAHIHIRAPAN?...Oo, sa panahon ngayon na mahirap ang ating buhay
Ikaw man ay mayaman o mahirap lahat tayo ay nakakaranas ng hirap
Kahit sino pa ang iyong tatanungin si mayaman sasabihin pa rin "ang hirap"
MAHIRAP, AKO AY NAHIHIRAPAN at NAHIHIRAPAN S'YA
Lahat ay nahihirapan ngunit sa kabila nito'y laging meron din hatid na aya


Sa kabilang banda.....isa lang isipin natin GANYAN TALAGA ANG BUHAY
Kailangan marunong kang lumaban at makisayaw dahil nasa atin mga kamay
Lahat ay nakasalalay kung paano natin lalabanan ang lahat ng hamon ng buhay
Huwag kang pagugupo aking kaibigan lumaban ng parehas ng walang naaapakan
Walang nasasaktan at walang naa-api, tulad ng paru-paro dumapo at lumipad lang
Llipad lang ng lipad......paikot ikot...... dadapo .....lilipad ulit ng wlang kapaguran.

( Ito ang original na kauna-unahang ginawa ko after 20years, at inilagay sa aking friendster blog, na tanging merong naiwan na hard copy)

May 23, 2012

I Love You...Mahal Kita! Pagmamahal Nga Ba o Panlilinlang?

Ang sarap pakinggan kapag merong isang tao na nagsabi sa atin ng ganito ano? Kasing tamis ng arnibal at nakakilig na parang feeling mo teenager ka lang. Kapag nabasa mo ang mga salitang ito sa chat, text message o di kaya sa sulat, wow heaven ang dating para kang nasa cloud nine lalo na kung ito ay galling sa isang taong mahal na mahal mo. Madalas pa nga eh, paulit ulit mo itong binabasa kahit ilang araw, linggo o buwan na ang lumipas.

Pero paano mo malalaman na talagang galing sa puso nya ang mga katagang nagpapakilig sa iyo? Na bukal sa puso nya ang pagsasabi ng I love you o mahal kita at sabayan ng maraming mga pangako? Di ba madali lang sabihin ang mga katagang iyan? Pero ang tanong mahal ka nga ba talaga nya o nais ka lang nya bigyan ng pakunswelo o pampalubag loob dahil meron sya ibang gusto sa iyo? At bakit ko naman nasabi ito? Wait lang at ito ang kwento:

Mabigat ang dibdib ni Anna habang papunta sila sa airport. Limang taon na kailangan nya manatili sa Europe at hinde nya puede biguin ang kanyang ina na matagal na doon nagta trabaho at naghihintay sa kanya. Huwag kang mag alala mahal ko” ang sabi ni Fred; hihintayin ko ang araw ng pagbabalik mo at ang araw na tayong dalawa ay magkakasama doon balang araw. Mahal na mahal kita at pangako hinde kita lolokohin. Sabay yakap at halik ni Fred kay Anna habang nakayuko at pinapahid ni Anna ang kanyang luha ang nasabi na lang nya sa kanyang boyfriend na si Fred ay "Aasahan ko iyan at hintayin mo ang pagbabalik ko".
photo borrowed from http://www.free-extras.com/search/3/crying+heart.htm

Lumipas ang mga araw linggo at hanggang dalawang buwan nakikita ko na masaya na ulit si Fred lalo na kapag nakakatanggap ng Euro galing kay Anna.  Dumating ang araw na bihira na sila magkausap at nagkaroon ng tampuhan dahilan para hayagan na ulit sa kanyang dating gawi.   Si Fred ay hiwalay sa asawa at kilala ko din sya bilang isang taong hindi lang iisa kundi mahigit pa ang dinadambana na babae sa puso nya. Mabait pero sadyang naliligaw ng landas. Hindi dahil sa hindi nya mahal ang asawa nya kundi sa mga dahilang lagi nyang sinasabi sa akin sa tuwina’y napag uusapan namin ang mga bagay bagay hinggil sa lovelife at kapag minsan pinapangaralan ko sya.

