Showing posts with label dreams. Show all posts
Showing posts with label dreams. Show all posts

Sep 26, 2012

Ang Nalalapit Na Pagtatapos Ng Isang LDR Relationship

(wikipedia/saudiaairline)
Napatingin ako sa kalendaryo, 5 buwan na lang pala at mawawala na ang titulo na LDR sa buhay ko at buhay ng mahal ko.

Ang hirap maghintay.  Minsan, parang ayaw ko nang tignan ang kalendaryo; at madalas talagang umiiwas na akong tumingin at magbilang sa bawat pahina at numero nito.  Isa sa pinakamahirap sa buhay nang LDR ay iyong ikaw ang naiwan; Iba ang pakiramdam kumpara sa ikaw ang umalis. Alam ko ang pakiramdam na ganito dahil parihong naranasan ko ito.

Ilang taon na pagtitiis. Ilang taon na nangangarap na sana balang araw magkakasama din kami.  Ang tanging nag-uugnay ay ang internet at celphone.  Hindi ko pinangarap ang magkaroon ng ganitong relasyon.  Mula pagkabata, pinangarap ko na ang isang buo at masayang pamilya.  Salat man sa ibang bagay, ngunit masayang magkasalo sa hapag kainan.  Masayang pinagsasaluhan ang mga nakahaing nakayanan. Ano ang silbi ng mga masasarap na pagkain sa aking harapan, kung ang ang aking mahal ang nasa isip ko; kung kumain na ba at kung ano na ang kinain niya sa oras na iyon.  Ano ang silbi nang mga material na bagay kung alam mo na nag-iisip ka kung ano ba ang kanyang ginagawa sa oras na ito.

Sobra kong nami-miss ang mga araw na tayo ay magkasama, hinahanap-hanap ko ang ating mga tampuhan at pagbabati na tinatapos nang isang simpleng yakap at halik. Nami-miss ko ang mga tawanan natin, kulitan, harutan at walang katapusang mga kwentuhan habang nakahiga na.  Sobra ko rin nami-miss iyong pagtulog natin na magkahawak kamay at magkayakap, na iyong mukha ko ay nasa ilalim ng iyong kili-kili. Habang ang isa sa atin ay naghihilik dahil sa sobrang pagod. Hinahanap-hanap ko iyong nakikitang halos nag-aagawan at hindi na makatayo sa lamesa dahil sa sobrang kabusugan.  Hinahanap-hanap ko iyong madalas ay sinasamahan mo ako sa kung saan man ako pumunta.  Hinahanap-hanap ko rin ang minsang naasar ako sa tuwina’y nalalasing ka. At mas lalong na-miss ko ang minsan mong mga paglalambing.  Miss ko rin na iyong nililigpit ang aking mga paperworks para senyal na tumayo na ako at kayo naman ang aking bibigyan ng oras at panahon.

Siguro nga napakapalad ko sa panahong ito.  At sa 5 buwan na nalalabi excited na ako sa iyong pagdating.  Alam ko, pagkatapos ng 5 buwan na iyon mula ngayon; iyon na ang huling pag-apak ko sa airport para sunduin kita.  Dahil alam ko, ito na rin ang huli na ikaw ay hindi na lilisang muli para kami ay iyong iiwan.
Sa mga panahong, sobrang maraming pagsubok tayong pinagdaanan,  Sa mga panahong maraming sumubok sa tibay nang ating relasyon.  Sa mga panahong muntik na tayong bumitaw sa isa’t-isa; sa mga panahong kapwa tayo nagkulang nang panahon sa bawat isa.  At sa mga panahong puno nang galit ang ating mga puso dahil sa mga mabibigat na pagsubok na ibinigay sa atin. Nagpapasalamat ako na lahat nang ito ay ating nalampasan. Thankful ako dahil mayroon tayong open communication sa isa’t-isa. Nasasabi natin ang bawat saloobin natin, ang bawat kinikimkim na mga damdamin na naging daan upang malampasan natin ang lahat nang mga pagsubok.

Sa iyong pagbabalik at hindi na muling paglisan, alam ko na marami pa rin tayong pagsubok na pagdadaanan.  Alam ko na malalampasan natin ito nang magkasama.  Hawak kamay nating haharapin ang lahat nang hamon sa bawat relasyon.  Alam ko na sa bawat hindi natin pagkaintindihan mas madali para sa atin na ito ay ayusin.  At muli sa iyong pagbabalik alam ko, muling manunumbalik ang minsan ay naging malamig na mga panahong alam ko pinagdadaanan ng bawat may relasyong LDR.  Dahil alam ko sobra-sobra lang natin nami-miss ang bawat  isa.

Panibagong buhay sa mundo na hindi mo nakasanayan, ngunit sisiguraduhin ko sa iyo na ito ay iyong hindi pagsisisihan.  Dahil alam ko ito ang pangarap ng bawat OFW ang makasama at manatili sa bansa kung saan kasama niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.
Wala na ang mga pasko at bagong taon na malamig at  malungkot.  Magkasama na nating ma-i-celebrate ang ating mga birthdays.  Higit sa lahat magkakasama na tayong magsisimba tuwing araw nang linggo at magkakasama na rin tayong a-attend sa school activities ng ating mga anak.

And the countdown begins from now..............See you soon…..Dadi!

Jul 25, 2012

'Limang Piso"....Laman-'Tiyan Din 'To!

Piso, 

Limang Piso,

Sampung Piso,
http://en.wikipedia.org/wiki/File:PhilippinePesoCoins.jpg

"Ikaw, matanong kita!".  Gaano o paano mo pinahahalagahan ang mga baryang ito?  Paano nakakatulong sa iyo ang mga  ito?

