Showing posts with label emotion. Show all posts
Showing posts with label emotion. Show all posts

Oct 21, 2012

Minsan May Isang Ama At Mga Kuya….

(Photo credit:jagran.com/another minor raped)
“Itayyyyy…..huhuhuhu, parang-awa mo na po.  Itay….tama na po”

Ang paulit-ulit na pagmamakaawa ni Lisa sa kaniyang ama.
Si Lisa ang panganay sa tatlong magkakapatid na babae.  Lima silang magkakapatid; dalawa ang lalaki na mas nakatatanda sa kanila.  Ulila sa ina at lumaki sila sa poder ng kanilang ama at mga kuya.

Isang lihim na hindi sinasadyang nalaman ko.  Sa murang isipan ko, alam ko na mali ang mga nangyayari sa kapaligiran na nakikita ko.  Natakot ako sa aking nasaksihan; hindi sinasadyang napasilip ako sa butas ng dingding ng kanilang bahay, at dahil sa impit na pag-iyak na narinig ko.
Isang eksena na alam ko ay ginagawa lamang ng mag-asawa.  Alam ko at kitang-kita ko kung sino ang dalawang tao na nasa ganoong kalagayan; si Ona at ang kaniyang ama ang kitang-kita ko na nasa papag, hubo’t hubad sa katanghaliang tapat. Impit ang mga iyak ni Ona.  Si Ona ay siyam na taon gulang lamang.  Tumakbo ako papalayo na takot na takot. Tikom ang aking bibig at wala akong pinagsabihan sa mga nakita ko. Sobra akong natatakot, kaya hindi rin ako nagkalakas ng loob na magsumbong sa mga magulang ko.
Dahil likas akong gala noon; kapag nagsawa akong manguha ng mga sea shell, buko o bayabas naman ang mga kinukuha ko sa kasukalan.  Habang nangunguha ako ng mga bunga ay mayroon akong naririnig na parang nag-uusap.

“Kuya, tama na po!”  Pamilyar ang tinig niya sa akin.

 “Parang awa mo na, Kuya,” ang boses na naririnig ko; nagmumula ito sa may likod ng natumbang puno ng niyog. Isang puno ng niyog na noong natumba ay nakagawa ng isang medyo may kalaliman na uka sa lupa  noong may malakas na bagyo  Umakyat ako sa puno ng niyog nang  walang kaingay-ingay.  Kitang-kita ko kung ano ang kahayupang ginagawa ng kuya ni Lisa sa kanya. Ang isang kapatid naman ay nasa isang tabi lamang, nakatingin at umiiyak habang hawak ang hinubad na damit.  Halinhinan nitong ginawan ng kasamaan ang dalawang magkapatid.  Kung hindi sa loob ng kanilang bahay, nangyayari ito sa kasukalan; kung saan inaaya nito ang mga kapatid para manguha ng kahoy.   Mabilis akong bumaba sa puno at dahan-dahang lumayo sa lugar na iyon.  Umiiyak ako sa takot.  Naiisip ko rin ang katabing itak na sobrang kintab sa paghasa.

Pansamantala lamang kaming tumira sa lugar na iyon noon.  At bihira lamang ako pumunta  dahil nag-aaral ako noon at nakatira ako minsan sa aking lola.  Sa paminsan-minsan kong pagbisita sa lugar na iyon, hindi lamang iilang beses na naging saksi ako sa mga kahayupang pinaggagawa ng mag-ama sa kaawa-awang magkapatid na babae.  Oo, mistula silang mga hayop na mag-ama.  Ama, na dapat ay nagmamahal sa kaniyang mga anak na babae bilang isang mabuting ama.  Mga kuya na dapat ay nagsisilbing tagapagtanggol ng kanilang mga kapatid na babae…..pero ito sila, mistulang mga hayop.
Mga mababangis na hayop na kinakain ang sarili nilang dugo at laman.  Takot at awa ang aking naramdaman nang mga panahong iyon.  Pero sobra akong natatakot sa murang edad ko na iyon; wala akong sapat na lakas at kaisipan kung ano ang aking gagawin sa mga tagpong nakikita ko.

Normal naman sila kung kumilos sa sa harap ng mga tao. Walang bakas ng kamunduhan at kasamaan na nangyayari sa kanilang pamilya.  Ang magkakapatid na babae ay hindi mo kakitaan ng kakaibang kilos.  Siguro, pinipilit rin nilang maging natural at normal sa harap ng  mga tao sa labas ng pamamahay nila.
Lumipas ang ilang taon at nagdalaga na nang tuluyan at nagkanya-kanya nang buhay ang mga magkakapatid.  Nakakausap ko pa nga noon  ang dalawa sa magkapatid.  Naging maganda ang buhay ng ilan sa kanila at nakapag-asawa rin lahat.  Ang kanilang ama ay maaga noong nagbayad ng kahayupang ginawa sa kanila.  Isang malagim at masakit na kamatayan ang naging kabayaran.  Diyos na ang humusga sa kaniya, sa pamamagitan ng isang napakasakit na aksidente. Ang isang kapatid naman na lalaki ay nasangkot sa isang krimen at habangbuhay itong nakulong.  Pero para sa akin, kulang pa iyon na kabayaran sa lahat ng kahayupang kanilang ginawa.
Ang isa namang kapatid na lalaki ay wala na rin akong balita.  Hindi ko alam kung paano ito nagbabayad ngayon. OO…tama ka,  silang magkakapatid at mag-ama ang halinhinang nagpasasa sa murang katawan ng kanilang sariling dugo at laman.  Minsan pa nga, nasaksihan ko kung paano nila halayin nang sabay-sabay ang magkakapatid.  Habang ang isang kapatid ay umiiyak sa isang tabi.  Hindi ko maiwasang isipin na tuwing pagkagat ng dilim, ganuon ang eksena na nasa isip ko. Ang kahayupan na nangyayari sa loob ng pamamahay na iyon.  Piping saksi ang maliit na butas ng kanilang bahay. Nangyayari iyon tuwing alam na umaalis ang aking ama at ina para pumunta sa laot at mangingisda.  Labinglimang dipa lamang ang layo ng bahay nila sa aming bahay kubo.

