Showing posts with label relationship. Show all posts
Showing posts with label relationship. Show all posts

Mar 22, 2014

Mag Asawa Ay Hindi Biro......



myfamilyfoto

My parents got married year 1970.  14 years old lang ang edad ng tatay ko noon, at 14years old naman ang aming inay. Nakita ko pa ang picture noong sila ay ikinasal noon, para lang silang toty at nene sa black and white na picture. Sayang nga lang at nasira na ito noong may malakas na bagyo.

Bakit sila maagang ikinasal?

Hindi sila mag kasintahan. At lalong hindi rin nanliligaw ang tatay naming noon sa aming inay.  Ang crush kasi noon ng aming tatay ay ang kapatid na sumunod sa aming inay. 

Isang araw, nagka ayaan na sila ay mangahoy sa gubat.  Dahil mga bata pa ay nawili sila sa pangangahoy na may kasamang paglalaro. Namalayan nila na pagabi na pala. Dahil malayo ang kanilang napuntahan; sila ay ginabi na nang dumating sa kanilang bahay. Kung saan ay inihatid ng aming tatay si nanay noon.  Nagalit ang Lola naming na sobrang istrikto. Dahil doon, pilit na iginiit ng aming lola na sila ay nagtanan.

Ikinasal sila sa ayaw at sa gusto nila. Batas ang salita ng magulang noon. Bawal suwayin. Ang hawak kamay noon, o kapag ginabi sa labas ang isang lalaki at babae, ay isang kasalanan na; kasiraan nang dangal ng pamilya,at kailangang kasalan ang kasunod.

Saksi ako sa mga struggles nila sa buhay. Sa mga away, tampuhan at sa mga  masasayang sandali ng kanilang pagsasama

Isa lang ang na-realized ko, maaari pala talagang ma-develop ang LOVE sa ganitong pagkakataon. At basi sa aking mga magulang, sa aking mga naging karanasan sa buhay may asawa….nasa babae pala talaga nakasalalay ang malaking porsyento sa success ng isang marriage life. Nakita ko kasi iyon sa Nanay ko na tiniis lahat lahat ng pagsubok. Nagkaroon din kasi ng mga bisyo ang aming tatay noon. Babae, alak, sigarilyo at mga barkada. Matiisin ang nanay ko pero napakasipag at responsable. Unfortunately, emotionally and physically victim or  abused din ang nanay naming noon.

Dahil sa pagtitiis, sakripisyo, panalangin, pang unawa at pagmamahal sa asawa at mga anak; lahat ng iyon ay nalampasan ng aming inay.  Diyos, na ang gumawa ng paraan, para tuluyang magbago ang tatay namin ilang taon pa lang ang nakalilipas. Natural lang kasi talaga sa mag asawa ang hindi pagkakaunawaan, hindi pagkakasundo paminsan-minsan at ang mga argumento. 
 ----------------
Ang buhay mag asawa ay isang chapter ng buhay na punong-puno nang pagsubok. Kung saan, sinusukat ang buong kakayahan ng isang mag asawa, kung paano nila ito pagtutulungan na manatiling buo at maging isang masayang pamilya.

Sep 21, 2012

Pinagtagpo, Pinaglayo ng Tadhana at Relihiyon (True Story Part 2)


Sa bawat buhay nga raw ay mayroong kontrabida.  Nalaman ng tiyahin ni Anna ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. Ang masaklap, ginawan pa ito ng kuwento na hindi totoo ni Lea.
“Mga walang hiya kayo! Lumayas ka dito, Al! Wala kang utang na loob, pagkatapos kitang patirahin dito sa pamamahay ko, ito pa ang gagawin mo?” , ito ang nakakabinging sigaw ng tiyahin ni Lea.

Humingi ng sorry si Al, umiiyak habang nagliligpit ng kaniyang mga gamit.  Si Anna naman, nasa isang sulok.  Umiiyak habang pinagmamasdan ang pagliligpit ni Al. Halos sasabog na ang dibdib niya. Sari-saring emosyon ang kaniyang nararamdaman.  Awang-awa si Al kay Anna, magkakahiwalay na kasi sila.  Hindi natiis ni Al si Anna, at patakbo itong lumapit sa kinaroonan niya.  Niyakap niya ito at kapwa na silang  humagulgol nang todo.

“Hindi kayo maaring magkatuluyan!” ang palahaw nang tiyahin ni Anna. “Tama na ang ako lamang ang nakapag-asawa ng muslim! Wala nang pwedeng sumunod sa yapak ko! Isinusumpa ko iyan, at itaga ninyo sa kukote ninyo.”

