(Photo Credit: Freedigitalphotos) |
Hindi na yata maiaalis sa buhay nating mga Pilipino na minsan ay nagiging
mapanghusga tayo sa kapwa natin. Napakadali nating mag-isip ng hindi
maganda sa kapwa; at para na rin natin itong ipinapako sa krus. Aminin
man natin o hindi, pero iyon ang nagsusumigaw na katotohanan. Hindi pa
nga tapos magkuwento ang kaharap mo, ipinako mo na kaagad sa krus.
May kani-kaniyang dahilan ng pagkawala ng virginity, kaya sana huwag tayong masyadong mapanghusga.
Isang kaibigang nagkuwento sa iyo; iniwan ng kaniyang boyfriend dahil noong unang ginalaw siya, wala nang bleeding. Nag-isip ka at mayroong pagdududa sa sinabi ng kaibigan mo, hindi ba?
Bagong kasal, sa kanilang honeymoon
biglaang naghiwalay o nagkalamigan. Punong-puno ng pagdududa si
mister. Inisip ni mister na niloko siya ng kaniyang asawa; na hindi na
ito donselya nang kanyang pakasalan.
Hindi ako nurse o doctor, pero mahilig akong magbasa. Sa pagbabasa, marami tayong maaaring matutunan. Lumalawak ang ating kaalaman. Mas nagiging makatotohanan ang ating mga nababasa, kapag ito ay mayroong pagpapa totoo.
Ibabahagi ko sa inyo ang kaalamang
mayroong katotohanan mula mismo sa aking mga kaibigan o kakilalang
naging biktima ng mga taong mapanghusga:
1. Bisiklita – Ang babae na mahilig magbisikleta ay kadalasang wala nang bleeding during the intercourse. Sa katagalang paggamit ng bisiklita, ang upuan nito at pagpe-pedal ang nagiging dahilan para mag-stretch ang hymen ng isang babae.
2. Accident -a) naaksidente dahil sa bike, sigurado ang pagkasira ng hymen nito lalo na kung nagkaroon ng bleeding. Ibig sabihin nito ay napunit ang manipis na laman. B) Nahulog sa puno, sa puno ng niyog o kadalasan sila iyong mga mahihilig umakyat sa mga matataas na puno at aksidente sa kanilang pagbaba ay nadulas, nasalabid ang kabilang paa o hita. Dahilan para mapunit ang hymen at magkaroon ng bleeding.
3. Tampon – Ito ay isang napkin din, pero ito ay parang gasa. Hugis sigarilyo, pero malaki nga lang ang bilog nito. Ipinapasok mismo ito sa private part ng babae at ang tanging makikita lamang ay ang kapirasong malaking sinulid. Huhugutin ito kapag alam na puno na. Kapag ito ang laging gamit, sa katagalan nae-stretch na ang hymen ng babae. Kaya naman kadalasan hindi na nagkakaroon ng bleeding.
4. Masturbation – Aminin man natin o hindi, kasabay ng pagbabago ng panahon at teknolohiya, maraming kabataan na ang curious at gumagawa nito. Maaaring sa simula, hanggang labas lang. Ngunit kalaunan ay maaaring natutukso nang mag-eksperimento nang mas malalim pa. Lalo na ngayon na open to the public na ang mga “sex toys” na kahit sa mga bangketa sa Quiapo. Avenida, Recto ay makikita ito. Ang paggamit ng mga “laruang” ito ay nakawawala ng virginity ng isang babae.
5. Born without Hymen – Kahit ako, nagulat ako nang mabasa ko ito. Before kasi ako magsulat ng blog, kapag mayroong involved na pang-siyensya, nagbabasa-basa muna ako nang sa ganoon ay mayroon akong basehan at hindi lamang sa mga kuwento kung ito ay hindi ko mismo naranasan o hindi ko karanasan. Ayon sa nabasa ko, out of 10m mga tatlo lamang ang ipinanganak na sadyang walang hymen.
6. Rape victim – marami ang biktima ng rape. Rape na ang salarin ay maaaring mismong kapamilya, kapitbahay, kaibigan, kamag-anak o mga halang na kaluluwa ang may kagagawan. Hindi nila ito kagustuhan, mas pinili na manahimik dahil marami ang isinaalang-alang.
7. Blackmail – ito ay nangyayari, kapag mayroong hininging pabor o nag-offer ng tulong sa oras ng kagipitan. Ang kapalit ay maaaring ang dangal.
8. Willingness – ito iyong kusang-loob na pagsuko ng isang babae sa taong kaniyang minamahal. Dahil demanding ang lalaki, hindi ibinigay ang tamang respeto sa minamahal. Binola-bola at pinangakuan ng buwan at bituin, na pagkatapos ay pakakasalan daw…..nang nakuha na ang gusto, bigla nang naglaho kasabay ng mga bituin at buwan na kaniyang susungkutin daw.
Ang depinisyon daw ng hindi na birhen na matatawag ay ang pagkakaroon na ng actual na penetration.
Kaya para sa mga girls, magsabi nang
buong katotohanan sa umpisa pa lamang. Kung mahalaga ang virginity sa
inyong boyfriend, huwag nang mag- dalawang-isip. Sabihin kung ano ang
totoo, habang maaga upang wala nang masaktan pa. Dito rin ninyo
masusukat kung tunay ang pagmamahal sa inyo ng lalaki.
Saludo ako sa lahat ng mga lalaki na
hindi naging big deal sa kanila ang virginity ng isang babae. Saludo
rin ako sa mga kalalakihang marunong rumespeto sa kanilang girlfriend.
Hindi batayan o sukatan ang kapirasong laman para lamang mapatunayan na
mahal ka ng iyong girlfriend.
Sa panahon ngayon, nakabibilib pa rin ang mga babaeng naaalagaan ang kanilang pagkababae. Mas masaya siguro ang pakiramdam kapag naglalakad ka papuntang altar, suot ang puting-puti na gown na simbolo ng kalinisan ng iyong pagkababae. Pagkababae na inilaan mo lamang sa taong mahal na naghihintay sa altar.
No comments:
Post a Comment