Ayon kay Fred ang kanyang asawa na si Lea ay hindi maasikaso na asawa solong anak at sanay sa marangyang buhay, meron silang dalawang anak.   Aalis at darating galling sa trabaho si Fred na siya pa ang gagawa sa mga gawaing bahay pati na ang pagluluto at paglalaba.  Kabilang si Fred sa tinaguriang mamamayan ng CANADIAN (ito yong “magsaing kanadyan, maglaba kanadyan…etc.).  Sabi nya ito ang dahilan para maghanap ng kalinga sa iba si Fred.  Pero tulad ng madalas ko ipayo sa kanya na pag usapan nila ng masinsinan kung ano ang problema, pero balewala lang sa kanya ito. Alam ko bukod doon meron talaga sariling dahilan si Fred. Si Fred ay may luho sa katawan, laging branded ang mga gamit kaya naman mahilig sya mag sideline.  Dahil hindi naman kayang tustusan ang kanyang mga hilig ng kanyang sweldo; meron syang matinong sideline at meron din siyang hindi kanais nais na sideline. Lapitin sya ng mga babae dahil din sa kanyang mga sideline at inaamin naman nya na babae at gay ang gumagastos at madalas magbigay sa kanya ng mga luho nya. Mabait ang kanyang asawa, pero lahat nga meron talaga hangganan at walang lihim na hindi nabubunyag, idagdag pa doon ang isang katangian ng mga  babae na malakas ang instinct at alam na alam kapag meron ginagawa kakaiba si mister. Nakakalungkot at di nagtagal nagkahiwalay silang mag asawa. Ang asawa ni Fred nagtrabaho hanggan nagkaroon na din ng karelasyon at nalaman ko na masaya na ito sa bago nyang buhay pag-ibig na isang seaman.  Habang ito naman Fred ay niligawan ang isang kasamahan sa trabaho at ito nga ay walang iba kundi si Anna.  Love is blind nga di ba? Ilang beses na nga ba ito napatunayan, kaya kahit anong pangaral hindi nagpapigil ang dalawa sa kanilang relasyon.  Wala nang nagawa ang pamilya ni Anna.

Four months hanggan umabot ng halos anim na taon,  regular silang meron communication kasama na ang pagpapadala ni Anna kay Fred ng pinansyal na tulong.  Andian yong away at bati sila, dahil mahal na mahal ni Anna si Fred at natural lang na magselos ito dahil hindi din lingid kay Anna ang pagiging palikero ni Fred patuloy pa rin ito sa pagmamahal sa lalaking iniwan sa Pilipinas at patuloy na umasa na balang araw magkakasama din sila ulit.   Hindi lang love is blind kundi nagiging tanga pa tayo minsan pagdating sa pag ibig; pero kahit ano pa ang gawin hanggat meron pusong mapaglinlang patuloy na meron luluha at masasaktan na damdamin at merong pamilya na mawawasak.

Hindi nagtagal dumating din si Anna sa sukdulan, sumuko at napagod din ang pusong sobrang nagmahal at nagising sa mahabang pagkakahimbing.  Si Anna na hinayaan na lang si Fred. Lahat ay ginawa ni Fred para lang manumbalik si Anna sa dati pero pagkabigo lang ang napala ni Fred.  Tiniis ni Anna lahat ng sakit at pinakinggan ang kanyang pamilya na buong puso na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Hanggang sa tuluyan na naputol ang relasyon ni Anna at ni Fred. Sa ngayon meron na silang kanya kanyang buhay.  Si Anna sa kanyang kasintahan na mahal na mahal sya at si Fred naman ay nagkaroon na din ng anak sa isa sa mga naging girlfriends nya ito ay anak ng isang negosyante.

May 19, 2012

WANTED: SALESLADY W/PLEASING PERSONALITY


Di ko maiwasan mapangiti habang binabasa ko ang isang blog sa isang website na tumatalakay sa “kagandahan”.

Naalala ko noon first job hunting ko dito sa Manila, lahat ng nakalagay sa classified ads ay "w/pleasing personality". Pumasok kaagad sa isip ko yong mga nakikita ko sa SM Dept stores noon at sa iba pang sikat na mga malls.

