Ako 'yong taong meron paninindigan, prinsipyo at pagpapahalaga sa mga salitang bawat aking binibitiwan. Pero kung kelan pa ako umabot sa edad kung ito, saka naman ito'y hindi napaninindigan. Nangyari ito dahil sa matinding pangangailangan.
Isang karanasan na hindi ko puedeng makalimutan. "Ay teka muna, kumain ka na ba?". "Pwes, kung hindi pa, kumain ka muna". Ang mga susunod mong mababasa ay tiyak mawawalan ka ng gana. At baka masisi mo pa ako, dahil 'di mo na magawang kumain kapag nabasa mo na ito. Gutom ka pa naman, mamaya 'yan mamura mo pa ako. Pero, don't worry, tiyak pagtatawanan mo ako pagnatapos mo na itong basahin. Hahaha! Ipagpaumanhin po ninyo, dahil gusto ko lamang ibahagi sa inyo ito. Isang karanasan, na maaaring tatayo ang balahibo nyo sa buong katawan mo! 'Di kaya ay lalabas ang bituka mo!
"Tapos ka na?". "Tara na, umpisahan na natin ang kwento".
"Ay naku! Kahit bayaran pa ako ng milyon, never never in my life na gagawin ko iyan!". "Hindi bale na lang noh!". Matigas kong tinuran, habang kausap ko ang pinsan ko. Nakadungaw kami sa bintana, kung saan nakikita namin ang isang lalaki. Lalaki na hubad, naka short lang, at puno ng dumi ang katawan. "Imagine, ganun ang ginagawa nya?". "Siguro, sanay na ang taong iyon".
"Yakks naman insan, tumatayo lahat ng balahibo ko noh!". "Hindi ko tlaga gagawin iyan, kahit ano pa mangyari!". "Owsss??", "talaga lang ha!", habang nakatingin sa akin. Sa sulok ng mata ko, nakita ko ang kanyang palihim na pagtawa. " OO NAMAN NOH!". At isa pang hirit ulit na,"Mark my word!"
"Yakks naman insan, tumatayo lahat ng balahibo ko noh!". "Hindi ko tlaga gagawin iyan, kahit ano pa mangyari!". "Owsss??", "talaga lang ha!", habang nakatingin sa akin. Sa sulok ng mata ko, nakita ko ang kanyang palihim na pagtawa. " OO NAMAN NOH!". At isa pang hirit ulit na,"Mark my word!"
Sariwa pa sa alaala ang pangyayaring ito. Mukhang na status ko pa nga ito sa wall ng fb ko, isang taon kalahati na ang nakararaan.
photo from http://www.cartoonstock.com/directory/s/septic.asp |
"Dadi", (tawag ko sa aking mahal na tamang tama naka bakasyon noon from Saudi) "Ano gagawin natin dito?". "Hindi ko tlaga magawang pumasok dian, at marami ang nakalabas na bisita!' Bisita kasi ang tawag ko 'don sa mga nakalutang na dumi ng tao (hahaha....sige yan na lang tawag ko para hindi masyado garapal) "Ipagawa mo kaya"!. Hindi na ako kumibo, dahil alam ko, wala talaga akong mahanap na puede gumawa. Isang boarder ko na ang umalis. Ikaw ba naman, halos apat na araw na itong barado. Magawan man ng paraan, babalik ulit pagkatapos ng ilang araw. Hanggan tuluyan na itong ala "poso negro".
No choice talaga! Hindi ko na ma take ito. Sobra nang kadire! Yuckks as in super kadire talaga. Hindi ko na nga magawang silipin ang loob ng banyo. (Nandiri ka na din ba? Sabi ko naman sa iyo eh, kumain ka muna eh!) Sa lahat pa naman ng ayaw ko makita, ay ang ganitong situation. Lalo na sa tulad ko, na unang una sa lahat, ang gusto ko; malinis ang kusina at comfort room ng bahay. Walang ibang lalaki sa bahay bukod sa aking mahal. Pero alam ko, kung ako eh nandidiri, mas pa iyon kesa sa akin. "Dadiiiii....baba ka dito!", dalhan mo ako ng medyas na itim help me! Ang palahaw kong sigaw para marinig ako. Kasama na rin ang halong ewan sa pakiramdam, kaya ganun na lang katigas ang sigaw ko. Kaasar talaga! Nakita ko ang reaction nila, pati ng anak ko. Kinakantyawan pa ako! Lalo na ng nakita ako na tulo na pawis, nakapikit habang nag susundot sa ilalim ng lababo. Andun kc ang secret hole, para don tusukin ng halos abot hanggan buendia na haba ng plehe. Hirap na hirap na ako, meron na sugat ang mga kamay ko. Kahit nilagyan ko na ng medyas, para lang huwag dumulas. Magkahalong pawis, uhog, saka luha ang bumabaha sa mukha ko. "Shit naman!", hindi ko magawang punasan ang mukha ko, dahil ang kamay ko marumi, Alam ko, andun lahat ng klase ng bacteria. Ohhh... my gohlay!... "Dadi", "pls punasan mo naman ang pawis sa mukha ko". "Huhuhu", Iyak talaga ako! Kasama na din kasi ang hapdi, ng pawis na tumutulo sa mukha ko; habang tusok dito, tusok 'don. Halos maubusan na ako ng lakas. dahil sa tuwing sundot o tusok ko, meron matigas na halos ayaw gumalaw.