Noong nandito na ako sa Maynila, dito ko nababasa sa diyaryo o minsan napapanood sa TV ang mga katulad ng kasong ganuon sa nakita ko.  At sa isip ko habang may nakikita ako at nababasa na ganoon, hindi maaring hindi ko maalala ang magkakapatid na iyon.

Oo, hindi ko nagawa ang ipagtanggol sila.  Hindi ako masisi dahil bata pa ako noon at takot ang umiiral sa akin.  Para sa akin, isang pangyayari iyon na Diyos lamang ang nakakaalam; SIYA lamang mas higit na may karapatang magbigay nang kaparusahan sa mag-ama.  Iniingatan ko na madamay ang aking pamilya sa maaring mangyari. Ipinagdasal ko na lamang ang kapanatagan nang loob ng magkakapatid na babae noon.  Ganoon man ang sinapit nilang magkakapatid,  tinahak pa rin nila ang mabuting landas.  Naging maayos ang kanilang buhay may pamilya ang kahuli-hulihang nabalitaan ko.

Kung maibabalik ko lamang ang panahon na iyon ngayon.  Hindi ako mag-aatubili na tulungan ang magkakapatid. Nabigyan sana ng tamang hustisya ang nangyari sa kanila.  Alam ko sa panahon ngayon, mayroon pang nangyayari na ganito.  Umiiral lamang ang takot sa mga panakot na ibinibigay ng mga walang puso. Napakarami na ngayon ang maaaring lapitan para hingian ng tulong.  Mayroon na ngayong makapagtatanggol sa kamay ng mga demonyo.   Mga batang kaawa-awa na biktima ng makamundong pagnanasa.  Gawain ng mga taong nabubuhay sa kadiliman at hindi na nakikilala ang Diyos.

Paalala:
Ito ay true story na ibinahagi naman ng isa kong kaibigan na ipinatago ang tunay na pangalan.  Isang kuwento na kaniyang nasaksihan at ibinahagi sa akin noon.  Ang mga pangalan ng mga tauhan ay sadyang pinalitan.  Kung may pagkakatulad man sa kuwento, mga pangyayari at mga pangalan na nabanggit, ito ay nagkataon lamang at  hindi sinasadya.

Aug 1, 2012

Pagsubok....Kailan Mo Kaya Ako Lulubayan?


http://www.buzzle.com/articles/words-of-encouragement-from-the-bible.html
Sa dinami-dami ng hirap at kabiguan na aking pinagdaanan, mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan; masasabi ko na ito ang mga dahilan para ako ay magkaroon ng “pusong bato.”

Ito rin ang dahilan, upang ako’y manatiling matatag sa lahat ng hamon sa buhay.  Ilang pagsubok na nga ba ang kanyang ibinigay, talagang hindi na mabilang sa aking mga daliri. Mukhang tuwang-tuwa talaga pa talaga na ako ay laging sinusubukan n’ya.  Umaalma din ako paminsan-minsan.  Sino ba ang hindi, di ba?  Nakakapagod din kaya at nakaka praning.

Sa isang banda, sabi ko, okey lang.  Okey lang, basta wala lang akong sakit, pati mga anak ko.  Kasama na din ang mga kapamilya ko.  Okey lang, basta kumakain kami ng tatlong beses isang araw. At hindi na nararanasan ng mga anak ko, ang naranasan ko noong bata pa kami. Ang magtiis sa ulam ay asin, niyog, gamos, o di kaya ay bukayo. Minsan pa nga, kamoteng kahoy o saging.

Pero, kahit ‘pano hindi ako tuluyang bumitaw sa aking “Savior.” Sa aking natatanging matalik na “kaibigan.”  Nag-iisa sya na kaibigan, alam n’ya lahat ang tungkol sa akin, alam n’ya lahat ng aking ginagawa.  At madalas din n’ya akong inuunawa, sa bawat pagkakamali kong nagagawa.  Andian s’ya lagi kapag alam n’ya hirap na akong bumangon.  Andian s’ya kapag kailangang-kailangan ko s’ya.  Mas nauuna pa nga siyang lumapit sa akin, kesa ako ang maunang lumapit sa kanya. 

Ilang beses na rin n’yang sinubok ang aking kakayahan. Maraming beses na din.  Hanggan sa dumating na nga ako sa puntong, sinasabi ko sa aking sarili “wla yan, ako pa! Maning-mani lang yan.”  Hanggang na used na ako, kumbaga, katumbas ng problema o pagsubok, tawa na lang ang aking isinusukli.  “Darna” nga daw ako eh! Kaso, wala naman akong nilulunok na bato.  Nawawala kasama si Ding.

Pero, akala ko nga si “Superwoman” at “Darna” na ako.  Mali pala, nakatago lang pala sa kasuluk-sulukan ng puso at pagkatao ko, ang kahinaan ng loob ko. Nakamaskara lang pala ako.

Isang napakatinding pagsubok, muling pumatak ang luha ko.  Matagal ko na rin kasing kinalimutan ang umiyak. Ayaw ko na kasing umiyak naipangako ko ‘yan sa aking sarili.  Pero hindi pala. Balde-balding luha ang nawala sa akin.  Habang hinihintay ang resulta ng aking medical biopsy at iba pang laboratory test, unti-unti rin akong pinapatay ng aking mga naiisip.  Nasabi ko pa nga, “Kunin n’yo na po sa akin lahat, kung ano ang meron ako na mga material na bagay,  huwag langpo  ang buhay ko ng maaga.”
Walang kasing-sakit, ‘ramdam ko sa bawat patak ng aking luha, ang parang punyal na itinatarak sa aking dibdib.

