Showing posts with label Love Story. Show all posts
Showing posts with label Love Story. Show all posts

Oct 21, 2012

Minsan May Isang Manloloko, Sagot Ba Ay Abortion?

(Photo Credit: Psychologyface)
Si Bam, walong taon nang single mom; naitaguyod niya ang kaniyang anak at napaaral.  Salat man ito sa buhay, pero lahat ng pagsubok ay kaniyang nalampasan.
Naging mailap sa lalaki si Bam.  Sinubsob ang sarili sa anak na walong taon gulang at sa trabaho, umiikot ang mundo nilang mag-ina sa isa’t-isa.  Masakit man sa kalooban ni Bam, ang makitang naghahanap ang anak ng pagmamahal ng isang ama;  ngunit lahat ito ay tiniis niya dahil na rin sa kagustuhan na huwag na silang masaktan pareho. Sobrang manloloko kasi ang ama ng anak ni Bam.

Lumipas ang mga taon; hindi inaasahan ni Bam, na mayroong isang lalaki na halos hindi siya tinigilan para lamang mahulog ang loob nito sa kanya.   Muling binuksan ni Bam ang kaniyang puso. Dahil ang lalaking ito ay lumampas pa sa criteria na kanyang hinahanap sa isang lalaki.  Napakasipag, mabait, matalino, at halos lahat na ng hanap ng isang babae ay nasa kanya na.

Halos hindi na sila nagkakahiwalay dalawa. Nagkasundo na magsama na lamang; dahil mayroon daw hinihintay na petition si Peter sa kaniyang ate, kailangan ay single muna siya at hindi pa maaaring magpakasal.  Tiwala naman si Bam, labas-pasok na rin ang kapamilya ni Peter sa bahay nila.
Makalipas ang dalawang taong pagsasama ay nagbunga ang pagmamahalan nila.  Magkakaroon na si Bam ng pangalawang anak. Ipinaalam ni Bam kay Peter na buntis siya; at sa kaniyang pagtataka, bakit ito biglang natahimik.

Sinabi ni Bam na kailangan na nilang magpakasal, ngunit ang tanging tugon ni Peter ay sasama siya sa doctor kapag nagpa-check-up si Bam.  Natuwa si Bam. Pero sobrang ikinagulat ni Bam ang sinabi ni Peter sa harap ng Doctor.

Lalaki: “Doc, hindi pa kami ready.  Maaari mo ba siyang bigyan ng gamot para hindi matuloy ang kaniyang pagbubuntis?”
Parang bomba na sumabog sa pandinig ni Bam at naiyak ito sa galit at pagkabigla.

Doctora: “ Iho, nandito ako para bumuhay ng bata at hindi para pumatay!”

Hindi alam ni Bam kung paano siya nakalabas ng ospital.  Iniwan niya ang walanghiyang si Peter.
Mula noon hindi na kinakausap ni Bam si Peter at kaniya na itong pinalayas sa kaniyang pamamahay. Hindi matanggap ni Bam ang lahat na sa pangalawang pagkakataon ay naloko siya.  Siya na walang ginawang masama sa kapwa.  Isang mabait at masunuring anak at matulungin sa kapwa

Diyos na ang gumawa ng dahilan.  Hindi ugali ni Bam ang makialam sa gamit ni Peter; ngunit nang araw na iyon ay mayroon siyang hinahanap. Mayroon siyang nakitang resibo at pangalan ng school at may nakalagay na dalawang pangalan ng tao at kapangalan ni Peter. Pinaamin ni Bam si Peter.  Nasukol ito sa ginawang panloloko; may anak at asawa si Peter.

Ang babae ay nasa ibang bansa at ang mga anak ay nasa probinsiya naman.  Kaya pala malaya si Peter na makasama si Bam ng 24/7.  Ang mga kapatid at nanay naman ni Peter ay tahimik, mukha kasing pera ang mga ito. Piniperahan nila si Bam at si Peter, pati na rin ang mga kaibigang malalapit sa kanila.

