Piso,
Limang Piso,
Sampung Piso,
"Ikaw, matanong kita!". Gaano o paano mo pinahahalagahan ang mga baryang ito? Paano nakakatulong sa iyo ang mga ito?
Noong kapanahunan ko, uso pa ang belikoy at nutriban. Marami na akong mabibili ng belikoy sa halangang "bente singko sentimos". Makakabili na rin ako ng isang "nutriban". Kasama na ang "singko" na hugis bulaklak. Ngayon, hindi na pinapansin ang "singko" lalo na ang isang centavo, na merong butas sa gitna. Umabot din sa punto na ang bente singko na barya, ay hindi na rin pinapansin. Nauso ang "Pondong Pinoy", kung saan ang lagayan ay plastic ng miniral water, na wala nang laman. Ang dating pakalat-kalat at halos binabalewala nang bente singko, ay biglang nagkaroon ng kabuluhan, at nakatulong pa sa simbahan. Para kasi'ng nawalan ng halaga o ningning, kahit sa mga bata.
"Pahinge po ng piso?"....'yan ang madalas nating marinig di ba? Kapag binigyan mo ng bente singko sentimos, iirapan ka pa o dadabog pa; sabaya sabing, "Wala nang mabibili nito, kahit kendi!".
Oo nga naman, 'kaw naman kasi, magbibigay ka na rin lang bente singko pa!...kuripot mo naman!. 'Buti na nga lang, nauso nga ang pondong pinoy sa simbahan, pati na rin sa mga malls. Lata naman ang lagayan kapag nasa mga groceries o kahit saang pamilihan na meron tulad nito. Nang nagtaas ng singil ang mga jeepney's nitong nakaraan, si "bente singko" muling nagkaron ng halaga, sa lahat ng commuters. Sayang! Matagal na tuloy mapuno ang pondong pinoy. Kaya, ayon ang laman ay isang sentimo at limang sentimo na meron butas, kasama na rin ang sampung sentimo. At muling bumaba ang pamasahe, salamat, marami na namang laman ang pondong pinoy.
"Pahinge po ng piso?"....'yan ang madalas nating marinig di ba? Kapag binigyan mo ng bente singko sentimos, iirapan ka pa o dadabog pa; sabaya sabing, "Wala nang mabibili nito, kahit kendi!".
Oo nga naman, 'kaw naman kasi, magbibigay ka na rin lang bente singko pa!...kuripot mo naman!. 'Buti na nga lang, nauso nga ang pondong pinoy sa simbahan, pati na rin sa mga malls. Lata naman ang lagayan kapag nasa mga groceries o kahit saang pamilihan na meron tulad nito. Nang nagtaas ng singil ang mga jeepney's nitong nakaraan, si "bente singko" muling nagkaron ng halaga, sa lahat ng commuters. Sayang! Matagal na tuloy mapuno ang pondong pinoy. Kaya, ayon ang laman ay isang sentimo at limang sentimo na meron butas, kasama na rin ang sampung sentimo. At muling bumaba ang pamasahe, salamat, marami na namang laman ang pondong pinoy.
Piso, kapag pinagsama-sama at naipon, ito ay meron halaga. Lalo na sa mga bata na nag- aaral ng elementarya. Piso, na madalas iyon ang nadudukot sa bulsa o sa coin purse, at naibibigay sa mga nagpapalimos. Makadukot ng dalawa, tatlo o apat, ito ay sapat na sa iyong pakiramdam. Hindi ka nanghihinayang Ayon sa iba, hindi mabigat na bitawan, lalo na kapag meron umaakyat sa jeep, at pupunasan ang iyong sapatos; sabay lahad ng kamay sa pasahero. 'Swerte! nakadami! Marami na namang pambili ng rugby ito mamaya. 'Wag ka, naka senyas pa yan ng subo ang kamay, ibig sabihin, "pangkain lang daw". Pagkaing rugby pala!