Sinubukan ko maging matatag, ilang araw na ako’y nagbalatkayo na okey lang.  Sa tulong nga mga kapamilya, kaibigan at mga bagong kakilala, ako’y nagpapasalamat ng lubos.  “Prayer can move mountains,” at totoo nga, walang imposible basta ialay mo sa kanya lahat ang iyong sarili.  “OO,” Tama ka, ilang beses ko na itong napatunayan, hindi na rin mabilang sa aking mga dalire.

Naurong ng naurong ang labas ng result. Meron na akong natanggap na isang pahiwatig mula sa kanya. Isang ngiti.  Alam ko magiging okey ang lahat.  Ngunit, tinatalo pa rin ako ng hindi magandang isipin. “Parang awa na po ninyo, hindi ko kayang iwanan ang aking mga anak, hindi pa po ako ready.”  Hindi po ako exaggerated, pero dumaan ang buong pamilya naming sa magkasunod na trahedya 2years ago. Puro healthy lahat pero biglang kinuha nya sa amin tatlo na halos magkakasabay.  Cancer, HB at Heart Attack.

“Ang lakas mo mag pray!”  Dhors, okey lahat ang result mo, nagtataka man ako sa resulta, bilang isang bihasa sa ganyang kaso, pero dapat ipagpasalamat.” Ang tanging naririnig ko na sinabi ng aking OB sa kabilang linya.  “You are free from Cervical Cancer, No infections, and no need na rin para kita ay raspahin!”  Ako rin ay nagulat.  Nagulat dahil nakita ko mismo sa monitor ang problem. Dahilan para ako’y mag-alala, lalo na noong sinabi na, kailangan meron akong kasama na kapamilya, kapag inalam ko na ang result.

“Still, God is Good!”…… ito ako, nakahanda pa rin sa mga darating pa na mga pagsubok na ibibigay n’ya sa akin.  Ganyan ‘nya ako kamahal. Sa ganong paraan n’ya ipinararamdam sa akin ang kanyang “unconditional love.”


Pagsubok,Kaylan Mo Kaya Ako Lulubayan? Salamat, Lagi ‘Din Kitang Nalalampasan!
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
 During times of trouble, when the waters seem to sweep over us, we can find solace in the words of encouragement from the Bible. Agonizing events can debilitate one's faith, however, constantly reminding yourself of the promises of God and clinging to them, will help you stand firm even in a fierce storm.

Jul 25, 2012

'Limang Piso"....Laman-'Tiyan Din 'To!

Piso, 

Limang Piso,

Sampung Piso,
http://en.wikipedia.org/wiki/File:PhilippinePesoCoins.jpg

"Ikaw, matanong kita!".  Gaano o paano mo pinahahalagahan ang mga baryang ito?  Paano nakakatulong sa iyo ang mga  ito?

Noong kapanahunan ko, uso pa ang belikoy at nutriban.  Marami na akong mabibili ng belikoy sa halangang "bente singko sentimos".  Makakabili na rin ako ng isang "nutriban". Kasama na ang "singko" na hugis bulaklak.  Ngayon, hindi na pinapansin ang "singko" lalo na ang isang centavo, na merong butas sa gitna.  Umabot din sa punto na ang bente singko na barya, ay hindi na rin pinapansin.  Nauso ang "Pondong Pinoy", kung saan ang lagayan ay plastic ng miniral water, na wala nang laman.  Ang dating pakalat-kalat at halos binabalewala nang bente singko, ay biglang nagkaroon ng kabuluhan, at nakatulong pa sa simbahan.  Para kasi'ng nawalan ng halaga o ningning, kahit sa mga bata.

"Pahinge po ng piso?"....'yan ang madalas nating marinig di ba?  Kapag binigyan mo ng bente singko sentimos, iirapan ka pa o dadabog pa; sabaya sabing, "Wala nang mabibili nito, kahit kendi!".  

Oo nga naman, 'kaw naman kasi, magbibigay ka na rin lang bente singko pa!...kuripot mo naman!.  'Buti na nga lang, nauso nga ang pondong pinoy sa simbahan, pati na rin sa mga malls.  Lata naman ang lagayan kapag nasa mga groceries o kahit saang pamilihan na meron tulad nito.  Nang nagtaas ng singil ang mga jeepney's nitong nakaraan, si "bente singko" muling nagkaron ng halaga, sa lahat ng commuters.  Sayang!  Matagal na tuloy mapuno ang pondong pinoy.  Kaya, ayon ang laman ay isang sentimo at limang sentimo na meron butas, kasama na rin ang sampung sentimo.  At muling bumaba ang pamasahe, salamat,  marami na namang laman ang pondong pinoy.

Piso, kapag pinagsama-sama at naipon, ito ay meron halaga.  Lalo na sa mga bata na nag- aaral ng elementarya. Piso, na madalas iyon ang nadudukot sa bulsa o sa coin purse, at naibibigay sa mga nagpapalimos. Makadukot ng dalawa, tatlo o apat, ito ay sapat na sa iyong pakiramdam.  Hindi ka nanghihinayang  Ayon sa iba, hindi mabigat na bitawan, lalo na kapag meron umaakyat sa jeep, at pupunasan ang iyong sapatos; sabay lahad ng kamay sa pasahero.  'Swerte! nakadami! Marami na namang pambili ng rugby ito mamaya.  'Wag ka, naka senyas pa yan ng subo ang kamay, ibig sabihin, "pangkain lang daw".  Pagkaing rugby pala!

Pero, hindi iyan ang gusto ko tukuyin, 'kundi ang "Lima at ang Sampung Piso".  Para sa mga mayayaman, siguro ang limang piso ay katumbas na lang ng isang sentimo, mayaman nga eh.  Siempre, mga papel na ang pera nila.  Iyong mga "barya" nasa tabi-tabi na lang 'yan, o  'di kaya ay nasa altar, at sa pondong pinoy na  Pero para sa akin, tulad ko na meron trabaho at sariling hanapbuhay, mahalaga pa rin ito.  Mas lalo na 'don sa mga commuters, dagdagan mo lang iyan ng tatlong piso; makakarating ka na sa pupuntahan mo. Maging honest ka lang kay manong driver ng jeep. "Kuya!... kulang ng dalawang piso, pasensya na pero, 'dian lang naman ako bababa sa unahan". Mabait si manong driver kaya ayun okey na. Kung hindi mabait, "Miss saang "unahan" ka bababa?...Wala namang lugar na, "Dian Lang"!.  Meron Dian St.! Wafak tuloy kay manong driver hahaha, napahiya man oks lang, wag ka na lang titingin sa mga kapwa mo pasahero. Kunyare eh, "nothing".  Sori, bingi ako, sabay saksak ng headset ng celphone mo!

