Showing posts with label family. Show all posts
Showing posts with label family. Show all posts

Mar 22, 2014

Mag Asawa Ay Hindi Biro......



myfamilyfoto

My parents got married year 1970.  14 years old lang ang edad ng tatay ko noon, at 14years old naman ang aming inay. Nakita ko pa ang picture noong sila ay ikinasal noon, para lang silang toty at nene sa black and white na picture. Sayang nga lang at nasira na ito noong may malakas na bagyo.

Bakit sila maagang ikinasal?

Hindi sila mag kasintahan. At lalong hindi rin nanliligaw ang tatay naming noon sa aming inay.  Ang crush kasi noon ng aming tatay ay ang kapatid na sumunod sa aming inay. 

Isang araw, nagka ayaan na sila ay mangahoy sa gubat.  Dahil mga bata pa ay nawili sila sa pangangahoy na may kasamang paglalaro. Namalayan nila na pagabi na pala. Dahil malayo ang kanilang napuntahan; sila ay ginabi na nang dumating sa kanilang bahay. Kung saan ay inihatid ng aming tatay si nanay noon.  Nagalit ang Lola naming na sobrang istrikto. Dahil doon, pilit na iginiit ng aming lola na sila ay nagtanan.

Ikinasal sila sa ayaw at sa gusto nila. Batas ang salita ng magulang noon. Bawal suwayin. Ang hawak kamay noon, o kapag ginabi sa labas ang isang lalaki at babae, ay isang kasalanan na; kasiraan nang dangal ng pamilya,at kailangang kasalan ang kasunod.

Saksi ako sa mga struggles nila sa buhay. Sa mga away, tampuhan at sa mga  masasayang sandali ng kanilang pagsasama

Isa lang ang na-realized ko, maaari pala talagang ma-develop ang LOVE sa ganitong pagkakataon. At basi sa aking mga magulang, sa aking mga naging karanasan sa buhay may asawa….nasa babae pala talaga nakasalalay ang malaking porsyento sa success ng isang marriage life. Nakita ko kasi iyon sa Nanay ko na tiniis lahat lahat ng pagsubok. Nagkaroon din kasi ng mga bisyo ang aming tatay noon. Babae, alak, sigarilyo at mga barkada. Matiisin ang nanay ko pero napakasipag at responsable. Unfortunately, emotionally and physically victim or  abused din ang nanay naming noon.

Dahil sa pagtitiis, sakripisyo, panalangin, pang unawa at pagmamahal sa asawa at mga anak; lahat ng iyon ay nalampasan ng aming inay.  Diyos, na ang gumawa ng paraan, para tuluyang magbago ang tatay namin ilang taon pa lang ang nakalilipas. Natural lang kasi talaga sa mag asawa ang hindi pagkakaunawaan, hindi pagkakasundo paminsan-minsan at ang mga argumento. 
 ----------------
Ang buhay mag asawa ay isang chapter ng buhay na punong-puno nang pagsubok. Kung saan, sinusukat ang buong kakayahan ng isang mag asawa, kung paano nila ito pagtutulungan na manatiling buo at maging isang masayang pamilya.

Oct 25, 2012

“Sana Nga! Para For Good Na Ako Sa Pinas, Mare” (Dream ng Bawat OFW at Pamilya Nito) Part 7-House/Room For Rent

Photo Credit: Google/ For rent
"House and Room for Rent"

Opo, alam n'yo ba na ito ang pinakagusto ko sa kahat na gawing negosyo?
Sabi ko nga, kapag bigyan ako nang chance na manalo sa Lotto; ang unang-una na bibilhin ko ay mga apartment na for sale.  Maari rin na vacant lot at aking patatayuan ng up and down na apartment.  Kapag malaki ang napanalunan eh puwede na rin ang townhouse unit hehe.  

Libre naman ang mangarap kaya, huwag mahiyang mangarap at magkaroon nang malaking ambisyon sa buhay.  Malay mo, malakas ka pala kay God at ipagkaloob sa iyo ang iyong gusto.  Pero, tandaan natin lagi na si God lamang ang nagbibigay nang guide sa atin; siya ang ating takbuhan kapag down na down tayo ( totoo 'di ba?...lalapit lamang ang karamihan sa atin kapag may kailangan)

Tayo pa rin ang dapat kumilos.  Tayo pa rin ang kailangang magtiis at magpakahirap  para sa katuparan ng ating mga pangarap sa buhay.  Kung maghihintay lamang tayo sa swerte na tinatawag at nakatambay lamang tayo sa loob ng ating bahay, siempre lilipas ang mga araw na walang mangyayari.  Hindi naman kasi isinasaboy ang swerte kundi kusa natin hinahanap at kailangang i-descover.

Paano nga ba magkaroon ng ganitong hanapbuhay ang isang ordinaryong mamayan o isang OFW?
Simple lamang at praktikal na pamamaraa at pagpaplano ang gagawin, tulad nang mga sumusunod:

1. Kung malaki ang iyong bahay at sobrang maluwag para sa inyong pamilya, magdagdag ng isang room kung saan maari mo itong paupahan o gawing boarding house.  Sa probinsya ay uso na rin ang for rent na room o bahay.  Lalo na kung malapit ka sa school o university.  Ang uupa sa iyo ay mga teachers at estudyante na malayo ang tinitirhan.  Isang relative ko, ganun ang ginagawa sa isang baryo, tumatanggap
siya kada buwan ng renta. Depende ito sa kung gaano kalaki o ano ang itsura ng iyong pinauupahan.

2  Kung mayroon ka din isang bakanteng lote at uso sa inyo ang mga paupahan, maari mo itong patayuan nang isang box type na bahay.  Parang row house o duplex na simple lamang.  Kung member kayo ng HDMF o Pag-ibig, maari kayong mag-apply ng House Construction.  Collateral mo ang land title na iyong lote.  Ang mode of payment ay depende sa iyo kung ano ang iyong pipiliin na magaan para sa iyo.
Mayroon akong isang kaibigan sa Las Pinas at may bakante pa siyang lote sa harap ng bahay nila. Sa halagang 500K 2years ago, nakapagpatayo siya ng 4door box type na bahay.  Ang 4door na iyon ay pinarentahan niya ng P 3,500/mo.  Mayroon siyang income na P14k/mo. Within 3 years bawi na niya ang lahat ng ginastos niya.  May bahay na siya at nag-generate pa ito ng income.

Tulad ko, mayroon akong inuupahan na apartment 2 bedrooms up and down. Nakatira dito ang aking mga tauhan sa canteen,  Ang isang room ay pinaupahan ko ng P4200.00 at ang isa naman ay may 4 na boarder at 1500/head.  Ang 4 ko na 5 tauhan ko ay panggabi at pang araw ang ilan sa kanila.  Naisip ko sayang naman na malaki ang house at sila lamang ang nakatira. Sa ground floor kusina at sala nilagyan ko ng double deck at doon natutulog ang aking mga tauhan.  Working lahat ang aking mga boarders kaya sa gabi lamang mayroon tao ang bahay.  P8k ang rent ko at ang electric at water ay nasa 2k lamang, kaya kunti na lamang abuno ko.  Hindi ko na kailangang kunin sa aking sariling bulsa o sa aking canteen ang pangrent sa house na iyon.

Dahil sa ideya ko na ganun, sa-save ko na ang pera na dapat ay pambayad sa rent.

Kailangan lang natin maging wise sa lahat nang ginagawa natin disisyon sa ating buhay.  Huwag natin iasa ang ating sariling pag-unlad sa iba.  Huwag rin nating isisi sa iba ang kahirapan na mayroon tayo o pinagdaraanan natin.  Tayo ang mayhawak sa ating sarili, tayo ang masusunod at nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa atin.  Kailangan lamang natin maging positibo lagi sa buhay at huwag hayaan ang mga negative na mamayani sa ating sarili.

Iba ang saya at kaligayahan kapag tayo ay umuunlad dahil sa ating sariling pagsisikap at pagbabanat ng buto.

Oct 21, 2012

“Sana Nga! Para For Good Na Ako Sa Pinas, Mare” (Dream ng Bawat OFW at Pamilya Nito) Part 6-Mobile Store

(google/rolling store)
Here I am again...

Kamusta na sa lahat ng aking mga follower, na may mga balak pasukin ang negosyo pag-uwi.  Mga negosyong gusto umpisahan at ipa-manage sa pamilyang naiwan.

Tulad nang promise ko, bibigyan ko kayo nand idea.  Mga Idea na maari ninyong i-apply o kung saan kayo maaring makakuha nang mga ilang tips na mula sa akin.

Part 6 na po tayo at ang gusto kong ibahagi sa inyo ay ang MOBILE Store.  Maari din itong tawagin na Rolling Store.  Pero, mas sosyal kapag Mobile Store (parang celphone ang dating di ba?..hehehe)

Itong Mobile Store ay applicable sa mga probinsya at sa mga subdivision dito sa kamaynilaan. Pati na rin sa mga karatig na mga lugar ng kamaynilaan.

Unang-una kailangan mayroon kang sasakyan na Multicab na 2nd hand in good condition worth 150-180k o L300 FB, 2nd hand lang din halos magkalapit lang ang price nila.  Kung mayroon kang Van maari din itong gamitin. Mas madali na para sa iyo ang mag-umpisa na pasukin ang negosyong ito; kailangan mo na lamang ang puhunan para sa ilalagay mo sa Mobile Store.

Nakikita ko sa ilang subdivision sa Cavite ang may ganitong style ng "Sari-Sari Store".  Kinakausap nila ang homeowners assn. para payagan sila na pumasok sa loob ng bawat subdivision.  Kapag nasanay na ang mga suki at alam na nila kung anong oras dumadating ang Mobile Store, mga nakaabang na ang mga ito sa pintuan.  Minsan naman ang isang Mobile Store ay nasa isang lugar lamang kung saan pinayagan ng homeowners o guard na siya ay pumuwesto araw-araw.

Ang maari mong ilagay sa iyong MObile Store ay mga basic needs.  Mga pang araw-araw na kunsumo, hindi lamang mga groceries; isama mo na ang bigas, karne, cold cuts, isda at gulay.  Kaya kailangan ay Multicab or L300 para sa 2 cooler. Isang pang isda o seafoods at isang para sa mga karne at cold cuts.  