Sobra ako  nagandahan sa kanila para silang mga artista, naka make up, kolorete sabi ng lola ko pero sabi naman ng lolo ko pintura na parang nasubsub kaya namula ang mga labi. Ang tataas ng mga takong ng sandals o di kaya sapatos nila 3 hanggan 4’ pa nga.
Tingin ko sila yon mga napapanood ko sa TV ang gaganda nila ( sabi ng kaibigan ko dito lang daw sila maganda sa loob kasi sa reflect ng ilaw at kapal ng make up ).   Sa isip ko “sana tulad din nila ako maganda para puede rin ako mag work dito”. Akala ko nga mga model kasi naman ang iiksi ng mga skirts (kinulang yata sa tela biro ko sa sarili ko ). Yong iba naka pants medyo sopistikada ang dating. Siempre meron pagka ignorante ang lola at kawalan tiwala sa sarili basta nakita ko ang with pleasing personality sa classified ads nilalampasan ko na agad ito.
photo barrowed from123rf.com

Kaasar naman paano ba ito? Pero, kailangan ko tlaga magkaroon ng trabaho at ayaw ko maging “PAL” member. Taas noo suot ko ang pinang graduate ko na damit sa province at sabi nila noon sexy daw ako kasi bilugan ang legs ko at mapuputi kaya mahilig ako noon mag mini skirt.   Meron kasabihan na pagyamanin mo kung ano ang asset meron ka at huwag itatago. Mag apply ako bahala na sabi ko try ko secretay katuwaan lang kapag natanggap ako ibig sabihin may pleasing personality ako.  Ang dami namin grabe at inay ko po ang gaganda nila at mga long legged pa graduate pa sa mga kilalang unibersidad ang ilan sa kanila, dahil don parang na discouraged ako. Pero  napa "wow"  na din ako sabi ko talagang secretary ang dating ng mga ito at wla na ako laban dito. Napasa ko ang exam at interview then sabi balik ako kinabukasan for final interview. Four kami napili after ng katakot takot na screening bago sinabak sa first interview, sabi ko sa isip ko wow lumusot ako hahaha meaning meron pala ako pleasing personality at take note nakalusot kahit graduate ako sa province lang at sa isang technology school lang din.  Sinala mabuti at out of 30 applicants dalawa lang ang kailangan. Naku wla na ako pag asa hahaha di bale for experience na rin naman ito.

Sinama ako ng isa sa apat na kasamahan ko at interview daw nya sa isang company at malapit lang daw doon. Sabi sa akin ng secretay ng andun na kami Miss? Ikaw? Try mo mag apply para masama ka sa interview, kailangan namin ng saleslady for SM Dept. Store. Ha??? Ayaw ko po! Hindi ako maganda bagsak ako sa SM kulang pa ako sa height. Try mo lang miss, malay mo saka may itsura ka din kaya saka di halata na di ka 5’2 (weee hehe sarap pakinggan binola ako medyo lumapad ang tenga ko sumabay sa laki ng ngiti ko). Interview ng may ari at napili ulit ako . Okey, tom.  dalhin mo ito at pumunta ka ng SM North Edsa. Pang eleven ka na sa ipinadala namin at sana ikaw na ang pumasa doon dahil bagsak yong mga naipadala namin don at badly needed na talaga at tingin ko papasa ka. Hmmp 5'2 ang need nila sir baka di ako pumasa pero singit ng supervisor mag skirt ka lang at kapag sinukat ka tumingkayad ka ng wag pahalata.

Ok game! Mini skirt, blouse long sleeve, 3” high heel binili ko pa sa Divisoria mumurahin lang, blush on kunti lipstick na pink at kunting eyeshadow. Makati sobra di sanay eh. Pila ng napakahaba parang Edsa ang nadatnan ko after ko maglakad ng malayo galing sa babaan ng pasahero galing sa Quiapo ang hirap maglakad sa sobrang taas ng sapatos ko, nagmamantika na ang mukha ko bago nakapasok. Biodata, screening, sukatan ng height siempre at wow for interview na ako? At  eye to eye contact confident ako sa bawat sagot ko sa mga tanong.  Sa isip ko patutunayan ko sa kanila na kahit wala akong pleasing personality matutupad yon dream ko na mag work o mapabilang sa kanila na mga hinahangaan ko. Daanin na lang sa coconut shell (yabang pero grabe dami rat naghahabulan sa dibdib ko hehe) Okey, Miss hintayin mo un ibibigay sayo then pag complete na yan puede ka na mag start. Waaaa hahaha the unforgettable moment in my life. Mam, nakapasa po ako? I mean tanggap na ako? tumango lang un incharge. Natawa un mga kasamahan ko kasi sabi ko tlaga "Ibig sabihin mam hindi ako pangit meron pala ako pleasing personality? Ibig sabihin maganda pala ako? Ms. hindi naman sa ganda ng mukha yong pleasing personality na sinabi kundi maayos ka sa sarili mo presentable. At hindi dahil lang sa maganda ang mukha kaya tinatanggap dito at about sa height naman dahil hindi puede na mas mataas pa sa iyo ang mga estante sa store baka di ka na mapansin ng mga shoppers. Importante sa lahat naipasa mo un screening at interview meaning aside sa meron ka pleasing personality meron din laman ang utak mo at malinis ka tignan at maayos. Ikaw ba naman kasi ang nakasuot ng mukhang executive sa makati kung di ka pa papasa nian sabi ng katabi ko habang nagkukuwentuhan kami about sa pag intro namin...Ganun? sabi ko. Well, siguro nga ganun kasi sabi pang 11 na ako sa pinadala un 10 na un bagsak at ako ngayon ang pumasa.
original photo of me year 1997
Kaya naibahagi ko buo dito sa mga blog readers dahil para kahit papano makapagbigay ako ng inspirasyon sa mga bago pa lang naghahanap ng trabaho. Ika nga ay first timer dito sa Manila at first time din maghanap ng trabaho.

