http://www.fotosearch.com/SPS503/1099-6791/ |
Hindi ko mapigilan ang aking sarili, na ibahagi sa inyo ang aking
saloobin. Pasensya na doon sa mga taong aking matatamaan.
Ipagpaumanhin po ninyo, lalo na po doon sa mga magulang na tulad ko rin
po.
Hindi lingid sa ating lahat ang paglaganap ng rape o
maagang pagkabuntis ng mga kabataan ngayon. Pati na rin ang maagang
nakabuntis ang isang nagbibinatilyo pa lamang Bakit nga ba ganito na
ang nangyayari?
Masyado nang nakaka-alarma di ba? Mga kabataan
ngayon, nasa grade six pa lamang ay mulat na sa usaping sekswal. Kaya
naman ngayon, usong-uso na ang pre-marital sex. Iba na din ang takbo ng
isip ng mga kabataan ngayon. Walang takot na sa mga magulang, o kahit
kaninong nakakatanda sa kanila. Noong kapanahunan ko, isang tingin
lamang ng tatay ko sa akin, nakuh, kailangan ko ng tumabi at manahimik
sa isang sulok. Batas ang tingin noon ng magulang, kumbaga “makuha ka
sa tingin.” Isang salita lang ng magulang ko noon tiklop na ako. At
kapag nagkasala ka, o sinuway mo sila, patay kang bata ka, at umpisahan
mo ng magdasal. Dahil, tiyak meron naghihintay sa iyong katakot-takot
na sermon o ‘di kaya ay ibibitin ka pa ng patiwarik. Hindi lang iyon,
isisilid ka pa sa sako kapag hindi ka napalo o ‘d kaya’y luhod sa monggo
o asin.
Sa panahon ngayon, sino nga ba ang dapat sisihin? Mga
magulang ba, na sabi nila ay nagkulang sa pagdisiplina sa mga anak nila?
At kasama na din ang kapabayaan daw nila, dahil abala na sa
paghahanap-buhay? Mga magulang ba na nagsisilbing bad example daw sa
kanilang anak, dahil sila mismo na magulang ay gumagawa din ng
imoralidad?
Mga kaibigan ba na malakas ang impluwensya na hatid sa kanila?
Dahil
ba sa malaganap na social networking ngayon? Dahil ba sa mga internet
sites ngayon, na kaya ng pasukin ng mga kabataan tulad ng mga x-rated
videos.
Dahil ba merong mga motel sa tabi-tabi na, sa kagustuhang
kumita lamang ay pinapayagan kahit menor de edad ang kanilang parukyano?
Ang
masama ‘don, naka uniform pa bilang isang estudyante? At hala! Toto-o
ba ang nakikita ng dalawang mata ko? Sa isang motel na mayroon sign na
“Promo 150/3hrs,” iyong dalagitang hula ko eh high school ang uniform,
meron kasamang dalawang parang totoy pa, at naka uniform din!
Naghihilahan pa! Tumigil ako sa malapitan sa kanila. Sabi ng isang
binatilyo na parang totoy pa ang katawan, “Tara na bilis, ok lang
‘yan! Huwang na mahiya, dalian n’yo at baka meron pang makakita sa atin
dito!. Iyong isang binatilyo naman, “ Mauna na kayo, sunod na lang ako,
saglit lang, nagbayad ka na ba? Meaning?...papasok silang tatlo
doon? At ibig sabihin……2 binatilyo, isang dalagita…..meaning? Three some
sila? May tawag don “orgy” ba ‘yon? Ah, ewan! Basta ‘yun na ‘yon ang
ibig kong sabihin.
Magulang din ako, pero lalake ang anak ko. Hindi ba mas doble ang kaba nating mga magulang, kapag babae ang anak natin?
Ano
at paano nga ba ang ating gagawin sa panahon ngayon? Sa toto-o lang
napakahirap ang papel ng isang magulang. Kailangan pag-aralan kung
paano ba ang tamang diskarte kapag ang anak ay medyo naliligaw ng
landas.
Ako, ang paraan ko, lagi kong kinukuwentuhan ang anak ko.
Mga bagay na what if’s kapag nagpatangay siya sa makamundong usapin.
Lagi ko rin itong pinaalalahanan na unahin ang pag-aaral, at after that?
Puede na niyang gawin kung ano ang gusto nya.
Na after that, mas
madami pa siyang makikilala na mga babae. Lahat na ng makakabuti at
makakasama, ay lagi ko itong nire-remind sa kanya. Pero hindi naman
iyong tipong maiinis na s’ya, dahil sa para kang sirang plaka. Sa halip
makinig sa iyo, maasar pa. Minsan dinadaan ko sa barkadahang usapan,
ayon at mukhang effective, kasi don s’ya nagbibigay ng kanyang opinion
about sa usaping ganito.
Ano pa ba ang puedeng paraan na gagawin nating mga magulang upang ang mga anak natin ay huwag maligaw ng landas?
Naniniwala kasi ako sa kasabihang " Nasa loob ng ating tahanan kailangang mag umpisa ang ikabubuti ng ating buong pamilya.
Ano ba ang puedeng partisipasyon ng ating pamahalaan at komyunidad sa ganitong problema.
No comments:
Post a Comment