Noong kapanahunan ko, uso pa ang belikoy at nutriban.  Marami na akong mabibili ng belikoy sa halangang "bente singko sentimos".  Makakabili na rin ako ng isang "nutriban". Kasama na ang "singko" na hugis bulaklak.  Ngayon, hindi na pinapansin ang "singko" lalo na ang isang centavo, na merong butas sa gitna.  Umabot din sa punto na ang bente singko na barya, ay hindi na rin pinapansin.  Nauso ang "Pondong Pinoy", kung saan ang lagayan ay plastic ng miniral water, na wala nang laman.  Ang dating pakalat-kalat at halos binabalewala nang bente singko, ay biglang nagkaroon ng kabuluhan, at nakatulong pa sa simbahan.  Para kasi'ng nawalan ng halaga o ningning, kahit sa mga bata.

"Pahinge po ng piso?"....'yan ang madalas nating marinig di ba?  Kapag binigyan mo ng bente singko sentimos, iirapan ka pa o dadabog pa; sabaya sabing, "Wala nang mabibili nito, kahit kendi!".  

Oo nga naman, 'kaw naman kasi, magbibigay ka na rin lang bente singko pa!...kuripot mo naman!.  'Buti na nga lang, nauso nga ang pondong pinoy sa simbahan, pati na rin sa mga malls.  Lata naman ang lagayan kapag nasa mga groceries o kahit saang pamilihan na meron tulad nito.  Nang nagtaas ng singil ang mga jeepney's nitong nakaraan, si "bente singko" muling nagkaron ng halaga, sa lahat ng commuters.  Sayang!  Matagal na tuloy mapuno ang pondong pinoy.  Kaya, ayon ang laman ay isang sentimo at limang sentimo na meron butas, kasama na rin ang sampung sentimo.  At muling bumaba ang pamasahe, salamat,  marami na namang laman ang pondong pinoy.

Piso, kapag pinagsama-sama at naipon, ito ay meron halaga.  Lalo na sa mga bata na nag- aaral ng elementarya. Piso, na madalas iyon ang nadudukot sa bulsa o sa coin purse, at naibibigay sa mga nagpapalimos. Makadukot ng dalawa, tatlo o apat, ito ay sapat na sa iyong pakiramdam.  Hindi ka nanghihinayang  Ayon sa iba, hindi mabigat na bitawan, lalo na kapag meron umaakyat sa jeep, at pupunasan ang iyong sapatos; sabay lahad ng kamay sa pasahero.  'Swerte! nakadami! Marami na namang pambili ng rugby ito mamaya.  'Wag ka, naka senyas pa yan ng subo ang kamay, ibig sabihin, "pangkain lang daw".  Pagkaing rugby pala!

Pero, hindi iyan ang gusto ko tukuyin, 'kundi ang "Lima at ang Sampung Piso".  Para sa mga mayayaman, siguro ang limang piso ay katumbas na lang ng isang sentimo, mayaman nga eh.  Siempre, mga papel na ang pera nila.  Iyong mga "barya" nasa tabi-tabi na lang 'yan, o  'di kaya ay nasa altar, at sa pondong pinoy na  Pero para sa akin, tulad ko na meron trabaho at sariling hanapbuhay, mahalaga pa rin ito.  Mas lalo na 'don sa mga commuters, dagdagan mo lang iyan ng tatlong piso; makakarating ka na sa pupuntahan mo. Maging honest ka lang kay manong driver ng jeep. "Kuya!... kulang ng dalawang piso, pasensya na pero, 'dian lang naman ako bababa sa unahan". Mabait si manong driver kaya ayun okey na. Kung hindi mabait, "Miss saang "unahan" ka bababa?...Wala namang lugar na, "Dian Lang"!.  Meron Dian St.! Wafak tuloy kay manong driver hahaha, napahiya man oks lang, wag ka na lang titingin sa mga kapwa mo pasahero. Kunyare eh, "nothing".  Sori, bingi ako, sabay saksak ng headset ng celphone mo!

"Ate, pabili po kanin, limang piso lang." Ibig sabihin, kalahati lang ng isang order na kanin ang bibilhin 'nya. Isang order ng kanin kasi ay sampung piso.  "Ate, lagyan mo po ng sabaw ng adobo ha?" Sabaw lang naman ang hinihinge bakit ipagdadamot pa, kaya hala sige bigay.  Noong una akala ko, sadyang bumibili lang, baka nabitin sa kanin, at meron pa siya natirang ulam sa bahay nila.  Sumunod na bili, sinundan ko ng tingin.  Ayon, ang bata nasa isang tabi, kumakain habang nakatayo.  Sarap na sarap, binutas lang iyong plastic na balot at parang ginawang ice candy.  Sabay tingin sa akin, at sumenyas pa ng "thumbs up".  "Aray ko!", mukhang meron tumusok na karayom sa dibdib ko.  Meaning, okey nabusog na sya sa pag thumbs up nya, sabay parang senyas na din ng "ok! Thank You!

Sa isang tindahan ko, meron araw araw dumadaan estudyante.  Nakita ko bumibili din ng kanin at humihinge lang ng sabaw sa aking tindera.  Masaya, masigla at maliksi.  Tulad ng isang bata noon, nakita ko ganun din ang ginawa, kinain at sarap na sarap.  Biro mo, sa halip na ibili ng candy o ice cream paglabas ng eskwelahan, ibinili ng kanin at huminge ng kaunting sabaw ng ulam. Solve na ang gutom ng bata.  Kakaawa naman, kaya ng mga sumunod na araw na, pagdadaan at bibili, meron na din dagdag na isang hiwa ng karne.  Kakaawa eh!  Mabuti pa pala ng ako nag-aaral noon, meron pa akong ulam na "balitsaw", halagang "dos" o dalawang piso. Dikit mo lang ang iyong dalire sa balitsaw, at sabay dila ng dila na meron pang laman na "bahaw na kanin" (lamig kanin)....sarapp!. Nakakatuwa at masarap sa pakiramdam, marinig galing sa isang batang tulad nya ang makarinig ng "salamat ate".