Maari din itong gawin dito sa Maynila sa loob ng mga subdivision. Mayroon akong kilala na dito halos umasenso. Ang una nilang sasakyan ay Owner Type Jeep. Mayroon mga styro lamang na puno ng yelo at ang mga tinda nila ay mga sugpo, hipon, pusit at may kasamang karne. 3x lamang nila itong gawin sa loob ng isang linggo. Namamakyaw sila sa Malabon. Ang natitirang araw ay iba naman ang dinadala nila or itinitinda nila, bigas at gulay na mula sa Divisoria.  Nakapagpatapos sila ng 4 na anak, 2 Engr's, 1 nurse at 1 Doctora.

Sa Probinsiya naman, ang target ay ang mga baranggay na malalayo sa bayan. Wholesaler naman ang iyong papel at ikaw ang magdadala sa mga tindahang maliliit ng mga paninda na ilalagay din nila sa kanilang mga sari-sari store.  By schedule din ang mga lugar na iyong pupuntahan, para alam na nila kung kailan ka darating.  Maari kang magbigay ng terms of payment sa kanila, puwedeng weekly lamang at may limit

Sa negosyo, hindi kailangan na mag-umpisa ka sa malaking puhunan.  Hindi mo maaring ubusin o ilagay lahat sa iyong negosyo ang iyong naiipon.  Tandaan na nasa expirement level ka pa lamang, kumbaga parang nangangapa ka pa dito. Kailangan lamang ang lakas ng loob at huwag patatalo sa hina ng loob.  Lahat ng negosyo ay hindi kumikita kaagad. Kailangan mong magbilang ng ilang buwan bago mo ito maramdaman.

Tulad ng lagi kong sinasabi, sa negosyo kailangan ang control.  Hindi maaring gumastos ka nang lampas sa kinikita ng iyong negosyo.  Maglaan ng tamang halaga bilang iyong sweldo.  Ituring na ikaw ay isang trabahador din na kailangang tumanggap ng kabayaran sa iyong serbisyo.  Tulad ko, sa aking canteen mayroon akong sweldo na P200 araw-araw.  Sa aking maliit na kumpanya tumatanggap din ako ng sweldo at doon ko kinukuha lahat ng aming pangangailangan pati na rin ang pang tuition ng aming mga anak.

Kung ikaw ay may mga katuwang na kapamilya sa iyong negosyo, laanan rin sila ng suweldo; kung paanong pasusuwelduhin mo rin kung sino man ang tauhan na iyong kukunin.  Makatitiyak ka na may sigla ang paggawa kung may karampatang balik, di ba?

Lakipan ng smiles at positibong pag-uugali ang papasuking negosyo.  Goodluck!

Minsan May Isang Ama At Mga Kuya….

(Photo credit:jagran.com/another minor raped)
“Itayyyyy…..huhuhuhu, parang-awa mo na po.  Itay….tama na po”

Ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Lisa sa kaniyang ama.
Si Lisa ang panganay sa tatlong magkakapatid na babae.  Lima silang magkakapatid; dalawa ang lalaki na mas nakatatanda sa kanila.  Ulila sa ina at lumaki sila sa poder ng kanilang ama at mga kuya.

Isang lihim na hindi sinasadyang nalaman ko.  Sa murang isipan ko, alam ko na mali ang mga nangyayari sa kapaligiran na nakikita ko.  Natakot ako sa aking nasaksihan; hindi sinasadyang napasilip ako sa butas ng dingding ng kanilang bahay, at dahil sa impit na pag-iyak na narinig ko.
Isang eksena na alam ko ay ginagawa lamang ng mag-asawa.  Alam ko at kitang-kita ko kung sino ang dalawang tao na nasa ganoong kalagayan; si Ona at ang kaniyang ama ang kitang-kita ko na nasa papag, hubo’t hubad sa katanghaliang tapat. Impit ang mga iyak ni Ona.  Si Ona ay siyam na taon gulang lamang.  Tumakbo ako papalayo na takot na takot. Tikom ang aking bibig at wala akong pinagsabihan sa mga nakita ko. Sobra akong natatakot, kaya hindi rin ako nagkalakas ng loob na magsumbong sa mga magulang ko.
Dahil likas akong gala noon; kapag nagsawa akong manguha ng mga sea shell, buko o bayabas naman ang mga kinukuha ko sa kasukalan.  Habang nangunguha ako ng mga bunga ay mayroon akong naririnig na parang nag-uusap.

“Kuya, tama na po!”  Pamilyar ang tinig niya sa akin.

 “Parang awa mo na, Kuya,” ang boses na naririnig ko; nagmumula ito sa may likod ng natumbang puno ng niyog. Isang puno ng niyog na noong natumba ay nakagawa ng isang medyo may kalaliman na uka sa lupa  noong may malakas na bagyo  Umakyat ako sa puno ng niyog nang  walang kaingay-ingay.  Kitang-kita ko kung ano ang kahayupang ginagawa ng kuya ni Lisa sa kanya. Ang isang kapatid naman ay nasa isang tabi lamang, nakatingin at umiiyak habang hawak ang hinubad na damit.  Halinhinan nitong ginawan ng kasamaan ang dalawang magkapatid.  Kung hindi sa loob ng kanilang bahay, nangyayari ito sa kasukalan; kung saan inaaya nito ang mga kapatid para manguha ng kahoy.   Mabilis akong bumaba sa puno at dahan-dahang lumayo sa lugar na iyon.  Umiiyak ako sa takot.  Naiisip ko rin ang katabing itak na sobrang kintab sa paghasa.

Pansamantala lamang kaming tumira sa lugar na iyon noon.  At bihira lamang ako pumunta  dahil nag-aaral ako noon at nakatira ako minsan sa aking lola.  Sa paminsan-minsan kong pagbisita sa lugar na iyon, hindi lamang iilang beses na naging saksi ako sa mga kahayupang pinaggagawa ng mag-ama sa kaawa-awang magkapatid na babae.  Oo, mistula silang mga hayop na mag-ama.  Ama, na dapat ay nagmamahal sa kaniyang mga anak na babae bilang isang mabuting ama.  Mga kuya na dapat ay nagsisilbing tagapagtanggol ng kanilang mga kapatid na babae…..pero ito sila, mistulang mga hayop.
Mga mababangis na hayop na kinakain ang sarili nilang dugo at laman.  Takot at awa ang aking naramdaman nang mga panahong iyon.  Pero sobra akong natatakot sa murang edad ko na iyon; wala akong sapat na lakas at kaisipan kung ano ang aking gagawin sa mga tagpong nakikita ko.

Normal naman sila kung kumilos sa sa harap ng mga tao. Walang bakas ng kamunduhan at kasamaan na nangyayari sa kanilang pamilya.  Ang magkakapatid na babae ay hindi mo kakitaan ng kakaibang kilos.  Siguro, pinipilit rin nilang maging natural at normal sa harap ng  mga tao sa labas ng pamamahay nila.
Lumipas ang ilang taon at nagdalaga na nang tuluyan at nagkanya-kanya nang buhay ang mga magkakapatid.  Nakakausap ko pa nga noon  ang dalawa sa magkapatid.  Naging maganda ang buhay ng ilan sa kanila at nakapag-asawa rin lahat.  Ang kanilang ama ay maaga noong nagbayad ng kahayupang ginawa sa kanila.  Isang malagim at masakit na kamatayan ang naging kabayaran.  Diyos na ang humusga sa kaniya, sa pamamagitan ng isang napakasakit na aksidente. Ang isang kapatid naman na lalaki ay nasangkot sa isang krimen at habangbuhay itong nakulong.  Pero para sa akin, kulang pa iyon na kabayaran sa lahat ng kahayupang kanilang ginawa.
Ang isa namang kapatid na lalaki ay wala na rin akong balita.  Hindi ko alam kung paano ito nagbabayad ngayon. OO…tama ka,  silang magkakapatid at mag-ama ang halinhinang nagpasasa sa murang katawan ng kanilang sariling dugo at laman.  Minsan pa nga, nasaksihan ko kung paano nila halayin nang sabay-sabay ang magkakapatid.  Habang ang isang kapatid ay umiiyak sa isang tabi.  Hindi ko maiwasang isipin na tuwing pagkagat ng dilim, ganuon ang eksena na nasa isip ko. Ang kahayupan na nangyayari sa loob ng pamamahay na iyon.  Piping saksi ang maliit na butas ng kanilang bahay. Nangyayari iyon tuwing alam na umaalis ang aking ama at ina para pumunta sa laot at mangingisda.  Labinglimang dipa lamang ang layo ng bahay nila sa aming bahay kubo.

Noong nandito na ako sa Maynila, dito ko nababasa sa diyaryo o minsan napapanood sa TV ang mga katulad ng kasong ganuon sa nakita ko.  At sa isip ko habang may nakikita ako at nababasa na ganoon, hindi maaring hindi ko maalala ang magkakapatid na iyon.

Oo, hindi ko nagawa ang ipagtanggol sila.  Hindi ako masisi dahil bata pa ako noon at takot ang umiiral sa akin.  Para sa akin, isang pangyayari iyon na Diyos lamang ang nakakaalam; SIYA lamang mas higit na may karapatang magbigay nang kaparusahan sa mag-ama.  Iniingatan ko na madamay ang aking pamilya sa maaring mangyari. Ipinagdasal ko na lamang ang kapanatagan nang loob ng magkakapatid na babae noon.  Ganoon man ang sinapit nilang magkakapatid,  tinahak pa rin nila ang mabuting landas.  Naging maayos ang kanilang buhay may pamilya ang kahuli-hulihang nabalitaan ko.