Lumayas ka na Al…! At ikaw na malanding babae ka, maghanda ka at pauuwiin na rin kita!”

Tahimik lamang ang tiyuhin ni Al, ang asawa ng tiyahin ni Anna. Isa itong pure na Tausog. Walang magawa. Nag-usap nang panandalian ang magtiyuhin. Pinahanap nang pansamantalang matutuluyan si Al.  Tatapusin lamang ni Al ang pangalawang semester, at ipagpapatuloy na nito ang pag-aaral sa ibang siyudad.
Panakaw na sumisilip si Al sa shop, kung saan nandoon si Anna.  Lingid kay Anna ang ginagawang ito ni Al.  Si Anna, walang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.  Bumigay na ang katawan nito.  Bago napauwi si anna sa kanilang lugar, nagawa pa ni Al na pasimpleng dumaan sa shop at panakaw na nagbitaw ng salita si 
Al.  si Al na noon ay papunta na rin nang ibang siyudad.

Al: Anna, babalik ako, hintayin mo lamang ako. Magtatapos ako para sa iyo.

Anna:   Pangako, Al?  At kapag hindi mo na ako maabutan dito sa pagbalik mo, alam mo na kung saan mo ako puwedeng makita o puntahan.  Baka makauwi na rin ako. Pero susulatan kita lagi.
Punong-puno ng mga pangako at pagmamahal sa isa’t-isa.  Si Anna ay panakaw na nakakapagpadala ng sulat na sa lugar ni Al naka-address.  Tuwing bakasyon, panakaw na dumadaan si Al sa shop. Hindi magawang sumagot ni Al sa mga sulat ni Anna, dahil makikita ito ng tiyahin kapag ibinigay ng kartero.
Umuwi na ng Maynila si Anna. Walang kasiguraduhan, pero, umaasang matutupad ang mga pangarap at pangakong binitawan sa isa’t-isa.  Mabigat ang kalooban na nilisan ang lugar kung saan natuto siyang magmahal.

Pagdating sa Manila, saka lang nalaman ni Anna na naiwan pala niya ang bag na kung saan ay nandoon ang address ni Al.  Naputol ang communication nilang dalawa. Masakit man para kay Anna, pero tinatagan niya ang loob niya. Nararamdaman kasi niya na muling magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Al.
Muling napagawi si Anna sa lugar kung saan sila unang nagkita ni Al.  Hindi sinasadyang, napadaan rin si Al sa shop.  Galing ito sa Zamboanga, kung saan nagtapos ng kaniyang pag-aarl.  Kapwa sila nagkagulatan, na nakita nila ang isa’t-isa. Kapwa pigil ang mga sarili. Nakabantay ang tiyahin. Hanggang tanaw na lamang sa isa’t-isa.

Ipinagpatuloy ni Anna ang pag-aaral sa Maynila. Wala na itong balita kay Al.  Maraming pagsubok ang pinagdaanan ni Anna.  Nadisgrasya ito ng isang mapagsamantalang lalaki. Naging matatag si Anna, kahit halos tapusin na niya ang buhay dahil sa pagkasira ng kaniyang kinabukasan.  Dagdag pa ang isiping, paano na siya haharap sa taong pinakamamahal niya. Wala na siyang maipagmamalaki dito. Umaasa pa rin kasi si Anna na sa huli ay magiging sila ni Al.

Lumipas ang mga taon, nalampasan ni Anna ang pagsubok bilang isang single mother.  Napalaki niya ito ng maayos. Naging maayos na rin ang buhay ni Anna. Abala ito sa kaniyang career.  Kinalimutan rin niya ang usapang pag-ibig. Ngunit sa puso niya ng mga panahong nag-iisa siya, at pinalalaki ang kaniyang anak, ramdam niya na muling mag-krus ang kanilang landas ni Al.  Umaasa siya, na sana kapag pinagtagpo sila ulit, ay binata pa si Al at mataggap kung ano ang nangyari sa kanya.  Hindi mahilig si Anna sa social network, pero dahil sa mga kasamahan sa opisina, natuto na siyang mag-friendster. Hinanap ni Anna si Al. Wala ito. Kinalimutan na ni Anna si Al nang tuluyan. Kahit na malakas ang pakiramdam niya na muli silang magkakatagpo ni Al.