Nabuhay ni Bam ang unang anak na walang tatay. Buo sa isip ni Bam na palalakihin niya ang kaniyang pangalawang anak tulad sa kaniyang unang anak sa lalaking niloko rin siya.  Oras ng panganganak ni Bam, dito na naghulagpos ang galit ni Bam nang sobra-sobra. Nanganak si Bam na kahit isang kusing mula kay Peter ay wala. Wala rin si Peter dahil mas inuna ang birthday sa anak sa tunay na asawa. Ang nanay pa ng manlolokong si Peter ang nagbantay sa hospital at may kapalit pala itong bayad mula kay Bam.
Sobrang napuno na si Bam dahil hindi lamang puso niya ang niloko at pati na rin ang kaniyang anak sa una.  Niloko din si Bam pagdating sa financial ni Peter, daan-daang libo mula sa kanilang mga sidelines ang hindi alam ni Bam ay kinuha na pala lahat ni Peter..  Noong nagkasakit at nag 50/50 ang panganay na anak ni Bam, ang inaasahan nitong sariling pera at commission ay kinuha na pala ni Peter; para sana pambayad ni Bam sa ospital.

Hindi nagsisi si Bam noong pilit niya itong hiniwalayan. Sa likod pala ng kabaitan ng lalaking ito ay nandun ang maitim na budhi.  Halos, magpakamatay, ilang beses na lumuhod ito kay Bam at pilit kinukuha ang kanilang anak.  Ngunit sa napakaraming panloloko na na-discover ni Bam sobra na itong isinumpa ni Bam at muntikan na ni Bam itong nasaksak.  Muntik nang makapatay si Bam para lamang sa kaniyang anak na pilit na kinukuha ni Peter..

Sa ngayon, ang lalaki ay nagkaroon ng anak na naman sa iba.  Nalaman ito ng tunay na asawa.  Si Peter ay patuloy na namamayagpag sa kaniyang propesyon. Parang hindi tinatablan ng karma. Sa mga panlolokong kaniyang ginagawa.  Inilayo na ni Bam ang kaniyang anak, para makaiwas sa brainwash ng kaniyang ama na manloloko.

Si Bam, masaya na sa kaniyang buhay. Walang pinagsisihan.  Masaya ito na kapiling ang kaniyang dalawang anak.  Nag-aaral ang mga ito sa pagsisikap ni Bam.  Hindi pinanghinaan ng loob si Bam sa kabila ng napakaraming pagsubok at hirap na kaniyang pinagdaanan.  Namuhay silang mag-ina na walang nilalapitan o hinihingian ng tulong. Dasal at paghingi ng kapatawaran ang tanging nasasambit ni Bam araw-araw. At ang patuloy na paghingi ng lakas ng loob mula sa Diyos.

Hindi nagkamali si Bam nang desisyunan na buhayin niya ang dalawang bata. Dahil alam ni Bam na kung pumayag siya na ito ay ipa-abort ng ama, sigurado na hindi ito ikatatahimik ni Bam.  Inisip ni Bam na napakalaking kasalanan sa Diyos ang abortion kaya ni minsan ay hindi ito sumagi sa isip niya.  Lakas-loob niya itong hinarap kahit umani siya ng panghuhusga sa mga tao sa paligid niya.  Bagkus ang kaniyang mga anak ang naging dahilan para umangat ang kanilang pamumuhay.

Sep 26, 2012

Ang Nalalapit Na Pagtatapos Ng Isang LDR Relationship

(wikipedia/saudiaairline)
Napatingin ako sa kalendaryo, 5 buwan na lang pala at mawawala na ang titulo na LDR sa buhay ko at buhay ng mahal ko.

Ang hirap maghintay.  Minsan, parang ayaw ko nang tignan ang kalendaryo; at madalas talagang umiiwas na akong tumingin at magbilang sa bawat pahina at numero nito.  Isa sa pinakamahirap sa buhay nang LDR ay iyong ikaw ang naiwan; Iba ang pakiramdam kumpara sa ikaw ang umalis. Alam ko ang pakiramdam na ganito dahil parihong naranasan ko ito.