Hindi lang pala mga bata, o binatilyo ang gumagawa ng ganun.  Wala ng pinipili na edad, mapababae o lalaki, ganun ang ginagawa.  "Sampung piso na kanin ate", tapos pahinge ng sabaw ng itong ulam na ito".  Hindi lang iyong mga batang lansangan mo matandang lansangan na din (pakalat-kalat eh).  Taga repair ng relo, dating meron puesto sa isang maliit na mall, kung saan ang rent ay 200/day,  ngayon wala na.  Lakad ng lakad na lang alok sa bawat madaanan, pasok sa mga opisinang meron entrance na bukas.  Wala pa daw kita, ayun, bumili ng kanin at huminge ng libreng sabay.  Isang subo ng kanin, isang higop ng sabaw.  Ilan pa kayang  mga bata ang tulad nila?  Ilan pa kayang mga tulad ni manong repairman, at ilan pa kayang pakalat kalat na tulad nila?  Ilang pamilya kaya ang meron tulad nila na naghihirap, nagtitiis sa kanin at sabaw lang? At ilan kaya sa mga batang ito, ang balang araw ay magtatagumpay dahil lamang sa "limang pisong kanin at sabaw?".  At ang limang piso na dating hawak nila ay maging limampu, limang daan, limang libo, limampong libo hanggang maging doble doble pa?  Nakakadurog ng puso, ngunit nakakabilib. Madiskarte, pantawid gutom nga naman. 

Limang piso, kanin at libreng sabaw ng ulam.  Malayo ang mararating mo bata.  Hangad ko ang iyong tagumpay pagdating ng araw.  At kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin ko sa iyo; matitikman mo na ang mga pagkaing naipagkait sa iyo, dulot ng KAHIRAPAN. 

Jul 10, 2012

"Tara, Drive Tayo!"

You block your dream when you allow your fear to grow bigger than your faith.  ~Mary Manin Morrissey


The driving site (photocreditwww,journeyoflife.blogspot.com)

Sa nakaraang article ko, "Kahit Milyon Pa Ang Ibayad Mo Sa Akin, Di Bale Na Lang!  Kung saan dito ko tinukoy, ang isang salitang ako mismo ang sumira.  Binali ko, dahil kailangan kailangan gawin.
Ang aral na natutuhan ko mismo sa aking sarili ay,  "Wag magsalita nang patapos!" Dahil hindi natin alam kung ano ang  puwede mangyari! At lahat ng ito ay akin mismong napatunayan. Sa una at sa pangalawang pagkakataon.
 Takot ako sa aksidente lalo na sa kalye. Isipin ko pa lang 'yong mapisa ka ng mga naglalakihang sasakyan. 'Yong maputulan ka ng kamay at paa! O 'di kaya, kapag sadyang minalas ka, eh hindi mo na makikita ang lahat ng mahal mo sa buhay. "NO TO DRIVING!" 'yan ang madalas kong sabihin noon.  Bukod sa natatakot ako sa kalye, eh, wala naman akong hilig sa mga sasakyan. 

Para kasi sa akin, luxury lang 'yan!  Mas importante sa akin ang edukasyon ng mga anak ko, at ang pagkakaroon ng sariling bahay.  Para sa akin, wise lang ako.  Ayaw kong mag invest sa isang bagay, na alam ko nagde depreciate ang value.  Puede naman akong mag commute, at  safe pa ako! Lalo na sa tulad ko na antukin sa byahe.  Higit sa lahat, wala pa akong sakit ng ulo, na karaniwang nararanasan ng mga meron sasakyan; kapag ito ay nagkaroon na ng aberya. 'Tyak butas ang bulsa ko! Para sa akin hindi ko 'to priority!  Walang parking space, bawal ang meron car sa apartment at halos lahat ng pinupuntahan ko ay walking distance lamang.

Nag-umpisa sa isang biruan at napunta sa seryosohan. "Ok, sige! Bibilhin ko, para na din pang delivery service."  "Ok na ako dian, hindi ko naman kailangan ng bongga na sasakyan."   Sa isip ko, magagamit ko ito sa negosyo. At para na din makita ko man lamang, ang isang "bunga" ng aking pinaghirapan ng sobra-sobra.  Dagdag pa roon ang isang kwento, kung saan at 'pano pina-angat ng sasakyan na iyon, ang pamumuhay ng may-ari ng sasakyan.  Mula sa pagiging ordinaryong empleyado, negosyong pagkain ng kanyang sawa; hanggan sa nagsarili at nagkaroon na ng sariling negosyo.  Nakapagpatayo ng mga paupahan, nakabili ng mga lupa at bukod pa doon nakabili na rin ng mga mamahaling sasakyan.  Ayon sa may-ari meron hatid na "swerte" raw sa kanila ang sasakyang iyon.  Naniwala na rin ako, dahil isa ako sa saksi sa istoryang ng buhay nila.  Type ko ang kulay, pati na rin ang plate number nya na pariho kong lucky color.  Mahilig kasi akong mag feng shui, wala naman masama kapag ito ay subukang gawin. Walang marunong magdrive, kailangan ko e hire ang serbisyo ng dating driver, sa  tuwi na'y meron delivery o lakad.  Meron akong messenger, pero motorsiklo lamang ang kayang e maneho. Motorsiklo  na galing din, sa aking food business.  Kung saan binili ko ito, para regalo sa aking mahal ng huling nagbakasyon ito dito sa Pilipinas.

