myfamilyfoto |
Ikinasal sila sa ayaw at sa gusto nila. Batas ang salita ng magulang noon. Bawal suwayin. Ang hawak kamay noon, o kapag ginabi sa labas ang isang lalaki at babae, ay isang kasalanan na; kasiraan nang dangal ng pamilya,at kailangang kasalan ang kasunod.
Saksi ako sa mga struggles nila sa buhay. Sa mga away, tampuhan at sa mga masasayang sandali ng kanilang pagsasama
Isa lang ang na-realized ko, maaari pala talagang ma-develop ang LOVE sa ganitong pagkakataon. At basi sa aking mga magulang, sa aking mga naging karanasan sa buhay may asawa….nasa babae pala talaga nakasalalay ang malaking porsyento sa success ng isang marriage life. Nakita ko kasi iyon sa Nanay ko na tiniis lahat lahat ng pagsubok. Nagkaroon din kasi ng mga bisyo ang aming tatay noon. Babae, alak, sigarilyo at mga barkada. Matiisin ang nanay ko pero napakasipag at responsable. Unfortunately, emotionally and physically victim or abused din ang nanay naming noon.
Dahil
sa pagtitiis, sakripisyo, panalangin, pang unawa at pagmamahal sa asawa at mga
anak; lahat ng iyon ay nalampasan ng aming inay. Diyos, na ang gumawa ng paraan, para tuluyang
magbago ang tatay namin ilang taon pa lang ang nakalilipas. Natural lang kasi
talaga sa mag asawa ang hindi pagkakaunawaan, hindi pagkakasundo
paminsan-minsan at ang mga argumento.
----------------
Ang
buhay mag asawa ay isang chapter ng buhay na punong-puno nang pagsubok. Kung
saan, sinusukat ang buong kakayahan ng isang mag asawa, kung paano nila ito
pagtutulungan na manatiling buo at maging isang masayang pamilya.
No comments:
Post a Comment