Kung maibabalik ko lamang ang panahon na iyon ngayon.  Hindi ako mag-aatubili na tulungan ang magkakapatid. Nabigyan sana ng tamang hustisya ang nangyari sa kanila.  Alam ko sa panahon ngayon, mayroon pang nangyayari na ganito.  Umiiral lamang ang takot sa mga panakot na ibinibigay ng mga walang puso. Napakarami na ngayon ang maaaring lapitan para hingian ng tulong.  Mayroon na ngayong makapagtatanggol sa kamay ng mga demonyo.   Mga batang kaawa-awa na biktima ng makamundong pagnanasa.  Gawain ng mga taong nabubuhay sa kadiliman at hindi na nakikilala ang Diyos.

Paalala:
Ito ay true story na ibinahagi naman ng isa kong kaibigan na ipinatago ang tunay na pangalan.  Isang kuwento na kaniyang nasaksihan at ibinahagi sa akin noon.  Ang mga pangalan ng mga tauhan ay sadyang pinalitan.  Kung may pagkakatulad man sa kuwento, mga pangyayari at mga pangalan na nabanggit, ito ay nagkataon lamang at  hindi sinasadya.

Sep 26, 2012

Ang Nalalapit Na Pagtatapos Ng Isang LDR Relationship

(wikipedia/saudiaairline)
Napatingin ako sa kalendaryo, 5 buwan na lang pala at mawawala na ang titulo na LDR sa buhay ko at buhay ng mahal ko.

Ang hirap maghintay.  Minsan, parang ayaw ko nang tignan ang kalendaryo; at madalas talagang umiiwas na akong tumingin at magbilang sa bawat pahina at numero nito.  Isa sa pinakamahirap sa buhay nang LDR ay iyong ikaw ang naiwan; Iba ang pakiramdam kumpara sa ikaw ang umalis. Alam ko ang pakiramdam na ganito dahil parihong naranasan ko ito.

Ilang taon na pagtitiis. Ilang taon na nangangarap na sana balang araw magkakasama din kami.  Ang tanging nag-uugnay ay ang internet at celphone.  Hindi ko pinangarap ang magkaroon ng ganitong relasyon.  Mula pagkabata, pinangarap ko na ang isang buo at masayang pamilya.  Salat man sa ibang bagay, ngunit masayang magkasalo sa hapag kainan.  Masayang pinagsasaluhan ang mga nakahaing nakayanan. Ano ang silbi ng mga masasarap na pagkain sa aking harapan, kung ang ang aking mahal ang nasa isip ko; kung kumain na ba at kung ano na ang kinain niya sa oras na iyon.  Ano ang silbi nang mga material na bagay kung alam mo na nag-iisip ka kung ano ba ang kanyang ginagawa sa oras na ito.

Sobra kong nami-miss ang mga araw na tayo ay magkasama, hinahanap-hanap ko ang ating mga tampuhan at pagbabati na tinatapos nang isang simpleng yakap at halik. Nami-miss ko ang mga tawanan natin, kulitan, harutan at walang katapusang mga kwentuhan habang nakahiga na.  Sobra ko rin nami-miss iyong pagtulog natin na magkahawak kamay at magkayakap, na iyong mukha ko ay nasa ilalim ng iyong kili-kili. Habang ang isa sa atin ay naghihilik dahil sa sobrang pagod. Hinahanap-hanap ko iyong nakikitang halos nag-aagawan at hindi na makatayo sa lamesa dahil sa sobrang kabusugan.  Hinahanap-hanap ko iyong madalas ay sinasamahan mo ako sa kung saan man ako pumunta.  Hinahanap-hanap ko rin ang minsang naasar ako sa tuwina’y nalalasing ka. At mas lalong na-miss ko ang minsan mong mga paglalambing.  Miss ko rin na iyong nililigpit ang aking mga paperworks para senyal na tumayo na ako at kayo naman ang aking bibigyan ng oras at panahon.

Siguro nga napakapalad ko sa panahong ito.  At sa 5 buwan na nalalabi excited na ako sa iyong pagdating.  Alam ko, pagkatapos ng 5 buwan na iyon mula ngayon; iyon na ang huling pag-apak ko sa airport para sunduin kita.  Dahil alam ko, ito na rin ang huli na ikaw ay hindi na lilisang muli para kami ay iyong iiwan.
Sa mga panahong, sobrang maraming pagsubok tayong pinagdaanan,  Sa mga panahong maraming sumubok sa tibay nang ating relasyon.  Sa mga panahong muntik na tayong bumitaw sa isa’t-isa; sa mga panahong kapwa tayo nagkulang nang panahon sa bawat isa.  At sa mga panahong puno nang galit ang ating mga puso dahil sa mga mabibigat na pagsubok na ibinigay sa atin. Nagpapasalamat ako na lahat nang ito ay ating nalampasan. Thankful ako dahil mayroon tayong open communication sa isa’t-isa. Nasasabi natin ang bawat saloobin natin, ang bawat kinikimkim na mga damdamin na naging daan upang malampasan natin ang lahat nang mga pagsubok.

Sa iyong pagbabalik at hindi na muling paglisan, alam ko na marami pa rin tayong pagsubok na pagdadaanan.  Alam ko na malalampasan natin ito nang magkasama.  Hawak kamay nating haharapin ang lahat nang hamon sa bawat relasyon.  Alam ko na sa bawat hindi natin pagkaintindihan mas madali para sa atin na ito ay ayusin.  At muli sa iyong pagbabalik alam ko, muling manunumbalik ang minsan ay naging malamig na mga panahong alam ko pinagdadaanan ng bawat may relasyong LDR.  Dahil alam ko sobra-sobra lang natin nami-miss ang bawat  isa.

Panibagong buhay sa mundo na hindi mo nakasanayan, ngunit sisiguraduhin ko sa iyo na ito ay iyong hindi pagsisisihan.  Dahil alam ko ito ang pangarap ng bawat OFW ang makasama at manatili sa bansa kung saan kasama niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.
Wala na ang mga pasko at bagong taon na malamig at  malungkot.  Magkasama na nating ma-i-celebrate ang ating mga birthdays.  Higit sa lahat magkakasama na tayong magsisimba tuwing araw nang linggo at magkakasama na rin tayong a-attend sa school activities ng ating mga anak.

And the countdown begins from now..............See you soon…..Dadi!

Sep 21, 2012

Kapamilya Ng Isang OFW, Paano Mo Sisinupin Ang Pera Na Nagmula Sa Dugo At Pawis Nila at Natin?

Portrait of happy family holding piggy bank outside their house  (Photo Credit: (123rf )
Isang request ng aking masugid na tagasubaybay sa mga blogs, mga tips para sa ikauunlad bilang isang mamamayang Pilipino.
Message galing sa aking inbox page na Dhors:
“Madam, salamat sa mga sinusulat mo po na mga tips na pampamilya, napakalaking tulong po ito sa akin.  Sana po magbigay ka rin ng mga tips kung paano makaipon ang isang asawa ng OFW.”
 
Hindi ako expert na financial analyst, pero susubukan kong maibahagi ang aking kaalaman sa usapang “ipon”. Isa akong dating single parent, pero naitaguyod ko ang aking anak sa lahat ng bagay. Nakapag-invest ako sa educational plan, kahit 125/day lang ang aking suweldo noon. Madiskarte kasi ako sa buhay, basta marangal na trabaho o sideline ay ginagawa ko.

Ngayon ay isang partner sa buhay ng isang OFW na malapit nang mag-stay for good dito sa Pilipinas.  At dahil ito sa aking matalinong pagsisinop ng bawat salapi na dumaraan sa aking mga kamay, kasama na ang tamang pagpaplano at paglalagay sa mga dapat paglagyan ng ipinadadala sa akin ng aking partner in life.
Hindi ako kuripot, gumagastos din ako, pero lahat ay sa mga makabuluhang bagay ko lamang inilalagak ang kung anong mayroon kami. Lahat ng natutunan ko noong bata pa ako ukol sa kung paano pahalagahan ang bawat pera na hawak ko ay nadala ko hanggang ako ay nagkaroon ng trabaho.

Malaking hamon para sa akin ang magpatakbo noon ng isang kumpanya na hindi nakikialam ang mga may ari.  Kailangang maging maingat ako sa lahat lalo na sa financial status ng isang kumpanya.  Sa katunayan dahil sa maayos ko itong napatakbo sa loob ng 16years, napagdisisyonan nilang magpamilya na itoy ay tuluyan nang ipamana sa akin.  Ayon sa kanila, may tiwala sila na magiging maayos ang lahat kahit wala na sila.  Patunay ang mga taon na lumipas na lahat ng gusot na pinagdaanan ng isang kumpanya ay nalusutan ko na. Sa awa ng Dios nababayaran ko din sila nang paunti-unti umpisa nang ibinigay o ibinenta nila sa akin ito.  Salamat at na i-apply ko ang lahat ng aking natutuhan sa tamang pag-babudget sa bahay noon.
Paano nga ba sisinupin ang bawat sentimo na ating hinahawakan?  Ang bawat sentimo na mula sa ating dugo at pawis?  At paano natin pangalalagaan ang bawat remittances na natatanggap natin sa ating asawa, kapatid o anak na nagtatrabaho sa abroad?

Savings Account           – Mag-open ng joint savings account sa bangko kapag kayo ay mag-asawa.  Kung ikaw naman ay single, bago umalis ng bansa ay mag-open din ng account na puwede kang magdeposit kahit nasa abroad ka. I-check lamang ito sa mga bangko kung anong account ang nababagay para sa inyo.  Kung aalis man kayo na wala pa kayong pang-initial deposit, ipakita lamang sa banko ang inyong contract para mabigyan kayo ng mga documents na kailangan ninyong pirmahan at inform  lamang ninyo ang banko na ito ay i-open ninyo lamang kapag mayroon na kayong remittance after ninyong makaalis at makatanggap na ng sahod.   Mag-iwan lamang ng authorization sa inyong kapatid o magulang na mapagkakatiwalaan ninyo.
Huwag ninyong isipin na mayroon kayong savings para pag-uwi ng inyong kapamilya na OFW, ito ang pasalubong ninyo sa kanya ,isang PASSBOOK.  Maglaan kahit 10-20% na savings sa bawat remittances na natatanggap

Para sa mga binata, dalaga o may asawa na, ito ang pinaka importante sa lahat, kailangan ninyong magtabi ng pera para sa sarili ninyo. Para din ito sa inyo pagdating ng araw.

