Kahit gaano ka busy ang aking araw sa aking multitasking life
everyday, routine ko na ang pag open ng facebook ko sa gitna ng
kabisihan. Kunting silip ng mga updates at sino ang mga may birthday,
pero ang totoo don ay para lamang silipin kung online ba ang aking mahal
na asawa. Oo, tama ka kabilang ako sa samahan ng mga LDR ( Long
distance relationship) na minsan ay talagang hindi ko pinangarap na
magkaroon ng asawa na malayo sa aming mag-iina. Pero, lagi na lang
mapagbiro ang tadhana sa atin; kung ano pa iyong ayaw natin o hindi
natin ginugusto ay iyon pa ang nangyayari sa buhay natin.
Jisan, KSA (photocreditfacebookomm) |
"Oi,
meron bagong upload na picture ang mahal ko"! Ito lang kasi ang
katuwaan ko, ang lagi silipin ang facebook nya kahit walang bago; miss
ko kasi eh! Kaya hanggan tingin tingin na lang sa facebook nya at
abangan na naka online. Hanggan sa dumating ako sa isang picture na
sobrang humaplos sa aking puso ng kakaibang nararamdaman, sobrang awa,
lungkot at meron kunting kirot. Kung titignan mo ang picture ay isang
simpleng bundok na kahit isang puno o tubig ay wala at sa gitna ng
bundok ng buhangin na iyon, na kung tawagin nila ay desierto; doon
nagkanlong ang campo na sa tingin ko ay gawa sa container van na
pinagdugtong dugtong. Ito ay nagsisilbi nilang tirahan sa bawat lugar
kung saan sila nade destino, mag umpisa sa ordinaryong laborer hanggan
mapa Engineer, at mga supervisors at managers ng project, magkasama
iba-ibang lahi. Sila sila ang magkakaharap, katunayan memorized na nila
ang mga face value nila hehehe.
Naisip ko na sa ganitong mundo,
dito umiikot ang buhay ng mga lalaking OFW, na meron asawa at pamilya na
naiwan dito sa Pilipinas. Napakalungkot, parang itinapon sa isang lugar
na tulad sa mga preso, na kung saan walang paraan para makalaya kung
wala kang sasakyan. Ganito ang buhay nila sa gitna ng desierto umiikot
araw araw, gigising at magtrabaho sa malapit na site, uuwi at kakain ng
pagkaing sabi ng asawa ko ay walang lasa pero pilitin na lang kainin
kesa magutom ka. Manood ng tv, internet kung meron signal, iyong iba
natutulog na lang o di kaya ay busy sa text, kasama na ang chat kung
meron laptop o computer. Meron din naman sila ibang libangan, ayon naman
sa aking napag alaman, ang paglalaro ng baraha na minsan nauuwi na
talaga sa sugal. Isa sa dahilan bakit nababaon sa utang ang mga ilan
sa kanila. Ang ilan naman ay nababaon sa utang sa load, dahil walang
ibang libangan kundi ang mag text o chat, ang ilan naman ay sa inumin.
Hindi natin masisi kung nangyayari man ito, dahil kahit tayo na mga babae ang mapunta sa ganitong
klase ng lugar sigurado masisiraan na tayo ng bait. At kahit hindi ako
marunong mag tong-its tiyak matututo talaga ako, para lang meron
mapaglibangan sa napakalayo at napakatahimik at nababalot ng sobrang
kalungkutan na lugar na ito.
Sumagi lalo ang awa na nararamdaman
ko, para doon sa mga pamilyang naiisip ko nagkakaroon ng matinding
problema, at sa ganitong situation ramdam ko kung gaano kahirap ang buhay
magkalayo, lalo na sa oras ng kailangan ninyo ang isat-isa, kapag meron
hinaharap na mga problema. Ramdam ko ang awa para don sa mga OFW na one
day millionaire dito sa Pilipinas ang pamilya tuwing malatanggap ng padala. Ramdam
ko ang sakit na nararamdaman ng isang OFW kapag niloloko at di nakatiis nanlalaki
habang nagpapakahirap ang kanilang asawa sa desierto. Awa din ang
nararamdaman ko sa mga naghiwalay o nagkaron ng problema sa relasyon may
asawa dahil hindi rin natiis ng OFW ang pangungulila, sa una ay gusto lang malibang o
mapawi ang kalungkutan sa pamilya na naiwan. Sumubok at kalaunan ay
natukso ng tuluyan at bigla na lang nakalimutan na meron pamilya na
dahilan ng kanyang pagtitiis at sakripisyo sa desierto.
Ilan din
sa mga kakilala at kaibigan ko at kamag-anak ang nagpapatunay, na kung
hindi ka malakas magpigil sadyang ang tukso ay andian lang, naghihintay
para ikaw at ang buhay ng pamilya mo ay sirain sa isang pagkakamali
lang. Nakakalungkot isipin pero ito ang katotohanan. Pero dahil sa
pangarap natin sa ating mga pamilya at anak sinusubukan natin ang mga
bagay na akala natin ay makakatulong sa atin para umunlad. Salamat at
ang iba ay nagtatagumpay kahit dumaan sa matinding pagsubok at ito ay
kanilang nalampasan. Pero nakakalungkot naman para don sa mga hindi
naging maganda ang nangyari sa halip lalo nasira ang pamilya na dahilan
ng kanilang pag-alis. Ang tanging masasabi ko lang ay sa bawat pagsubok
na pagdaanan ng bawat pamilyang OFW maging matatag at handa lagi
unawain ang bawat isa, bigyan ng time ang bawat isa at lagi iparamdam na
andian lang kayo at magkasama, lawakan ang bawat pang unawa at pairalin
ang give and take relationship.
Ang pagmamahal ay kaakibat ang
sakripisyo at sakit dahil kung hindi ka nagmamahal hindi ka masasaktan.
Kung nagkamali man handa pakinggan ang bawat isa, lagi gawan ng paraan
at solusyonan ang bawat kinakaharap na magkasama. Pag aralan ang
magkaron ng open communication, tiwala ay kailangan ibigay kahit na sa
dulo ng isip mo ay meron agam agam. Ang pagdadasal at lagi huminge ng
guidance sa itaas ay malaki ang naitutulong para maging matuwid ang pag
iisip ng bawat isa At para sa mga babae na tulad ko nasa malayo ang
asawa isa sa natutuhan ko ang e program ang isip ko na ang aking asawa
ay lalaki at meron pangangailangan na hindi natin maibigay at anytime
puede sila makalimot. Unfair, pero kapag nangyari iyon tiyak sobra sakit
pero dahil nga naka ready ang ating isip sa puede mangyari, kalaunan
kapag pina iral ang open communication at pagmamahal at understanding
sigurado mapapatawad mo ang pagkakamali na nagawa ng iyong asawa at
bigyan ng pagkakataon na magbago dahil naging malawak na ang iyong pag
iisip at pang unawa sa bawat situation ng buhay LDR.
"Ikaw
paano mo hinaharap at pinaglalabanan lahat ng pagsubok at kalungkutan
alang alang sa iyong pamilya at sa hinahangad mo na magandang
kinabukasan para sa pamilya mo?'
No comments:
Post a Comment