.....’Yan na lang ang tanging nasabi ni Emma.
“Sayang ka, maganda ka pa naman at matalino din”. Iyan ang sinabi ko sa kanya.
“Mag-ara ka, kahit sa gabi”.
Hindi lang makailang beses, ng ‘sya ay alukin ko. Gusto kong bigyan ng pagkakataon, at tulungan ang mga taong alam ko meron mararating sa buhay. Lalo na, iyong mga taong nakakasama ko, at nagbibigay ng malasakit sa kung ano ang meron ako. Mga tao na meron, o alam paano pahalagahan ang kanyang trabaho. Ginagampanan ng maayos at buong katapatan; ang bawat responsibilidad na aking inaatang. Lalo na pagdating sa pera, ito ay maaasahan.
Kapamilya na ang turing ko, sa lahat ng taong mapunta o madikit sa akin. Lagi akong puno ng pangaral. Hindi sa pangingialam ng buhay ng may buhay, kundi sa paniniwalang, “ Ako ay pabalik na, at kayo ay papunta pa lamang.” Nagmamalasakit lamang, iyan ang term ko. Upang maging maganda o magkaroon kayo ng magandang kinabukasan. Hindi habang buhay ay ganyan ka na lang. Naniniwala ako, na nasa kamay ng bawat tao, kung paano ‘nya ito babaguhin ang kanyang kapalaran.
“Hindi mo ba alam?....babaero ‘yan!.”
“Hindi ako mapanghusga, pero makailang beses na rin na meron
nakakakita, may ibang kasama at kaakbay ang boyfriend mo!.”
“Ako mismo, nakita ko rin siya!.” “Hindi ko ito sinasabi, dahil nag-aalala ako na baka umalis ka, at mawalan ako ng isang tauhan na mapagkatiwalaan ko; kundi, para paalalahanan ka!.”
Napag-alaman ko, na aware ka naman pala sa kanyang extra curricular activity. Bukod doon, pinaalalahanan pa kita, na ang bf mo ay meron nang anak! At kung sakali ‘man, sundin mo pa rin ang itinitibok ng puso mo; kailangan nakahanda ka. Nakahanda ka tanggapin, ang hatid o dulot na hirap ng isang buhay may-asawa; na maaring lolokohin ka rin, kahit ikaw ay pakakasalan nya.. Ang pagkakaiba ng “kayo” lang mag-ina ang priority nya, at iyong bukod sa inyo, meron pa siyang responsibilidad sa iba, dahil may anak sya sa unang karelasyon. At hindi p’wede, na e set aside niya ang responsibilidad nya sa una. Kapag mahal mo ‘sya kailangan nakahanda ka sa lahat ng ito. Kailangan mo buksan ang lahat ng kakayahan mo, para unawain ito pagdating ng ‘andun na kayo sa sitwasyong ito.
“Ate, hindi na lang ako mag-aaral.” “Bakit? ‘yan lang ang tanging natanong ko sa iyo. At ang sagot mo….”Mag-aasawa na po ako!.” Ang nasabi ko na lang, “Oh sige, ikaw ang bahala, buhay mo ‘yan.”
“ Pero….sana puede pag magbago ang isip mo, at tanggapin mo ang alok ko na, ika’y mag-aral ng kolehiyo.”
“Alalahanin mo, ang pagmamahal ay lumilipad yan, dumadaan sa bintana.”
Lalo na kapag pumasok na ang bigat ng responsibilidad ng buhay may pamilya.” Hindi ito kanin na kapag napaso ka, puede mo itong iluwa.”
Mahirap kaya isipin, ‘yong umiiyak anak mo, dahil gutom na. Wala pang bili ng gatas, wala pa si daddy. Saan si daddy? Ito ka, nag-iisip ka, “Leche, naman alas dose na wala pa ang kumag! Siguro, (hanggan pumasok na sa isip mo iyong mga bagay na puede naman hindi totoo ginawa ng asawa mo) Pagdating ni daddy, ayun…”lashing”, kinuha mo ang wallet, at binulatlat ang “payslip”. Anak ng tinapa naman oh! Kulang!...paano ngayon yan, ayun aburido na, etc. At baka di mo pa kayanin, ang iba pang mga pagsubok darating. Ang ending, awayan na lagi, pagminalas, may sapakan pa. Dahil narindi sa ala makina mong bunganga.
“Hayyy…buhay nga naman oh!”. Oh, pag-ibig na makapangyarihan, sadya ka nga bang nakakabingi at nakakabulag at sabi nga eh nagiging tanga pa ang tao (kasama na ako ‘don…hehehehe. Kaya nga, nagpapayo eh!..’kaw talaga, kaya nga sabi ko galing na ako dian eh.)
Masarap kasi ang feeling ng meron nagmamahal, at meron kang minamahal. Kaya, hala sige lang “Harangan man daw ng sibat, walang puede na makapagpigil”. Oo nah. Makapangyarihan nga daw ang “pag-ibig”. Kaya nga lang marami din ang mapaglinlang na pag-ibig. Ah, basta! Mahirap explain eh, pero sana, maging wise din tayo. Lalo na sa panahon ngayon. Mahirap na, alam na ninyo ano ang ibig kong sabihin.
“Buntis na ako ate!” Ha?....”Paano nangyari?...
Ang tanga ko naman, nagtanong pa paano nangyari, of course gumawa sila ng baby!...ah ewan!...’wag mo ako pagtawanan…..batukan kita dian eh! “Akala ko kasi, hindi mabubuo.” Natawa ang kasamahan sa trabaho sabay sabi, “Ay tanga ka pala eh!....Natural ginawa ‘nyo ‘yan, expect mo na puede mabuo, kung anuman ang ginawa nyo!” Andian na ‘yan. Magalit man ang magulang mo, tanggapin mo. Ikaw na inaasahan pa sana, para makatulong sa pamilya mo.
O, sya humayo kayo at magpakarami. Mag-aral ng family planning at hindi family planting.
Ang buhay pag-ibig nga naman oh!

No comments:
Post a Comment