Budget – Bago pa man umalis si mr, mrs, kuya o si ate, napagkakasya ninyo kung ano lamang ang kayang abutin ng inyong pera.  Huwag maging instant millionaire (marami akong alam katulad nito).  Kung mahal ninyo ang inyong kapamilya na OFW at kung marami kayong pangarap sa buhay, gumastos lamang ng tama sa pangangailanan.  Unahin ang mga basic needs, tuition at mga pangangailangan sa school ng mga anak.  Iwasan ang pumasok lagi sa mga supermarket at malls. Kung hindi man maiwasan, kailangang nakalista lahat ang kailangang bibilhin.  Kapag nasa loob na, maraming tukso na mga produktong nagiging dahilan upang ikaw ay mawala sa budget na nakalaan kada buwan.  Huwag sanayin ang mga anak na pera ang baon.  Isang matipid at healthy na pagkain ang pinaka-best sa mga estudyante, ang mismong galing sa inyong kusina.  Magbigay ng sapat na allowance para sa kanila, turuan silang magbudget na kapag naubos nila kaagad, hindi na puwedeng manghingi nang dagdag.

Ugaliing maglista ng mga buwanang gastusin.  Pag-aralan lahat ito at kung paano i-minimize ang bawat gastusin.  Matutong mamaluktot.  Kapag pareho kayong may trabaho o kumikitang mag-asawa, puwede kayong maglaan ng isang fund kung saan equal sharing of responsibilities ang inyong gagawin. Maaari din kayong magkaroon ng individual savings, aside sa inyong joint savings. Nasa pag-uusap ninyo nakasalalay ang lahat .  Pero si Misis ang malaki ang ginagampanan sa kung paano niya sisinopin ang lahat ng perang dumaraan sa kanyang mga kamay.

Investment – Ito ang karaniwang kasunod na pangarap ng bawat pamilya, bukod sa mapagtapos ang kanilang mga anak sa kolehiyo.  Mag-invest sa isang bagay na maaari kayong kumita o ito ay puwedeng pagkakitaan at makatutulong sa inyo. Makadadagdag pang savings.  Kung nagre-rent ng apartment o bahay, bakit hindi na lamang kumuha ng mga bahay na rent to own o iyong mayroong regular amortization na ang downpayment ay maliit lamang.  Kumuha lamang ng pasok sa inyong budget, para hindi mahirapan magbayad kapag mayroong emergency na pinagkagastusan.  Ang importante mayroon kayong sariling bahay na matutulugan. Iyong hindi kayo mapapaalis kapag hindi na kayo nakababayad.  Iwasang mag-invest sa mga material na bagay na hindi naman kailangan.  Gawin lamang ito kung talagang mayroong sobra sa budget.  Isama na ninyo ang pag-invest sa SSS kung saan makatatanggap kayo ng pension kapag nasa edad na kayo na 60 years old.  Pambili din ito ng bigas at ulam kapag ang inyong anak ay na-delay sa pagbigay sa inyo ng inyong allowance kada buwan.

Bayanihan o Tulungan – Noong kayo ay ikinasal (kayo lang kasi ako hindi pa ikinakasal, balak pa lang po hehe) “Sa hirap at ginhawa, kayo ay magtutulungan”, ang minsang narinig ko na sinabi ng pari nang um-attend ako sa kasal ng aking kapatid.
Oo, sa panahon ngayon, hindi maaaring umasa na lamang sa padala ng ating mga kapamilya na OFW.  Maraming puwedeng gawin ang isang plain housewife, subukang mag-isip ng mga bagay na kung saan ay puwedeng maging hanapbuhay.  Walang imposible sa bawat pangarap sa buhay kapag ito ay pinagtutulungan.  Iwasan na pag-awayan ang pera; ito kasi ang madalas na sanhi ng mga hindi pagkakaunawaan ng mga mag-asawa.
Aminin man natin o hindi, kapag maraming gastusin at kulang sa budget, hindi maiwasang nag-iinit ang ating mga ulo. Pero sa halip na awayin si mister dahil bakit iyon lamang ang kaniyang kita, kulang na kulang pa; bakit hindi mag-isip ng mga bagay na tulad ng mga sinabi ko.
TANDAAN WALANG UMAASENSO NANG SHORTCUT. Lahat ng mga taong umaasenso ay dumaan sa sobrang hirap at sakripisyo.  Walang madaling trabaho, dahil kahit ang matulog maghapon sa bahay at makipagtsismisan sa kapitbahay ay nakapapagod din.  Huwag sayangin ang mga oras habang naghihintay sa padala galing abroad.

Bawal Ang Utang – tiyak kapag ito ang nakapaskel sa pinto ninyo, tataas kaagad ang kilay ng mga makabasa nito.  Kapag alam na OFW ang inyong kapamilya ang tingin nila kayo ay mayaman, maraming dollar, riyal, dirham at kung anu-ano pang amoy istetsayd na pera.  Isa-dalawa-tatlo, tatlong beses na pinahiram at hindi marunong magbayad, nakalimutan na at muling lalapit dahil mayroong emergency. Medyo kailangang magbigay ka na ng mga dahilan.  Hindi masama ang magdamot, pero kung ito ay kalabisan na, tama na dahil hindi ninyo pinupulot ang pera na inyong ipinapahiram.  Kung marunong magbayad ay okey lang ito.  Magkaroon ng limit sa pagtulong sa pamilya.  Hindi masama ang tumulong sa pamilya lalo na at nangangailangan ito at kayo ay medyo nakaluluwag sa buhay.
Pero tandaan ninyo, na huwag na huwag kayong maging dahilan upang sila ay turuang maging tamad at palaasa sa inyo o sa bigay ninyo.  Minsan kailangan nating tiisin ang ating damdamin para sila ay matuto sa buhay.

Bakasyon grande – Siyempre isang OFW, sana iwasan natin ang mala-fiesta na inuman, iyong halos gabi-gabi eh bumabaha ng alak.  Okey na iyong isang beses, the rest kahit kayo na lang ng mga kapatid mo o ayain mo ang iyong asawa. Kayo ang mag-one on one sa harap ng tanduay ice  with matching soundtrip pa at namnamin ang bawat segundo na kayo ay hindi nagkasama.
Alalahanin, nagbakasyon kayo para sa inyong pamilya at hindi para sa inyong mga kaibigan.  Gumastos man ng pera, para sa bakasyon grande ng inyong buong pamilya. Walang kasing saya ang makasama nang buo ang pamilya kumpara sa mga kainuman na kapag wala ka nang maipainom, hindi ka na papansinin at lilibakin ka pa.  Dahil bago ka umalis nagkautang ka pa sa isa sa kanila.  Naubos na kasi ang iyong naiipon.

Umiwas sa mga tukso – mga tuksong puwedeng pagsimulan ng kagipitan at pagkasira ng pamilya.  Sugal, pambababae, panlalalaki, inom, pagkabaon sa utang dahil sa load o gadgets at at sa lahat ng nabanggit kasama na rin ang  pagkahilig sa mga gimik.
Nais ko lamang ipaalala, lumisan kayo ng bansa upang maisakatuparan ang lahat ng pangarap ninyo sa inyong pamilya. Hindi kayo nagdesisyon na paalisin at payagan ang inyong mga asawa na magtrabaho nang malayo sa inyo para sa mga bagay na puwedeng magdulot sa inyo ng kabiguan at pagkawasak ng isang masayang pamilya na punong-puno ng mga pangarap sa buhay.  Vice versa po lamang iyan, para sa naiwan na mga asawa dito,   lalo na ang mga kababaihan, sikapin rin  na umiwas sa lahat nang mga tukso.
Ito po ay hindi lamang para sa mga babaeng asawa na naiwan dito sa Pilipinas, pasok din po kayong mga kalalakihan na iniwan ng inyong mga asawa para magtrabaho sa ibayong dagat upang kayo ay matulungan na tuparin ang bawat pangarap na binuno ninyo bilang isang mag-asawa.

Para Happy Face si Mommy….

(Photo Credit:  Fotosearch)
Isa akong multi-tasking mommy.  Sa panahon kasi ngayon na mahirap ang buhay ay kailangang double time.
Pero, sa kabila ng sobrang kabisihan, kailangan pa din nating maglaan ng oras sa ating pamilya; sa mga anak na kailangan ng ating gabay, habang lumalaki ang mga ito.

Single mommy ako sa eldest ko noon, ibig sabihin, busy ako noon sa paghahanapbuhay. Aaminin ko na, talagang kulang ako sa oras noon sa kanya.  Hindi ko natutukan ang kanyang pag-aaral. Madalas, ginagabi na ako ng uwi; kailangan kong magpart-time ng iba’t-ibang work, o ‘di kaya ay overtime sa trabaho (over tawad, free lang hehehe)

Wala na siyang yaya noong four years old na siya, pakisuyo na lang sa kapitbahay.  Ang pagkain ay iniiwan ko na lamang ito sa lamesa; alam na niya kung ano ang kanyang gagawin.  Pag-uwi ko, malinis pa ang aming bahay. Ang hindi ko makalimutan, noong napanis ang kanin.  Nagawa niyang magsaing sa rice cooker, sa edad na five years old lamang.

Hindi ko na nga matandaan, kung kailan natuto ang eldest kong magbasa at magsulat.  Basta ang alam ko, sinisikap ko siyang makapasok araw-araw. Tinitingnan ko rin naman pag uwi ko ng bahay, ang kanyang bag at mga assignment. Tinitingnan ko, kung tama ba ang kanyang mga sagot, o ginawang assignment. Madaling-araw ko na lamang siya ginigising, at sabay naming aayusin ang mga mali sa kanyang ginawa.  Ganun din kapag malapit na ang exam.  Pero, di pa rin iyon sapat, alam ko kulang pa rin ako sa panahon para sa anak ko.  Kahit Sunday kasi, kailangan kong mag-round sa aming outlet sa mga malls.
Pero, kahit ganun, lumaki ang aking anak na maayos at mabait; nakatapos ng high school, at ngayon ay nasa college na, taking up HRM course.