Dahil sa karanasan ko na iyon nagkaroon ako ng tiwala sa sarili ko. Dati mahiyain ako sobra at walang tiwala sa sarili at bukod pa dian laging meron pag alinlangan. Nag grow ako bilang isang masipag at matiaga sa trabaho natuto ako sumabay sa agos ng buhay maynila . Lalo na develop ang strong personality ko pati na rin ang physical appearance ko dahil sa ibat ibang uri ng trabaho at position sa kompanya na ipinagkatiwala sa akin. Proud ako dahil wala sa isip ko na makakaharap ko sa isang meeting o personal na makakausap (work related) ang mga meron matataas na posisyon sa mga ahensya ng gobyerno at kasama na din ang mga nasa malalaki at kilalang mga may ari ng ilan sa mga kilala din na mga kumpanya. Kaya naman obligado na ako noon na lagi executive look ang suot at lagi high heel ang suot ko.  Hanggan sa nalipat kami ng management doon karamihan noon empleyado mga kalalakihan lagi nila ako sinasabihan ang sexy mo naman at ganda mo bagay sayo ang suot mo.  Naniwala na rin ako kasi kahit yong mga kababaihan nila kasamahan iisa lang sinasabi pati ng boss ko na lalaki na parang tatay ko na din hanggan ngayon. Ang sexy mo naman Ms D----- ( sad to say that was  1997 to 2007 ngayon kasi chubby na at simple na lang manamit at flat na ang mga shoes ko ). Iba ang feeling kapag nagkaron ka ng kumpyansa sa sarili mo kahit sino pa ang kaharap mo kayang kaya mo silang harapin at makipag deal. Natuto din ako kumilatis ng isang tao dahil na rin siguro sa ibat ibat klase ng tao at personality ang na kilala ko. Dahil part ng trabaho na kailangan marunong ka paano mo e present o project ang iyong kumpanya para magkaroon kayo ng good impression sa lahat ng mga client. Sa Gobyerno natutuhan ko paano sumabay sa tugtog ( dito ako natuto mambola hehehe ) Siempre kailangan ang connection lalo na kapag nasa mundo ka ng pagnenegosyo.

Hindi lang naman sa ganda o kung saan ka nagtapos na school o university. Actually, 2yr grad lang pero civil service eligibility passer ako.  At para naman medyo madagdagan ang tiwala ko sa sarili ko nag aral ako ulit dahil binigyan din ako ng time ng aking boss para magkaroon ng degree course . At dahil sa natutunan ko sa sarili ko ang magtiwala sa kakayahan ko, sipag at tiaga, dedication at loyalty sa kumpanya at pagmamahal ito ako ngayon isa na rin sa nagmamay ari ng isang maliit na kumpanya courtesy of my boss's at meron din isang maliit na food buss. na galing sa dugo't pawis ko. Salamat din sa buong family (mga bosses ko) sa binigay na pagkakataon para maipakita ko ang kakayahan ko at lalong lalo na sa tiwala na ibinigay nila sa akin.  Sila ang aking inspirasyon kung paano magpatakbo ng isang kumpanya at negosyo at kung paano maging manatili na isang taong meron kababaang loob at marunong magpahalaga sa bawat empleyado.