Dahil kailangan mag cost cutting at maka survive sa lumalaking gastusin ng kumpanya, binitawan ko ang aming messenger, at inilipat sa kabilang office. Sumagi sa isip ko na ito'y bilhin na, since na kailangan ang todong pagtitipid, at para mabawasan ang expenses ng kumpanya; na dulot ng sunod-sunod na gastusin sanhi ng paglilipat ng aming opisina. Kung bakit kasi ang lugar pa namin, ang napusuang bilhin ng ayala para tayuan ng mga condo. Ayan, napilitan tuloy maghanap ng ibang lugar.  Dahil kailangan ko mabayaran ang aking dating mga boss, sa pagbenta sa akin ng kumpanya, kung saan 17years ko rin itong hinawakan. Kaya kapit patalim din ako, sukdulang pagba-budget sa operating expenses. At dahil dito, Ako ay naglakas loob at nag desisyon na mag aral ng driving tuwing linggo.

Apat na araw ang theory, at limang oras ang "actual driving." Huling klase ay "trouble shooting". Hmmm..hindi na masama, pang masa ang bayad tuwing papasok.  Una, nagdalawang isip pa ako, naisip ko na naman ang aksidente; Pero bahala na! Kailangan ko talagang matuto, at sayang ang bayad sa taxi 'twing mayroon delivery. Sobra na rin busy ang kabilang kumpanya, para makahiram ng sasakyan at driver sa tuwina'y meron deliveries.
Twenty Five kami lahat na nag-enroll.  May bata pa, may edad, at may mga trabaho na karamihan.  Kaya sila ay nag-aral mag drive, ayon sa kanila, isa daw sa hinahanap ngayon na skill ng isang kumpanya, ang marunong ka mag drive.  Napansin ko karamihan sa kanila, alam mag drive ng motorsiklo, pero hindi alam magdrive ng apat na gulong.  Ang aming guro ay isang MMDA traffice head enforcer, partime 'nya ang pagtuturo at pagiging dentist.  Ang kagandahan sa Xavier School Tech School, meron theory. Kung saan tuturuan kayo ng mga road signs at iba pang diskarte sa kalye tulad ng mga sumusunod:

1. Kailangan nyo matutuhan kung paano maging defensive driver.
2. Isipin ninyo na ang kalsada ay hindi isang malaking "playground"
3. Matutong magbigayan
4. Pairalin ang presence of mind, maging alerto lagi
5.Matutong intindihan ang mga road signs
6. Alamin ang karapatan mo sa kalye at kailangan mo maging abogado ng iyong sarili.
Ilan lamang 'yan sa mga tips na natutuhan ko, bukod pa sa trouble shooting.

Kailangan ko mag 'tyaga tuwing linggo pumunta sa driving site.  Ang tawag nila sa lugar na iyon ay "FARRRVIEW".  Biruan 'yon dahil sa napakalayong lugar ng Fairview, para sa aming actual driving.  Isang malaking subdibisyon, na wala pa gaanong bahay. Paikot-ikot kami doon, kapag nakita nila kaya na ng estudyante, ilalabas ka na ng instructor mo.  Ayon sa kanila, mas madali ka daw matuto sa mga mahihirap na sasakyan,  Pinili ko ang isang owner type jeep. Ang sungit ng instructor, sa halip na matuto ka, andun 'yong matataranta ka, dahil masyadong hyper.  Kaya ka nga nag aral eh, kasi hindi mo pa alam mag drive at gusto matuto!  Next sunday na lang ulit, bad trip sayang ang aking 2 cards na katumbas ng 1hour.

 Sunday ulit, masaya din ang aming samahan.  Kahit doon lamang kami nagkakilala, biruan at kwentuhan, para hindi mainip sa byahe papuntang farrrrview.  Swerte! "Lalabas na tayo ng highway, marunong ka na pala eh!." Ayon sa aking instructor.  Bahala na! Hmmm....okey din pala, kahit nakaka nerbyos mapipilitan ka na maging alerto.  Masarap pala ang mag drive, exciting kapag walang kasabayan.  Lalo na kapag madalang ang sasakyan.  Maiinis ka lang kapag nasa ma-traffic kayong lugar.  Sa sobrang tuwa ko, sinubukan ko mag overtake, natulala ang instructor ko!  Hehehe.... tutulog-tulog kasi eh! Huwag ko na daw uulitin iyon. Ang kailangan ko lang daw tandaan, ay maging defensive driver ako at alalahanin na ang kalsada ay hindi playground kundi isang lugar kung saan ay puedeng tumapos ng iyong mga pangarap sa buhay o maaring maging daan para ikaw ay maging inutil habambuhay.

Pagkaraan ng ilang linggo na pagtiyaga, tinawagan na kami para sa aming trouble shooting class.  Ang iba hindi satisfied, dahil natapos ang mga sessions na hindi nila nagawang magdrive ng maraming beses sa labas. Last day at bigayan na ng certificate. Habang hawak ko ang Certificate,  sabi ko sa sarili ko, 'to na ang aking "Certificate of Overcoming Fear in The Road thru Driving". Muli binali ko na naman ang isang salitang binitawan ko sa pangalawang pagkakataon, pero dahil naman sa meron magandang dahilan.  Paminsan, minsan kahit na meron tayong paninindigan sa ating mga ginagawa at salitang binibitawan.  Maari din na ito ay makapagpababa ng ating "pride".  Ang pride na kadalasan ay dulot nito ang madalas na hindi kagandahan.  Ngunit, hindi sa lahat ng oras, kapag ibinaba mo ang iyong pride, ay para sa ikasasama. Bagkus, para ito sa ikabubuti natin bilang isang tao.