Nagkaroon ako ulit ng anak after 11y ears. Six years old na siya ngayon.  Busy pa rin ako bilang isang ina, hanggang 4 years old lamang siya na mayroong yaya.  Kasa-kasama ko siya sa office, tulad din ng aking eldest.  Smart si bunso ko (si eldest kasi eh, Globe hhehe). Hyper at maraming tanong. Bibo daw, ayon sa mga teachers. Small but terrible kung kanilang tawagin ito.  Nakakatuwa, dahil matured kung mag-isip. Aware sa paligid at laging mayroong sagot sa mga tanong mo. Sarap lang batukan kapag nangangatwiran J
Unang perform niya noong kinder, day care lang siya noon, wala pa kasing budget para sa private school.  Noong time na nila para umakyat ng stage, ang bilis ng isang batang naka barong, diretso sa gitna, naka smile pa.  Napaiyak ako kasi ang galing-galing niya! Ang mga teachers naririnig ko, tuwang-tuwa at hindi lamang daw magaling kyut pa!.  Siempre, lumaki ang tenga ni mommy hehehe.  Palakpak ang naririnig, ko maya-maya natapos na ang palabas nila.  Pagbaba niya nang stage, yumakap sa akin, sabay sabing “mama agaling po ba ako”,  sabi ko na naiiyak na “oo naman” sabay yakap din.

Nakakuha siya ng ilang medals, tuwang-tuwa siya; ipinatago niya ito, para daw pagdating ni papa niya galing Saudi, ay ipakikita niya ang mga ito.  Nalipat siya sa isang catholic school (kaya ko na kasing magpa-aral sa private that time) Nanlumo siya noong walang makuhang medal o award, hindi nakatulog ng dalawang gabi.  Paulit-ulit niyang sinasabi “mama bakit po sila lang ang tinatawag, bakit po wala akong medal”.  Ramdan ko ang kalungkutan ng anak ko.  Sinabi ko pagbutihin niya sa susunod para magka-award siya.
Kinausap ko rin ang head teacher ng school, na sana hindi lamang 1-5 ang bigyan nila ng award.  Nagbigay ako ng suggestion, na malaking katuwaan na ng mga bata ang mga tokens or appreciations na matanggap.  Tulad nang best in____ or most in____ , part din kasi ng motivation iyon, para lalong magpursige ang mga bata na magsikap mag-aral.  Pati na rin sa mga mommy, kahit mga non-academic award ay sobra na itong ma-appreciate ng mga bata.

Katunayan, last year nakatanggap siya ng dalawang “Best Award”, two nights niya itong itinabi sa pagtulog niya.  Ipina-upload sa Facebook. para makita ng papa daw niya; itinago rin niya ito sa kanyang cabinet hanggang ngayon.  Thankful ako kasi na-consider iyong suggestion ko, for a purpose na ma-motivate lalo ang mga bata na mag-aral.  Tulad nang inaasahan ko, sobrang tuwang-tuwa ang mga bata; tuwing tinatawag ang mga pangalan nila.

Nalipat kami ng opisina at tirahan, maganda ang school na nalipatan ng anak ko. Ito ay isang school na tinatawag nilang “School of  Tomorrow”.  Tama nga ang sinabi ng teacher supervisor, “mommy, dito, kahit hindi ninyo matutukan ang inyong anak, magugulat kayo wala pang half year, marami nang pagbabago kayong makikita sa inyong mga anak, at magugulat kayo na makitang matuto kaagad magbasa”.
 
At happy ako, dahil masayang-masaya ang aking anak nang umuwi at ibinalita na kasama siya sa honor list for 1st qrt. Happy din siya na ibalitang kasama siya sa fieldtrip ulit para sa lahat ng nasa top 10. Ito ay award ng school para lalong ma-motivate ang mga bata.
 
“Mama, happy ka po ba?”,  I replied, “YES!”. 
 
“Para po happy face ka lagi, mama, pagbubutihin ko pa po sa susunod, gusto ko po nasa honor A na.”
 

Paano Ba Magpalaki Ng Isang Mabuting Anak?

Full-blooded Catholic ako, pero nagagawa kong pumasok at makinig sa ibang church.  Malaki ang respeto ko sa bawat religion ng kapwa ko o ng mga kaibigan at mga kakilala ko. Kaya naman tanggap ko ang pagkakaiba ng bawat pananaw ng isang relihiyon.

http://www.inmagine.com/culs109/culs109950-photo
Gustong-gusto ko ang nakikinig sa mga pari, sa homIly at mga sermon nila.  Gustong-gusto ko rin, lahat ang mga words of wisdom na ibinabahagi ng mga Pastor. Dahil para sa akin, iisa lang naman ang ating pinaniniwalaan at itinuturing na Diyos.  Ang mahalaga ay ang mga aral na aking natutunan sa bawat isa sa kanila, at hindi ang usapang  relihiyon.

Kanina, sa school meeting ng aking anak, isa na namang inspirational story, ang nai-share ng Pastor sa aming mga parents.
 “How to raise a good child or children.” After basahin ni Pastor ang isang verse sa Bible, iyan ang itinanong niya sa amin.

Nagbibigay siya ng mga real stories kung saan nai-apply niya sa kanyang sariling pamilya.  Natutuwa ako at gusto ko rin itong i-share sa lahat ng mga parents.  Again, hindi po sangkot ang religion dito, nabanggit ko lamang po ito bilang intro bilang isang patotoo sa mababasa po ninyo.
 Paraan paano magpalaki ng isang mabuting mga anak:
 Give yourself as a GIFT
  • Ito ang hindi magastos na regalo, pero pinaka the BEST sa lahat.  Ang ating sarili mismo ang gawing regalo sa mga anak natin.  Hindi ang mga mamahaling mga gadgets, o ano pa mang mga material na bagay.  Pagmamahal natin at pag-aaruga sa kanila ang pinaka da BEST!
  • Sikapin nating “haplusin, yakapin, kandungin at halikan” ang ating mga anak araw-araw. kahit sila ay malalaki na.  Ito ay tanda nang ating pagmamahal bilang magulang. Umpisahan ito mula pagkasilang. at  hanggang sa lumalaki sila. Para alam nila, ang pagkakaiba ng haplos o caress nang isang pagmamahal na walang “lust”.  Dahil, ang mga batang lumaki na hindi nakaranas ng “caress at pagmamahal”, ay sila ang madalas na nagiging teenage mother or father. Nabubuntis sa maagang edad at nakakabuntis ng wala pa sa tamang edad.
  • Oras o time natin sa ating mga anak.  Kahit busy pa tayo sa ating mga career; gawaing bahay o paghahanapbuhay, sikapin na kamustahin kung ano ang mga ginawa  sa buong maghapon. Sabay offer ng sarili kung kailangan ng tulong.  Time para sa mga school activities, sobrang tuwa na ng mga anak na makita tayong mga parents na present lagi sa mga school activities nila.
  • Importante ang bonding ng buong pamilya. Bonding sa kusina habang nagluluto ng mga paborito natin Bonding habang sabay-sabay na naglilinis nang buong kabahayan, hanggang sa paglalaba o pag-aalaga ng mga pets.  Kasama na ang pamamasyal sa labas at kung ano pang mga activities tulad ng sports.
  • Kailangan nating lawakan ang ating mga sarili, at sikapin na arukin ang bawat mga salitang binibitawan o mga katanungan. Mag-ingat sa ating bawat isasagot
 Isang halimbawa:
 Anak:   Mama, saan po ba ako galing?
 Mama:   Si mama ay niligawan ni papa dahil love niya ito, Love ni mama si papa kaya sila ay nagpakasal.  Dahil love namin ang isat-isa, gumawa kami ng baby, nagtagpo ang aming mga semen at nabuo ka sa loob ng aking tummy.  Nine months bago ka nailabas sa tummy ko!
 Anak:    Ang gulo naman mama…ang dami ko palang pinanggalingan.
 Mama:   Bakit ka naman naguguluhan, eh, sinabi ko naman lahat sa iyo.
 Anak:    Kasi po mama,angsabi ng classmate ko….siya daw po, galing ng ILOCOS!
 Let them  EXPLORE                     
  • Hayaan natin silang maging mapagmasid.  Hayaan natin na sila ay maging matanong, huwag tayong magsawa sa pagsagot sa bawat katanungan nila.
  • Huwag pagagalitan kapag nakita na mayroong sinisira at nakikitang  ginagawan ng paraan kung papaano niya ito maibabalik sa dati.  At kapag hindi nagtagumpay, magpahayag ng suporta.
  • Hayaan natin silang maging responsible sa kanilang bawat ginagawa.  Hayaan natin silang matuto sa kanilang mga pagkakamali.  Pero kailangan nating iparamdam, na nandiyan lamang tayo sa tabi nila, na laging handang sumuporta para sa kanila
  • Turuan ng tamang pag-iipon at pagba-budget.
 Teach them how to PRAISE GOD
  • Mula sa murang edad, kailangang i-expose na natin sila sa ating mga gawaing spiritual.  Tulad sa pagdadasal bago matulog at pagkagising. Pagdarasal bago kumain, at pagdarasal bago lumabas ng bahay.
  • Isama natin sila sa pagsisimba o pagpunta sa church habang bata pa
  • Sanayin natin silang makarinig ng mga aral at kilalanin ang nag-iisang may-likha ng lahat.
  • Turuan natin silang lumaki na mayroong malaking paggalang at takot sa Diyos.  Kapag lumaki na mayroong takot sa Diyos, siguradong malaki ang respeto ng mga anak na ito sa kanilang mga magulang. Magkakaroon ito ng disiplina sa kanilang sarili.  Alam nila kung ano ang mga bagay na mayroong limitasyon.  Mga bagay na mali at tama.
Iyan ang tatlong mahalagang sangkap na kanyang ginawa, kung bakit mayroon siyang mga mabubuting anak.