Mar 22, 2012

Generosity Ng Isang Bata

If I had my child to raise all over again,
I'd build self-esteem first, and the house later.
I'd finger-paint more, and point the finger less.
I would do less correcting and more connecting.
I'd take my eyes off my watch, and watch with my eyes.
I'd take more hikes and fly more kites.
I'd stop playing serious, and seriously play.
I would run through more fields and gaze at more stars.
I'd do more hugging and less tugging.

~Diane Loomans,
Making the decision to have a child is momentous.  It is to decide forever to have your heart go walking around outside your body.  ~Elizabeth Stonetion



Malapit na pala ang birthday ng 3 lalaking pinakamalalapit sa puso ko.  Hinde maiwasan na kahit sobrang busy sa trabaho at sa ibang bagay ang mga ganitong okasyon ay hinde puede makalimutan, makalimutan ko na ang birthday ko pero ang sa kanila malayo pa lang lagi na sumasagi sa isipan ko.
 
 
Maraming plano at hinde puede na wala kahit simple lang.  Andian yong ipaghanda kahit pansit lang, cake at may kasamang juice at softdrinks.  Ang pansit di puede mawala dahil kasabihan ng matatanda na “longlife” daw ang meaning non at kapag niluto mo huwag puputulin.  Hmmm….wala naman mawawala kapag sinunod di ba?


Ang bunso ko number one fanatic ni Jollibee umpisa ng siya ay nagkaisip.  Lagi mataas ang exam dahil alam nya na ang premyo nya ay fries at hamburger at meron pang hirit na sundae or minsan chicken, siguro kung banko lang ang jollibee ang dami na siguro nyang ipon.  Pero yong eldest ko ayaw ng handa, or jollibee. Hinde kasi sanay dahil noon wala pa akong pambili lagi ng Jollibee. Lumaki sya na kabaliktaran nitong bunso ko walang bukambibig kundi jollibee at ngayon nadagdagan pa coke float ng Macdo.  Hayy naku bakit ba kasi nauso si bee
at si mac.

 “Some measure their lives by days and years,
Others by heart thrbs, passion and tears;
But the surest measure under the sun,
Is what in your lifetime for others you have done.”
 
Ang hinde ko makalimutan noong nakaraan taon, hinde sumagi sa isip ko na bigla ko marinig sa aking bunso na anak na mag limang taon gulang pa lamang. "Mama gusto ko sa squatter ako mag birthday", bakit naman gusto mo doon? Sagot sa akin "kasi mama kawawa naman sila mahirap lang eh!" At paano mo nasabi na mahirap lang? Kasi po mama yon bata don lagi hihinge ng food sa tindahan natin tapos tatapon nya basura natin tapos bayad food, ayaw nya ng pera. Tapos mama yong food dalhin nya sa house nila kasi po marami sya sister kakainin nila po.



 Most of us become parents long before we have stopped being children.  ~Mignon McLaughlin, 

Sobra akong natuwa sa gesture ng anak ko at sabay explain ko sa kanya; na ang mga batang iyon actually hinde kawawa dahil meron pa mga magulang.  Napapabayaan nga lang ng magulang nila kaya walang pagkain dahil maghapon nagsusugal sa kalye.
  
Anak kung gusto mo talaga mapasaya at magpakain ng totoong mahirap at kawawa dapat don sa bahay ampunan, don sila yong mga batang walang magulang, iniwan or tinapon at napulot lang.  O di kaya don tayo punta sa bahay ampunan na meron mga kapansanan ang mga bata at siempre curious at excited ang anak ko.


Mar 4, 2012

For Every Mountain There is a Miracle


"For every mountain there is a miracle." Robert H. Schuller

….. ito ang isang quote na hindi ko makalimutan.  Mula pagkabata nakahiligan ko na ang pagbabasa; mapa libro, komiks, pocketbooks o kahit anong babasahin na meron kuwento, puwera lang horror basta lahat ng gusto kong basahin yong meron kwento na may magandang ending  fiction  man o  totoong karansan sa buhay kasama na dian ang history o paano naging manok ang itlog.  Wala akong libangan kundi ang magbasa ng magbasa, kaya naman sa isang hagip lang ng mata ko halos nababasa ko na ang isang talata. Ewan ko ba kahit nasa kasukalan ako ng bukid at nangunguha ng panggatong o mag iigib kasama na ang pagdumi hehe (di uso kasi ang palikuran sa probinsya eh) hindi maari na wala akong dala na babasahin. Itatago ko pa iyon sa bewang ko nakaipit sa short at tatakpan ng t-shirt o blouse para huwag lang Makita ng tatay ko at sigurado sermon ang aabutin. Matatagalan na naman kasi ako dahil meron ako ika nga’y sabi ng lola ko bibliya daw.