Isang message sa inbox ng Facebool.  “Hi….how are you?”
Biglang nanlamig ang aking buong katawan.  Kinusot ko pa ang aking mga mata, totoo nga ang pangalang nababasa ko sa inbox… si Al!
Al: Ang tagal kitang hinanap.  Ang sabi ni tita (tiyahin ni Anna), hindi na raw nila alam kung nasaan ka. Ipinagtanong kita sa mga pinsan mo, wala silang alam sa kinaroroonan mo.  Sumulat ako pero walang sagot. Ipinadala ko ito sa address na ibinigay mo sa mga huling sulat mo.
Anna:  Ang tagal kong naghintay, marami na ang nangyari, siguro hindi talaga tayo para sa isa’t-isa. Masaya na ako ngayon sa buhay ko.
 
Al:  Wala akong ginawa noon, tuwing naiisip kita at nalulungkot ako kundi ang basahin nang paulit-ulit ang iyong mga sulat. Umaasa ako na magkakaroon ng katuparan ang ating mga pangarap at pangako sa isa’t-isa.
Anna:  Tapos na ang lahat Al. Siguro sadyang pinagtagpo tayong muli ng tadhana, upang magkaroon ng closure ang isang bahagi ng buhay natin.  Masaya ako na makitang may maayos ka ng pamilya.
Al:  Sa amin puwede kaming magkaroon ng asawa nang higit pa sa isa.  Mahal na mahal kita hanggang ngayon.  Hindi ako tumitigil sa pagtatanong-tanong kung nasaan ka.
 
Anna:  Sadya akong nagpakalayo-layo at nanahimik, para makalimutan ang lahat. Gustuhin ko man ang hanapin ka din, wala na akong lakas ng loob, dahil wala na akong maipagmamalaki sa iyo noon.
Tinawagan ni Al si Anna, mula sa Middle East, kung saan doon na ito nakabase pati na rin ang pamilya nito.  Nagkaroon sila nang maayos na pag-uusap. Naipangako sa isa’t-isa na mananatili silang maging magkaibigan.  Hindi na din sila muling  nagkausap, dahil na rin sa hiling ni Anna.  Ayaw ni Anna na maging magulo ang sitwasyon, dahil natityak ni Anna sa puso niya, na hanggang sa alaala na lamang niya si Al. Na naging bahagi ng kanyang buhay at mga pangarap noon.


Aug 19, 2012

Ang mga susunod na mababasa ay pawang sariling opinion, karanasan at obserbasyon lamang. Nasa inyo na ito kung makaka-relate kayo, o medyo tatamaan ng konti.  Kaunting ilag lamang tayo, sabay sabi ng “teka, oo nga ano?  Baka kasi medyo nakakalimot na tayo, sa kabila ng kabisihan natin. Iyong mga pasok pa, ayon “congrats” mayroon kayong tinatawag na healthy marriage relationship. Despite the fact na wala naman talagang perfect marriage relationship.  Nasa nagdadala nga daw iyan. Siguro nga totoo, pero spice nga iyon ng pagsasama, ang meron kaunting tampuhan, awayan at argumento.