"Ate, pabili po kanin, limang piso lang." Ibig sabihin, kalahati lang ng isang order na kanin ang bibilhin 'nya. Isang order ng kanin kasi ay sampung piso.  "Ate, lagyan mo po ng sabaw ng adobo ha?" Sabaw lang naman ang hinihinge bakit ipagdadamot pa, kaya hala sige bigay.  Noong una akala ko, sadyang bumibili lang, baka nabitin sa kanin, at meron pa siya natirang ulam sa bahay nila.  Sumunod na bili, sinundan ko ng tingin.  Ayon, ang bata nasa isang tabi, kumakain habang nakatayo.  Sarap na sarap, binutas lang iyong plastic na balot at parang ginawang ice candy.  Sabay tingin sa akin, at sumenyas pa ng "thumbs up".  "Aray ko!", mukhang meron tumusok na karayom sa dibdib ko.  Meaning, okey nabusog na sya sa pag thumbs up nya, sabay parang senyas na din ng "ok! Thank You!

Sa isang tindahan ko, meron araw araw dumadaan estudyante.  Nakita ko bumibili din ng kanin at humihinge lang ng sabaw sa aking tindera.  Masaya, masigla at maliksi.  Tulad ng isang bata noon, nakita ko ganun din ang ginawa, kinain at sarap na sarap.  Biro mo, sa halip na ibili ng candy o ice cream paglabas ng eskwelahan, ibinili ng kanin at huminge ng kaunting sabaw ng ulam. Solve na ang gutom ng bata.  Kakaawa naman, kaya ng mga sumunod na araw na, pagdadaan at bibili, meron na din dagdag na isang hiwa ng karne.  Kakaawa eh!  Mabuti pa pala ng ako nag-aaral noon, meron pa akong ulam na "balitsaw", halagang "dos" o dalawang piso. Dikit mo lang ang iyong dalire sa balitsaw, at sabay dila ng dila na meron pang laman na "bahaw na kanin" (lamig kanin)....sarapp!. Nakakatuwa at masarap sa pakiramdam, marinig galing sa isang batang tulad nya ang makarinig ng "salamat ate".

Hindi lang pala mga bata, o binatilyo ang gumagawa ng ganun.  Wala ng pinipili na edad, mapababae o lalaki, ganun ang ginagawa.  "Sampung piso na kanin ate", tapos pahinge ng sabaw ng itong ulam na ito".  Hindi lang iyong mga batang lansangan mo matandang lansangan na din (pakalat-kalat eh).  Taga repair ng relo, dating meron puesto sa isang maliit na mall, kung saan ang rent ay 200/day,  ngayon wala na.  Lakad ng lakad na lang alok sa bawat madaanan, pasok sa mga opisinang meron entrance na bukas.  Wala pa daw kita, ayun, bumili ng kanin at huminge ng libreng sabay.  Isang subo ng kanin, isang higop ng sabaw.  Ilan pa kayang  mga bata ang tulad nila?  Ilan pa kayang mga tulad ni manong repairman, at ilan pa kayang pakalat kalat na tulad nila?  Ilang pamilya kaya ang meron tulad nila na naghihirap, nagtitiis sa kanin at sabaw lang? At ilan kaya sa mga batang ito, ang balang araw ay magtatagumpay dahil lamang sa "limang pisong kanin at sabaw?".  At ang limang piso na dating hawak nila ay maging limampu, limang daan, limang libo, limampong libo hanggang maging doble doble pa?  Nakakadurog ng puso, ngunit nakakabilib. Madiskarte, pantawid gutom nga naman. 

Limang piso, kanin at libreng sabaw ng ulam.  Malayo ang mararating mo bata.  Hangad ko ang iyong tagumpay pagdating ng araw.  At kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin ko sa iyo; matitikman mo na ang mga pagkaing naipagkait sa iyo, dulot ng KAHIRAPAN. 

Jul 3, 2012

Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo.....Handa ka ba Masaktan?

"The greater your capacity to love, the greater your capacity to feel the pain."
~ Jennifer Aniston

Naranasan mo na ba ang paulit-ulit na pagkabigo at paulit-ulit na nasaktan? Dahil lamang sa ikaw ay nagmamahal ng lubusan?

Photo google from unknown
Sa isang relasyon na halos ginagawa mo na ang lahat ng kaya mo ibigay para lamang ito ay maging maayos at magkaroon ng katuparan ang bawat pangarap na pariho ninyo binubuo.  Pangarap na balang araw ay matutupad pagdating ng tamang panahon.  Sa pakikipagrelasyon sa larangan ng pag-ibig, kaakibat ng bawat saya ay may kalungkutan, bawat matatamis na ngiti ay may pait na kapalit at ang pagmamahal ay meron katumbas na sakit at pait.  Sa ayaw man at sa gusto natin, kahit ano pa ang saya dulot ng pagmamahalan ng isang magkarelasyon, dumadating din sa punto na meron pagdadaanan na mga pagsubok.  Pagsubok na kung saan susukatin hanggan saan at kung ano ang kakayanin ng bawat isa para lamang sa ngalan ng pag-ibig.  Sa bawat tahimik na pagpatak ng bawat luha, sa halos mag collapse ka na dahil halos hirap ka huminga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman mo  at halos zombie ka na dahil nanlalalim na ang iyong mga mata dahil sa hindi  ka makatulog at dahil sa iyong naramdaman,  andun iyong wala ka na sa iyong sarili na dahilan ng muntik ka na masagasaan dahil tulala ka at lumilipad ang iyong isip.  Marami pa ang mga bagay na hindi maganda nangyayari dahil sa ngalan ng pag-ibig kapag ikaw ay nasaktan o naranasan mo ang pagkabigo.

