Jun 12, 2012

"Kapag Meron Tiyaga Tiyak Meron Pagpapala"

Every great dream begins with a dreamer. Always remember, you have within you the strength, the patience, and the passion to reach for the stars to change the world.
Harriet Tubman

Tawagin natin siyang Donita Gan. Ito ang kanyang tunay na pangalan nakilala ko siya dito sa aking bagong tirahan at opisina; at kapag tiningnan mo siya makikita mo ang kanyang maamong mukha at palangiti na mga labi. Una, pasilip silip muna siya hanggang nagkaroon ng lakas ng loob para ito ay mag alok ng kanyang paninda na nilalako; mahirap magtiwala lalo na dito sa bagong lugar namin. Sa katagalan nakagaanan na din namin sya ng loob kaya pinapayagan na rin namin sya pumasok sa loob ng aming opisina.

Si Donita at ang kanyang paninda
Habang tumatagal paunti unti namin siya nakikilala, sa paudlot udlot na kwento at pagtatanong nagkaroon kami ng kunting background tungkol sa buhay niya.  Minsan kahit sumasakit na ang ulo ko dahil halos araw araw iyon ng iyon ang kanyang nilalako, matitigas na banana cue at maliliit, turon at maruya sa hapon. At sa tanghali naman ay pinya at pakwan o di kaya ay papaya, nakakaawa naman kasi eh kaya napipilitan na lang ako bumili kung puede nga lang pakyawin ko na, pero hindi naman ako mayaman para gawin ko iyon dahil iisa lang ang kilala ko na gumagawa ng ganun walang iba kundi ang aking dating chinese na boss sobra maawain at matulungin kaya pinapakyaw nya madalas ang tinda ni lola noon, ang tinda na mais ni aling Lourdes at ang Taho ni manong at ito ay ipapakain sa kanyang mga tauhan. How I wish na dumating din sa akin iyong time na maging successful din ang aking business at magkaron ng sobrang pera at gagawin ko din iyon para makatulong sa kapwa at mabubusog ko lagi ang aking mga staff.

Si Donita ay 7year old pa lang ng tumira sa kanyang tiyuhin kapatid ng kanyang ina lumaki sya na kasama ang kanyang mga pinsan. Produkto si Donita ng broken family, ang kanyang ama ay may ibang pamilya at ang kanya naman ina ayon sa kanya ay nasa probinsya pero nagkaroon ng diperensya sa utak. Marami silang magkakapatid at lahat sila ay hiwa-hiwalay (kaya nakikita ko ang aking sarili sa kanya noon). Napag alaman ko sa paunti unting pagtatanong sa kanya kung bakit kailangan niya maglako ng paninda, dahil ito daw ang ikinabubuhay nila tiyuhin nya ang nagluluto at siya taga lako. Ang kanyang mga pinsan ay nasa bahay lang to make the story short sya ay inaapi pati sa pagkain ng kanyang mga pinsan at ganun na din ng tiyuhin at tiyahin niya. Salat siya sa lahat pero sinisikap nya mag aral galing sa kanyang suhol kapag naglalako; dahil kapag hindi naubos meron sya 15.00 at kapag naubos meron siya 20 o 25 pesos.

Ang kanyang tsenilas ay butas na sa paglalako ang kanyang damit ay sobrang luma na sa gawain bahay ay tumutulong din sya minsan naabutan pa sya ng isa kong staff nagsusundot ng bara ng kanal sa tirahan nila. Minsan kinausap ako ni Donita kung puede ko ba raw siya kunin at dito na lang sya magtabaho habang nag aaral siya. Gustushin ko man pero ayaw ko dahil baka magalit ang tiyuhin niya kahit na awang awa ako na malaman na kapag hindi sya magtinda ng maaga pinagagalitan siya ng tiyuhin niya at lagi sya inaakmaan ng kutsilyo sa kamay pero ayon sa kanya hindi naman sya nasusugatan dahil hindi naman dinidiin ang paghiwa at parang tinatakot lang sya.  Doon ako naawa sa kanya, masinsinan ko siyang kinausap kong ginagawan ba sya ng hindi maganda bukod pa doon sa sinabi nya sa akin at hindi naman daw.

Pinayuhan ko siya na magtiis lang at sundin lang ang kanyang tiyuhin na sya ay magtinda basta huwag lang na sya ay sasaktan ng pisikal atn gugutumin. Madalas maawa sa kanya ang kanyang teacher kaya teacher na ang nanlilibre sa kanyang mga test papers o maliit na bayarin sa school. 