Kapag sapakan issue na, mag-isip na, dahil hindi na healthy ang relasyong meron physical violence.  Pero sabi naman ng iba, eh ok lang daw na sila ay abusuhin pisikal kaysa verbal.  Ang verbal abuse daw kasi ay andoon na ang pilat, hindi nawawala.  Ang “sampal” naman daw ay ilang minuto lang na ang manhid nito o sakit.  Sa ganitong aspeto wala akong gaanong masabi, hindi ko kasi ito naranasan pareho ( ang swerte ko di ba?)
Ideal Husband & Ideal Wife ka– May respeto ka sa iyong asawa sa lahat ng bagay. Lagi isinaalang alang ang opinion ng bawat isa.  Kahit hindi ka agree sa sinasabi niya.  Kakausapin mo ang iyong asawa nang mahinahon at ipaunawa ang gusto mo o ibig mong iparating sa maayos at mahinahon na paraan.  Itapon ang pride.
Ideal Husband & Ideal Wife ka– Kapag meron respeto sa privacy ng asawa  Hindi sa walang tiwala, pero kailangan at importante ito sa isang relasyon.  Huwag naman pagselosan ang mga ka text ni wife or ni hubby.  Lalo na kapag career woman si Wife or careerman si hubby.  Hindi rin  kasi maiwasan na maraming katawagan, ka text etc. kapag friendly si wifey or si hubby. Puera na lang kapag nabasa mo sa celphone, sa wall ng fb o kahit anung bagay na valid para ikaw ay mawalan ng tiwala. Ibang usapan na kasi kapag nakabasa ka ng meron ” iloveyou, at iloveyou too” sa mga nabanggit ko.
Para kay wifeMakulit ang babae, walang katulad sabi nga nila, lalo na kapag nag-tantrums, tiyak outside de kulambo si husband.  Wife, huwag namang masyadong panghimasukan ang mga private password ni husband pati na rin ang cellphone.  Kapag pakalat-kalat ang cellphone, malamang walang tinatago si husband. (‘yon pala meron isang simcard na nakatago, hehe joke lang) Ang wallet, puede pa siguro, lalo na kung bibisitahin mo kung meron pa s’yang allowance.  Baka nahihiya lang magsabi at bungangaan mo pa.  Iyon pala, naubos lang kabibigay sa mga anaki’s, na panay ungot at di matiis.  Tatay eh!
Para kay hubbyIkaw naman hubby ideal kang asawa talaga kapag natiis mo ang dobleng bunganga ni wifey (doble nga eh di ba?…kaya wala ka nang magagawa doon kundi lambingin mo na lang at titigil yan hehe) Saka isa pa hubby, para walang gulo o away at laging happy ang buhay eh, iwasan ang mga bagay na puedeng pagselosan ni wifey at ganun din si wifey kay hubby. Give and take nga eh, di ba? Saka hubby tandaan mo kapag nagtampo o naggalit-galitan si wifey eh, hindi naman ibig sabihin non eh galit.  Madalas kaming mga wifey kapag naghahanap kami ng kalinga o lambing kay hubby eh dinadaan namin sa tampo-tampohan at galit-galitan. Minsan kasi meron mga manhid na wifey at hubby vice versa lang talaga iyan
Ideal Husband ka– Kapag hindi ka insecure sa kung ano ang narating ng iyong wife.  Be proud ka na lang.  Hindi masamang kainin paminsan-minsan ang pride, kung sa ikabubuti naman ng inyong pagsasama bilang mag-asawa.  Ideal ka hubby ka,  kapag ipinagluluto mo ang iyong mag-iina minsan.  Hindi nakakalimutan magsabi kay wife ng “I love you” at paminsan-minsan pinupuri ng “ang ganda naman ng asawa ko.” “Ang sexy naman ng asawa ko.” “Ang sarap naman ng luto mo loves.” Kahit bola lang lahat ito.  Mababaw lang kasi kaming mga babae eh!  At siyempe, don’t forget ang hug and kisses, kahit amoy laway pa J.
Ideal Wife- Vice versa ulit. Magaling magluto para sa pamilya. At Purihin naman natin si hubby kapag bagong gupit, bagay iyong polo o kahit na anong gamit sa katawan na kayong dalawa ang bumili.  Lalo na kapag siya ang pumili.  Purihin naman natin si hubby kapag nag-effort magluto.  Higit sa lahat kahit mapalaki o mapaliit man na achievements nagawa nya, hindi naman siguro mahirap ang palakpakan si hubby sabay hug and kiss.
Ideal Husband – Every pay-day iaabot mo kay wife ang iyong pay check, pay invelope o ATM.  Hintayin si wife na magtanong kung ano ang kailangan mo, at kung ok na sa iyo ang ibibigay niyang allowance mo galing din sa iyong sweldo J.  Isipin mo mahirap magbudget, kaya pakinggan ang litanya ni wife kahit nakakabingi na. Haplusin mo na lang sa likod nya at tatahimik na iyan.
Ideal Wife – Kapag inabot ni husband ang sweldo niya at masinop mo itong naba-budget. Nagagawa mo pang mag save. At higit sa lahat, e konsidera mo rin ang pangangailangan ni husband. Bigyan mo rin ng kunting pang happy happy, huwag lang isama sa allowance ang pang date nya don sa nae teybol niya minsang naaya sya ni pare J
Ideal Husband- Kahit anong busy sa career, meron ka oras sa iyong pamilya.  Nagagawa mo itong pakainin o ipasyal sa labas (kuha kay wife ng budget hehehe) Kapag mayroong sideline, mas maganda at tiyak happy face si wife.
Ideal Wife- Kapag kahit busy ka pa sa career mo o sa lahat ng gawaing bahay at alaga sa mga anak, nagagawa mo pa ring asikasuhin ang iyong asawa, iyong pagkain nya lalo na kapag ginabi ng uwi.  Huwag nang amuyin kung amoy alak at beerhouse.  Initin mo ang sabaw na lumamig at ulam. Asikasuhing pakainin.  Kapag ayaw at busog o lasing. Ibuhos mo na lang iyong sabaw sa kanya bakasakaling mahimas himasan. J biro lang ‘yan, huwag susundin.  Punasan mo ang suka nya kapag di kinaya, at kinabukasan sabihin mo “loves, inom ka ulit mamaya ha, meron na akong naka ready na basahan.”  Sabay hug and kiss. Mapapangiti na lang si hubby.
Ideal Husband – I-date mo si wife and treat her like noong una pa lang kayong nagkakilala, iyong nasa stage pa lang kayo ng tipong ang lalaki ng laggam na kumakapit sa inyo pareho.  Bolahin pa rin si wife kahit hindi na kapani-paniwala.  Ang sarap kaya sa pakiramdam naming mga babae kapag kami ay binobola ang aming mga asawa J.