Naisip mo na din ba ang sumuko na? Iyong alam mo naman sa sarili mo na talaga lang hindi ka pinagpala sa larangan ng pag-ibig? Iyong bitter ka dahil bakit ikaw pa ang nakakaranas ng pagkabigo samantalang wagas ka naman magmahal at loyal ka pa sa taong mahal na mahal mo.  Na ikaw na napakabait mo sa mga taong nakapaligid sa iyo pero halos walang karapatan para naman lumigaya.  Iyong feeling na para kang sinumpa, na kahit ilang beses mo pa mag try na magmahal at halos ginamit mo na nga ang isip mo para huwag lang masaktan pero ganun pa din ang nangyayari?  Pero dahil tao ka lang at gusto mo maranasan ang maging masaya naman ang napakalungkot mong buhay, ito ka ngayon at sumubok na naman na magmahal ulit.  Nakakapagod din di ba? Pero lagi mong iniisip na baka ito na iyong tao na sagot sa dinadasal mo na in return ay mamahalin ka din ng taos puso at hindi sasaktan.  Ang pag-ibig ay isang sugal, at kailangan sumugal at ang puhunan ay ang mag invest ng pagmamahal na tunay, at kapag natalo ito ka at iiyak na lang sa isang tabi.  Mag iisip at babangon ulit para buuin naman ang sarili na minsan na naman winasak ng dahil sa pag-ibig.

Madalas dahil sa kagustuhan mo na ayusin ang lahat dahil sa pagmamahal at mga pangarap ninyo na unti-unti binubuo.  Ito ka at lagi umuunawa at umaasa na malampasan lahat ng pagsubok. Ng dahil sa pagmamahal halos kainin mo na ang sarili mo pride, gagawin mo ang mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin pero nagagawa mo alang-alang sa pagmamahal mo sa taong mahal mo.  Pero, dumadating ka din ba sa point na halos natatakot ka na din sa mga ginagawa mo o  sa mga nangyayari.  Takot ka na baka isang araw magising ka na naman ulit at nagtataka ka at meron ka kakaibang nararamdaman, iyong pakiramdam na parang wala na iyong pain at parang balewala na lang lahat.  Dahil sa sobrang sakit na iyong nararamdaman tuwing meron hindi pagkakaunawaan halos na immune ka na at sasagi na naman sa iyong isip ang mga nakalipas na mga pangyayari kung paano ka exactly na fall out of love.  Kasabihan nga na hindi sa lahat ng oras hawak natin ang ating mga puso, sila ay may sariling isip na nagdidikta sa atin thru our emotion.

Hindi ba puede na puro na lang pagmamahal ang pairalin ng sa gayon ay walang nasasaktan na damdamin.  Hindi, dahil kapag hindi ka marunong magmahal hindi ka rin masasaktan.  At hindi ba puede pagtagpuin kapwa iyong mga taong hindi kayang manakit ng damdamin ng taong mahal nya, ng sa ganyon pariho nilang iingatan ang pagmamahalan nilang dalawa.  Iyong parihong meron malawak na pang unawa sa ngalan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Iyong parihong nakakaunawa sa bawat  pagkukulang at pagkakamali ng isa't-isa.  Pero, siguro nga hindi puede ang ganun, dahil kailangan maranasan ng bawat relasyon ang sakit para makamtan nila ang tunay na ligaya.  Iyong ligaya na hinubog na ng panahon at hindi na kayang buwagin ng kahit na anong unos pa dumating, dahil meron na itong ugat na malalim na nagpatibay.  At dahil sa ugat na iyon kapag lubusan na itong naging hinog para sa isang matibay na puno ito ay magbibigay na ng ganap na kasiyahan at kaligayahan pagdating ng araw...pagdating ng tamang panahon.

Jun 4, 2012

Paru-Paro

Alas 11:00 na ng gabi,  pero di pa rin ako  inaantok.  Naka tune in sa aking paboritong radio station "DZMM". Walang magandang palabas sa TV.  Wala din akong makausap, dahil offline ang aking mahal.  Oo nga pala, umpisa lumipat ng ibang kumpanya, bihira na kaming magka-usap sa chat.  Nasa labas daw sya halos araw-araw at pagod na pagod na pag-uwi.  Kawawa naman, 'di bale, darating din ang oras na hindi na siya mangingibang bansa ulit.  For good na 'ika nga.  Tulog na rin lahat ang aking mga kasama sa bahay.
Photo credit Henry Allen Solanoy Romblon 2012 vacation

Sa mga gabing ako ay hindi dalawin ng antok, isang abot kamay na ballpen at notebook, ang aking aabutin.  Depende sa aking mood, kung ano ang puede kong umpisahan.  Matagal na panahon na din pala na ako'y huling nakapagsulat, dahil na rin siguro sa pagbabago ng aking pamumuhay; na umikot na lang sa aking anak, pamilya at trabaho ang aking oras at panahon.  At ngayon, ito akong muli, pagkatapos ng mahigit dalawang  dekada; ay akin muli ang susubukan ang magsulat. Ang isang bagay na lingid sa lahat, ito ang aking kanlungan sa bawat oras at araw, o pagkakataon na pansamantalang ninanais ko ng katahimikan. At para bigyan  ng pagkakataon na maibahagi ang mga bagay na inaabot ng aking aking malikot na imahinasyon.  Imahinasyong bunga ng matinding emosyon. Sinusulat noon sa papel gamit ang lapis, habang nakaupo sa gitna ng bukid, habang  nakatanaw sa dagat.  Ngayon, maibahagi ko na, sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. 