Ikinuwento ko sa kanya ang pinagdaanan ko noon bago ako naging ganito ngayon sinabi ko na marami ako tiniis na hirap at pasakit at pagtitiis para lang magkaron ng magandang kinabukasan at sinabi ko na sana ganun din ang gawin niya.  Siya ay 3rd yr high school na at isang taon pa graduate na sya ng high school at sinabihan na din siya ng kanyang tiyuhin na hindi na sya mag aaral ng college dahil meron ito mga sariling anak na kailangan tustusan ng pag aaral.  Sinabi din sa kanya na kailangan na nya umalis kapag nakatapos na sya at lumipat na sya doon sa kanyang isang tiyahin. Hindi rin daw sya paaralin doon at ang gagawin din niya siya din ay paglalakuin ng paninda tulad ng ginagawa nya ngayon.

Binigyan ko sya ng pag asa at sinabi ko na kung sakali man makatapos ka at ako ay nangailangan ng tao sa aking canteen kukunin ko siya at ipagpapatuloy nya ang kanyang pag aaral kahit vocational lang. Sa araw araw na kanyang paglalako ng paninda lagi ko siya binibigyan ng pangaral, payo at binibigyan ng pag asa.  Alam ko balang araw meron naghihintay na magandang kapalaran sa batang ito. Nagsisikap nagtitiis sa init ng araw sa pagtitinda araw araw at kahit pagod hindi tumitigil sa pag aaral at pagtulong sa kanyang kinalakihan na pamilya.

Ilan pa kayang kabataan ang katulad ni Donita na patuloy lumalaban para lang matupad ang kanyang pangarap, ang pangarap sa sana maiba ang kanyang mundo na iniikutan. 

2 comments:

  1. Kailangan bang mag karoon ng limpak limpak na pera para makatulong ka sa kapwa mo? Kung ito ang pananaw mo sa sinasabing TULONG...ay di ko ito sasakyan. Ang Ginoo ay di gumamit ng pera para sabihin kay SAN PEDRO......"lf you love Me...feed my lamb". Di pagkain kung di pagkilala sa Kanya at turuang magmahal o magpakita ng isang HAMLIMBAWA sa kapwa. May kasabihang.."WE TEACH LITTLE BY WHAT WE SAY, WE TEACH MORE BY WHAT WE DO, BUT WE TEACH BEST BY WHAT WE ARE" Tayung mga Pinoy ay nawawalan na ng pangalan sa ibang lahi dahil sa kakulangan ng DISIPLINA. Parang nawawalan na rin ng respeto sa ating Kultura ang ating mga kabataan dahil sa kawalan ng halimbawa, galing sa ating mga magulang. Di na tayo nakikinig sa kautusan ng DIYOS. Ito ang dapat nating unahin. Respeto, una sa kautusan ng DIYOS na magmahal.

    ReplyDelete
  2. Salamat po ng marami sa comment nyo po. Alam ko po na hindi lang pera ang batayan sa pagtulong sa kapwa at iyon po ay matagal ko na ginagawa kahit noon pa na hirap na hirap pa ako sa buhay. Kung iyon po ang tinutukoy ninyo sa article na ito na sinabi ko po na kapag naging success ang buss ko at magkaron ng "sobrang pera" iyon po ang sinasabi ko na "sobrang pera" ay para lang po iyon doon sa sinabi ko na tulad ng dati kong boss na madalas manlibre ng pagkain iyan po ang mababaw na pagtulong yong parang meron kasamang katuwaan lang naubos un tinda nila at the same time ay nalibre pa ng merienda ang mga empleyado. Pero higit pa doon ang tulong na ginagawa ng dati ko boss madami sya less fortunate na tinutulungan, marami siyang foundation na binibigyan ng financial help aside sa mga lumalapit sa kanya at iyong kusang loob lang niyang tinutulungan. At sa mga empleyado naman hindi siya mapang api o sakim na boss o may ari ng kumpanya ang turing nya sa lahat umpisa Janitor hanggan managers ay kapamilya nya o parang mga anak nya kaya ganun sya kamahal ng mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi lang sya sa pera matulungin pati na rin sa moral support at iba pa maliit at malaki man sobra mo ma appreciate. At iyon po ang pangarap ko someday. Sa ngayon meron ako mga naitutulong pero hindi ganun kalawak. Hindi sa lahat ng oras ay kailangan na tutulong ako ng financial marami po pagkakataon na puede extend my help to people around me like advices. guidance, moral support and labor at kasama na din ang pang spiritual po doon. maraming maramin salamat po sa pagbigay ng time sa pagbasa ng blog ko masarap po iyong ganito na nagkakaroon ng pagkakataon para ma express natin ang ating sariling mga opinion at welcome po ako sa lahat ng comment po :)

    ReplyDelete