http://www.buzzle.com/articles/words-of-encouragement-from-the-bible.html |
Sa dinami-dami ng hirap at
kabiguan na aking pinagdaanan, mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan; masasabi
ko na ito ang mga dahilan para ako ay magkaroon ng “pusong bato.”
Ito rin ang dahilan, upang ako’y
manatiling matatag sa lahat ng hamon sa buhay.
Ilang pagsubok na nga ba ang kanyang ibinigay, talagang hindi na
mabilang sa aking mga daliri. Mukhang tuwang-tuwa talaga pa talaga na ako ay
laging sinusubukan n’ya. Umaalma din ako
paminsan-minsan. Sino ba ang hindi, di
ba? Nakakapagod din kaya at nakaka
praning.
Sa isang banda, sabi ko, okey
lang. Okey lang, basta wala lang akong
sakit, pati mga anak ko. Kasama na din
ang mga kapamilya ko. Okey lang, basta
kumakain kami ng tatlong beses isang araw. At hindi na nararanasan ng mga anak
ko, ang naranasan ko noong bata pa kami. Ang magtiis sa ulam ay asin, niyog,
gamos, o di kaya ay bukayo. Minsan pa nga, kamoteng kahoy o saging.
Pero, kahit ‘pano hindi ako
tuluyang bumitaw sa aking “Savior.” Sa aking natatanging matalik na “kaibigan.”
Nag-iisa sya na kaibigan, alam n’ya
lahat ang tungkol sa akin, alam n’ya lahat ng aking ginagawa. At madalas din n’ya akong inuunawa, sa bawat
pagkakamali kong nagagawa. Andian s’ya
lagi kapag alam n’ya hirap na akong bumangon.
Andian s’ya kapag kailangang-kailangan ko s’ya. Mas nauuna pa nga siyang lumapit sa akin,
kesa ako ang maunang lumapit sa kanya.
Ilang beses na rin n’yang sinubok
ang aking kakayahan. Maraming beses na din.
Hanggan sa dumating na nga ako sa puntong, sinasabi ko sa aking sarili “wla yan, ako pa! Maning-mani lang yan.” Hanggang na used na ako, kumbaga, katumbas ng
problema o pagsubok, tawa na lang ang aking isinusukli. “Darna” nga daw ako eh! Kaso, wala naman
akong nilulunok na bato. Nawawala kasama
si Ding.
Pero, akala ko nga si “Superwoman”
at “Darna” na ako. Mali pala,
nakatago lang pala sa kasuluk-sulukan ng puso at pagkatao ko, ang kahinaan ng
loob ko. Nakamaskara lang pala ako.
Isang napakatinding pagsubok,
muling pumatak ang luha ko. Matagal ko
na rin kasing kinalimutan ang umiyak. Ayaw ko na kasing umiyak naipangako ko ‘yan
sa aking sarili. Pero hindi pala.
Balde-balding luha ang nawala sa akin.
Habang hinihintay ang resulta ng aking medical biopsy at iba pang
laboratory test, unti-unti rin akong pinapatay ng aking mga naiisip. Nasabi ko pa nga, “Kunin n’yo na po sa akin lahat, kung ano ang meron ako na mga material
na bagay, huwag langpo ang buhay ko ng maaga.”
Walang kasing-sakit, ‘ramdam ko sa
bawat patak ng aking luha, ang parang punyal na itinatarak sa aking dibdib.
Sinubukan ko maging matatag,
ilang araw na ako’y nagbalatkayo na okey lang.
Sa tulong nga mga kapamilya, kaibigan at mga bagong kakilala, ako’y
nagpapasalamat ng lubos. “Prayer can
move mountains,” at totoo nga, walang imposible basta ialay mo sa kanya lahat
ang iyong sarili. “OO,” Tama ka, ilang
beses ko na itong napatunayan, hindi na rin mabilang sa aking mga dalire.
Naurong ng naurong ang labas ng
result. Meron na akong natanggap na isang pahiwatig mula sa kanya. Isang
ngiti. Alam ko magiging okey ang
lahat. Ngunit, tinatalo pa rin ako ng
hindi magandang isipin. “Parang awa na po
ninyo, hindi ko kayang iwanan ang aking mga anak, hindi pa po ako ready.” Hindi po ako exaggerated, pero dumaan ang
buong pamilya naming sa magkasunod na trahedya 2years ago. Puro healthy lahat
pero biglang kinuha nya sa amin tatlo na halos magkakasabay. Cancer, HB at Heart Attack.
“Ang lakas mo mag pray!” Dhors, okey lahat ang result mo, nagtataka
man ako sa resulta, bilang isang bihasa sa ganyang kaso, pero dapat
ipagpasalamat.” Ang tanging naririnig ko na sinabi ng aking OB sa kabilang
linya. “You are free from Cervical
Cancer, No infections, and no need na rin para kita ay raspahin!” Ako rin ay nagulat. Nagulat dahil nakita ko mismo sa monitor ang
problem. Dahilan para ako’y mag-alala, lalo na noong sinabi na, kailangan meron
akong kasama na kapamilya, kapag inalam ko na ang result.
“Still, God is Good!”…… ito ako,
nakahanda pa rin sa mga darating pa na mga pagsubok na ibibigay n’ya sa
akin. Ganyan ‘nya ako kamahal. Sa ganong
paraan n’ya ipinararamdam sa akin ang kanyang “unconditional love.”
Pagsubok,Kaylan Mo Kaya Ako Lulubayan?
Salamat, Lagi ‘Din Kitang Nalalampasan!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
During times of trouble, when the waters seem to sweep over us, we can
find solace in the words of encouragement from the Bible. Agonizing
events can debilitate one's faith, however, constantly reminding
yourself of the promises of God and clinging to them, will help you
stand firm even in a fierce storm.
No comments:
Post a Comment