Jul 3, 2012

Desierto...Gaano Ka Katatag ng Dahil Sa Pamilya at Mga Pangarap...

Kahit gaano ka busy ang aking araw sa aking multitasking life everyday,  routine ko na ang pag open ng facebook ko sa gitna ng kabisihan.  Kunting silip ng mga updates at sino ang mga may birthday, pero ang totoo don ay para lamang silipin kung online ba ang aking mahal na asawa.  Oo, tama ka kabilang ako sa samahan ng mga LDR ( Long distance relationship) na minsan ay talagang hindi ko pinangarap na magkaroon ng asawa na malayo sa aming mag-iina.  Pero, lagi na lang mapagbiro ang tadhana sa atin; kung ano pa iyong ayaw natin o hindi natin ginugusto ay iyon pa ang nangyayari sa buhay natin.
Jisan, KSA (photocreditfacebookomm)
"Oi, meron bagong upload na picture ang mahal ko"! Ito lang kasi ang katuwaan ko, ang lagi silipin ang facebook nya kahit walang bago; miss ko kasi eh! Kaya hanggan tingin tingin na lang sa facebook nya at abangan na naka online. Hanggan sa dumating ako sa isang picture na sobrang humaplos sa aking puso ng kakaibang nararamdaman, sobrang awa, lungkot at meron kunting kirot.  Kung titignan mo ang picture ay isang simpleng bundok na kahit isang puno o tubig ay wala at sa gitna ng bundok ng buhangin na iyon, na kung tawagin nila ay desierto; doon nagkanlong ang campo na sa tingin ko ay gawa sa container van na pinagdugtong dugtong.  Ito ay nagsisilbi nilang tirahan sa bawat lugar kung saan sila nade destino, mag umpisa sa ordinaryong laborer hanggan mapa Engineer, at mga supervisors at managers ng project, magkasama iba-ibang lahi.  Sila sila ang magkakaharap, katunayan memorized na nila ang mga face value nila hehehe.

Naisip ko na sa ganitong mundo, dito umiikot ang buhay ng mga lalaking OFW, na meron asawa at pamilya na naiwan dito sa Pilipinas.  Napakalungkot, parang itinapon sa isang lugar na tulad sa mga preso, na kung saan walang paraan para makalaya kung wala kang sasakyan. Ganito ang buhay nila sa gitna ng desierto umiikot araw araw, gigising at magtrabaho sa malapit na site, uuwi at kakain ng pagkaing sabi ng asawa ko ay walang lasa pero pilitin na  lang kainin kesa magutom ka. Manood ng tv, internet kung meron signal, iyong iba natutulog na lang o di kaya ay busy sa text, kasama na ang chat kung meron laptop o computer. Meron din naman sila ibang libangan, ayon naman sa aking napag alaman, ang paglalaro ng baraha na minsan nauuwi na talaga sa sugal. Isa sa dahilan bakit nababaon sa utang ang mga ilan sa kanila.  Ang ilan naman ay nababaon sa utang sa load, dahil walang ibang libangan kundi ang mag text o chat, ang ilan naman ay sa inumin.  Hindi natin masisi kung nangyayari man ito, dahil kahit tayo na mga babae ang mapunta sa ganitong klase ng lugar sigurado masisiraan na tayo ng bait.  At kahit hindi ako marunong mag tong-its tiyak matututo talaga ako, para lang meron mapaglibangan sa napakalayo at napakatahimik at nababalot ng sobrang kalungkutan na lugar na ito.

Sumagi lalo ang awa na nararamdaman ko, para doon sa mga pamilyang naiisip ko nagkakaroon ng matinding problema, at sa ganitong situation ramdam ko kung gaano kahirap ang buhay magkalayo, lalo na sa oras ng kailangan ninyo ang isat-isa, kapag meron hinaharap na mga problema.  Ramdam ko ang awa para don sa mga OFW na one day millionaire dito sa Pilipinas ang pamilya tuwing malatanggap ng padala.  Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng isang OFW kapag niloloko at di nakatiis nanlalaki habang nagpapakahirap ang kanilang asawa sa desierto.  Awa din ang nararamdaman ko sa mga naghiwalay o nagkaron ng problema sa relasyon may asawa dahil hindi rin natiis ng OFW ang pangungulila, sa una ay gusto lang malibang o mapawi ang kalungkutan sa pamilya na naiwan.  Sumubok at kalaunan ay natukso ng tuluyan at bigla na lang nakalimutan na meron pamilya na dahilan ng kanyang pagtitiis at sakripisyo sa desierto.

Ilan din sa mga kakilala at kaibigan ko at kamag-anak ang nagpapatunay, na kung hindi ka malakas magpigil sadyang ang tukso ay andian lang, naghihintay para ikaw at ang buhay ng pamilya mo ay sirain sa isang pagkakamali lang.  Nakakalungkot isipin pero ito ang katotohanan.  Pero dahil sa pangarap natin sa ating mga pamilya at anak sinusubukan natin ang mga bagay na akala natin ay makakatulong sa atin para umunlad.   Salamat at ang iba ay nagtatagumpay kahit dumaan sa matinding pagsubok at ito ay kanilang nalampasan.  Pero nakakalungkot naman para don sa mga hindi naging maganda ang nangyari sa halip lalo nasira ang pamilya na dahilan ng kanilang pag-alis.  Ang tanging masasabi ko lang ay sa bawat pagsubok na pagdaanan ng bawat pamilyang OFW maging matatag at handa lagi unawain ang bawat isa, bigyan ng time ang bawat isa at lagi iparamdam na andian lang kayo at magkasama, lawakan ang bawat pang unawa at pairalin ang give and take relationship.