Aug 19, 2012

“Sana Nga! Para For Good Na Ako Sa Pinas, Mare” (Dream ng Bawat OFW at Pamilya Nito) Part 3-Usapang Negosyo-Balut-Balot na Pagkain

dorcenmmfacebook
OFFICE FOOD DELIVERIES (Balut-Balot na pagkain) iyan ang aking ibabahagi sa inyo ngayon
Homebase lamang ito at hindi kailangang mag renta ng puesto
Natalakay ko na sa mga nakaraang blogs ko, ang pagkakaiba kung "rent" lang o "sarili ang puesto" na pagtatayuan ng negosyo.
 Lahat ng aking tinatalakay ay galing mismo sa aking sariling karanasan
1.Pinasok ko noong 2008 ang food deliveries, sa pamamagitan ng “balut-balot na ulam at kanin” sa mga opisina, kung saan meron akong mga kakilala. Malapit sa bahay at opisina.
2.Gumigising ako ng 3:30am para mamalengke.  5:00am nasa bahay na ako. Meron ako dalawang (2) assistant na nagsasaing sa kalan at rice cooker habang wala pa ako.  At ang isa naman ay kasama ko sa palengke, taga bitbit ng aking pinamili. Ako mismo ang gumagayat ng mga kailangan ko, para sa isasalang ko na tapos ng hugasan at linisn ng isang helper ko. Two burner ang gamit ko para sa 5 putahe.  Rice cooker ang gamit sa pagsaing kapag nag-umpisa na akong magluto
3. Mabilis akong magluto. Inuuna kong lutuin ang isda at gulay isusunod ko ang manok at pang huli ang karne.
4. Tuwing matapos ko lutuin ang isang putahe, binabalot ito sa plastic para hindi matapon ng isang helper at inilalagay sa styro box para hindi lumamig. Kasama na din ang mga kanin na binalot.
5.  Habang nagluluto ako at ang isang helper ay nagbabalot ng kanin, ang isang helper naman pagkatapos niyang linisin ang aking mga lulutuin, ay gumagawa ng listahan ng “menu” para dalhin sa mga opisin. Ito rin ang nagsisilbing order menu slip ng mga empleyado.  Babalikan niya ito ng mga 8:00-9:00am
5. Tapos na akong magluto 7am or 7:30 ng umaga.  Kunting pahinga at nagre-ready naman akong pumasok sa opisina ko.  Ang aking helper na ang bahala sa pag asikaso para sa mga deliveries.
6.  9-10:00am oras ng delivery nila sa mga opisina.  Nakabalot na ito ng individual at mayroon na din itong kasamang styro, kutsara at tinidor at meron na itong mga kanya-kanyang pangalan.  Iniiwan na lamang ito sa pantry nila o sa guard house. Ang iba ay inihahatid sa kanilang office table isa-isa  12:00 tapos na lahat, pati na rin ang mga pahabol na orders
7.  1:00pm babalikan ng mga helpers ko ang mga opisina, kung saan kukunin ang mga bayad nila.  Ang iba every Friday ang bayaran, at ang iba naman ay 15/30 ang bayad.
8.  Sa hapon naman 2:00pm, ay nagde-deliver ng mga merienda, tulad ng pansit, spaghetti, turon, banana cue, ginataang halo-halo.  Depende kung ano ang maluto ng isa kong helper.
 Ang negosyong ganito ay hindi nakakapagod masyado, kumpara sa meron maghapon na carinderia o canteen na nag o operate 12, 18 or 24hrs. Meron kasi dito mahabang oras na pahinga.
 Tips:  para kumita at paano kikita sa packmeal for office employees
 Pork/beef – kailangan makagawa ng 11 o 12 balot/takal
        (kapag hindi umabot sa bilang na iyan nabalik lamang ang inyong puhunan)
 Chicken – kailangan tantyahin ang laki ng hiwa. Kasing laki ng posporo lamang.       O di kaya ay bumili ng kilohan at  timbangin 3hiwa/20.00 ang cost ng meat
       (manok ang walang gaanong tubo o profit)
 Isda – Napakahalaga ang sukat at alamin kung ilang piraso ang isang kilo
          (ex. P85/kilo tilapia kailangan ang isang kilo ay 6 piraso.  Sa isda lamang )
Gulay – Piliin ang kung ano ang murang gulay na napapanahon
Sa mga isda at gulay kadalasan kumikita.
Sa karne cost pa lang ang P18-20.00, wala pa doon ang mga gulay at iba pang sangkap na ihahalo depende sa mga lulutuin mo o kung ano ang menu mo
 Ang iba pang mga gastusin sa negosyong packmeals
             Plastic para pambalot ng ulam
             Plastic bag para pambalot sa bawat order
             Styro, plastic na kutsara at tinidor
             Transportation para sa delivery- Bike lang dahil magkakalapit lamang
Baboy P 30.00 order Chicken/beef 35.00/order Gulay P 20.00/order Isda P 25-30/order (mga pangmasa ang presyo ko, para maubos at walang matira. Kapag may natira lugi na)
Benta o Sales P  4,400.00  (base sa total na pamalengke kasama ang bigas ay 2,500)
Puhunan              2,500.00    at tama ang pagkatakal ng lahat ng ulam at kanin )
                        ------------
Gross Sales       P  1,900.00
Less:                   1,000.00 (electric,water,salaries & other operating expenses  kasama ang aming pagkain sa maghapon
                             ----------
                          P     900.00 net profit
   (Tinalakay ko na rin sa nakaraang blogs ko, kung paano makapag save)
Advantage at disadvantages ng home base balut-balot na pagkain
Advantages:
Hindi pagod, gaano at may kalakihan ang net profit dahil walang renta at 2 lamang ang helper.  Kasama din pala ako sa may sweldo bilang taga pamalengke at taga luto.
Meron ka nang regular na customers
Disadvantage: 
Kapag walang pasok, walang income tambay lamang ang mga helper pero tuloy ang sweldo.
Kapag meron natira malaking kabawasan na sa benta at pati na rin sa net profit. Kaya kailangan marunong ka mag recycle ng mga karne o kahit ng isda.
Kapag meron birthday at hindi ka naabisuhan na meron silang libreng food, marami kang matitirang pagkain
NEXT BLOG ‘PACKMEALS O VALUE MEALS” ang topic mas malaki ang kita.
Alamin sa susunod kung bakit?

Aug 5, 2012

MAY ASAWA KA NA BA? O PLANO MO NG LUMAGAY SA MAGULONG BUHAY, DAW?



