(Photo Credit: Psychologyface) |
Si Bam, walong taon nang single mom;
naitaguyod niya ang kaniyang anak at napaaral. Salat man ito sa buhay,
pero lahat ng pagsubok ay kaniyang nalampasan.
Naging mailap sa lalaki si Bam. Sinubsob
ang sarili sa anak na walong taon gulang at sa trabaho, umiikot ang
mundo nilang mag-ina sa isa’t-isa. Masakit man sa kalooban ni Bam, ang
makitang naghahanap ang anak ng pagmamahal ng isang ama; ngunit lahat
ito ay tiniis niya dahil na rin sa kagustuhan na huwag na silang
masaktan pareho. Sobrang manloloko kasi ang ama ng anak ni Bam.
Lumipas ang mga taon; hindi inaasahan ni Bam, na mayroong isang lalaki na halos hindi siya tinigilan para lamang mahulog ang loob nito sa kanya. Muling binuksan ni Bam ang kaniyang puso. Dahil ang lalaking ito ay lumampas pa sa criteria na kanyang hinahanap sa isang lalaki. Napakasipag, mabait, matalino, at halos lahat na ng hanap ng isang babae ay nasa kanya na.
Halos hindi na sila nagkakahiwalay dalawa. Nagkasundo na magsama na lamang; dahil mayroon daw hinihintay na petition si Peter sa kaniyang ate, kailangan ay single muna siya at hindi pa maaaring magpakasal. Tiwala naman si Bam, labas-pasok na rin ang kapamilya ni Peter sa bahay nila.
Makalipas ang dalawang taong pagsasama ay
nagbunga ang pagmamahalan nila. Magkakaroon na si Bam ng pangalawang
anak. Ipinaalam ni Bam kay Peter na buntis siya; at sa kaniyang
pagtataka, bakit ito biglang natahimik.
Sinabi ni Bam na kailangan na nilang magpakasal, ngunit ang tanging tugon ni Peter ay sasama siya sa doctor kapag nagpa-check-up si Bam. Natuwa si Bam. Pero sobrang ikinagulat ni Bam ang sinabi ni Peter sa harap ng Doctor.
Lalaki: “Doc, hindi pa kami ready. Maaari mo ba siyang bigyan ng gamot para hindi matuloy ang kaniyang pagbubuntis?”
Doctora: “ Iho, nandito ako para bumuhay ng bata at hindi para pumatay!”
Hindi alam ni Bam kung paano siya nakalabas ng ospital. Iniwan niya ang walanghiyang si Peter.
Mula noon hindi na kinakausap ni Bam si
Peter at kaniya na itong pinalayas sa kaniyang pamamahay. Hindi
matanggap ni Bam ang lahat na sa pangalawang pagkakataon ay naloko
siya. Siya na walang ginawang masama sa kapwa. Isang mabait at
masunuring anak at matulungin sa kapwa
Diyos na ang gumawa ng dahilan. Hindi ugali ni Bam ang makialam sa gamit ni Peter; ngunit nang araw na iyon ay mayroon siyang hinahanap. Mayroon siyang nakitang resibo at pangalan ng school at may nakalagay na dalawang pangalan ng tao at kapangalan ni Peter. Pinaamin ni Bam si Peter. Nasukol ito sa ginawang panloloko; may anak at asawa si Peter.
Ang babae ay nasa ibang bansa at ang mga anak ay nasa probinsiya naman. Kaya pala malaya si Peter na makasama si Bam ng 24/7. Ang mga kapatid at nanay naman ni Peter ay tahimik, mukha kasing pera ang mga ito. Piniperahan nila si Bam at si Peter, pati na rin ang mga kaibigang malalapit sa kanila.
Nabuhay ni Bam ang unang anak na walang tatay. Buo sa isip ni Bam na palalakihin niya ang kaniyang pangalawang anak tulad sa kaniyang unang anak sa lalaking niloko rin siya. Oras ng panganganak ni Bam, dito na naghulagpos ang galit ni Bam nang sobra-sobra. Nanganak si Bam na kahit isang kusing mula kay Peter ay wala. Wala rin si Peter dahil mas inuna ang birthday sa anak sa tunay na asawa. Ang nanay pa ng manlolokong si Peter ang nagbantay sa hospital at may kapalit pala itong bayad mula kay Bam.
Sobrang napuno na si Bam dahil hindi
lamang puso niya ang niloko at pati na rin ang kaniyang anak sa una.
Niloko din si Bam pagdating sa financial ni Peter, daan-daang libo mula
sa kanilang mga sidelines ang hindi alam ni Bam ay kinuha na pala lahat
ni Peter.. Noong nagkasakit at nag 50/50 ang panganay na anak ni Bam,
ang inaasahan nitong sariling pera at commission ay kinuha na pala ni
Peter; para sana pambayad ni Bam sa ospital.
Hindi nagsisi si Bam noong pilit niya itong hiniwalayan. Sa likod pala ng kabaitan ng lalaking ito ay nandun ang maitim na budhi. Halos, magpakamatay, ilang beses na lumuhod ito kay Bam at pilit kinukuha ang kanilang anak. Ngunit sa napakaraming panloloko na na-discover ni Bam sobra na itong isinumpa ni Bam at muntikan na ni Bam itong nasaksak. Muntik nang makapatay si Bam para lamang sa kaniyang anak na pilit na kinukuha ni Peter..
Sa ngayon, ang lalaki ay nagkaroon ng anak na naman sa iba. Nalaman ito ng tunay na asawa. Si Peter ay patuloy na namamayagpag sa kaniyang propesyon. Parang hindi tinatablan ng karma. Sa mga panlolokong kaniyang ginagawa. Inilayo na ni Bam ang kaniyang anak, para makaiwas sa brainwash ng kaniyang ama na manloloko.
Si Bam, masaya na sa kaniyang buhay. Walang pinagsisihan. Masaya ito na kapiling ang kaniyang dalawang anak. Nag-aaral ang mga ito sa pagsisikap ni Bam. Hindi pinanghinaan ng loob si Bam sa kabila ng napakaraming pagsubok at hirap na kaniyang pinagdaanan. Namuhay silang mag-ina na walang nilalapitan o hinihingian ng tulong. Dasal at paghingi ng kapatawaran ang tanging nasasambit ni Bam araw-araw. At ang patuloy na paghingi ng lakas ng loob mula sa Diyos.
Hindi nagkamali si Bam nang desisyunan na buhayin niya ang dalawang bata. Dahil alam ni Bam na kung pumayag siya na ito ay ipa-abort ng ama, sigurado na hindi ito ikatatahimik ni Bam. Inisip ni Bam na napakalaking kasalanan sa Diyos ang abortion kaya ni minsan ay hindi ito sumagi sa isip niya. Lakas-loob niya itong hinarap kahit umani siya ng panghuhusga sa mga tao sa paligid niya. Bagkus ang kaniyang mga anak ang naging dahilan para umangat ang kanilang pamumuhay.
No comments:
Post a Comment