Seriously, balik tayo doon sa quote na “For every mountain there is a miracle”.  Noong bata pa ako at nasa unang baitang ng sekondarya una kong narinig yan sa isang malapit na kaibigan; pero sa salitang bisaya “ang tanan na bukid lalo na ang matataas pagnasaka mo igwa guid miracle na nagahuyat” ( Ang lahat na bundok kapag naakyat mo meron naghihintay na miracle).  Hmmm, puede ba yon? Ibig sabihin bawat bundok na aakyatin ko meron mga santo (Saints)?  O di kaya si God kasi sila lang ang alam ko na nagme miracle? kapilosopohan kong sagot sa kanya at tawa na lang ang pumalit kasabay ng biglang katahimikan.
Photo of me during our Mt. Pinatubo Trek

Dumaan ang mga araw na puno ng pakikibaka sa hirap ng buhay probinsya, mga panahong unti unti din nadagdagan ang aking mga kaalaman pagdating sa usaping buhay buhay kung paano ito haharapin. Sa bawat lugar na aking narating at nasubukang pansamantalang manirahan; doon ko nakita ang bawat katotohanan ng mga kwento na madalas nababasa ko lang sa mga nakahiligan ko basahin.  Am a very observant person hindi ko alam pero kahit ako abala sa maraming bagay  aware ako sa mga nangyayari sa kapaligiran ko , siguro gifted lang talaga ako o dahil sa zodiac sign ko hehehe,  Kidding aside, kailangan ko matuto paano maging independent, yong hindi umaasa kahit kanino. Ah basta kailangan maging matapang ako. Whatever!

Isang balik tanaw sa usapan namin ng aking kaibigan at ang bigla kong pananahimik, naming dalawa iyon ay dahil alam nya na ilan na ang bundok na unti unti kong naaakyat pero yong sinasabi nya na miracle ay hindi ko pa rin nakikita bagkus puro bundok lang at pagkapagod.  Andun yong sumusuko ka na sa sobrang hirap tawirin ang mga bundok na iyon at kahit sa panaginip laman ng isip ko ang mga bundok.  Pero wag ka dahil sa tunay na buhay kung gaano ko kahirap akyatin ang mga bundok na nadadaanan ko sya namang kabaliktaran sa panaginip. Isa, dalawa, tatlo, tatlong bundok isang hakbang ko lang?  Imagine ganun kalaki ang mga hakbang ko? At sumagi sa isip ko ang nakaraan kung paano ako mabilis tumakbo ng patalon talon para huwag lang abutan ng tatay ko na meron dalang sanggot hehe. Walang kapaguran ko na tinatalon talon ang mga iyon pagkatapos ng napakahirap na pag akyat, pero lahat yan sa panaginip lang lahat nangyayari. At kahit sa hanggan ngayon madalas ko pa din napapanaginipan ang aking sarili na umaakyat sa mga bulubunduking mga lugar.  Mahirap pero nararating ko at naaakyat na pagdating sa itaas ang sarap ng pakiramdam ko sabay isang paggising na may ngiti sa labi..

picture orig. taken during our Mt. Pinatubo trek
 "Sometimes, life's challenges are tough to deal with. You will succeed if you focus your thoughts on how to overcome the challenge." Catherine Pulsifer, Thoughts are Like a Garden
  
Masasabi ko ngayon na totoo yong sinasabi ng aking matalik na kaibigan na meron nga miracle sa bawat bundok na mararating ko at susubukang akyatin. Ngayon ko lang lubos naisip bakit miracle ang tawag nya kahit dito sa quote na nabasa ko, dahil sa kabila pala ng mga bundok na iyon bago ka pa man makakarating sa bawat tuktok ay marami ka na madadaanan na miracle, na sa banda huli mo lamang malalaman ng dahil sa mga bundok na naakyat lahat makikita mo kung paano ka binuo  ang iyong pagkatao, mga mithiin at pangarap sa buhay at paano nito natulungan ang iyong sarili at para lalong palawakin ang pananaw sa bawat yugto na tinatahak natin sa ating buhay.  Ang walang kapaguran at hindi pagsuko sa hamon ng buhay dahil lahat ng hamon kapag nalampasan tulad ng isang bundok meron naghihintay na surpresa, miracle ika nga!