Ayon kay Jonathan Lockwood Huie, Bakit daw ang ibang mag-asawa ay  masayang nagsasama habang sila ay nabubuhay, habang ang iba naman ay sa umpisa pa lamang ay masyado nang kumplikado ang pagsasama?
Isa daw na sagot sa katanungang iyan ay ang “compatibility”, kung saan ay dapat unang isaalang-alang sa pagpili  ng ating magiging partner for life.  Compatibiity  daw sa kung saan ay pareho kayo ng pananaw sa buhay. O depende sa kung paano at ano ang inyong pamantayan sa pagpili habang kayo ay nasa stage pa lamang ng pagkikipagrelasyon.
Ito raw ang mga dapat isaalang-alang ng mag-asawa.  Ang iba ay galing sa kanya na alam kong tama at napatunayan ko na rin bilang isang may partner o asawa.  Kaya ang mababasa ninyo ay hindi lamang ayon sa aking nabasa, kundi galing mismo sa aking sariling karanasan at ina apply sa aking buhay may-asawa hanggan ngayon at sisikapin ko hanggang sa aming pagtanda habang kami ay nabubuhay.
  1. TIWALA – ang maling hinala, pagkawalang tiwala at pagseselos ang kadalasang sumisira sa isang relasyon. Ito ay maaring iwasan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tiwala sa isat-isa, kung wala namang dahilan o nakikita na rason upang hindi magtiwala.  At kapag naman dumating sa point na meron nagloko sa isang relasyon, dito na hindi maiiwasan ang selos at kawalang tiwala ng isang partner.  Ang masakit don kahit nagbago na ang partner, nagsisi, andun pa rin ang pagdududa o suspetsa.  At sa panahon ngayon, masyado na itong laganap kaya karamihan ay nagiging miserable ang kanilang relasyon at sa huli magiging dahilan ng paghihiwalay.  Pero,  kung andun pa ang respeto at tiwala ninyo sa isat-isa magagawan ito ng paraan.  Bakit hindi ninyo bgyan ng time at pag-usapan ng masinsinan.  Alamin sa bawat isa kung ano ang dahilan at pagkukulang ng bawat isa. Ipahayag ang totoong nasa kalooban upang sa ganun ay magawan ng solusyon. Sikaping huwag ng ungkatin ang nakaraang pagkakamali. Ipakita na karapat-dapat kang bigyan muli ng tiwala ng iyong partner.
  2. OPEN COMMUNICATION-Ito ang pinakagusto ko sa lahat, dahil ito ang isa sa formula ko.  Para maiwasan ang nasa no. 01, magsabi ng  buong katotohanan.  Kung ayaw mong ibahagi ang iyong buong buhay sa iyong partner, bakit pa kayo nagsama o nag-asawa? Kung nakagawa ng kasalanan, aminin ito. Huwag mag alinlangan na magsabi ng totoo, dahil sa pagsasabi ng totoo, kadalasan doon ka naiintindihan ng partner mo.  Ito rin ang madalas na nakakasira ng isang relasyon.  Pero, kapag ang bukas na pag-uusap o open communication na tinatawag ay lagi ninyong isina alang-alang, ito ay walang imposible.  Sa heart to heart na pag-uusap, tiyak ang isang masayang relasyon na hinahangad.  Dito kasi masusukat kung gaano kalawak ang pang unawa ng bawat mag partner.
  3. IGALANG ANG OPINYON NG BAWAT ISA- ang bawat tao ay meron hindi iba’t-ibang pananaw sa buhay o persipsyon sa lahat ng bagay, ang mag-asawa ganun din. Alalahanin na ang mag-asawa ay hindi magkadugo, hindi magkakilala, estranghero sa isat-isa.  Kung ang magkakapatid nga ay meron hindi pinagkakasunduan, what more pa kayong mag partner di ba?  Napakahirap ito sa isang relasyon at alam nating lahat iyan.  Bakit nga ba umaasa tayo na kailangan ang bawat isa ay mag-agree sa lahat ng bagay? Eh, ayaw nga ng partner mo ng sinigang pero ipagpipilitan pa rin na iyon ang kainin niya. So? What's next magtampororot si partner, di man magsalita kinikimkim lang.  Kaya, puede naman natin igalang ang bawat nararamdaman at opinyon ng bawat isa.
  4. TIWALA SA SARILI AT CO-DEPENDENCY- para sa akin ito ay kailangan.  Bago pa kayo nagkakilala ng iyong partner, alam na niya sa kanyang sarili kung sino at anong klase siyang tao. Ganun din kung ano ang meron siya bago pa kayo naging mag-asawa o mag partner.  Meron na rin siyang sariling mga kaibigan at sariling mga ginagawa bago pa naging kayo.  Hindi naman kayo pariho ng mga kaibigan at pinagkaka interesan sa buhay. Kapag ikaw ay co-dependent partner, meron kang kakayahan na maghanap ng solusyon sa bawat problemang kinakaharap. Dito pumapasok iyong kung gaano mo pinahahalagahan at kung paano mo inuuna ang ikabubuti ng isang relasyon na hindi iniisip ang iyong pansariling kapakanan. Madalas itong mae apply sa isang relasyon na kung saan ang isang partner halimbawa ay meron bisyo. Alak, sugal, drug at iba pang maituring na hindi maganda ang hatid sa isang relasyon.  Dito masusubok kung ano ang iyong kakayahan upang maiayos ang buhay ng iyong partner para sa ikabubuti ng isang relasyon. Emotion, tibay ng loob at kontrol sa sarili ang higit na kailangan dito.  Ito ang pinakamahirap na stage ng isang pagsasama. Kaya kapag sumuko at walang kakayahan sa tulad nito, tiyak na masisira ang isang relasyon.
  5. GENEROSITY O MAPAGBIGAY-ang pagiging sakim at makasarili ay nakakasira din ng isang relasyon.  Ang totoong pagmamahal ay mapagbigay, hindi lamang sa pangmateryal na bagay masasabi ang kailangan natin upang masabi na tayo ay generous.  Huwag nating ipagdamot o huwang tayong maging sakim sa ating partner sa pagbibigay ng oras o panahon, pagmamahal at atensyon.  Kahit gaano pa kaabala ang bawat isa, sikaping magtakda ng panahon o oras upang makapag solo.  Kailangan ito, kadalasan sa kawalan ng oras sa isat-isa nababawasan ang "magic" na sinasabi, parang nawawalan ng spice ang isang relasyon dahil wala na nga kayong panahon sa isat-isa.  Di ba noong nagliligawan pa lamang o mag kasintahan pa lamang, isang tawag, text lang andiyan na kaagad.  Sa isang Long Distance Relationship mas lalong mahalaga ito.  Gaano ba kayo katagal na magkalayo, di ba taon at hindi lamang mga buwan at araw? Anu ba naman iyong magtakda ng oras kung kelan kayo mag online, ano ba naman ang text o tawag basta meron load. Dito madalas nagkakalamigan ang bawat isa dahil kulang na sa panahon para lambingin ang isat-isa.  Hindi puedeng ikatwiran walang load, pero bakit nakakapag text o tawag ka sa mga kaibigan mo di ba? Unahin ang partner bago ang mga pansariling gawain upang magkaroon ng isang masayang relasyon.
  6. PAGPAPATAWAD-hindi kailangang bigyan puwang ang poot at paghihiganti,pagrerebelde at hindi pagpapatawad, bawal ang sobrang emote na umabot sa puntong nagmatigasan na sa isat-isa.  Bawal ang matulog na meron galit o away na hindi napag-uusapan. Ito ang pinaka importante sa lahat. Iyong tipong nakahiga na kayo sa kama, huwag tutulugan o magtalikuran, yakapin si mahal sabay sabi ng "sorry" sabay hug and kiss.  Then, expect the next move, a romantic scence na paggising ninyo sa umaga meron ng ngiti sa labi.  Marami na akong pinagdaanan sa isang relasyon kaya nasasabi ko na meron tayong kakayahan na magpatawad.  Basta uulitin ko, ang respeto at pagmamahal ay andiyan pa, walang imposible lalo na kapag sinamahan ito ng panalangin.  Huwag ipagkait ang "chance" na sinasabi.  Isipin ang lahat ay nadadaan sa matinong usapan at hindi sa sigawan at pag alsa balutan.
  7. BE PROUD O IPAGMALAKI-Ang masayang mag-asawa ay habang buhay na ipinagmamalaki ang kanyang asawa o partner in life, hindi nito ikinahihiya.  Habang buhay kailangan laging ipagmalaki ang nagagawa o ginagawa sa iyo ng asawa o partner mo. Lahat ng achievements na nagagawa ng bawat isa e appreciate. Praise him/her everyday, Wala namang araw na wala tayong hindi nagagawa kahit munting bagay para sa ating asawa o partner. Huwag itong ipagkait, simpleng thank you o salamat, happy na si partner ‘don, lalo na laging meron kasamang hug and kiss.
  8. GAWIN SENTRO NG PAGSASAMA SI GOD-kapag nasa puso ng bawat mag-asawa o partner ang faith at pagtitiwala sa maylikha, tiyak ang masayang pagsasama habang buhay.
  9. MAHAL KITA O I LOVE YOU-ito ang mga katagang nagsisilbing panghimagas sa relasyon. Huwag kakalimutan ang salitang ito, kasama ng isang HALIK torrid man o smack lang(baka kasi amoy laway pa hehe)  Mahalaga rin ito before and after you made love, kasabay ang HALIK SA NOO, after the bed encounter (kuno  :)  ) para kasi sa isang babae, this is the sign of our husband or partner’s pure love and respect to us ( to his wife).  Subukan ninyong gawin, at meron kayong kakaibang mararamdaman. Sobrang gaan ng feeling.
Napatunayan ko rin na ang pagsasamang puno ng pagmamahalan, pagpapatawad, at na aayos ang mga tampuhan at mga alitan ay naghahatid ng peace of mind.  Kapag mayroon peace of mind ang isat-isa, tiyak ang pagkakaroon ng isang masaganang pamumuhay.  Nagkakatulungan sa lahat ng bagay, cooperative dahil walang gusot at nagkakaintindihan. Dumadaan man tayo sa mga matitinding pagsubok ng buhay may-asawa, basta laging isa alang-alang ang nasa itaas, tiyak walang imposible, Masayang pagsasama ay matutupad.

Aug 1, 2012

Pagsubok....Kailan Mo Kaya Ako Lulubayan?


http://www.buzzle.com/articles/words-of-encouragement-from-the-bible.html
Sa dinami-dami ng hirap at kabiguan na aking pinagdaanan, mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan; masasabi ko na ito ang mga dahilan para ako ay magkaroon ng “pusong bato.”

Ito rin ang dahilan, upang ako’y manatiling matatag sa lahat ng hamon sa buhay.  Ilang pagsubok na nga ba ang kanyang ibinigay, talagang hindi na mabilang sa aking mga daliri. Mukhang tuwang-tuwa talaga pa talaga na ako ay laging sinusubukan n’ya.  Umaalma din ako paminsan-minsan.  Sino ba ang hindi, di ba?  Nakakapagod din kaya at nakaka praning.

Sa isang banda, sabi ko, okey lang.  Okey lang, basta wala lang akong sakit, pati mga anak ko.  Kasama na din ang mga kapamilya ko.  Okey lang, basta kumakain kami ng tatlong beses isang araw. At hindi na nararanasan ng mga anak ko, ang naranasan ko noong bata pa kami. Ang magtiis sa ulam ay asin, niyog, gamos, o di kaya ay bukayo. Minsan pa nga, kamoteng kahoy o saging.

Pero, kahit ‘pano hindi ako tuluyang bumitaw sa aking “Savior.” Sa aking natatanging matalik na “kaibigan.”  Nag-iisa sya na kaibigan, alam n’ya lahat ang tungkol sa akin, alam n’ya lahat ng aking ginagawa.  At madalas din n’ya akong inuunawa, sa bawat pagkakamali kong nagagawa.  Andian s’ya lagi kapag alam n’ya hirap na akong bumangon.  Andian s’ya kapag kailangang-kailangan ko s’ya.  Mas nauuna pa nga siyang lumapit sa akin, kesa ako ang maunang lumapit sa kanya. 

Ilang beses na rin n’yang sinubok ang aking kakayahan. Maraming beses na din.  Hanggan sa dumating na nga ako sa puntong, sinasabi ko sa aking sarili “wla yan, ako pa! Maning-mani lang yan.”  Hanggang na used na ako, kumbaga, katumbas ng problema o pagsubok, tawa na lang ang aking isinusukli.  “Darna” nga daw ako eh! Kaso, wala naman akong nilulunok na bato.  Nawawala kasama si Ding.

Pero, akala ko nga si “Superwoman” at “Darna” na ako.  Mali pala, nakatago lang pala sa kasuluk-sulukan ng puso at pagkatao ko, ang kahinaan ng loob ko. Nakamaskara lang pala ako.

Isang napakatinding pagsubok, muling pumatak ang luha ko.  Matagal ko na rin kasing kinalimutan ang umiyak. Ayaw ko na kasing umiyak naipangako ko ‘yan sa aking sarili.  Pero hindi pala. Balde-balding luha ang nawala sa akin.  Habang hinihintay ang resulta ng aking medical biopsy at iba pang laboratory test, unti-unti rin akong pinapatay ng aking mga naiisip.  Nasabi ko pa nga, “Kunin n’yo na po sa akin lahat, kung ano ang meron ako na mga material na bagay,  huwag langpo  ang buhay ko ng maaga.”
Walang kasing-sakit, ‘ramdam ko sa bawat patak ng aking luha, ang parang punyal na itinatarak sa aking dibdib.

Sinubukan ko maging matatag, ilang araw na ako’y nagbalatkayo na okey lang.  Sa tulong nga mga kapamilya, kaibigan at mga bagong kakilala, ako’y nagpapasalamat ng lubos.  “Prayer can move mountains,” at totoo nga, walang imposible basta ialay mo sa kanya lahat ang iyong sarili.  “OO,” Tama ka, ilang beses ko na itong napatunayan, hindi na rin mabilang sa aking mga dalire.