Ideal Wife- Lambingin mo naman lagi si hubby at ayain na mag date kayo paminsan-minsan,  Iyong solo nyo lang ang mundo ninyo.
Ideal Husband-tumutulong kay wife sa gawaing bahay kahit hindi utusan. Hindi kabaklaan iyon, kundi pagmamahal sa aming mga babae. Patunay lamang na ayaw ninyo kaming nahihirapan.  Tulungan din si wife sa pagre-review sa mga anak.
Ideal Wife- Huwag naman gawing under de saya si hubby.  Kawawa naman kapag nakantiyawan ng kumpare.
Ideal Husband -kapag kahit galit ka sa mga biyenan at kapamilya nito. Ok lang, go ka lang sa pagbisita ninyo tuwing linggo at sa mga special gathering.  Besides, pamilya iyon ng iyong asawa kaya dapat tanggapin at mahalin mo din kahit mga engot pa ito sa iyo.
Ideal Wife-Ganun din vice versa.  Huwag mo naman talakan si husband, tapos hindi ka rin pala sasama sa special gathering ng kanyang pamilya na kapamilya mo na din.  Love your in-laws daw, kahit hindi naman lovable J.
Husband & Wife- Kapag meron away o tampuhan, pinapalamig muna ang situation.  At kapag nasa kama na at matutulog na, simpleng hug and kisses lang ang katapat niyan at sabay sabi ng “sorry” peace na tayo.  Huwag matulog na hindi nagkakaayos.  Panatilihin ang open communication lagi. Tiyak, kasunod ay labing-labing na. After ng labing labing, take note mga hubby “kiss your wife sa forehead.” Napakalaking bagay sa aming mga babae ang kiss sa forehead.  Sign of respect and love iyan na tunay, walang balatkayo.  Kahit napagod, kunting kwentuhan at holding hands hanggang makatulog na nang tuluyan.  Huwag naman after ng labing-labing eh, wala na tulog kaagad o di kaya ay talikuran style na at narinig na lang ang mga hilik na akala mo eh nakasakay ka sa barko .
Husband & Wife – kapag ang samahan ninyo ay “friends and lovers”.  Friends, kasi para lang kayong nagkukulitan, nakakapg usap ng anything “under the sun” ‘ika nga. Walang lihiman sa isat-isa.  Makasakit man o hindi andun ang understanding lagi.  Kaya ninyong intindihin ang bawat isa at ang sitwasyon. Marunong magpakumbaba at magpatawad. Nagbibigayang ng advise tulad ng magkaibigan. Marunong intindihin at tanggapin ang pagkululang ng isa’t-isa.  Wala naman kasing perpektong tao.  Kung iyong magkakapatid nga hindi nagkakaintindihan minsan.  Tayo pa kaya ng ating mga asawa, eh total stranger tayo sa isa’t-isa di ba?  Nagkita o nagkasama lang noong nanligaw na.
Husband & Wife- kapag dumadaan sa oras ng pagsubok, nandyan ang isa’t isa para sumuporta. Magsilbing lakas ng bawat isa at hindi parang walang pakialamanan.
Husband & Wife- Kapag napatawad ang pagkakamali ng bawat isa at piliting magbago at huwag na manakit ng damdamin ng bawat isa.
 Ideal Husband & Wife – kapag kahit malayo kayo sa isat-isa (work abroad) at lagi niyong ipinararamdam na andiyan lamang kayo magkatabi, nalalampasan ang mga tukso na nasa paligid. Naayos ang mga gusot at laging napapanatili ang pagbibigay ng oras o panahon sa pamamgitan ng pagtawag, chat, text at kung anupaman.
Ano ang score mo?…marami pa sana kaso, sigurado antok na kayo sa sobrang haba :)
Pero puede naman talaga maging IDEAL HUSBAND AND WIFE tayo, kahit hindi perpekto ang buhay.

May 23, 2012

I Love You...Mahal Kita! Pagmamahal Nga Ba o Panlilinlang?