PARU-PARO
(orihinal na kopya at binuo ng may akda)

Pilit ipinipikit ang mga mata sa kabila ng dilat na aking ISIP
Pikit na mga mata ngunit isip ko'y gising sa kalaliman ng gabi
Liwanag sa balintataw aking nakikita at  ito' nagsusumiksik
Mga paru-paro aking nakikita sa liwanag habang ako'y nakapikit
Nagsalimbayan sa paglipad..at ganda nito'y sadyang mapang akit


Sa kanilang bawat pag ikot kulay nila ay sadyang nakakabighani
Lumilipad dumadapo...at muling lilipad dadapo ng ito ay paulit ulit
Sa kanilang bawat galaw at pag ikot 'di maiwasang di mapa isip
May mabagal lumipad parang pagod at parang nalulungkot din
May nahihirapan ngunit merong matitikas at masasaya din

Hindi ko lubos na mawari ngunit kita ko ang tunay na pakiramdam
Habang nakikita ko sa dilat kung isip pero nakapikit na aking mata
Bakit hindi ko maiwasan mga paru-paro ay aking maikukumpara
Ibat -ibang buhay ng mga taong aking araw-araw ay nakakasalamuha
Ako, sila, kayo ay tulad ng mga paru-paro na akin ay maihalintulad

MASAYA!......dahil alam ko ako ay isang tao na pinagpala NYA
May maayos na paligid masarap na pagkain at ibang karangyaan
Masaya dahil alam ko mas maswerte ako kumpara kesa sa kanila
Sa mga katulad nila na sadyang pinagkaitan ng tadhana upang sumaya
Sila na pakalat-kalat matanda man o bata na pinabayaan na ng lipunan


MALUNGKOT? ....maraming dahilan at ito'y mahirap isa-isahin diba?
Minsan binabahagi natin pero kadalasan ay gustong sinasarili na lang
Dahil lahat naman tayo ay sadyang meron kanya-kanyang sariling dahilan
Ngunit sa kabila ng kalungkutan nakangiti at makikita mukha na masaya
Kahit ano pa man sadyang buhay ay laging may hatid na lungkot at saya


NAPAPAGOD?... oo pisikal dahil sa bigat ng trabaho na ating ginagawa,
Biyahe at kung anu-ano pa dahilan upang mapagod buong araw
NAPAPAGOD?... emosyonal alam mo na ang ibig kong sabihin nito di ba?
Kumplikado at  may kasamang depresyon at apektado na ang lahat
AT nanaisin mo pa ang mapagod ng pisikal at hindi emosyonal di ba?


NAHIHIRAPAN?...Oo, sa panahon ngayon na mahirap ang ating buhay
Ikaw man ay mayaman o mahirap lahat tayo ay nakakaranas ng hirap
Kahit sino pa ang iyong tatanungin si mayaman sasabihin pa rin "ang hirap"
MAHIRAP, AKO AY NAHIHIRAPAN at NAHIHIRAPAN S'YA
Lahat ay nahihirapan ngunit sa kabila nito'y laging meron din hatid na aya


Sa kabilang banda.....isa lang isipin natin GANYAN TALAGA ANG BUHAY
Kailangan marunong kang lumaban at makisayaw dahil nasa atin mga kamay
Lahat ay nakasalalay kung paano natin lalabanan ang lahat ng hamon ng buhay
Huwag kang pagugupo aking kaibigan lumaban ng parehas ng walang naaapakan
Walang nasasaktan at walang naa-api, tulad ng paru-paro dumapo at lumipad lang
Llipad lang ng lipad......paikot ikot...... dadapo .....lilipad ulit ng wlang kapaguran.

( Ito ang original na kauna-unahang ginawa ko after 20years, at inilagay sa aking friendster blog, na tanging merong naiwan na hard copy)

Jun 2, 2012

Sa Likod ng “Thank you o Salamat!”


Give thanks for a little and you will find a lot.
~ The Hausa of Nigeria ~

Matanong ko lang, ano ang feeling mo kapag itong two or one word na ito ay narinig mo? Bigla ka ba napaisip sa tanong ko? Wala lang naisip ko lang itanong, simple words lang pero mabigat ang nakapaloob dito sa salitang ito,

http://www.fotosearch.com/photos-images/thank-you_2.html
Madalas araw araw sa buhay natin different people ang ating nakakasalamuha aside from our circle of family and friends, at minsan o madalas din hindi natin napapansin na meron tayong mumunting bagay na nagagawa sa mga taong nakapaligid sa atin  na dahilan para tayo ay makatanggap ng salitang “Thank You” o “Maraming salamat” o di kaya ay “salamat”.

Kadalasan din naman alam natin na meron tayo mga magagandang bagay na nagagawa  na kusang loob o bukal sa kalooban natin.  Yon iba sa atin natural na yong pagtulong sa mga taong nakapaligid sa atin. Andian yong nakatulong ka para mapagaan ang trabaho nya, nakatulong ka dahil nakapagbigay ka ng payo at naliwanagan ang isip nya, nakatulong ka dahil sa pagsagip sa buhay nya at marami pang mga iba’t ibang uri ng tulong na nagawa natin sa kapwa.  Hindi lahat ng tulong  na ginagawa natin sa kapwa natin ay kailangan pinansyal

Kadalasan din naman meron tayo mga natutulungan na hindi naman tayo nag e- expect na tayo ay pasalamatan, pero minsan kapag nakalimutan nila ang tayo ay pasalamatan di ba napapa isip o natatawa na lang tayo sabay sabi “ay di man lang nagpa thank you”. May mga tao din naman na balewala na sa kanila lahat sya man ay mapasalamatan o hindi.

Hindi ko masabi na ako ay isang tao na mabait, masabi ko man iyon alam ko galing lang sa lalamunan ko, biro o minsan nasasabi lang. Dahil alam ko naman sa sarili ko na walang taong mabait. Kung meron man siguro sila yong mga naisama o kabilang na sa mga “Saints” ngayon sa simbahang katoliko. Kaya ko nasabi ito dahil ang taong sinasabi mabait dumadating din ang araw na mas talo pa ang sinasabi nilang masama ang ugali, at dito naman sa puntong ito ako siguro napabilang dahil napupuno din ang salop sabi nila, naabuso na ang kanyang sobrang kabaitan.  Napalayo na tuloy ang topic at mabalik tayo sa totoong dahilan ng maikling blog na ito.