Ilang taon na pagtitiis. Ilang taon na nangangarap na sana balang araw magkakasama din kami.  Ang tanging nag-uugnay ay ang internet at celphone.  Hindi ko pinangarap ang magkaroon ng ganitong relasyon.  Mula pagkabata, pinangarap ko na ang isang buo at masayang pamilya.  Salat man sa ibang bagay, ngunit masayang magkasalo sa hapag kainan.  Masayang pinagsasaluhan ang mga nakahaing nakayanan. Ano ang silbi ng mga masasarap na pagkain sa aking harapan, kung ang ang aking mahal ang nasa isip ko; kung kumain na ba at kung ano na ang kinain niya sa oras na iyon.  Ano ang silbi nang mga material na bagay kung alam mo na nag-iisip ka kung ano ba ang kanyang ginagawa sa oras na ito.

Sobra kong nami-miss ang mga araw na tayo ay magkasama, hinahanap-hanap ko ang ating mga tampuhan at pagbabati na tinatapos nang isang simpleng yakap at halik. Nami-miss ko ang mga tawanan natin, kulitan, harutan at walang katapusang mga kwentuhan habang nakahiga na.  Sobra ko rin nami-miss iyong pagtulog natin na magkahawak kamay at magkayakap, na iyong mukha ko ay nasa ilalim ng iyong kili-kili. Habang ang isa sa atin ay naghihilik dahil sa sobrang pagod. Hinahanap-hanap ko iyong nakikitang halos nag-aagawan at hindi na makatayo sa lamesa dahil sa sobrang kabusugan.  Hinahanap-hanap ko iyong madalas ay sinasamahan mo ako sa kung saan man ako pumunta.  Hinahanap-hanap ko rin ang minsang naasar ako sa tuwina’y nalalasing ka. At mas lalong na-miss ko ang minsan mong mga paglalambing.  Miss ko rin na iyong nililigpit ang aking mga paperworks para senyal na tumayo na ako at kayo naman ang aking bibigyan ng oras at panahon.

Siguro nga napakapalad ko sa panahong ito.  At sa 5 buwan na nalalabi excited na ako sa iyong pagdating.  Alam ko, pagkatapos ng 5 buwan na iyon mula ngayon; iyon na ang huling pag-apak ko sa airport para sunduin kita.  Dahil alam ko, ito na rin ang huli na ikaw ay hindi na lilisang muli para kami ay iyong iiwan.
Sa mga panahong, sobrang maraming pagsubok tayong pinagdaanan,  Sa mga panahong maraming sumubok sa tibay nang ating relasyon.  Sa mga panahong muntik na tayong bumitaw sa isa’t-isa; sa mga panahong kapwa tayo nagkulang nang panahon sa bawat isa.  At sa mga panahong puno nang galit ang ating mga puso dahil sa mga mabibigat na pagsubok na ibinigay sa atin. Nagpapasalamat ako na lahat nang ito ay ating nalampasan. Thankful ako dahil mayroon tayong open communication sa isa’t-isa. Nasasabi natin ang bawat saloobin natin, ang bawat kinikimkim na mga damdamin na naging daan upang malampasan natin ang lahat nang mga pagsubok.

Sa iyong pagbabalik at hindi na muling paglisan, alam ko na marami pa rin tayong pagsubok na pagdadaanan.  Alam ko na malalampasan natin ito nang magkasama.  Hawak kamay nating haharapin ang lahat nang hamon sa bawat relasyon.  Alam ko na sa bawat hindi natin pagkaintindihan mas madali para sa atin na ito ay ayusin.  At muli sa iyong pagbabalik alam ko, muling manunumbalik ang minsan ay naging malamig na mga panahong alam ko pinagdadaanan ng bawat may relasyong LDR.  Dahil alam ko sobra-sobra lang natin nami-miss ang bawat  isa.