Ang pagmamahal ay kaakibat ang sakripisyo at sakit dahil kung hindi ka nagmamahal hindi ka masasaktan.  Kung nagkamali man handa pakinggan ang bawat isa, lagi gawan ng paraan at solusyonan ang bawat kinakaharap na magkasama. Pag aralan ang magkaron ng open communication, tiwala ay kailangan ibigay kahit na sa dulo ng isip mo ay meron agam agam.  Ang pagdadasal at lagi huminge ng guidance sa itaas ay malaki ang naitutulong para maging matuwid ang pag iisip ng bawat isa  At para sa mga babae na tulad ko nasa malayo ang asawa isa sa natutuhan ko ang e program ang isip ko na ang aking asawa ay lalaki at meron pangangailangan na hindi natin maibigay at anytime puede sila makalimot. Unfair, pero kapag nangyari iyon tiyak sobra sakit pero dahil nga naka ready ang ating isip sa puede mangyari, kalaunan kapag pina iral ang open communication at pagmamahal at understanding sigurado mapapatawad mo ang pagkakamali na nagawa ng iyong asawa at bigyan ng pagkakataon na magbago dahil naging malawak na ang iyong pag iisip at pang unawa sa bawat situation ng buhay LDR.

"Ikaw paano mo hinaharap at pinaglalabanan lahat ng pagsubok at kalungkutan alang alang sa iyong pamilya at sa hinahangad mo na magandang kinabukasan para sa pamilya mo?'

Jun 12, 2012

"Kapag Meron Tiyaga Tiyak Meron Pagpapala"

Every great dream begins with a dreamer. Always remember, you have within you the strength, the patience, and the passion to reach for the stars to change the world.
Harriet Tubman

Tawagin natin siyang Donita Gan. Ito ang kanyang tunay na pangalan nakilala ko siya dito sa aking bagong tirahan at opisina; at kapag tiningnan mo siya makikita mo ang kanyang maamong mukha at palangiti na mga labi. Una, pasilip silip muna siya hanggang nagkaroon ng lakas ng loob para ito ay mag alok ng kanyang paninda na nilalako; mahirap magtiwala lalo na dito sa bagong lugar namin. Sa katagalan nakagaanan na din namin sya ng loob kaya pinapayagan na rin namin sya pumasok sa loob ng aming opisina.

Si Donita at ang kanyang paninda
Habang tumatagal paunti unti namin siya nakikilala, sa paudlot udlot na kwento at pagtatanong nagkaroon kami ng kunting background tungkol sa buhay niya.  Minsan kahit sumasakit na ang ulo ko dahil halos araw araw iyon ng iyon ang kanyang nilalako, matitigas na banana cue at maliliit, turon at maruya sa hapon. At sa tanghali naman ay pinya at pakwan o di kaya ay papaya, nakakaawa naman kasi eh kaya napipilitan na lang ako bumili kung puede nga lang pakyawin ko na, pero hindi naman ako mayaman para gawin ko iyon dahil iisa lang ang kilala ko na gumagawa ng ganun walang iba kundi ang aking dating chinese na boss sobra maawain at matulungin kaya pinapakyaw nya madalas ang tinda ni lola noon, ang tinda na mais ni aling Lourdes at ang Taho ni manong at ito ay ipapakain sa kanyang mga tauhan. How I wish na dumating din sa akin iyong time na maging successful din ang aking business at magkaron ng sobrang pera at gagawin ko din iyon para makatulong sa kapwa at mabubusog ko lagi ang aking mga staff.

Si Donita ay 7year old pa lang ng tumira sa kanyang tiyuhin kapatid ng kanyang ina lumaki sya na kasama ang kanyang mga pinsan. Produkto si Donita ng broken family, ang kanyang ama ay may ibang pamilya at ang kanya naman ina ayon sa kanya ay nasa probinsya pero nagkaroon ng diperensya sa utak. Marami silang magkakapatid at lahat sila ay hiwa-hiwalay (kaya nakikita ko ang aking sarili sa kanya noon). Napag alaman ko sa paunti unting pagtatanong sa kanya kung bakit kailangan niya maglako ng paninda, dahil ito daw ang ikinabubuhay nila tiyuhin nya ang nagluluto at siya taga lako. Ang kanyang mga pinsan ay nasa bahay lang to make the story short sya ay inaapi pati sa pagkain ng kanyang mga pinsan at ganun na din ng tiyuhin at tiyahin niya. Salat siya sa lahat pero sinisikap nya mag aral galing sa kanyang suhol kapag naglalako; dahil kapag hindi naubos meron sya 15.00 at kapag naubos meron siya 20 o 25 pesos.

Ang kanyang tsenilas ay butas na sa paglalako ang kanyang damit ay sobrang luma na sa gawain bahay ay tumutulong din sya minsan naabutan pa sya ng isa kong staff nagsusundot ng bara ng kanal sa tirahan nila. Minsan kinausap ako ni Donita kung puede ko ba raw siya kunin at dito na lang sya magtabaho habang nag aaral siya. Gustushin ko man pero ayaw ko dahil baka magalit ang tiyuhin niya kahit na awang awa ako na malaman na kapag hindi sya magtinda ng maaga pinagagalitan siya ng tiyuhin niya at lagi sya inaakmaan ng kutsilyo sa kamay pero ayon sa kanya hindi naman sya nasusugatan dahil hindi naman dinidiin ang paghiwa at parang tinatakot lang sya.  Doon ako naawa sa kanya, masinsinan ko siyang kinausap kong ginagawan ba sya ng hindi maganda bukod pa doon sa sinabi nya sa akin at hindi naman daw.

Pinayuhan ko siya na magtiis lang at sundin lang ang kanyang tiyuhin na sya ay magtinda basta huwag lang na sya ay sasaktan ng pisikal atn gugutumin. Madalas maawa sa kanya ang kanyang teacher kaya teacher na ang nanlilibre sa kanyang mga test papers o maliit na bayarin sa school. 