Pero, hindi iyan ang gusto ko tukuyin, 'kundi ang "Lima at ang Sampung Piso". Para sa mga mayayaman, siguro ang limang piso ay katumbas na lang ng isang sentimo, mayaman nga eh. Siempre, mga papel na ang pera nila. Iyong mga "barya" nasa tabi-tabi na lang 'yan, o 'di kaya ay nasa altar, at sa pondong pinoy na Pero para sa akin, tulad ko na meron trabaho at sariling hanapbuhay, mahalaga pa rin ito. Mas lalo na 'don sa mga commuters, dagdagan mo lang iyan ng tatlong piso; makakarating ka na sa pupuntahan mo. Maging honest ka lang kay manong driver ng jeep. "Kuya!... kulang ng dalawang piso, pasensya na pero, 'dian lang naman ako bababa sa unahan". Mabait si manong driver kaya ayun okey na. Kung hindi mabait, "Miss saang "unahan" ka bababa?...Wala namang lugar na, "Dian Lang"!. Meron Dian St.! Wafak tuloy kay manong driver hahaha, napahiya man oks lang, wag ka na lang titingin sa mga kapwa mo pasahero. Kunyare eh, "nothing". Sori, bingi ako, sabay saksak ng headset ng celphone mo!
"Ate, pabili po kanin, limang piso lang." Ibig sabihin, kalahati lang ng isang order na kanin ang bibilhin 'nya. Isang order ng kanin kasi ay sampung piso. "Ate, lagyan mo po ng sabaw ng adobo ha?" Sabaw lang naman ang hinihinge bakit ipagdadamot pa, kaya hala sige bigay. Noong una akala ko, sadyang bumibili lang, baka nabitin sa kanin, at meron pa siya natirang ulam sa bahay nila. Sumunod na bili, sinundan ko ng tingin. Ayon, ang bata nasa isang tabi, kumakain habang nakatayo. Sarap na sarap, binutas lang iyong plastic na balot at parang ginawang ice candy. Sabay tingin sa akin, at sumenyas pa ng "thumbs up". "Aray ko!", mukhang meron tumusok na karayom sa dibdib ko. Meaning, okey nabusog na sya sa pag thumbs up nya, sabay parang senyas na din ng "ok! Thank You!
Sa isang tindahan ko, meron araw araw dumadaan estudyante. Nakita ko bumibili din ng kanin at humihinge lang ng sabaw sa aking tindera. Masaya, masigla at maliksi. Tulad ng isang bata noon, nakita ko ganun din ang ginawa, kinain at sarap na sarap. Biro mo, sa halip na ibili ng candy o ice cream paglabas ng eskwelahan, ibinili ng kanin at huminge ng kaunting sabaw ng ulam. Solve na ang gutom ng bata. Kakaawa naman, kaya ng mga sumunod na araw na, pagdadaan at bibili, meron na din dagdag na isang hiwa ng karne. Kakaawa eh! Mabuti pa pala ng ako nag-aaral noon, meron pa akong ulam na "balitsaw", halagang "dos" o dalawang piso. Dikit mo lang ang iyong dalire sa balitsaw, at sabay dila ng dila na meron pang laman na "bahaw na kanin" (lamig kanin)....sarapp!. Nakakatuwa at masarap sa pakiramdam, marinig galing sa isang batang tulad nya ang makarinig ng "salamat ate".
Hindi lang pala mga bata, o binatilyo ang gumagawa ng ganun. Wala ng pinipili na edad, mapababae o lalaki, ganun ang ginagawa. "Sampung piso na kanin ate", tapos pahinge ng sabaw ng itong ulam na ito". Hindi lang iyong mga batang lansangan mo matandang lansangan na din (pakalat-kalat eh). Taga repair ng relo, dating meron puesto sa isang maliit na mall, kung saan ang rent ay 200/day, ngayon wala na. Lakad ng lakad na lang alok sa bawat madaanan, pasok sa mga opisinang meron entrance na bukas. Wala pa daw kita, ayun, bumili ng kanin at huminge ng libreng sabay. Isang subo ng kanin, isang higop ng sabaw. Ilan pa kayang mga bata ang tulad nila? Ilan pa kayang mga tulad ni manong repairman, at ilan pa kayang pakalat kalat na tulad nila? Ilang pamilya kaya ang meron tulad nila na naghihirap, nagtitiis sa kanin at sabaw lang? At ilan kaya sa mga batang ito, ang balang araw ay magtatagumpay dahil lamang sa "limang pisong kanin at sabaw?". At ang limang piso na dating hawak nila ay maging limampu, limang daan, limang libo, limampong libo hanggang maging doble doble pa? Nakakadurog ng puso, ngunit nakakabilib. Madiskarte, pantawid gutom nga naman.
Limang piso, kanin at libreng sabaw ng ulam. Malayo ang mararating mo bata. Hangad ko ang iyong tagumpay pagdating ng araw. At kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin ko sa iyo; matitikman mo na ang mga pagkaing naipagkait sa iyo, dulot ng KAHIRAPAN.
No comments:
Post a Comment