Ang sarap pakinggan kapag merong isang tao na nagsabi sa atin ng
ganito ano? Kasing tamis ng arnibal at nakakilig na parang feeling mo
teenager ka lang. Kapag nabasa mo ang mga salitang ito sa chat, text
message o di kaya sa sulat, wow heaven ang dating para kang nasa cloud
nine lalo na kung ito ay galling sa isang taong mahal na mahal mo.
Madalas pa nga eh, paulit ulit mo itong binabasa kahit ilang araw,
linggo o buwan na ang lumipas.
Pero paano mo malalaman na talagang
galing sa puso nya ang mga katagang nagpapakilig sa iyo? Na bukal sa
puso nya ang pagsasabi ng I love you o mahal kita at sabayan ng maraming
mga pangako? Di ba madali lang sabihin ang mga katagang iyan? Pero ang
tanong mahal ka nga ba talaga nya o nais ka lang nya bigyan ng
pakunswelo o pampalubag loob dahil meron sya ibang gusto sa iyo? At
bakit ko naman nasabi ito? Wait lang at ito ang kwento:
Mabigat
ang dibdib ni Anna habang papunta sila sa airport. Limang taon na
kailangan nya manatili sa Europe at hinde nya puede biguin ang kanyang
ina na matagal na doon nagta trabaho at naghihintay sa kanya. Huwag kang
mag alala mahal ko” ang sabi ni Fred; hihintayin ko ang araw ng
pagbabalik mo at ang araw na tayong dalawa ay magkakasama doon balang
araw. Mahal na mahal kita at pangako hinde kita lolokohin. Sabay yakap
at halik ni Fred kay Anna habang nakayuko at pinapahid ni Anna ang
kanyang luha ang nasabi na lang nya sa kanyang boyfriend na si Fred ay
"Aasahan ko iyan at hintayin mo ang pagbabalik ko".
photo borrowed from http://www.free-extras.com/search/3/crying+heart.htm |
Lumipas ang
mga araw linggo at hanggang dalawang buwan nakikita ko na masaya na ulit
si Fred lalo na kapag nakakatanggap ng Euro galing kay Anna. Dumating
ang araw na bihira na sila magkausap at nagkaroon ng tampuhan dahilan
para hayagan na ulit sa kanyang dating gawi. Si Fred ay hiwalay sa
asawa at kilala ko din sya bilang isang taong hindi lang iisa kundi
mahigit pa ang dinadambana na babae sa puso nya. Mabait pero sadyang
naliligaw ng landas. Hindi dahil sa hindi nya mahal ang asawa nya kundi
sa mga dahilang lagi nyang sinasabi sa akin sa tuwina’y napag uusapan
namin ang mga bagay bagay hinggil sa lovelife at kapag minsan
pinapangaralan ko sya.
Ayon
kay Fred ang kanyang asawa na si Lea ay hindi maasikaso na asawa solong
anak at sanay sa marangyang buhay, meron silang dalawang anak. Aalis
at darating galling sa trabaho si Fred na siya pa ang gagawa sa mga
gawaing bahay pati na ang pagluluto at paglalaba. Kabilang si Fred sa
tinaguriang mamamayan ng CANADIAN (ito yong “magsaing kanadyan, maglaba
kanadyan…etc.). Sabi nya ito ang dahilan para maghanap ng kalinga sa
iba si Fred. Pero tulad ng madalas ko ipayo sa kanya na pag usapan nila
ng masinsinan kung ano ang problema, pero balewala lang sa kanya ito.
Alam ko bukod doon meron talaga sariling dahilan si Fred. Si Fred ay may
luho sa katawan, laging branded ang mga gamit kaya naman mahilig sya
mag sideline. Dahil hindi naman kayang tustusan ang kanyang mga hilig
ng kanyang sweldo; meron syang matinong sideline at meron din siyang
hindi kanais nais na sideline. Lapitin sya ng mga babae dahil din sa
kanyang mga sideline at inaamin naman nya na babae at gay ang gumagastos
at madalas magbigay sa kanya ng mga luho nya. Mabait ang kanyang asawa,
pero lahat nga meron talaga hangganan at walang lihim na hindi
nabubunyag, idagdag pa doon ang isang katangian ng mga babae na malakas
ang instinct at alam na alam kapag meron ginagawa kakaiba si mister.
Nakakalungkot at di nagtagal nagkahiwalay silang mag asawa. Ang asawa ni
Fred nagtrabaho hanggan nagkaroon na din ng karelasyon at nalaman ko na
masaya na ito sa bago nyang buhay pag-ibig na isang seaman. Habang ito
naman Fred ay niligawan ang isang kasamahan sa trabaho at ito nga ay
walang iba kundi si Anna. Love is blind nga di ba? Ilang beses na nga
ba ito napatunayan, kaya kahit anong pangaral hindi nagpapigil ang
dalawa sa kanilang relasyon. Wala nang nagawa ang pamilya ni Anna.
Four
months hanggan umabot ng halos anim na taon, regular silang meron
communication kasama na ang pagpapadala ni Anna kay Fred ng pinansyal na
tulong. Andian yong away at bati sila, dahil mahal na mahal ni Anna si
Fred at natural lang na magselos ito dahil hindi din lingid kay Anna
ang pagiging palikero ni Fred patuloy pa rin ito sa pagmamahal sa
lalaking iniwan sa Pilipinas at patuloy na umasa na balang araw
magkakasama din sila ulit. Hindi lang love is blind kundi nagiging
tanga pa tayo minsan pagdating sa pag ibig; pero kahit ano pa ang gawin
hanggat meron pusong mapaglinlang patuloy na meron luluha at masasaktan
na damdamin at merong pamilya na mawawasak.
Hindi
nagtagal dumating din si Anna sa sukdulan, sumuko at napagod din ang
pusong sobrang nagmahal at nagising sa mahabang pagkakahimbing. Si Anna
na hinayaan na lang si Fred. Lahat ay ginawa ni Fred para lang
manumbalik si Anna sa dati pero pagkabigo lang ang napala ni Fred.
Tiniis ni Anna lahat ng sakit at pinakinggan ang kanyang pamilya na
buong puso na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Hanggang sa tuluyan
na naputol ang relasyon ni Anna at ni Fred. Sa ngayon meron na silang
kanya kanyang buhay. Si Anna sa kanyang kasintahan na mahal na mahal
sya at si Fred naman ay nagkaroon na din ng anak sa isa sa mga naging
girlfriends nya ito ay anak ng isang negosyante.
No comments:
Post a Comment