Panibagong buhay sa mundo na hindi mo nakasanayan, ngunit sisiguraduhin ko sa iyo na ito ay iyong hindi pagsisisihan.  Dahil alam ko ito ang pangarap ng bawat OFW ang makasama at manatili sa bansa kung saan kasama niya ang mga taong nagmamahal sa kanya.
Wala na ang mga pasko at bagong taon na malamig at  malungkot.  Magkasama na nating ma-i-celebrate ang ating mga birthdays.  Higit sa lahat magkakasama na tayong magsisimba tuwing araw nang linggo at magkakasama na rin tayong a-attend sa school activities ng ating mga anak.

And the countdown begins from now..............See you soon…..Dadi!

Sep 21, 2012

Pinagtagpo, Pinaglayo ng Tadhana at Relihiyon (True Story Part 2)


Sa bawat buhay nga raw ay mayroong kontrabida.  Nalaman ng tiyahin ni Anna ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. Ang masaklap, ginawan pa ito ng kuwento na hindi totoo ni Lea.
“Mga walang hiya kayo! Lumayas ka dito, Al! Wala kang utang na loob, pagkatapos kitang patirahin dito sa pamamahay ko, ito pa ang gagawin mo?” , ito ang nakakabinging sigaw ng tiyahin ni Lea.

Humingi ng sorry si Al, umiiyak habang nagliligpit ng kaniyang mga gamit.  Si Anna naman, nasa isang sulok.  Umiiyak habang pinagmamasdan ang pagliligpit ni Al. Halos sasabog na ang dibdib niya. Sari-saring emosyon ang kaniyang nararamdaman.  Awang-awa si Al kay Anna, magkakahiwalay na kasi sila.  Hindi natiis ni Al si Anna, at patakbo itong lumapit sa kinaroonan niya.  Niyakap niya ito at kapwa na silang  humagulgol nang todo.

“Hindi kayo maaring magkatuluyan!” ang palahaw nang tiyahin ni Anna. “Tama na ang ako lamang ang nakapag-asawa ng muslim! Wala nang pwedeng sumunod sa yapak ko! Isinusumpa ko iyan, at itaga ninyo sa kukote ninyo.”

Lumayas ka na Al…! At ikaw na malanding babae ka, maghanda ka at pauuwiin na rin kita!”

Tahimik lamang ang tiyuhin ni Al, ang asawa ng tiyahin ni Anna. Isa itong pure na Tausog. Walang magawa. Nag-usap nang panandalian ang magtiyuhin. Pinahanap nang pansamantalang matutuluyan si Al.  Tatapusin lamang ni Al ang pangalawang semester, at ipagpapatuloy na nito ang pag-aaral sa ibang siyudad.
Panakaw na sumisilip si Al sa shop, kung saan nandoon si Anna.  Lingid kay Anna ang ginagawang ito ni Al.  Si Anna, walang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.  Bumigay na ang katawan nito.  Bago napauwi si anna sa kanilang lugar, nagawa pa ni Al na pasimpleng dumaan sa shop at panakaw na nagbitaw ng salita si 
Al.  si Al na noon ay papunta na rin nang ibang siyudad.

Al: Anna, babalik ako, hintayin mo lamang ako. Magtatapos ako para sa iyo.

Anna:   Pangako, Al?  At kapag hindi mo na ako maabutan dito sa pagbalik mo, alam mo na kung saan mo ako puwedeng makita o puntahan.  Baka makauwi na rin ako. Pero susulatan kita lagi.
Punong-puno ng mga pangako at pagmamahal sa isa’t-isa.  Si Anna ay panakaw na nakakapagpadala ng sulat na sa lugar ni Al naka-address.  Tuwing bakasyon, panakaw na dumadaan si Al sa shop. Hindi magawang sumagot ni Al sa mga sulat ni Anna, dahil makikita ito ng tiyahin kapag ibinigay ng kartero.
Umuwi na ng Maynila si Anna. Walang kasiguraduhan, pero, umaasang matutupad ang mga pangarap at pangakong binitawan sa isa’t-isa.  Mabigat ang kalooban na nilisan ang lugar kung saan natuto siyang magmahal.