Ang sarap pakinggan kapag merong isang tao na nagsabi sa atin ng ganito ano? Kasing tamis ng arnibal at nakakilig na parang feeling mo teenager ka lang. Kapag nabasa mo ang mga salitang ito sa chat, text message o di kaya sa sulat, wow heaven ang dating para kang nasa cloud nine lalo na kung ito ay galling sa isang taong mahal na mahal mo. Madalas pa nga eh, paulit ulit mo itong binabasa kahit ilang araw, linggo o buwan na ang lumipas.

Pero paano mo malalaman na talagang galing sa puso nya ang mga katagang nagpapakilig sa iyo? Na bukal sa puso nya ang pagsasabi ng I love you o mahal kita at sabayan ng maraming mga pangako? Di ba madali lang sabihin ang mga katagang iyan? Pero ang tanong mahal ka nga ba talaga nya o nais ka lang nya bigyan ng pakunswelo o pampalubag loob dahil meron sya ibang gusto sa iyo? At bakit ko naman nasabi ito? Wait lang at ito ang kwento:

Mabigat ang dibdib ni Anna habang papunta sila sa airport. Limang taon na kailangan nya manatili sa Europe at hinde nya puede biguin ang kanyang ina na matagal na doon nagta trabaho at naghihintay sa kanya. Huwag kang mag alala mahal ko” ang sabi ni Fred; hihintayin ko ang araw ng pagbabalik mo at ang araw na tayong dalawa ay magkakasama doon balang araw. Mahal na mahal kita at pangako hinde kita lolokohin. Sabay yakap at halik ni Fred kay Anna habang nakayuko at pinapahid ni Anna ang kanyang luha ang nasabi na lang nya sa kanyang boyfriend na si Fred ay "Aasahan ko iyan at hintayin mo ang pagbabalik ko".
photo borrowed from http://www.free-extras.com/search/3/crying+heart.htm

Lumipas ang mga araw linggo at hanggang dalawang buwan nakikita ko na masaya na ulit si Fred lalo na kapag nakakatanggap ng Euro galing kay Anna.  Dumating ang araw na bihira na sila magkausap at nagkaroon ng tampuhan dahilan para hayagan na ulit sa kanyang dating gawi.   Si Fred ay hiwalay sa asawa at kilala ko din sya bilang isang taong hindi lang iisa kundi mahigit pa ang dinadambana na babae sa puso nya. Mabait pero sadyang naliligaw ng landas. Hindi dahil sa hindi nya mahal ang asawa nya kundi sa mga dahilang lagi nyang sinasabi sa akin sa tuwina’y napag uusapan namin ang mga bagay bagay hinggil sa lovelife at kapag minsan pinapangaralan ko sya.

Ayon kay Fred ang kanyang asawa na si Lea ay hindi maasikaso na asawa solong anak at sanay sa marangyang buhay, meron silang dalawang anak.   Aalis at darating galling sa trabaho si Fred na siya pa ang gagawa sa mga gawaing bahay pati na ang pagluluto at paglalaba.  Kabilang si Fred sa tinaguriang mamamayan ng CANADIAN (ito yong “magsaing kanadyan, maglaba kanadyan…etc.).  Sabi nya ito ang dahilan para maghanap ng kalinga sa iba si Fred.  Pero tulad ng madalas ko ipayo sa kanya na pag usapan nila ng masinsinan kung ano ang problema, pero balewala lang sa kanya ito. Alam ko bukod doon meron talaga sariling dahilan si Fred. Si Fred ay may luho sa katawan, laging branded ang mga gamit kaya naman mahilig sya mag sideline.  Dahil hindi naman kayang tustusan ang kanyang mga hilig ng kanyang sweldo; meron syang matinong sideline at meron din siyang hindi kanais nais na sideline. Lapitin sya ng mga babae dahil din sa kanyang mga sideline at inaamin naman nya na babae at gay ang gumagastos at madalas magbigay sa kanya ng mga luho nya. Mabait ang kanyang asawa, pero lahat nga meron talaga hangganan at walang lihim na hindi nabubunyag, idagdag pa doon ang isang katangian ng mga  babae na malakas ang instinct at alam na alam kapag meron ginagawa kakaiba si mister. Nakakalungkot at di nagtagal nagkahiwalay silang mag asawa. Ang asawa ni Fred nagtrabaho hanggan nagkaroon na din ng karelasyon at nalaman ko na masaya na ito sa bago nyang buhay pag-ibig na isang seaman.  Habang ito naman Fred ay niligawan ang isang kasamahan sa trabaho at ito nga ay walang iba kundi si Anna.  Love is blind nga di ba? Ilang beses na nga ba ito napatunayan, kaya kahit anong pangaral hindi nagpapigil ang dalawa sa kanilang relasyon.  Wala nang nagawa ang pamilya ni Anna.

