"The greater your capacity to love, the greater your capacity to feel the pain."
~ Jennifer Aniston
~ Jennifer Aniston
Naranasan mo na ba ang paulit-ulit na pagkabigo at paulit-ulit na nasaktan? Dahil lamang sa ikaw ay nagmamahal ng lubusan?
Photo google from unknown |
Sa
isang relasyon na halos ginagawa mo na ang lahat ng kaya mo ibigay para
lamang ito ay maging maayos at magkaroon ng katuparan ang bawat
pangarap na pariho ninyo binubuo. Pangarap na balang araw ay matutupad
pagdating ng tamang panahon. Sa pakikipagrelasyon sa larangan ng
pag-ibig, kaakibat ng bawat saya ay may kalungkutan, bawat matatamis na
ngiti ay may pait na kapalit at ang pagmamahal ay meron katumbas na
sakit at pait. Sa ayaw man at sa gusto natin, kahit ano pa ang saya
dulot ng pagmamahalan ng isang magkarelasyon, dumadating din sa punto na
meron pagdadaanan na mga pagsubok. Pagsubok na kung saan susukatin
hanggan saan at kung ano ang kakayanin ng bawat isa para lamang sa
ngalan ng pag-ibig. Sa bawat tahimik na pagpatak ng bawat luha, sa
halos mag collapse ka na dahil halos hirap ka huminga dahil sa sobrang
sakit na nararamdaman mo at halos zombie ka na dahil nanlalalim na ang
iyong mga mata dahil sa hindi ka makatulog at dahil sa iyong
naramdaman, andun iyong wala ka na sa iyong sarili na dahilan ng muntik
ka na masagasaan dahil tulala ka at lumilipad ang iyong isip. Marami
pa ang mga bagay na hindi maganda nangyayari dahil sa ngalan ng pag-ibig
kapag ikaw ay nasaktan o naranasan mo ang pagkabigo.
Naisip mo
na din ba ang sumuko na? Iyong alam mo naman sa sarili mo na talaga
lang hindi ka pinagpala sa larangan ng pag-ibig? Iyong bitter ka dahil
bakit ikaw pa ang nakakaranas ng pagkabigo samantalang wagas ka naman
magmahal at loyal ka pa sa taong mahal na mahal mo. Na ikaw na
napakabait mo sa mga taong nakapaligid sa iyo pero halos walang
karapatan para naman lumigaya. Iyong feeling na para kang sinumpa, na
kahit ilang beses mo pa mag try na magmahal at halos ginamit mo na nga
ang isip mo para huwag lang masaktan pero ganun pa din ang nangyayari?
Pero dahil tao ka lang at gusto mo maranasan ang maging masaya naman ang
napakalungkot mong buhay, ito ka ngayon at sumubok na naman na magmahal
ulit. Nakakapagod din di ba? Pero lagi mong iniisip na baka ito na
iyong tao na sagot sa dinadasal mo na in return ay mamahalin ka din ng
taos puso at hindi sasaktan. Ang pag-ibig ay isang sugal, at kailangan
sumugal at ang puhunan ay ang mag invest ng pagmamahal na tunay, at
kapag natalo ito ka at iiyak na lang sa isang tabi. Mag iisip at
babangon ulit para buuin naman ang sarili na minsan na naman winasak ng
dahil sa pag-ibig.
Madalas
dahil sa kagustuhan mo na ayusin ang lahat dahil sa pagmamahal at mga
pangarap ninyo na unti-unti binubuo. Ito ka at lagi umuunawa at umaasa
na malampasan lahat ng pagsubok. Ng dahil sa pagmamahal halos kainin mo
na ang sarili mo pride, gagawin mo ang mga bagay na akala mo hindi mo
kayang gawin pero nagagawa mo alang-alang sa pagmamahal mo sa taong
mahal mo. Pero, dumadating ka din ba sa point na halos natatakot ka na
din sa mga ginagawa mo o sa mga nangyayari. Takot ka na baka isang
araw magising ka na naman ulit at nagtataka ka at meron ka kakaibang
nararamdaman, iyong pakiramdam na parang wala na iyong pain at parang
balewala na lang lahat. Dahil sa sobrang sakit na iyong nararamdaman
tuwing meron hindi pagkakaunawaan halos na immune ka na at sasagi na
naman sa iyong isip ang mga nakalipas na mga pangyayari kung paano ka
exactly na fall out of love. Kasabihan nga na hindi sa lahat ng oras
hawak natin ang ating mga puso, sila ay may sariling isip na nagdidikta
sa atin thru our emotion.
Hindi
ba puede na puro na lang pagmamahal ang pairalin ng sa gayon ay walang
nasasaktan na damdamin. Hindi, dahil kapag hindi ka marunong magmahal
hindi ka rin masasaktan. At hindi ba puede pagtagpuin kapwa iyong mga
taong hindi kayang manakit ng damdamin ng taong mahal nya, ng sa ganyon
pariho nilang iingatan ang pagmamahalan nilang dalawa. Iyong parihong
meron malawak na pang unawa sa ngalan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Iyong parihong nakakaunawa sa bawat pagkukulang at pagkakamali ng
isa't-isa. Pero, siguro nga hindi puede ang ganun, dahil kailangan
maranasan ng bawat relasyon ang sakit para makamtan nila ang tunay na
ligaya. Iyong ligaya na hinubog na ng panahon at hindi na kayang
buwagin ng kahit na anong unos pa dumating, dahil meron na itong ugat na
malalim na nagpatibay. At dahil sa ugat na iyon kapag lubusan na itong
naging hinog para sa isang matibay na puno ito ay magbibigay na ng
ganap na kasiyahan at kaligayahan pagdating ng araw...pagdating ng
tamang panahon.
No comments:
Post a Comment