dorcenmmfacebook |
Homebase lamang ito at hindi kailangang mag renta ng puesto
Natalakay ko na sa mga nakaraang blogs ko, ang pagkakaiba kung "rent" lang o "sarili ang puesto" na pagtatayuan ng negosyo.
Lahat ng aking tinatalakay ay galing mismo sa aking sariling karanasan
1.Pinasok
ko noong 2008 ang food deliveries, sa pamamagitan ng “balut-balot na
ulam at kanin” sa mga opisina, kung saan meron akong mga kakilala.
Malapit sa bahay at opisina.
2.Gumigising
ako ng 3:30am para mamalengke. 5:00am nasa bahay na ako. Meron ako
dalawang (2) assistant na nagsasaing sa kalan at rice cooker habang wala
pa ako. At ang isa naman ay kasama ko sa palengke, taga bitbit ng
aking pinamili. Ako mismo ang gumagayat ng mga kailangan ko, para sa
isasalang ko na tapos ng hugasan at linisn ng isang helper ko. Two
burner ang gamit ko para sa 5 putahe. Rice cooker ang gamit sa pagsaing
kapag nag-umpisa na akong magluto
3. Mabilis akong magluto. Inuuna kong lutuin ang isda at gulay isusunod ko ang manok at pang huli ang karne.
4.
Tuwing matapos ko lutuin ang isang putahe, binabalot ito sa plastic
para hindi matapon ng isang helper at inilalagay sa styro box para hindi
lumamig. Kasama na din ang mga kanin na binalot.
5.
Habang nagluluto ako at ang isang helper ay nagbabalot ng kanin, ang
isang helper naman pagkatapos niyang linisin ang aking mga lulutuin, ay
gumagawa ng listahan ng “menu” para dalhin sa mga opisin. Ito rin ang
nagsisilbing order menu slip ng mga empleyado. Babalikan niya ito ng
mga 8:00-9:00am
5.
Tapos na akong magluto 7am or 7:30 ng umaga. Kunting pahinga at
nagre-ready naman akong pumasok sa opisina ko. Ang aking helper na ang
bahala sa pag asikaso para sa mga deliveries.
6.
9-10:00am oras ng delivery nila sa mga opisina. Nakabalot na ito ng
individual at mayroon na din itong kasamang styro, kutsara at tinidor at
meron na itong mga kanya-kanyang pangalan. Iniiwan na lamang ito sa
pantry nila o sa guard house. Ang iba ay inihahatid sa kanilang office
table isa-isa 12:00 tapos na lahat, pati na rin ang mga pahabol na
orders
7.
1:00pm babalikan ng mga helpers ko ang mga opisina, kung saan kukunin
ang mga bayad nila. Ang iba every Friday ang bayaran, at ang iba naman
ay 15/30 ang bayad.
8.
Sa hapon naman 2:00pm, ay nagde-deliver ng mga merienda, tulad ng
pansit, spaghetti, turon, banana cue, ginataang halo-halo. Depende kung
ano ang maluto ng isa kong helper.
Ang
negosyong ganito ay hindi nakakapagod masyado, kumpara sa meron
maghapon na carinderia o canteen na nag o operate 12, 18 or 24hrs. Meron
kasi dito mahabang oras na pahinga.
Tips: para kumita at paano kikita sa packmeal for office employees
Pork/beef – kailangan makagawa ng 11 o 12 balot/takal
(kapag hindi umabot sa bilang na iyan nabalik lamang ang inyong puhunan)
Chicken
– kailangan tantyahin ang laki ng hiwa. Kasing laki ng posporo
lamang. O di kaya ay bumili ng kilohan at timbangin 3hiwa/20.00
ang cost ng meat
(manok ang walang gaanong tubo o profit)
Isda – Napakahalaga ang sukat at alamin kung ilang piraso ang isang kilo
(ex. P85/kilo tilapia kailangan ang isang kilo ay 6 piraso. Sa isda lamang )
Gulay – Piliin ang kung ano ang murang gulay na napapanahon
Sa mga isda at gulay kadalasan kumikita.
Sa
karne cost pa lang ang P18-20.00, wala pa doon ang mga gulay at iba
pang sangkap na ihahalo depende sa mga lulutuin mo o kung ano ang menu
mo
Ang iba pang mga gastusin sa negosyong packmeals
Plastic para pambalot ng ulam
Plastic bag para pambalot sa bawat order
Styro, plastic na kutsara at tinidor
Transportation para sa delivery- Bike lang dahil magkakalapit lamang
Baboy
P 30.00 order Chicken/beef 35.00/order Gulay P 20.00/order Isda P
25-30/order (mga pangmasa ang presyo ko, para maubos at walang matira.
Kapag may natira lugi na)
Benta o Sales P 4,400.00 (base sa total na pamalengke kasama ang bigas ay 2,500)
Puhunan 2,500.00 at tama ang pagkatakal ng lahat ng ulam at kanin )
------------
Gross Sales P 1,900.00
Less: 1,000.00 (electric,water,salaries & other operating
expenses kasama ang aming pagkain sa maghapon
----------
P 900.00 net profit
(Tinalakay ko na rin sa nakaraang blogs ko, kung paano makapag save)
Advantage at disadvantages ng home base balut-balot na pagkain
Advantages:
Hindi
pagod, gaano at may kalakihan ang net profit dahil walang renta at 2
lamang ang helper. Kasama din pala ako sa may sweldo bilang taga
pamalengke at taga luto.
Meron ka nang regular na customers
Disadvantage:
Kapag walang pasok, walang income tambay lamang ang mga helper pero tuloy ang sweldo.
Kapag
meron natira malaking kabawasan na sa benta at pati na rin sa net
profit. Kaya kailangan marunong ka mag recycle ng mga karne o kahit ng
isda.
Kapag meron birthday at hindi ka naabisuhan na meron silang libreng food, marami kang matitirang pagkain
NEXT BLOG ‘PACKMEALS O VALUE MEALS” ang topic mas malaki ang kita.
Alamin sa susunod kung bakit?
No comments:
Post a Comment