Naurong ng naurong ang labas ng result. Meron na akong natanggap na isang pahiwatig mula sa kanya. Isang ngiti.  Alam ko magiging okey ang lahat.  Ngunit, tinatalo pa rin ako ng hindi magandang isipin. “Parang awa na po ninyo, hindi ko kayang iwanan ang aking mga anak, hindi pa po ako ready.”  Hindi po ako exaggerated, pero dumaan ang buong pamilya naming sa magkasunod na trahedya 2years ago. Puro healthy lahat pero biglang kinuha nya sa amin tatlo na halos magkakasabay.  Cancer, HB at Heart Attack.

“Ang lakas mo mag pray!”  Dhors, okey lahat ang result mo, nagtataka man ako sa resulta, bilang isang bihasa sa ganyang kaso, pero dapat ipagpasalamat.” Ang tanging naririnig ko na sinabi ng aking OB sa kabilang linya.  “You are free from Cervical Cancer, No infections, and no need na rin para kita ay raspahin!”  Ako rin ay nagulat.  Nagulat dahil nakita ko mismo sa monitor ang problem. Dahilan para ako’y mag-alala, lalo na noong sinabi na, kailangan meron akong kasama na kapamilya, kapag inalam ko na ang result.

“Still, God is Good!”…… ito ako, nakahanda pa rin sa mga darating pa na mga pagsubok na ibibigay n’ya sa akin.  Ganyan ‘nya ako kamahal. Sa ganong paraan n’ya ipinararamdam sa akin ang kanyang “unconditional love.”


Pagsubok,Kaylan Mo Kaya Ako Lulubayan? Salamat, Lagi ‘Din Kitang Nalalampasan!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 During times of trouble, when the waters seem to sweep over us, we can find solace in the words of encouragement from the Bible. Agonizing events can debilitate one's faith, however, constantly reminding yourself of the promises of God and clinging to them, will help you stand firm even in a fierce storm.

Jul 25, 2012

'Limang Piso"....Laman-'Tiyan Din 'To!

Piso, 

Limang Piso,

Sampung Piso,
http://en.wikipedia.org/wiki/File:PhilippinePesoCoins.jpg

"Ikaw, matanong kita!".  Gaano o paano mo pinahahalagahan ang mga baryang ito?  Paano nakakatulong sa iyo ang mga  ito?

Noong kapanahunan ko, uso pa ang belikoy at nutriban.  Marami na akong mabibili ng belikoy sa halangang "bente singko sentimos".  Makakabili na rin ako ng isang "nutriban". Kasama na ang "singko" na hugis bulaklak.  Ngayon, hindi na pinapansin ang "singko" lalo na ang isang centavo, na merong butas sa gitna.  Umabot din sa punto na ang bente singko na barya, ay hindi na rin pinapansin.  Nauso ang "Pondong Pinoy", kung saan ang lagayan ay plastic ng miniral water, na wala nang laman.  Ang dating pakalat-kalat at halos binabalewala nang bente singko, ay biglang nagkaroon ng kabuluhan, at nakatulong pa sa simbahan.  Para kasi'ng nawalan ng halaga o ningning, kahit sa mga bata.

"Pahinge po ng piso?"....'yan ang madalas nating marinig di ba?  Kapag binigyan mo ng bente singko sentimos, iirapan ka pa o dadabog pa; sabaya sabing, "Wala nang mabibili nito, kahit kendi!".  

Oo nga naman, 'kaw naman kasi, magbibigay ka na rin lang bente singko pa!...kuripot mo naman!.  'Buti na nga lang, nauso nga ang pondong pinoy sa simbahan, pati na rin sa mga malls.  Lata naman ang lagayan kapag nasa mga groceries o kahit saang pamilihan na meron tulad nito.  Nang nagtaas ng singil ang mga jeepney's nitong nakaraan, si "bente singko" muling nagkaron ng halaga, sa lahat ng commuters.  Sayang!  Matagal na tuloy mapuno ang pondong pinoy.  Kaya, ayon ang laman ay isang sentimo at limang sentimo na meron butas, kasama na rin ang sampung sentimo.  At muling bumaba ang pamasahe, salamat,  marami na namang laman ang pondong pinoy.

Piso, kapag pinagsama-sama at naipon, ito ay meron halaga.  Lalo na sa mga bata na nag- aaral ng elementarya. Piso, na madalas iyon ang nadudukot sa bulsa o sa coin purse, at naibibigay sa mga nagpapalimos. Makadukot ng dalawa, tatlo o apat, ito ay sapat na sa iyong pakiramdam.  Hindi ka nanghihinayang  Ayon sa iba, hindi mabigat na bitawan, lalo na kapag meron umaakyat sa jeep, at pupunasan ang iyong sapatos; sabay lahad ng kamay sa pasahero.  'Swerte! nakadami! Marami na namang pambili ng rugby ito mamaya.  'Wag ka, naka senyas pa yan ng subo ang kamay, ibig sabihin, "pangkain lang daw".  Pagkaing rugby pala!

Pero, hindi iyan ang gusto ko tukuyin, 'kundi ang "Lima at ang Sampung Piso".  Para sa mga mayayaman, siguro ang limang piso ay katumbas na lang ng isang sentimo, mayaman nga eh.  Siempre, mga papel na ang pera nila.  Iyong mga "barya" nasa tabi-tabi na lang 'yan, o  'di kaya ay nasa altar, at sa pondong pinoy na  Pero para sa akin, tulad ko na meron trabaho at sariling hanapbuhay, mahalaga pa rin ito.  Mas lalo na 'don sa mga commuters, dagdagan mo lang iyan ng tatlong piso; makakarating ka na sa pupuntahan mo. Maging honest ka lang kay manong driver ng jeep. "Kuya!... kulang ng dalawang piso, pasensya na pero, 'dian lang naman ako bababa sa unahan". Mabait si manong driver kaya ayun okey na. Kung hindi mabait, "Miss saang "unahan" ka bababa?...Wala namang lugar na, "Dian Lang"!.  Meron Dian St.! Wafak tuloy kay manong driver hahaha, napahiya man oks lang, wag ka na lang titingin sa mga kapwa mo pasahero. Kunyare eh, "nothing".  Sori, bingi ako, sabay saksak ng headset ng celphone mo!

"Ate, pabili po kanin, limang piso lang." Ibig sabihin, kalahati lang ng isang order na kanin ang bibilhin 'nya. Isang order ng kanin kasi ay sampung piso.  "Ate, lagyan mo po ng sabaw ng adobo ha?" Sabaw lang naman ang hinihinge bakit ipagdadamot pa, kaya hala sige bigay.  Noong una akala ko, sadyang bumibili lang, baka nabitin sa kanin, at meron pa siya natirang ulam sa bahay nila.  Sumunod na bili, sinundan ko ng tingin.  Ayon, ang bata nasa isang tabi, kumakain habang nakatayo.  Sarap na sarap, binutas lang iyong plastic na balot at parang ginawang ice candy.  Sabay tingin sa akin, at sumenyas pa ng "thumbs up".  "Aray ko!", mukhang meron tumusok na karayom sa dibdib ko.  Meaning, okey nabusog na sya sa pag thumbs up nya, sabay parang senyas na din ng "ok! Thank You!

Sa isang tindahan ko, meron araw araw dumadaan estudyante.  Nakita ko bumibili din ng kanin at humihinge lang ng sabaw sa aking tindera.  Masaya, masigla at maliksi.  Tulad ng isang bata noon, nakita ko ganun din ang ginawa, kinain at sarap na sarap.  Biro mo, sa halip na ibili ng candy o ice cream paglabas ng eskwelahan, ibinili ng kanin at huminge ng kaunting sabaw ng ulam. Solve na ang gutom ng bata.  Kakaawa naman, kaya ng mga sumunod na araw na, pagdadaan at bibili, meron na din dagdag na isang hiwa ng karne.  Kakaawa eh!  Mabuti pa pala ng ako nag-aaral noon, meron pa akong ulam na "balitsaw", halagang "dos" o dalawang piso. Dikit mo lang ang iyong dalire sa balitsaw, at sabay dila ng dila na meron pang laman na "bahaw na kanin" (lamig kanin)....sarapp!. Nakakatuwa at masarap sa pakiramdam, marinig galing sa isang batang tulad nya ang makarinig ng "salamat ate".

Hindi lang pala mga bata, o binatilyo ang gumagawa ng ganun.  Wala ng pinipili na edad, mapababae o lalaki, ganun ang ginagawa.  "Sampung piso na kanin ate", tapos pahinge ng sabaw ng itong ulam na ito".  Hindi lang iyong mga batang lansangan mo matandang lansangan na din (pakalat-kalat eh).  Taga repair ng relo, dating meron puesto sa isang maliit na mall, kung saan ang rent ay 200/day,  ngayon wala na.  Lakad ng lakad na lang alok sa bawat madaanan, pasok sa mga opisinang meron entrance na bukas.  Wala pa daw kita, ayun, bumili ng kanin at huminge ng libreng sabay.  Isang subo ng kanin, isang higop ng sabaw.  Ilan pa kayang  mga bata ang tulad nila?  Ilan pa kayang mga tulad ni manong repairman, at ilan pa kayang pakalat kalat na tulad nila?  Ilang pamilya kaya ang meron tulad nila na naghihirap, nagtitiis sa kanin at sabaw lang? At ilan kaya sa mga batang ito, ang balang araw ay magtatagumpay dahil lamang sa "limang pisong kanin at sabaw?".  At ang limang piso na dating hawak nila ay maging limampu, limang daan, limang libo, limampong libo hanggang maging doble doble pa?  Nakakadurog ng puso, ngunit nakakabilib. Madiskarte, pantawid gutom nga naman. 

Limang piso, kanin at libreng sabaw ng ulam.  Malayo ang mararating mo bata.  Hangad ko ang iyong tagumpay pagdating ng araw.  At kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin ko sa iyo; matitikman mo na ang mga pagkaing naipagkait sa iyo, dulot ng KAHIRAPAN.