At sa bawat bundok na tatahakin ko laging meron hirap na mararanasan pero sa kabila non, madulas o mahulog man ako alam ko paano bumangon at gamutin ang bawat sugat o galos dulot ng pagkahulog o pagkadapa ko. Kasabay ng pangako na mag-iingat na ako sa bawat paghakbang at dinadaanan ko.  At kapag hindi maiwasan na tag ulan sa panahon ng aking paglalakbay at hindi sinasadyang madulas at madapa ako sa maputik na daan, tatayo ako at lilinisin ang bawat putik o dumi na kumapit sa aking mga paa at damit na nadumihan. At hahanapin ko ang daan kung saan maayos at ligtas ako sa aking paglalakbay.  Ang sakit o galos at sugat dahil sa pagkadadulas o pagkadapa ko, alam ko hihilom din kaagad ito sa madaling panahon basta ito ay pagtiyagaan ko alagaan at gagamutin.  Pero ang karanasan ng bawat pagkadapa at pagkadulas ko ay magsisilbi na gabay sa aking patuloy na pag akyat sa bawat bundok na aking madadaanan at gustuhing marating. Ito ay mananatiling magandang alaalasa aking isip at puso magpakailanman.


Feb 11, 2012

A letter for my Beloved Valentine

"The story of a love is not important - what is important is that one is capable of love. It is perhaps the only glimpse we are permitted of eternity."

Dear Dadi,

Ever since you walked into my life at unexpected time, I have been smiling. There hasn't been a day when I have gone to sleep with a frown on my face, and it's all because of you., I am glad that you came into my life.
After a failed relationship of mine I decided not to go into another relationship and I prefer to be single forever.  Before, I have always wanted the love of my life to be understanding, loving, caring, faithful and most of all someone who would accept me for who I am. Now I have found the person I was looking for.

 from http://www.shutterstock.com/pic.mhtml?id=49104046
But, my heart told me that my Prince Charming was there…. I didn’t expect the simple message in my Friendster inbox “Kamusta ka Batch, ang ganda mo now ah” will go go along way. I am not more so fun in Cyber world the time we met and I admit I don’t knew how and what is about chatting or messenger.  I admit that I never entertained  crazy things about guys kaya isang tanong isang sagot lang lagi our exchanging messages in email and Friendster.  We became cyber friends, I remember we called each other “oi”.  We both felt that we had known each other for so long, kaya minsan nagtataka tayo na bakit ganun na lang kagaan at sobrang at home tayo sa isat isa everytime we talked(when in fact we had last seen each other during our RIBSAT days and we are classmate in 1st year high school at RNHS and at the same time we both quited). After 16years our paths was crossed and the story of unconditional love begin.

We discovered that we had same thoughts same dreams and goal in life we shared our sorrows and pain from the past, our failed relationship in the past, You became my shoulder to cry on.  You courted me but I ignored you because there is no spark on me and the feeling is you are only a close cyber friend  to me.  And, I always treated it as a joke (sorry to say it :) ) to the fact that am in a trouble relationship that time and I want to settle everything just to live into a normal life being single together with my kid.

I didn’t’ knew that thru your friend Rey Mangaring (and now my bff also) pinakaliskisan mo ako :), so funny yet am amazed to knew it thereafter.  You showed your eagerness to win my heart, til you did the big rule in a roller coaster relationship I had then and finally out and free from a 5year “bangungot”  and am very much thankful because after that long years of full of lies and pains I was able to get out ( because I knew I wont deserved to someone who cheated me emotionally and financially).

But, I admit you took advantaged (amininnnn :) the chance and time I am nursing myself from the pain, hatred and my roller coaster mind,  you are sooo makulit :) . You hit a part of mine when  you courted my son :) and instantly you became closer than me, maybe it's because my son longing for a father love and he found it from you so funny how can I say “NO” if you win the heart of my son.  Do you remember the first time you call me mommy or mami? and the first time you said I love you? That time I read those words in the chatbox I felt so uneasy mixed emotions because I felt you are seriously saying it and sabi ko naku patay mukhang napasubo na ako ng di oras nito.  And, do you still remember me I said wag mo akong pilitin mag sabi ng I love You kasi para sa akin yong salitang iyon ay sinasabi ko lamang sa taong alam ko mahal na mahal ko at hinde basta basta salitang binibitawan, pero sobra kulit mo eh :) ero sabi ko nga ulit hintayin mo na kusa akong magsabi ng I love you, and by that time na masabi ko na sa iyo hinding hinde mo pagsisisihan dahil sulit na sulit ka :) kapag dumating yong time na yon.  Do you still remember na I was afraid from you? And I remember I told Rey na nakakatakot naman yong taong yon nakasalubong ang kilay sabi ko parang ang tapang tapang at parang nakakatakot tignan.  I admit na sa iyo lang ako nakaramdam ng takot but your bff told me sobra kang mabait then that was the start I used my short knowledge as psychologist and I used my inner human instinct together with the prayer Lord lead me to the right way I know this is wrong but I am offer it to YOU my wholelife and my journey towards my lovelife.  