Pagdating sa Manila, saka lang nalaman ni Anna na naiwan pala niya ang bag na kung saan ay nandoon ang address ni Al.  Naputol ang communication nilang dalawa. Masakit man para kay Anna, pero tinatagan niya ang loob niya. Nararamdaman kasi niya na muling magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Al.
Muling napagawi si Anna sa lugar kung saan sila unang nagkita ni Al.  Hindi sinasadyang, napadaan rin si Al sa shop.  Galing ito sa Zamboanga, kung saan nagtapos ng kaniyang pag-aarl.  Kapwa sila nagkagulatan, na nakita nila ang isa’t-isa. Kapwa pigil ang mga sarili. Nakabantay ang tiyahin. Hanggang tanaw na lamang sa isa’t-isa.

Ipinagpatuloy ni Anna ang pag-aaral sa Maynila. Wala na itong balita kay Al.  Maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Anna.  Nadisgrasya ito ng isang mapagsamantalang lalaki. Naging matatag si Anna, kahit halos tapusin na niya ang buhay dahil sa pagkasira ng kaniyang kinabukasan.  Dagdag pa ang isiping, paano na siya haharap sa taong pinakamamahal niya. Wala na siyang maipagmamalaki dito. Umaasa pa rin kasi si Anna na sa huli ay magiging sila ni Al.

Lumipas ang mga taon, nalampasan ni Anna ang pagsubok bilang isang single mother.  Napalaki niya ito ng maayos. Naging maayos na rin ang buhay ni Anna. Abala ito sa kaniyang career.  Kinalimutan rin niya ang usapang pag-ibig. Ngunit sa puso niya ng mga panahong nag-iisa siya, at pinalalaki ang kaniyang anak, ramdam niya na muling mag-krus ang kanilang landas ni Al.  Umaasa siya, na sana kapag pinagtagpo sila ulit, ay binata pa si Al at mataggap kung ano ang nangyari sa kanya.  Hindi mahilig si Anna sa social network, pero dahil sa mga kasamahan sa opisina, natuto na siyang mag-friendster. Hinanap ni Anna si Al. Wala ito. Kinalimutan na ni Anna si Al nang tuluyan. Kahit na malakas ang pakiramdam niya na muli silang magkakatagpo ni Al.

Isang message sa inbox ng Facebool.  “Hi….how are you?”
Biglang nanlamig ang aking buong katawan.  Kinusot ko pa ang aking mga mata, totoo nga ang pangalang nababasa ko sa inbox… si Al!
Al: Ang tagal kitang hinanap.  Ang sabi ni tita (tiyahin ni Anna), hindi na raw nila alam kung nasaan ka. Ipinagtanong kita sa mga pinsan mo, wala silang alam sa kinaroroonan mo.  Sumulat ako pero walang sagot. Ipinadala ko ito sa address na ibinigay mo sa mga huling sulat mo.
Anna:  Ang tagal kong naghintay, marami na ang nangyari, siguro hindi talaga tayo para sa isa’t-isa. Masaya na ako ngayon sa buhay ko.
 
Al:  Wala akong ginawa noon, tuwing naiisip kita at nalulungkot ako kundi ang basahin nang paulit-ulit ang iyong mga sulat. Umaasa ako na magkakaroon ng katuparan ang ating mga pangarap at pangako sa isa’t-isa.
Anna:  Tapos na ang lahat Al. Siguro sadyang pinagtagpo tayong muli ng tadhana, upang magkaroon ng closure ang isang bahagi ng buhay natin.  Masaya ako na makitang may maayos ka ng pamilya.
Al:  Sa amin puwede kaming magkaroon ng asawa nang higit pa sa isa.  Mahal na mahal kita hanggang ngayon.  Hindi ako tumitigil sa pagtatanong-tanong kung nasaan ka.
 