Ikinuwento ko sa kanya ang pinagdaanan ko noon bago ako naging ganito ngayon sinabi ko na marami ako tiniis na hirap at pasakit at pagtitiis para lang magkaron ng magandang kinabukasan at sinabi ko na sana ganun din ang gawin niya.  Siya ay 3rd yr high school na at isang taon pa graduate na sya ng high school at sinabihan na din siya ng kanyang tiyuhin na hindi na sya mag aaral ng college dahil meron ito mga sariling anak na kailangan tustusan ng pag aaral.  Sinabi din sa kanya na kailangan na nya umalis kapag nakatapos na sya at lumipat na sya doon sa kanyang isang tiyahin. Hindi rin daw sya paaralin doon at ang gagawin din niya siya din ay paglalakuin ng paninda tulad ng ginagawa nya ngayon.

Binigyan ko sya ng pag asa at sinabi ko na kung sakali man makatapos ka at ako ay nangailangan ng tao sa aking canteen kukunin ko siya at ipagpapatuloy nya ang kanyang pag aaral kahit vocational lang. Sa araw araw na kanyang paglalako ng paninda lagi ko siya binibigyan ng pangaral, payo at binibigyan ng pag asa.  Alam ko balang araw meron naghihintay na magandang kapalaran sa batang ito. Nagsisikap nagtitiis sa init ng araw sa pagtitinda araw araw at kahit pagod hindi tumitigil sa pag aaral at pagtulong sa kanyang kinalakihan na pamilya.

Ilan pa kayang kabataan ang katulad ni Donita na patuloy lumalaban para lang matupad ang kanyang pangarap, ang pangarap sa sana maiba ang kanyang mundo na iniikutan. 

May 19, 2012

WANTED: SALESLADY W/PLEASING PERSONALITY


Di ko maiwasan mapangiti habang binabasa ko ang isang blog sa isang website na tumatalakay sa “kagandahan”.

Naalala ko noon first job hunting ko dito sa Manila, lahat ng nakalagay sa classified ads ay "w/pleasing personality". Pumasok kaagad sa isip ko yong mga nakikita ko sa SM Dept stores noon at sa iba pang sikat na mga malls.

Sobra ako  nagandahan sa kanila para silang mga artista, naka make up, kolorete sabi ng lola ko pero sabi naman ng lolo ko pintura na parang nasubsub kaya namula ang mga labi. Ang tataas ng mga takong ng sandals o di kaya sapatos nila 3 hanggan 4’ pa nga.
Tingin ko sila yon mga napapanood ko sa TV ang gaganda nila ( sabi ng kaibigan ko dito lang daw sila maganda sa loob kasi sa reflect ng ilaw at kapal ng make up ).   Sa isip ko “sana tulad din nila ako maganda para puede rin ako mag work dito”. Akala ko nga mga model kasi naman ang iiksi ng mga skirts (kinulang yata sa tela biro ko sa sarili ko ). Yong iba naka pants medyo sopistikada ang dating. Siempre meron pagka ignorante ang lola at kawalan tiwala sa sarili basta nakita ko ang with pleasing personality sa classified ads nilalampasan ko na agad ito.
photo barrowed from123rf.com

Kaasar naman paano ba ito? Pero, kailangan ko tlaga magkaroon ng trabaho at ayaw ko maging “PAL” member. Taas noo suot ko ang pinang graduate ko na damit sa province at sabi nila noon sexy daw ako kasi bilugan ang legs ko at mapuputi kaya mahilig ako noon mag mini skirt.   Meron kasabihan na pagyamanin mo kung ano ang asset meron ka at huwag itatago. Mag apply ako bahala na sabi ko try ko secretay katuwaan lang kapag natanggap ako ibig sabihin may pleasing personality ako.  Ang dami namin grabe at inay ko po ang gaganda nila at mga long legged pa graduate pa sa mga kilalang unibersidad ang ilan sa kanila, dahil don parang na discouraged ako. Pero  napa "wow"  na din ako sabi ko talagang secretary ang dating ng mga ito at wla na ako laban dito. Napasa ko ang exam at interview then sabi balik ako kinabukasan for final interview. Four kami napili after ng katakot takot na screening bago sinabak sa first interview, sabi ko sa isip ko wow lumusot ako hahaha meaning meron pala ako pleasing personality at take note nakalusot kahit graduate ako sa province lang at sa isang technology school lang din.  Sinala mabuti at out of 30 applicants dalawa lang ang kailangan. Naku wla na ako pag asa hahaha di bale for experience na rin naman ito.

Sinama ako ng isa sa apat na kasamahan ko at interview daw nya sa isang company at malapit lang daw doon. Sabi sa akin ng secretay ng andun na kami Miss? Ikaw? Try mo mag apply para masama ka sa interview, kailangan namin ng saleslady for SM Dept. Store. Ha??? Ayaw ko po! Hindi ako maganda bagsak ako sa SM kulang pa ako sa height. Try mo lang miss, malay mo saka may itsura ka din kaya saka di halata na di ka 5’2 (weee hehe sarap pakinggan binola ako medyo lumapad ang tenga ko sumabay sa laki ng ngiti ko). Interview ng may ari at napili ulit ako . Okey, tom.  dalhin mo ito at pumunta ka ng SM North Edsa. Pang eleven ka na sa ipinadala namin at sana ikaw na ang pumasa doon dahil bagsak yong mga naipadala namin don at badly needed na talaga at tingin ko papasa ka. Hmmp 5'2 ang need nila sir baka di ako pumasa pero singit ng supervisor mag skirt ka lang at kapag sinukat ka tumingkayad ka ng wag pahalata.