Nagdadasal na ako, sa hirap at sobrang pandidiri, dahil bukod sa nakikita ko, na mga nakalutang doon sa loob ng CR, ay meron pang natatangay yong plehe, tuwing huhugutin ko sa butas. Hindi maiwasang hindi ko mahawakan sa 'twing sundot at hila ko, ay meron natatangay na dumi ng tao! Umiiyak na talaga ako sa sobrang pandidiri, habang naalala ko, ang mga sinabi ko, at tigas ng sumpa na salitang binitawan ko sa pinsan ko. Habang pinanonood namin noon, ang lalaking nakahubad habang lumalangoy sa binuksan na poso negro (imagine that scenario, then iyong mama tanging bulak lang ang harang sa butas ng tenga. Sigarilyo at Gin na alak lang ang kanyang pantapal sa kanyang sikmura). Okey lang si manong kasi, katapat lang ay Gin na alak at sigarilyo, ako, hindi ako nagsisigarilyo at umiinon. "Thank God!", naawa si mahal at tinulungan ako, pero pasekreto akong natatawa. Nakita ko kasi, kung paano ang reaksyon ng kanyang mukha. Lalong gumandang lalaki, hahaha ala Bong Revilla nga pala talaga ito ( may bahid ng kunting katotohanan pala ang sabi nila) hahaha!. Noon ko lang kasi ito natitigan ng matagal, lalo na at tisoy na tisoy pa. Dulot na rin ng klima sa Saudi Arabia. Sa oras ng matinding pangangailangan, at kung para naman sa ikabubuti ng lahat ang gagawin mo, puede rin pala talaga ikaw mismo ang babali ika nga sa salitang iyong nabibitawan. Kapag nasa isang sitwasyon, kakayanin mo ang lahat, gagawin mo ng pikit mata. Kakainin mo pati na ng pride chicken mo. Kainis di ba? Para kang kapit patalim talaga.
Habang pinapanood ko ang aking mahal, para akong nahihiya sa aking sarili. Hindi ko pala kailangan pandirihan, ang mga taong ganito ang gawain. Malaki pala ang kanilang papel na ginagampanan, lalo na sa ating kalinisan at kalusugan. Hindi ko naman sila minamaliit. Sobra lang talaga ako nandidiri sa nakikita ko, nakakasuka at nakakakilabot. Pero, ayon kay manong noon, "Gin lang ang katapat nyan, sabon at alcohol". Pero napabilib ako. Isang marangal na trabaho, sa kabila ng napakaruming bagay na ito. Galing sa dumi, na kinita para maipakain sa pamilya, ngunit napakalinis at napakamarangal na trabaho, ng isang tao na nagtitiyaga para lamang kumita.
AT para naman sa akin, meron isang aral akong natutuhan ang huwag magsalita ng patapos. Dahil sa huli, sigurado, darating ang mga pagkakataong may mga bagay na magagawa tayo na akala natin ay hindi natin kayang gawin. Sigurado sa huli, ikaw ang tatapusin ng iyong salita! Get's mo? Ako? Gets na gets ko!
"Hahaha...tara na Dadi!", "kain na tayo". Pagkatapos ng halos mag isang oras, sundot dito sundot doon. Nagawa ng mahal ko, siempre lalaki, iba ang lakas nila. Ayon sa kanya, meron isang bagay na sobrang tigas, na kapag ibinabaon ang plehe, ito ay sumasabit doon. Linis ng buong kabahayan, zonrox, sabon dito sabon doon. At habang naliligo, halos ipaligo na rin ang zonrox, para maalis ang bacteria na kumapit at tumilamsik sa aming katawan. Pati na din sa mukha namin. Halos hindi kami pinakain ng isang buong linggo, sa tindi ng tensyon at pandidiri ginutom kami. Tinginan walang salita, sabay bigla tawanan.
Kaya magmula noon, isa sa mga hinahangaan ko, ang mga taong tulad nila. Kasama na din ang lahat ng tauhan ng "Malabanan".
No comments:
Post a Comment