Four months hanggan umabot ng halos anim na taon,  regular silang meron communication kasama na ang pagpapadala ni Anna kay Fred ng pinansyal na tulong.  Andian yong away at bati sila, dahil mahal na mahal ni Anna si Fred at natural lang na magselos ito dahil hindi din lingid kay Anna ang pagiging palikero ni Fred patuloy pa rin ito sa pagmamahal sa lalaking iniwan sa Pilipinas at patuloy na umasa na balang araw magkakasama din sila ulit.   Hindi lang love is blind kundi nagiging tanga pa tayo minsan pagdating sa pag ibig; pero kahit ano pa ang gawin hanggat meron pusong mapaglinlang patuloy na meron luluha at masasaktan na damdamin at merong pamilya na mawawasak.

Hindi nagtagal dumating din si Anna sa sukdulan, sumuko at napagod din ang pusong sobrang nagmahal at nagising sa mahabang pagkakahimbing.  Si Anna na hinayaan na lang si Fred. Lahat ay ginawa ni Fred para lang manumbalik si Anna sa dati pero pagkabigo lang ang napala ni Fred.  Tiniis ni Anna lahat ng sakit at pinakinggan ang kanyang pamilya na buong puso na nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Hanggang sa tuluyan na naputol ang relasyon ni Anna at ni Fred. Sa ngayon meron na silang kanya kanyang buhay.  Si Anna sa kanyang kasintahan na mahal na mahal sya at si Fred naman ay nagkaroon na din ng anak sa isa sa mga naging girlfriends nya ito ay anak ng isang negosyante.

Feb 11, 2012

A letter for my Beloved Valentine

"The story of a love is not important - what is important is that one is capable of love. It is perhaps the only glimpse we are permitted of eternity."

Dear Dadi,

Ever since you walked into my life at unexpected time, I have been smiling. There hasn't been a day when I have gone to sleep with a frown on my face, and it's all because of you., I am glad that you came into my life.
After a failed relationship of mine I decided not to go into another relationship and I prefer to be single forever.  Before, I have always wanted the love of my life to be understanding, loving, caring, faithful and most of all someone who would accept me for who I am. Now I have found the person I was looking for.

 from http://www.shutterstock.com/pic.mhtml?id=49104046
But, my heart told me that my Prince Charming was there…. I didn’t expect the simple message in my Friendster inbox “Kamusta ka Batch, ang ganda mo now ah” will go go along way. I am not more so fun in Cyber world the time we met and I admit I don’t knew how and what is about chatting or messenger.  I admit that I never entertained  crazy things about guys kaya isang tanong isang sagot lang lagi our exchanging messages in email and Friendster.  We became cyber friends, I remember we called each other “oi”.  We both felt that we had known each other for so long, kaya minsan nagtataka tayo na bakit ganun na lang kagaan at sobrang at home tayo sa isat isa everytime we talked(when in fact we had last seen each other during our RIBSAT days and we are classmate in 1st year high school at RNHS and at the same time we both quited). After 16years our paths was crossed and the story of unconditional love begin.

We discovered that we had same thoughts same dreams and goal in life we shared our sorrows and pain from the past, our failed relationship in the past, You became my shoulder to cry on.  You courted me but I ignored you because there is no spark on me and the feeling is you are only a close cyber friend  to me.  And, I always treated it as a joke (sorry to say it :) ) to the fact that am in a trouble relationship that time and I want to settle everything just to live into a normal life being single together with my kid.

I didn’t’ knew that thru your friend Rey Mangaring (and now my bff also) pinakaliskisan mo ako :), so funny yet am amazed to knew it thereafter.  You showed your eagerness to win my heart, til you did the big rule in a roller coaster relationship I had then and finally out and free from a 5year “bangungot”  and am very much thankful because after that long years of full of lies and pains I was able to get out ( because I knew I wont deserved to someone who cheated me emotionally and financially).