Ok game! Mini skirt, blouse long sleeve, 3” high heel binili ko pa sa Divisoria mumurahin lang, blush on kunti lipstick na pink at kunting eyeshadow. Makati sobra di sanay eh. Pila ng napakahaba parang Edsa ang nadatnan ko after ko maglakad ng malayo galing sa babaan ng pasahero galing sa Quiapo ang hirap maglakad sa sobrang taas ng sapatos ko, nagmamantika na ang mukha ko bago nakapasok. Biodata, screening, sukatan ng height siempre at wow for interview na ako? At  eye to eye contact confident ako sa bawat sagot ko sa mga tanong.  Sa isip ko patutunayan ko sa kanila na kahit wala akong pleasing personality matutupad yon dream ko na mag work o mapabilang sa kanila na mga hinahangaan ko. Daanin na lang sa coconut shell (yabang pero grabe dami rat naghahabulan sa dibdib ko hehe) Okey, Miss hintayin mo un ibibigay sayo then pag complete na yan puede ka na mag start. Waaaa hahaha the unforgettable moment in my life. Mam, nakapasa po ako? I mean tanggap na ako? tumango lang un incharge. Natawa un mga kasamahan ko kasi sabi ko tlaga "Ibig sabihin mam hindi ako pangit meron pala ako pleasing personality? Ibig sabihin maganda pala ako? Ms. hindi naman sa ganda ng mukha yong pleasing personality na sinabi kundi maayos ka sa sarili mo presentable. At hindi dahil lang sa maganda ang mukha kaya tinatanggap dito at about sa height naman dahil hindi puede na mas mataas pa sa iyo ang mga estante sa store baka di ka na mapansin ng mga shoppers. Importante sa lahat naipasa mo un screening at interview meaning aside sa meron ka pleasing personality meron din laman ang utak mo at malinis ka tignan at maayos. Ikaw ba naman kasi ang nakasuot ng mukhang executive sa makati kung di ka pa papasa nian sabi ng katabi ko habang nagkukuwentuhan kami about sa pag intro namin...Ganun? sabi ko. Well, siguro nga ganun kasi sabi pang 11 na ako sa pinadala un 10 na un bagsak at ako ngayon ang pumasa.
original photo of me year 1997
Kaya naibahagi ko buo dito sa mga blog readers dahil para kahit papano makapagbigay ako ng inspirasyon sa mga bago pa lang naghahanap ng trabaho. Ika nga ay first timer dito sa Manila at first time din maghanap ng trabaho.

Dahil sa karanasan ko na iyon nagkaroon ako ng tiwala sa sarili ko. Dati mahiyain ako sobra at walang tiwala sa sarili at bukod pa dian laging meron pag alinlangan. Nag grow ako bilang isang masipag at matiaga sa trabaho natuto ako sumabay sa agos ng buhay maynila . Lalo na develop ang strong personality ko pati na rin ang physical appearance ko dahil sa ibat ibang uri ng trabaho at position sa kompanya na ipinagkatiwala sa akin. Proud ako dahil wala sa isip ko na makakaharap ko sa isang meeting o personal na makakausap (work related) ang mga meron matataas na posisyon sa mga ahensya ng gobyerno at kasama na din ang mga nasa malalaki at kilalang mga may ari ng ilan sa mga kilala din na mga kumpanya. Kaya naman obligado na ako noon na lagi executive look ang suot at lagi high heel ang suot ko.  Hanggan sa nalipat kami ng management doon karamihan noon empleyado mga kalalakihan lagi nila ako sinasabihan ang sexy mo naman at ganda mo bagay sayo ang suot mo.  Naniwala na rin ako kasi kahit yong mga kababaihan nila kasamahan iisa lang sinasabi pati ng boss ko na lalaki na parang tatay ko na din hanggan ngayon. Ang sexy mo naman Ms D----- ( sad to say that was  1997 to 2007 ngayon kasi chubby na at simple na lang manamit at flat na ang mga shoes ko ). Iba ang feeling kapag nagkaron ka ng kumpyansa sa sarili mo kahit sino pa ang kaharap mo kayang kaya mo silang harapin at makipag deal. Natuto din ako kumilatis ng isang tao dahil na rin siguro sa ibat ibat klase ng tao at personality ang na kilala ko. Dahil part ng trabaho na kailangan marunong ka paano mo e present o project ang iyong kumpanya para magkaroon kayo ng good impression sa lahat ng mga client. Sa Gobyerno natutuhan ko paano sumabay sa tugtog ( dito ako natuto mambola hehehe ) Siempre kailangan ang connection lalo na kapag nasa mundo ka ng pagnenegosyo.

Hindi lang naman sa ganda o kung saan ka nagtapos na school o university. Actually, 2yr grad lang pero civil service eligibility passer ako.  At para naman medyo madagdagan ang tiwala ko sa sarili ko nag aral ako ulit dahil binigyan din ako ng time ng aking boss para magkaroon ng degree course . At dahil sa natutunan ko sa sarili ko ang magtiwala sa kakayahan ko, sipag at tiaga, dedication at loyalty sa kumpanya at pagmamahal ito ako ngayon isa na rin sa nagmamay ari ng isang maliit na kumpanya courtesy of my boss's at meron din isang maliit na food buss. na galing sa dugo't pawis ko. Salamat din sa buong family (mga bosses ko) sa binigay na pagkakataon para maipakita ko ang kakayahan ko at lalong lalo na sa tiwala na ibinigay nila sa akin.  Sila ang aking inspirasyon kung paano magpatakbo ng isang kumpanya at negosyo at kung paano maging manatili na isang taong meron kababaang loob at marunong magpahalaga sa bawat empleyado.