Anna:  Sadya akong nagpakalayo-layo at nanahimik, para makalimutan ang lahat. Gustuhin ko man ang hanapin ka din, wala na akong lakas ng loob, dahil wala na akong maipagmamalaki sa iyo noon.
Tinawagan ni Al si Anna, mula sa Middle East, kung saan doon na ito nakabase pati na rin ang pamilya nito.  Nagkaroon sila nang maayos na pag-uusap. Naipangako sa isa’t-isa na mananatili silang maging magkaibigan.  Hindi na din sila muling  nagkausap, dahil na rin sa hiling ni Anna.  Ayaw ni Anna na maging magulo ang sitwasyon, dahil natityak ni Anna sa puso niya, na hanggang sa alaala na lamang niya si Al. Na naging bahagi ng kanyang buhay at mga pangarap noon.


Pinagtagpo At Pinaglayo Ng Tadhana at Relihiyon ( True Story Part-1)

http://www.fotosearch.com/photos-images/first-love.html#comp.asp?recid=59043400&xtra=
Si Anna ay 14 years old lamang, ngunit matured nang mag-isip. Malaking bulas na babae, kaya hindi halatang bata pa ito.

Hindi pa siya nakaranas na makipag-boyfriend, pero, mayroong mga nanliligaw sa kanya. Wala pa sa isip niya ang tungkol sa pag-ibig; abala siya sa pagtulong sa kanyang inay.
Marami siyang pangarap sa buhay.  Pangarap niya ang makapagtapos ng pag-aaral; at isa na rin doon ang pagnanais niyang magkaroon ng isang simple, ngunit masayang pamilya.
Namasukan siyang katulong sa isang tiyahin. Gusto niyang makaipon para sa kaniyang pag-aaral.
Anna:   Iyan ba ang pamangkin ni tito, Zab? Ang tanong ni Anna sa kaniyang pinsan.

Lea:      “Oo.”
“Ilang taon na kaya ‘yan?  Parang matured na, at nag-aaral daw ‘yan ng   Engineering course.
 
Tahimik lamang na nakamasid sa kanila si Al. Seryoso, mukhang ‘di marunong tumawa o ngumiti man lang. Isa siyang Tausug.  Sina Anna, Lea at tiyahin nila ay pure catholic.  Pero, nasanay na rin sila Anna sa kultura ng lugar kung saan sila naroroon; nasanay na rin sa pagluluto ng mga pagkaing bawal sa Islam.
Lumipas ang mga araw at buwan….

Lea:      May sakit ka ba?
 
Anna:   Oo, ‘insan…..kaso hindi ako puwedeng hindi tumayo at magtrabaho.  Magagalit si Tita.

Sa sobrang pagod at hirap na dinadanas ni Anna araw-araw, sumuko ang kaniyang katawang-lupa.  Humina ang kaniyang resistensya, dahilan kaya siya ay hindi makabangon sa loob ng dalawang linggo.  Walang pakialam ang kaniyang pinsan na si Lea, ganun din ang tiyahin nito.

Si Al na dati ay hindi palakibo at laging nagkukulong sa kuwarto niya, ay biglang nag-offer na si Anna ay asikasuhin, pati na rin ang mga gawain ni Anna ay si Al na ang gumagawa.  Sa sobrang awa ni Anna sa sarili, walang itong magawa  kundi ang  umiyak nang umiyak. Ganunpaman, nagpapasalamat  si Anna kay Al.  Walang ibang karamay si Anna.  Si Al, tulad ng dati ay naging maasikaso na sa kanya hanggang sa siya ay gumaling..

Dahil doon, nagkalapit si Al at si Anna.  Walang malisya noong una ang pagiging close nila sa isa’t-isa.  Para na silang magkapatid.
Semestral break.  Nagbakasyon sa kanilang isla si Al, at nawala ito ng halos one week.  Mayroong kakaibang naramdaman si Anna.

Anna:   Bakit kaya parang na miss ko si Al? Kamusta na kaya siya?
 
Si Al naman sa kanilang lugar ay hindi mapakali, hindi makatulog at ang iniisip ay ang kakaibang feeling para 
kay Anna.  Tulad ng iniisip ni Anna, miss na rin sobra ni Al si Anna.

Tapos na ang semestral break.  Dumating na ulit si Al. Halos yakapin nila ang isa’t-isa sa sobrang pananabik.  Walang salita na namutawi sa kanilang mga labi; mga tinginan na sila lamang ang nakaaala kung ano ang ibig sabihin nito.

