..."Sana nga ate, para hindi na ako aalis ulit"
"Mahirap ang malayo sa pamilya mare, lumalaki ang aming mga anak na wala ako."
"Pero, kapag hindi naman ako umalis, ano ang mangyayari sa amin?
"Mahirap dito ate, malaki nga ang sweldo, pero malayo naman ako sa aking pamilya."
"Pero kailangan ko magtiis para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking pamilya."
"Malayo na ang loob sa akin ng aking mga anak mare, gustuhin ko 'mang umuwi, wala akong kakayahan gawin ito."
"Wala akong maipakain sa kanila kapag hindi ako nagtiis dito!"
"Friend, hindi na nagpapadala sa akin ang aking asawa, bihira na rin maka-alalang tumawag, para kami'y kamustahin. Gusto ko na siyang pauwiin, pero baon kami sa utang!"
"Bakit ka ba nagtitiis diyan magtrabaho? Eh, 'di hamak naman na mas malaki pa ang kinikita mo sana dito noon?"
"Paano kasi, si Mrs., gusto magkasama kaming dalawa na dito magtrabaho, para daw mabilis kami makaipon."
"Tamad kasi si Mr, kaya kailangan umalis ako, ito lang ang alam ko para kumita at makapag-aral ang aming mga anak. Pero Ayaw ko sanang umalis, kung meron lang sana akong pagkakitaan 'dian."
"Sana nga huling alis ko na ito, kaya lang sabi ng magulang ko, kailangan makatapos muna ang aking mga kapatid."
"Sana nga mare, tulad mo ang asawa ko, marunong humawak ng pera, marunong sa buhay. Alam paano sinupin ang pinaghirapan naming mga OFW dito."
"Ate, pag uwi ko, gusto ko mag negosyo, para naman meron akong makikita sa pinaghirapan ko."
"Ate, gusto ko sanang magnegosyo, kaso wala namang mag-asikaso dian."
"Insan, lahat ng sideline ginagawa namin dito sa taiwan, pati pagtitinda ng kung anu-ano. Para lamang kami makapag-ipon mag-asawa at makapag-negosyo na lang 'dian. Lumalaki na ang aming anak na wala kami pariho."
Hindi ko na mabilang ang mga taong nagsabi sa akin ng mga nabanggit ko sa taas. Hindi nga lang iyan, mas marami pa at baka matapos lang itong blog na ito puro lahat hinaing, plano at kunsultasyon ang laman ng artikulo kong ito. Sa dinami-dami ba naman ng aking mga kakilalang OFW, at mga asawa ng mga OFW, kaya naman alam ko ang mga saloobin nila. Kasama na din ako doon, pero sooner malapit na magtapos ang pagiging OFW partner ko. Huling contract na ito ng aking lovey duds, dapat nga noong huling alis 'nya, for good na talaga. Kaso, sabi ko siguro habang inaayos ko lahat dito, para pag andito ka na eh hindi ka manibago o ma miss ang buhay saudi, umalis ka muna at sayang din ang kikitain mo pa 'don. Pandagdag din, lalo na sabi nga ni "boss" wala akong sweldo, para mas madali ako makabayad sa kanya.
Hindi rin kasi biro ang kailangan kung bayaran, isang reward sa akin bilang isang matapat nilang empleyado, isa sa pinakamaliit nilang kumpanya, na parang libangan lang nila; ito'y tuluyang ipinamana sa akin. Installment basis, mahirap, pero kailangan kayanin dahil kung hindi, paano na lang ang mga umaasa dito. Sabagay mag dalawang dekada na rin naman itong hinahawakan ko.
Sanay ako sa hirap, dahil galing din ako sa napakahirap na pamilya, iyong tipong madalas noon kinakain namin "gamos lang at kanin", minsan "balenghoy o kamoteng kahoy". Isang tipikal na buhay mahirap sa isang mahirap na probinsya noon. Bata pa ng mamulat sa pagiging responsable sa buhay, kung paano maghirap at gumawa ng paraan para lamang maka bili ng bigas at ulam, para lamang makapasok sa eskwelahan. Maagang namulat sa "entrepreneurship" ika nila. Naglalako ng luto namin ng nanay ko. Pati na rin ang paggawa at pagtitinda ng bukayo.
Sabi nila, magaling daw ako humawak ng pera, alam ko daw paano dumiskarte, alam ko daw paano pagkasyahin, at marunong daw ako mag plano. Hindi ko alam ang mga 'yon basta ang alam ko lang, kailangan ko magkayod marino, bilang isang single mommy noon (17yrs na ang eldest ko). Iniisip ko lang noon, kailangan namin kumain o mabuhay mag-ina na hindi humihinge ng tulong sa mga magulang ko at kamag-anak.
Siguro iyong mga iyon ang dahilan at nakikita nila sa akin, kaya siguro sadyang lapitin na ako ng mga humihinge ng idea, o payo tungkol sa negosyo at kung paano ma save ang pera nila. Feeling ko nga kailangan ko nang magtayo ng "consultation office", hehe joke lang! Kasama na rin dian ang "usapang pag-ibig", ala "Cathy G" ang dating ng beauty ko. "Di naman ako expert, pero nakapagbibigay ako suhestyon, opinyon, idea at mga optional na diskarte sabi nila.
Kaya ko ito naisulat, dahil sa susunod kong blog (part 2) susubukan ko na makapagbahagi sa inyong lahat, lalo na 'don sa mga nagnanais na pasukin ang larangan ng pagne-negosyo. At base ito, sa actual na karanasan ko mismo at ng mga taong nakadaupang palad ko. Alam ko kahit papano, hindi man ako eksperto, alam ko makakatulong ito para sa inyong mga OFW; lalo na 'don sa mga maliliit lang ang kita o sweldo at nang pamilya ninyo dito sa Pilipinas.
"Mahirap ang malayo sa pamilya mare, lumalaki ang aming mga anak na wala ako."
http://www.dreamstime.com/stock-photo-girl-full-dreams-image1314820 |

No comments:
Post a Comment