Ang makatanggap ng salitang “Thank You at Salamat” sa kapwa lalo na sa mga taong naging parte ng buhay natin aside sa mga pamilya at relatives natin di ba ang sarap sa pakiramdam. Yong saya na alam mo walang katumbas na halaga. Kumbaga nakakatulong ka na walang kapalit na suhol pabuya o gift in return mas higit pa ditto ang nakatanggap ka kapag sila ay nagpapasalamat na sa iyo.  Likas na sa akin ang ganitong attitude kahit hindi o kilala ko ang taong lumalapit sa akin at kailangan ako. Madalas din ako magkusa kapag alam ko kailangan ng isang tao o ng mga nakapaligid sa akin kung ano ang puede ko maitulong.  Pero madalas ko din gamitin ang isip ko sa mga ibat-ibang uri ng pagtulong ko.

 photo from http://www.fotosearch.com/photos-images/thank-you_2.html
Meron mga tulong ako nagagawa na minamasama ng iba dahil akala nila greedy ako, pero ang di nila alam tinuturuan ko sila ng leksyon.  At hindi nila alam dahil sa hindi ko pagtulong sa kanila nakapag isip sila ng mga bagay na kailangan nila gawin dahil pinagdamutan ko sila ng tulong. Pero para sa akin masaya ako dahil sa aking pagtanggi nakagawa sila ng mga bagay na akala nila hindi nila kaya gawin kapag hindi sila tinulungan.  Sa aking karanasan mas madalas bumabalik sa akin sa mga hindi sinasadyang pagkakataon ang mga reward na nagagawa ko sa kapwa ko, minsan galing  mismo sa mga taong natulungan ko noon  at iyong iba naman ay galing sa mga taong minsan ko lang makadaupang palad.  Madalas din kapag nakakagawa ka ng mabuti sa kapwa mo kapag ikaw naman ang nalagay sa isang sitwasyon na kailangan kailangan mo ang tulong kusa na lang sila lumalapit sa iyo.

Pero meron isang katotohanan na ang isang taong matulungin sa kapwa ay iyon pa ang mga taong madalas sinasarili ang lahat at likas na din sa kanya ang gumawa ng solusyon na hindi lumalapit sa kapwa para huminge ng tulong.  At mas madalas sila yong mga taong sa tingin ng karamihan ay napakatapang na hinaharap ang buhay pero deep inside gupong gupo na ito pero ginagawa ang lahat para mae survive kung anuman ang meron sya, nawawalan ng pag asa minsan sa buhay pero hindi halata dahil marunong magkubli ng tunay na saloobin.  Ang dahilan, dahil ang tingin ng karamihan sila ay ang mga  matapang na tao na kayang harapin ang lahat at madalas masabihan ng “ikaw pa kaya mo yan”. 

Kaya mas madalas walang choice ang mga katulad nila kundi ang mananahimik na lang ito ng tuluyan at sarilinin ang kung anuman ang kanilang tunay na saloobin.  Pero ang mga taong ito ay mayroon matibay na faith sa nag iisa nilang KAIBIGAN na kanilang nakakasama at nasasandalan anuman oras. KAIBIGAN na mas nakakaalam ng tunay na saloobin kahit ang mga taong ito ay nananahimik lamang sa isang tabi.

Saying thank you and being really being grateful are not just about words.
When you say thank you, you actually open yourself up because you accept.
 You appreciate and you share yourself. You allow yourself to be open to receive love. And that, as you probably know, feels nothing less than wonderful
From //www.inspirational-quotes-short-funny-stuff.com/thank-you-quotes.html

May 23, 2012

I Love You...Mahal Kita! Pagmamahal Nga Ba o Panlilinlang?

Ang sarap pakinggan kapag merong isang tao na nagsabi sa atin ng ganito ano? Kasing tamis ng arnibal at nakakilig na parang feeling mo teenager ka lang. Kapag nabasa mo ang mga salitang ito sa chat, text message o di kaya sa sulat, wow heaven ang dating para kang nasa cloud nine lalo na kung ito ay galling sa isang taong mahal na mahal mo. Madalas pa nga eh, paulit ulit mo itong binabasa kahit ilang araw, linggo o buwan na ang lumipas.

Pero paano mo malalaman na talagang galing sa puso nya ang mga katagang nagpapakilig sa iyo? Na bukal sa puso nya ang pagsasabi ng I love you o mahal kita at sabayan ng maraming mga pangako? Di ba madali lang sabihin ang mga katagang iyan? Pero ang tanong mahal ka nga ba talaga nya o nais ka lang nya bigyan ng pakunswelo o pampalubag loob dahil meron sya ibang gusto sa iyo? At bakit ko naman nasabi ito? Wait lang at ito ang kwento:

Mabigat ang dibdib ni Anna habang papunta sila sa airport. Limang taon na kailangan nya manatili sa Europe at hinde nya puede biguin ang kanyang ina na matagal na doon nagta trabaho at naghihintay sa kanya. Huwag kang mag alala mahal ko” ang sabi ni Fred; hihintayin ko ang araw ng pagbabalik mo at ang araw na tayong dalawa ay magkakasama doon balang araw. Mahal na mahal kita at pangako hinde kita lolokohin. Sabay yakap at halik ni Fred kay Anna habang nakayuko at pinapahid ni Anna ang kanyang luha ang nasabi na lang nya sa kanyang boyfriend na si Fred ay "Aasahan ko iyan at hintayin mo ang pagbabalik ko".
photo borrowed from http://www.free-extras.com/search/3/crying+heart.htm

Lumipas ang mga araw linggo at hanggang dalawang buwan nakikita ko na masaya na ulit si Fred lalo na kapag nakakatanggap ng Euro galing kay Anna.  Dumating ang araw na bihira na sila magkausap at nagkaroon ng tampuhan dahilan para hayagan na ulit sa kanyang dating gawi.   Si Fred ay hiwalay sa asawa at kilala ko din sya bilang isang taong hindi lang iisa kundi mahigit pa ang dinadambana na babae sa puso nya. Mabait pero sadyang naliligaw ng landas. Hindi dahil sa hindi nya mahal ang asawa nya kundi sa mga dahilang lagi nyang sinasabi sa akin sa tuwina’y napag uusapan namin ang mga bagay bagay hinggil sa lovelife at kapag minsan pinapangaralan ko sya.