But, I admit you took advantaged (amininnnn :) the chance and time I am nursing myself from the pain, hatred and my roller coaster mind,  you are sooo makulit :) . You hit a part of mine when  you courted my son :) and instantly you became closer than me, maybe it's because my son longing for a father love and he found it from you so funny how can I say “NO” if you win the heart of my son.  Do you remember the first time you call me mommy or mami? and the first time you said I love you? That time I read those words in the chatbox I felt so uneasy mixed emotions because I felt you are seriously saying it and sabi ko naku patay mukhang napasubo na ako ng di oras nito.  And, do you still remember me I said wag mo akong pilitin mag sabi ng I love You kasi para sa akin yong salitang iyon ay sinasabi ko lamang sa taong alam ko mahal na mahal ko at hinde basta basta salitang binibitawan, pero sobra kulit mo eh :) ero sabi ko nga ulit hintayin mo na kusa akong magsabi ng I love you, and by that time na masabi ko na sa iyo hinding hinde mo pagsisisihan dahil sulit na sulit ka :) kapag dumating yong time na yon.  Do you still remember na I was afraid from you? And I remember I told Rey na nakakatakot naman yong taong yon nakasalubong ang kilay sabi ko parang ang tapang tapang at parang nakakatakot tignan.  I admit na sa iyo lang ako nakaramdam ng takot but your bff told me sobra kang mabait then that was the start I used my short knowledge as psychologist and I used my inner human instinct together with the prayer Lord lead me to the right way I know this is wrong but I am offer it to YOU my wholelife and my journey towards my lovelife.  

And until, you decided to go home to meet us. The first time we met that is the time I decided also to go somewhere just to released all the stressed I had from my ex and you insist to go with me in Baguio together with my cousin you spent your first 3 days with us in Baguio and do you remember also you cried and I asked you why are you crying? And you just replied mahal na mahal kita at wag mo akong iiwan and I just smiled and wipe your tears and I said yes (pero nagulat ako sa sinagot ko mukhang napasubo na naman ako bahala na ulit  hehehe).  I salute you to overcome all the stupid things like sa pagbabanta sa buhay mo from my ex boyfriend. Remember this email you forwarded to me from my ex bf na uubusin nya ang lahat ng bala ng 9mm nya sayo? But, still di ka pa din nagpapigil.  Your 2 months vacation is so fearful for me then because I was afraid what my ex bf will do to you.  then you told me to call my parents to convinced them to come over here in manila to formally ask their blessing to our soon to be ongoing relationship   You did a guts to talk one on one to my parents (and mind you don mo ako napabilib so you earned 3 points na :) ).  I told myself “bahala na” come what may. How can I say NO if you already  win them all ( I still remember you blushed when my father said to settle first an annulment from your first marriage) kasi akala mo my father will reject you :).

We had so many troubles during your 2 months vacation from my ex and to your ex wife and I came to my decision then to quit coz I don’t want to get into another complicated relationship, to mine am not sure then if am inlove with you only the thing I had in my mind then is you win the heart of my loveones.  In a short of time sila pa ang nauna na ma inlove sa iyo :).  At  nakikita ko paano ka nila minahal, and I got too many sleepless nights. The time you went back to KSA, you became more loving and responsible person to us and I enjoyed the loved and care you always showed us and that is the time I remembered  I started to missing you, thinking and asking myself if “Mahal ko na ba sya?”.  Then, that was the start am teaching myself to love and appreciate all your efforts I decided to forget all my fears and hopping for good and I didn't have to think twice when we formally living in together.

The past years we had been together is a test for us how we are strong, we experienced ups in down emotionally and financially.  Financially we easily overcome it but when it comes to the trials to our relationship caused by other persons we both become paranoid and we had 3x almost giving up our relationship.  Thank you to our friends not lovers relationship, we learned to kill our both ego’s, we learned how to give and take relationship, we learned how to open up bad and good things inside in our heart, we learned how to communicate and thank you because you learned how to open up everything, and thank you because you learned the importance of relationship being a friend and not lovers / couple.  Thank you for always trying our best to save our relationship. 

I am not an ideal wife/partner to you but I really tried my very best to be an ideal one for you.  We both appreciate the value of having  “happy family” and that is the reason why we always overcome all the ups in down. And from the first time we met we do believed in destiny and soulmate and we do believed we are soulmate.  Our love deepen and going more stronger this time and someday all our dreams for our childrens will come true because we are trying our best to do all the best for them and for us as one family.  Marriage is just in a piece of paper, this time the important is we both happy and we always do the best for our family, the respect and love is always there. 

I am happy that even we had the right love in a wrong time I knew HE blessed us since all that I/we prayed was granted recently by HIM.

I knew that you were Mr. Perfect. I don't think that there is, or there could be, anyone better than you out there for me.

I love you with my whole heart. I have trust you. Sometime I even doubt myself, but I know I will never doubt you because you are my true love and soulmate. I know deep down inside that you will never break my heart or never let me down in anyway.

Thank you for everything. I pray to HIM everyday to bless us with everything we deserve. I will love you until the end of time and continue fighting for your greatest love and I continue holding on for all the love and joy you bring with me / us.

HAPPY VALENTINE and advance Happy Anniversary!

Love,
Mami