Give thanks for a little and you will find a lot.
~ The Hausa of Nigeria ~
~ The Hausa of Nigeria ~
Matanong ko lang, ano ang feeling
mo kapag itong two or one word na ito ay narinig mo? Bigla ka ba napaisip sa tanong
ko? Wala lang naisip ko lang itanong, simple words lang pero mabigat ang nakapaloob dito sa salitang ito,
http://www.fotosearch.com/photos-images/thank-you_2.html |
Madalas araw araw sa buhay natin
different people ang ating nakakasalamuha aside from our circle of family and
friends, at minsan o madalas din hindi natin napapansin na meron tayong
mumunting bagay na nagagawa sa mga taong nakapaligid sa atin na dahilan para tayo ay makatanggap ng
salitang “Thank You” o “Maraming salamat” o di kaya ay “salamat”.
Kadalasan din naman alam natin na
meron tayo mga magagandang bagay na nagagawa
na kusang loob o bukal sa kalooban natin. Yon iba sa atin natural na yong pagtulong sa
mga taong nakapaligid sa atin. Andian yong nakatulong ka para mapagaan ang
trabaho nya, nakatulong ka dahil nakapagbigay ka ng payo at naliwanagan ang
isip nya, nakatulong ka dahil sa pagsagip sa buhay nya at marami pang mga iba’t
ibang uri ng tulong na nagawa natin sa kapwa.
Hindi lahat ng tulong na ginagawa
natin sa kapwa natin ay kailangan pinansyal
Kadalasan din naman meron tayo
mga natutulungan na hindi naman tayo nag e- expect na tayo ay pasalamatan, pero
minsan kapag nakalimutan nila ang tayo ay pasalamatan di ba napapa isip o
natatawa na lang tayo sabay sabi “ay di man lang nagpa thank you”. May mga tao
din naman na balewala na sa kanila lahat sya man ay mapasalamatan o hindi.
Hindi ko masabi na ako ay isang
tao na mabait, masabi ko man iyon alam ko galing lang sa lalamunan ko, biro o
minsan nasasabi lang. Dahil alam ko naman sa sarili ko na walang taong mabait.
Kung meron man siguro sila yong mga naisama o kabilang na sa mga “Saints”
ngayon sa simbahang katoliko. Kaya ko nasabi ito dahil ang taong sinasabi
mabait dumadating din ang araw na mas talo pa ang sinasabi nilang masama ang
ugali, at dito naman sa puntong ito ako siguro napabilang dahil napupuno din ang salop sabi nila, naabuso
na ang kanyang sobrang kabaitan.
Napalayo na tuloy ang topic at mabalik tayo sa totoong dahilan ng
maikling blog na ito.
Ang makatanggap ng salitang
“Thank You at Salamat” sa kapwa lalo na sa mga taong naging parte ng buhay
natin aside sa mga pamilya at relatives natin di ba ang sarap sa pakiramdam.
Yong saya na alam mo walang katumbas na halaga. Kumbaga nakakatulong ka na
walang kapalit na suhol pabuya o gift in return mas higit pa ditto ang
nakatanggap ka kapag sila ay nagpapasalamat na sa iyo. Likas na sa akin ang ganitong attitude kahit
hindi o kilala ko ang taong lumalapit sa akin at kailangan ako. Madalas din ako
magkusa kapag alam ko kailangan ng isang tao o ng mga nakapaligid sa akin kung
ano ang puede ko maitulong. Pero madalas
ko din gamitin ang isip ko sa mga ibat-ibang uri ng pagtulong ko.
photo from http://www.fotosearch.com/photos-images/thank-you_2.html |
Meron mga tulong ako nagagawa na
minamasama ng iba dahil akala nila greedy ako, pero ang di nila alam tinuturuan
ko sila ng leksyon. At hindi nila alam
dahil sa hindi ko pagtulong sa kanila nakapag isip sila ng mga bagay na kailangan
nila gawin dahil pinagdamutan ko sila ng tulong. Pero para sa akin masaya ako
dahil sa aking pagtanggi nakagawa sila ng mga bagay na akala nila hindi nila
kaya gawin kapag hindi sila tinulungan.
Sa aking karanasan mas madalas bumabalik sa akin sa mga hindi
sinasadyang pagkakataon ang mga reward na nagagawa ko sa kapwa ko, minsan
galing mismo sa mga taong natulungan ko
noon at iyong iba naman ay galing sa mga
taong minsan ko lang makadaupang palad.
Madalas din kapag nakakagawa ka ng mabuti sa kapwa mo kapag ikaw naman
ang nalagay sa isang sitwasyon na kailangan kailangan mo ang tulong kusa na
lang sila lumalapit sa iyo.
Pero meron isang katotohanan na
ang isang taong matulungin sa kapwa ay iyon pa ang mga taong madalas sinasarili
ang lahat at likas na din sa kanya ang gumawa ng solusyon na hindi lumalapit sa
kapwa para huminge ng tulong. At mas
madalas sila yong mga taong sa tingin ng karamihan ay napakatapang na hinaharap
ang buhay pero deep inside gupong gupo na ito pero ginagawa ang lahat para mae
survive kung anuman ang meron sya, nawawalan ng pag asa minsan sa buhay pero
hindi halata dahil marunong magkubli ng tunay na saloobin. Ang dahilan, dahil ang tingin ng karamihan sila
ay ang mga matapang na tao na kayang
harapin ang lahat at madalas masabihan ng “ikaw pa kaya mo yan”.
Kaya mas madalas walang choice ang mga katulad nila kundi ang mananahimik na
lang ito ng tuluyan at sarilinin ang kung anuman ang kanilang tunay na saloobin. Pero ang mga taong ito ay
mayroon matibay na faith sa nag iisa nilang KAIBIGAN na kanilang nakakasama at nasasandalan anuman oras. KAIBIGAN na mas nakakaalam ng tunay na saloobin kahit ang mga taong ito ay nananahimik lamang sa isang tabi.
Saying thank
you and being really being grateful are not just about words.
When you say
thank you, you actually open yourself up because you accept.
You appreciate and you share yourself. You
allow yourself to be open to receive love. And that, as you probably know,
feels nothing less than wonderful.
From //www.inspirational-quotes-short-funny-stuff.com/thank-you-quotes.html
No comments:
Post a Comment