Nagtapat si Al. Lingid sa lahat ay naging sila ni Anna.  Mapagmahal si Al, malaki ang respeto kay Anna.  Hindi ito nagsamantala kahit na nasa iisang bubong lamang sila. Ingat sa mga kilos at baka malaman ng tiyahin ni Anna; tiyak maghahalo ang balat sa tinalupan.  Si anna, kahit hirap pa rin tulad ng dati, kinakaya na niya lahat, pati na rin ang pang-aapi ng kaniyang tiyahin.  First love ni Anna si Al.

Naging masigasig lalo si Al sa kanyang pag-aaral.  Punong-puno siya ng mga pangarap para kay Anna.  Nangako ito na tutulong siya sa pag-aaral ni Anna kapag nag-aral na ito ng college.  Drop-out kasi si Anna sa first year high school; tama lamang pagka-graduate ni Al sa kurso niya, college na rin si Anna.

Al:        Mahal na mahal kita, Anna. Nagsisikap ako lalo para sa ating kinabukasan.  Balang araw ay sasaya rin ang buhay  mo, at hindi ka na mahihirapan.

Anna:   Aasahan ko ‘yan, Al.   Pangako, mamahalin kita nang tapat at iingatan ko ang pagmamahal mo sa akin.

Sa bawat buhay nga raw ay mayroong kontrabida.  Nalaman ng tiyahin ni Anna ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. Ang masaklap, ginawan pa ito ni Lea ng kuwento na hindi naman totoo .
“ Mga walanghiya kayo! Lumayas ka dito, Al!….wala kang utang na loob, pagkatapos kitang patirahin dito sa pamamahay ko, ito pa ang gagawin mo?” Ang nakabubinging sigaw ng tiyahin ni Lea.
itutuloy……………………..

Jul 21, 2012

“Akala Ko Hindi Mabubuo…Buntis Pala Ako!”

.....’Yan na lang ang tanging nasabi ni Emma.

“Sayang ka, maganda ka pa naman at matalino din”.  Iyan ang sinabi ko sa kanya.
“Mag-ara ka, kahit sa gabi”.

Hindi lang makailang beses, ng ‘sya ay alukin ko.  Gusto kong bigyan ng pagkakataon, at tulungan ang mga taong alam ko meron mararating sa buhay.  Lalo na, iyong mga taong nakakasama ko, at nagbibigay ng malasakit sa kung ano ang meron ako.  Mga tao na meron, o alam paano pahalagahan ang kanyang trabaho.  Ginagampanan ng maayos at buong katapatan; ang bawat responsibilidad na aking inaatang.  Lalo na pagdating sa pera, ito ay maaasahan.

Kapamilya na ang turing ko, sa lahat ng taong mapunta o madikit sa akin.  Lagi akong puno ng pangaral.  Hindi sa pangingialam ng buhay ng may buhay, kundi sa paniniwalang, “ Ako ay pabalik na, at kayo ay papunta pa lamang.” Nagmamalasakit lamang, iyan ang term ko.  Upang maging maganda o magkaroon kayo ng magandang kinabukasan.  Hindi habang buhay ay ganyan ka na lang.  Naniniwala ako, na nasa kamay ng bawat tao, kung paano ‘nya ito babaguhin ang kanyang kapalaran.

“Hindi mo ba alam?....babaero ‘yan!.”

“Hindi ako mapanghusga, pero makailang beses na rin na meron 
nakakakita, may ibang kasama at kaakbay ang boyfriend mo!.”

“Ako mismo, nakita ko rin siya!.”  “Hindi ko ito sinasabi, dahil nag-aalala ako na baka  umalis ka, at mawalan ako ng isang tauhan na mapagkatiwalaan ko; kundi, para paalalahanan ka!.”

