Aug 20, 2012

“Sana Nga! Para For Good Na Ako Sa Pinas, Mare” (Dream ng Bawat OFW at Pamilya Nito) Part 4-Usapang Negosyo


dorcenmmfacebook
PART 4- PACKMEALS at VARIANT MEALS

Sa Part 3 tinalakay ko ang “Balut-Balot na pagkain sa mga opisina

Dito sa Part 4 ay halos magkapareho lamang kung inyong iisipin.  Hayaan po ninyong ibigay ko ang pagkakaiba at kung paano mag umpisa ng ganitong negosyo

Maghanap ng mga kakilala o kaibigan na nagta-trabaho sa malalaking  kumpanya.  Hingiin ang tulong, magtanong-tanong kung paano sila bumibili ng kanilang pagkain. At kapag nalaman mo na bumibili lamang sa labas, o walang canteen ang kumpanya, kapag meron din mga nagdadala lamang ng mga balut-balot na pagkain, ito na ang time na alamin at hingin ang tulong para makausap ang HR ng company at Admin ng Bldg kung papayag sila na ikaw ay magdeliver o
mag cater ng pack lunch.

Mas maganda kung pumayag ang admin office ng building dahil allowed kayo na magdeliver o mag alok ng mga pack lunch sa ibang mga opisina na andun sa loob ng building na iyon.

Kapag nakapasok na kayo, hindi kayo malulugi kung ang boss ng isang company at ang head ng guard ng building ay inyong bibigyan ng libreng pack meals araw-araw.  At kanin naman para doon sa mga guards na naka duty.Total hindi naman kayo nangungupahan ng pwesto. Malaking bagay na iyon sa kanila at nakakatulong ka pa

“Mga sukat ng karne at kung paano at ilan dapat ang lumabas sa isang kilo ay tinalakay ko na sa Part 4”

PACKMEAL or PACK LUNCH / VARIANT MEAL
Hindi ito nakabalot sa plastic na supot. Ito ay nakalagay sa isang styro na mayroong divider na 3 para sa kanin, karne o isda at gulay.  Apat na divider kapag variant meals /catering na kailangan ay 2 ang karne at meron kasamang dessert

Packmeals for lunch-
-kailangan sticky ang mga sauce ng karne para hindi matapon ang sabaw o sauce dahil     nakalagay na ito sa styro na hindi nakabalot sa plastic
-ang takal ng karne ay nasa 2 kutsara lamang halos ¼ lamang sa isang order ng balut-balot (mas kunti kesa sa balut-balot)
-ang gulay ay nasa 1 ½ kutsara lamang mas kunti kumpara sa isang platito sa balut-balot
-ang kanin ay halos half cup lamang, kumpara sa balut-balot na pagkain
-meron free dessert nang kahit na alin dito: kendi,choc nut, o isang match box size na papaya or pinya.
-ang selling price  P 50.00- 75.00 depende sa klase ng luto ng karne o ulam.  At bawat ballot meron kayong gross profit na 20-30.00/packmeals
-mas maganda kesa balut-balot dahil kunti-kunti lamang ang takal. Mas mabenta dahil complete set na siya sa halagang mga nabanggit
-dahil kunti lamang ang takal ng bawat pagkain na nakalagay, mas madami ang magagawang packmeals mas malaki ang kikitain.

Variant Meals-
-ito ay packmeals din ngunit mas marami ang lamang pagkain nito.
  Ex: Variant 1 - Rice, 1 stick pork bbq , 2 slice pastel 2, pansit canton, slice of fruit o di kaya ay maja blanca. O kahit na anong panghimagas + zesto
-Kailangan meron 3 – 4 variants na pagpilian ang mga company o mga client na mag-order sa inyo.
-Bawat variant ay iba-iba ang pagkain na nakalagay pati na rin ang dessert
-Ang selling price ng variant meals ay P 100, P 120, P 130, P 150 depende sa gusto ng customer ninyo.
- Sa variant na worth 150.00 beef at pork bbq,pancit canton,rice, zesto juice, brownies or turon ang dessert. Meron kayong gross profit na 80-75.00 pesos

Ang gastos niyo lamang ay taxi araw-araw.  Puede na rin kayong bumili ng owner type jeep nasa 25-50k lamang ito.  Para meron kayong magamit na service sa pamalengke at pagdeliver.

Helper- depende kung gaano kadami ang inyong mga opisina na hawak sa isang building
Kung gusto ninyong makatipid kumuha lamang ng mga partime. Dahil sa hapon
Wala naman nang deliver.  Depende kung magpa order pa kayo ng merienda

Cook- Kung ikaw ay working kailangan mo ito.  Kailangan masarap at marunong dumiskarte ang iyong tagaluto.  Alam niya dapat ang pagkakaiba ng lutong bahay at lutong commercial na pangmasa at ang lutong mga especial.  Kapag masarap magluto ang iyong cook mas tatagal ang inyong negosyo.

Kanin- sabi nila di bale kunti lamang ang takal ng ulam basta masarap ang kanin

Mga ulam- kailangan iba-iba ang itsura at klase ng menu of the day ninyo. Magsasawa o mau-umay ang inyong customer kapag iyon ng iyon ang kanilang nakikita

Balikan ang mga naunang part nitong usapang negosyo para malaman ang proper savings at computation para kumita at kung paano mapanatili ang inyong negosyo at hindi malugi

Tulad ng sinabi ko ito ang patok na negosyo kahit mahirap at nakakapagod.  Bukod sa libre na ang inyong pagkain magpamilya, kumikita pa kayo ng malaki.  Sapat para makapa aral ng mga anak

Sa susunod na tatalakayin ko ay ang Canteen o carinderia


No comments:

Post a Comment