Ayon kay Fred ang kanyang asawa na si Lea ay hindi maasikaso na asawa solong anak at sanay sa marangyang buhay, meron silang dalawang anak.   Aalis at darating galling sa trabaho si Fred na siya pa ang gagawa sa mga gawaing bahay pati na ang pagluluto at paglalaba.  Kabilang si Fred sa tinaguriang mamamayan ng CANADIAN (ito yong “magsaing kanadyan, maglaba kanadyan…etc.).  Sabi nya ito ang dahilan para maghanap ng kalinga sa iba si Fred.  Pero tulad ng madalas ko ipayo sa kanya na pag usapan nila ng masinsinan kung ano ang problema, pero balewala lang sa kanya ito. Alam ko bukod doon meron talaga sariling dahilan si Fred. Si Fred ay may luho sa katawan, laging branded ang mga gamit kaya naman mahilig sya mag sideline.  Dahil hindi naman kayang tustusan ang kanyang mga hilig ng kanyang sweldo; meron syang matinong sideline at meron din siyang hindi kanais nais na sideline. Lapitin sya ng mga babae dahil din sa kanyang mga sideline at inaamin naman nya na babae at gay ang gumagastos at madalas magbigay sa kanya ng mga luho nya. Mabait ang kanyang asawa, pero lahat nga meron talaga hangganan at walang lihim na hindi nabubunyag, idagdag pa doon ang isang katangian ng mga  babae na malakas ang instinct at alam na alam kapag meron ginagawa kakaiba si mister. Nakakalungkot at di nagtagal nagkahiwalay silang mag asawa. Ang asawa ni Fred nagtrabaho hanggan nagkaroon na din ng karelasyon at nalaman ko na masaya na ito sa bago nyang buhay pag-ibig na isang seaman.  Habang ito naman Fred ay niligawan ang isang kasamahan sa trabaho at ito nga ay walang iba kundi si Anna.  Love is blind nga di ba? Ilang beses na nga ba ito napatunayan, kaya kahit anong pangaral hindi nagpapigil ang dalawa sa kanilang relasyon.  Wala nang nagawa ang pamilya ni Anna.

Four months hanggan umabot ng halos anim na taon,  regular silang meron communication kasama na ang pagpapadala ni Anna kay Fred ng pinansyal na tulong.  Andian yong away at bati sila, dahil mahal na mahal ni Anna si Fred at natural lang na magselos ito dahil hindi din lingid kay Anna ang pagiging palikero ni Fred patuloy pa rin ito sa pagmamahal sa lalaking iniwan sa Pilipinas at patuloy na umasa na balang araw magkakasama din sila ulit.   Hindi lang love is blind kundi nagiging tanga pa tayo minsan pagdating sa pag ibig; pero kahit ano pa ang gawin hanggat meron pusong mapaglinlang patuloy na meron luluha at masasaktan na damdamin at merong pamilya na mawawasak.

Hindi nagtagal dumating din si Anna sa sukdulan, sumuko at napagod din ang pusong sobrang nagmahal at nagising sa mahabang pagkakahimbing.  Si Anna na hinayaan na lang si Fred. Lahat ay ginawa ni Fred para lang manumbalik si Anna sa dati pero pagkabigo lang ang napala ni Fred.  Tiniis ni Anna lahat ng sakit at pinakinggan ang kanyang pamilya na buong puso na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Hanggang sa tuluyan na naputol ang relasyon ni Anna at ni Fred. Sa ngayon meron na silang kanya kanyang buhay.  Si Anna sa kanyang kasintahan na mahal na mahal sya at si Fred naman ay nagkaroon na din ng anak sa isa sa mga naging girlfriends nya ito ay anak ng isang negosyante.

Mar 22, 2012

Do you want happiness?


 "It has been my observation, that people are just about as happy as they make up their minds to be”  - Abraham Lincoln
  
............This simple question will always be answered with a big “YES”.  Yes, we all, without exception, want to have happiness, although the idea of what constitutes happiness and how it can be obtained differs from person to person.
Photo borrowed from the web
Happiness is in the journey, not in the destination.
Happy is he who has lofty noble aspirations.
Happy is who is enriching the lives of all those about him.
Happy is he who allows others to live peacefully without  disturbing them.
Happy is he who is contributing something to make this world a better place in which to live.
Happy is whose work, whose chores, whose daily tasks are labors of love.
Hppy is he who loves love.
Happy is he who happy.

People are crave for happiness.  Yet despite their striving, they are often further rather than nearer to what they have tried so hard to work for and why is this so?

Modern life is a struggle – a struggle to gain monetary rewards, comfort and luxury.  Instead of bringing happiness, this lifestyle brings anxieties and stress.  However, it is useful to remember that wealth and poverty, happiness and misery, are all relative terms.  One person maybe rich but unhappy; another may be poor but happy.

We should learn to be contented and happy with what little we have which has been bestowed on us.  We should even happy and contented with our present state of being even though we are not fortunate enough be blessed with the least of our humble expectations.

The ingredients for happiness are simple.  Happiness is a state of mind.  It cannot be found in the material things about us, wealth, power or fame.  Those who spend a lifetime harvesting and accumulating  more wealth than they need will be disillusioned and disappointed when they discover, only too late, that all the money in the world cannot buy a grain of happiness.

Happiness is a perfume you cannot pour on others without getting a few drops on our self.

The real happiness is our family and being contented.
Photo borrowed from the web
You cannot hope to gain happiness and peace by simply praying.  You have to work to gain such blessings.  Belief in God and praying for blessing and you should not neglect your responsibilities.