http://www.ayosdito.ph/Computer+Shop-3747309.htm |
Internet Shop
Tulad ng sinabi ko kailangan ang “feasibility study o pag-aaral bago pumasok sa isang negosyo.
1,Mag rent ka ban ng space para sa internet mong negosyo?
a. Ang renta ay 8-12k para sa 10 units na pc
b. Kung malapit sa school mas maganda dahil sasamahan mo ito ng printing, typing, ID picture, lamination, at lahat ng kung anong puedeng ilagay mo related sa computer works. Pati na rin ang school supplies. Kailangan nga lang meron kang policy na ipatupad sa mga estudyante kung kelan sila dapat puedeng pumasok sa shop mo. Kung hindi, maaring ipasara ng local na pamahalaan ang iyong shop.
c. Safe ba ang lugar na uupahan mo, uso ang nakawan sa mga internet shop at kailangan ang surveillance camera para sa proteksyon na rin. Kailangan din ang puesto ay alamin mo kung binabaha.
d. Ang paupahan mo ba na nakita ay commercial place, ibig sabihin ang kuryente ay iba ang singil, mas malaki kumpara sa residential rate.
e. Tignan ang competition, baka marami ka nang katabi
2.Ilan ang unit na dapat kailangan
a. Kapag nangupahan ka lamang, dapat meron kang at least 10-15units bilang umpisa. Kailangan na ang operation time mo ay 15hrs.
b. Kailangan bumili ka ng mga OS na original at lisensyado paraw iwas sakit ng ulo. Merong mga pirated na OS pero, hindi magaganda ang mga games na nandun. Alalahanin na karamihan kaya napupuno ang net shop ay dahil sa mga “games”. Karamihang mga sikat na games ay nasa license OS
c. Ikonsidera ang ang pagpili ng network. MyDSL, broadband o kung anong meron sa lugar ninyo. Piliin ang mabilis na connection at nababagay sa dami ng iyong units.
d. Ayon sa pagtatanong-tanong ko, para minus at makasigurado, kung meron kang kapatid o kaibigan na magaling na computer technician, puede na siya na ang mag assemble ng unit mo. O kung gusto mo naman bumili ng ready to use na, magsama at magtanong-tanong sa kilala at pinagkakatiwalaan mo na comp technician.
e. Mas maganda rin at maka minus ka kung siya na rin ang mag-install ng iyong net shop. Meron din sa google makikitang mga nag o offer ng net business at sa kanila na manggagaling lahat pati ang pag-install. Magbabayad ka na lamang. Package ang tawag doon. Kung meron kang credit card, meron na din charge sa credit card.
f. Meron din isang program na kahit nasa abroad ka, puede mo ma access ang status ng net buss mo. Kahit ipagkatiwala mo sa iba ang pagbantay kung busy si mrs, mababantayan mo ito ng parang andito ka rin sa ‘Pinas. Kung tama ba ang cash sales ng “bantay” na isinumite sa asawa mo. Kailangan na meron kang trusted na technician. Mas makatipid ka kung ang iyong bantay ay magaling din sa pag trouble shoot ng mga PC. Kapag nasa abroad ka, kailangan meron kang isang taong puede mo pagkatiwalaan.
g. Kung maari huwag pumasok sa “franchising”. Magtayo ka ng sarili mong pangalan.
3. Magkano ang expected na kita at kelan maaring mabawi ang binitawang puhunan
a. Depende sa oras ng operation mo at kung iyong OS mo ba ay maganda, dahil kung mabilis ang connection mo at maganda ang mga online games meron ang internet shop mo, siempre expect mo na ang maraming customer mo.
b. Puede ninyong gamitin ang simple technique na tinalakay ko sa Par. Kung paano mapangalagaan at pano e save ang para sa operation expenses daily at pati na rin kung paano mag save sa benta araw-araw. Nang sa ganun pag-uwi ng ninyo o ng asawa ninyo ay masaya kayong maipakita ang inyong na save galing sa net buss. Ninyo.
related post:
http://definitelyfilipino.com/blog/2012/08/04/sana-nga-para-for-good-na-ako-sa-pinas-mare-dream-ng-bawat-ofw-at-pamilya-nito-part-1-usapang-negosyo/
Example: (meron akong kapitbahay doon sa isang inuupahan kong bahay para sa mga tindera ko) 15hrs sya nag operate 10 units at 15/hr lang ang bayad. Nasa looban siya, sarili niya ang bahay, sa itaas sila nakatira. Electric fan lang ang gamit niya. May aircon pero sandali lamang niya ito binubuksan. Maluwag naman kasi ang space niya at nakakahinga ang kanyang mga PC. Pero advise ko pa din ang gumamit ng aircon. Kung hindi madaling masira ang inyong PC at kunti lang ang papasok para mag net dahil mainitan. Ang total sales nya sa 15hrs from 1800-2000. Kapag mahina ang araw nasa 1500 raw. Ang kuryente niya umaabot ng 8-9k. Ang sweldo nya sa kanyang bantay P200/day. Ang connection nya ay 3k+. Minsan ang net profit nya daily ay nasa 800-1300. In less than a year, nabawi niya ang kanyang puhunan. Ngayon doon na siya kumukuha ng lahat ng gastusin nila sa bahay at pang tuition ng anak.
Sa negosyo kailangan mo ang masusing pag-aaral, location, demand ng market at ang kakayahan mo o kapasidad mo kapag pinasok mo ito. Malaki ang puhunan na bibitawan mo. Hindi kailangang magmadali. Ayon nga sa nabasa ko sa FB wall ng kaibigan ko, “sa negosyo, kailangan lalake ka mag-isip at magdesisyon” at tama po siya.
Abangan sa susunod ang mga sekreto ko sa negosyong “Canteen o Karinderya”, Ang pinakapatok na negosyo sa panahon ngayon.
No comments:
Post a Comment