And until, you decided to go home to meet us. The first time we met that is the time I decided also to go somewhere just to released all the stressed I had from my ex and you insist to go with me in Baguio together with my cousin you spent your first 3 days with us in Baguio and do you remember also you cried and I asked you why are you crying? And you just replied mahal na mahal kita at wag mo akong iiwan and I just smiled and wipe your tears and I said yes (pero nagulat ako sa sinagot ko mukhang napasubo na naman ako bahala na ulit  hehehe).  I salute you to overcome all the stupid things like sa pagbabanta sa buhay mo from my ex boyfriend. Remember this email you forwarded to me from my ex bf na uubusin nya ang lahat ng bala ng 9mm nya sayo? But, still di ka pa din nagpapigil.  Your 2 months vacation is so fearful for me then because I was afraid what my ex bf will do to you.  then you told me to call my parents to convinced them to come over here in manila to formally ask their blessing to our soon to be ongoing relationship   You did a guts to talk one on one to my parents (and mind you don mo ako napabilib so you earned 3 points na :) ).  I told myself “bahala na” come what may. How can I say NO if you already  win them all ( I still remember you blushed when my father said to settle first an annulment from your first marriage) kasi akala mo my father will reject you :).

We had so many troubles during your 2 months vacation from my ex and to your ex wife and I came to my decision then to quit coz I don’t want to get into another complicated relationship, to mine am not sure then if am inlove with you only the thing I had in my mind then is you win the heart of my loveones.  In a short of time sila pa ang nauna na ma inlove sa iyo :).  At  nakikita ko paano ka nila minahal, and I got too many sleepless nights. The time you went back to KSA, you became more loving and responsible person to us and I enjoyed the loved and care you always showed us and that is the time I remembered  I started to missing you, thinking and asking myself if “Mahal ko na ba sya?”.  Then, that was the start am teaching myself to love and appreciate all your efforts I decided to forget all my fears and hopping for good and I didn't have to think twice when we formally living in together.

The past years we had been together is a test for us how we are strong, we experienced ups in down emotionally and financially.  Financially we easily overcome it but when it comes to the trials to our relationship caused by other persons we both become paranoid and we had 3x almost giving up our relationship.  Thank you to our friends not lovers relationship, we learned to kill our both ego’s, we learned how to give and take relationship, we learned how to open up bad and good things inside in our heart, we learned how to communicate and thank you because you learned how to open up everything, and thank you because you learned the importance of relationship being a friend and not lovers / couple.  Thank you for always trying our best to save our relationship. 

I am not an ideal wife/partner to you but I really tried my very best to be an ideal one for you.  We both appreciate the value of having  “happy family” and that is the reason why we always overcome all the ups in down. And from the first time we met we do believed in destiny and soulmate and we do believed we are soulmate.  Our love deepen and going more stronger this time and someday all our dreams for our childrens will come true because we are trying our best to do all the best for them and for us as one family.  Marriage is just in a piece of paper, this time the important is we both happy and we always do the best for our family, the respect and love is always there. 

I am happy that even we had the right love in a wrong time I knew HE blessed us since all that I/we prayed was granted recently by HIM.

I knew that you were Mr. Perfect. I don't think that there is, or there could be, anyone better than you out there for me.

I love you with my whole heart. I have trust you. Sometime I even doubt myself, but I know I will never doubt you because you are my true love and soulmate. I know deep down inside that you will never break my heart or never let me down in anyway.

Thank you for everything. I pray to HIM everyday to bless us with everything we deserve. I will love you until the end of time and continue fighting for your greatest love and I continue holding on for all the love and joy you bring with me / us.

HAPPY VALENTINE and advance Happy Anniversary!

Love,
Mami