Napag-alaman ko, na aware ka naman pala sa kanyang extra curricular activity.  Bukod doon, pinaalalahanan pa kita, na ang bf mo ay meron nang anak!  At kung sakali ‘man, sundin mo pa rin ang itinitibok ng puso mo; kailangan nakahanda ka.  Nakahanda ka tanggapin, ang hatid o dulot na hirap ng isang buhay may-asawa; na maaring lolokohin ka rin,  kahit ikaw ay pakakasalan nya..  Ang pagkakaiba ng “kayo” lang mag-ina ang priority nya, at iyong bukod sa inyo, meron pa siyang responsibilidad sa iba, dahil may anak sya sa unang karelasyon.  At hindi p’wede, na e set aside niya ang responsibilidad nya sa una.  Kapag mahal mo ‘sya kailangan nakahanda ka sa lahat ng ito.  Kailangan mo buksan ang lahat ng kakayahan mo, para unawain ito pagdating ng ‘andun na kayo sa sitwasyong ito.

“Ate, hindi na lang ako mag-aaral.”  “Bakit?yan lang ang tanging natanong ko sa iyo.  At ang sagot mo….”Mag-aasawa na po ako!.”  Ang nasabi ko na lang, “Oh sige, ikaw ang bahala, buhay mo ‘yan.”
Pero….sana puede pag magbago ang isip mo, at tanggapin mo ang alok ko na, ika’y mag-aral ng kolehiyo.”
“Alalahanin mo, ang pagmamahal ay lumilipad yan, dumadaan sa bintana.”

Lalo na kapag pumasok na ang bigat ng responsibilidad ng buhay may pamilya.”  Hindi ito kanin na kapag napaso ka, puede mo itong iluwa.”
Mahirap kaya isipin, ‘yong umiiyak anak mo, dahil gutom na.  Wala pang bili ng gatas, wala pa si daddy.  Saan si daddy? Ito ka, nag-iisip ka, “Leche, naman alas dose na wala pa ang kumag! Siguro,  (hanggan pumasok na sa isip mo iyong mga bagay na puede naman hindi totoo ginawa ng asawa mo)  Pagdating ni daddy, ayun…”lashing”, kinuha mo ang wallet, at binulatlat ang “payslip”.  Anak ng tinapa naman oh! Kulang!...paano ngayon yan, ayun aburido na, etc.  At baka di mo pa kayanin, ang iba pang mga pagsubok darating.  Ang ending, awayan na lagi, pagminalas, may sapakan pa.  Dahil narindi sa ala makina mong bunganga.

“Hayyy…buhay nga naman oh!”.  Oh, pag-ibig na makapangyarihan, sadya ka nga bang nakakabingi at nakakabulag at sabi nga eh nagiging tanga pa ang tao (kasama na ako ‘don…hehehehe. Kaya nga, nagpapayo eh!..’kaw talaga, kaya nga sabi ko galing na ako dian eh.)
Masarap kasi ang feeling ng meron nagmamahal, at meron kang minamahal. Kaya, hala sige lang “Harangan man daw ng sibat, walang puede na makapagpigil”.  Oo nah. Makapangyarihan nga daw ang “pag-ibig”.  Kaya nga lang marami din ang mapaglinlang na pag-ibig. Ah, basta! Mahirap explain eh, pero sana, maging wise din tayo.  Lalo na sa panahon ngayon. Mahirap na, alam na ninyo ano ang ibig kong sabihin.

“Buntis na ako ate!” Ha?....”Paano nangyari?...

Ang tanga ko naman, nagtanong pa paano nangyari, of course gumawa sila ng baby!...ah ewan!...’wag mo ako pagtawanan…..batukan kita dian eh!  “Akala ko kasi, hindi mabubuo.”   Natawa ang kasamahan sa trabaho sabay sabi, “Ay tanga ka pala eh!....Natural ginawa ‘nyo ‘yan, expect mo na puede mabuo, kung anuman ang ginawa nyo!”  Andian na ‘yan.  Magalit man ang magulang mo, tanggapin mo. Ikaw na inaasahan pa sana, para makatulong sa pamilya mo.
O, sya humayo kayo at magpakarami.  Mag-aral ng family planning at hindi family planting.

Ang buhay pag-ibig nga naman oh!