123RF/woman in a white dress) |
Maliit pa lamang ako at nagsimulang
magkaisip, napakarami ko nang mga karanasan; mga karanasanang hindi
kayang ipaliwanag ng siyensya. Madalas kasi akong magsolo noon at kahit
hanggang ngayon, mas feel ko ang tahimik na paligid o nagsosolo. Mas
gustong-gusto ko nga ang laging nakakulong lamang sa aking kuwarto, lalo
na kapag stressed ako.
Kulang ang 120 pahina, kung ilalahad ko lahat ng aking mga karanasan.
Kanina bumisita ako sa dating tirahan namin. Pinagawaan ko kasi ng kahoy na double deck ang aking mga bagong tauhan sa ibaba; exclusive lang sa boarders at puro babae ang mga nakatira sa itaas na dati naming inuukupa noon. Pumupunta lamang ako doon para sigurahuhin na malinis ang bahay at tignan ang kanilang kalagayan.
Noon, madalas akong nakakakita at
nakakaramdam. Mayroon akong kakaibang nararamdaman kapag mayroon ibang
nilalang na alam ko nasa tabi lamang. Andun iyong pagpapawisan ka o
biglang tatayo ang iyong mga balahibo.
Habang nakaupo ako sa sala, nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang isang pares ng paa na paakyat sa hagdan. Sanay na ako na makita ang ganun sa bahay na iyon; kaya binalewala ko lamang ito. Alam ko na walang tao kanina sa 2nd floor, dahil nag-iisa na lamang ang boarder ko at nasa opisina pa. Abala naman ang 4 na tauhan ko, tumtulong sa gumagawa ng double deck at sa paglilinis sa may kainan na karugtong ng sala.
Natigil ang parang tunog nang mga yapak sa itaas at isang parang naglalaro ng holen; binalewala ko na lang ito. Patay ang ilaw sa salas, pero maliwanag din naman kahit papaano. Biglang napagawi ang tingin ko sa katabi kong upuan, muntik na akong napatalon sa kabiglaan. Hindi ako nakakilos at lalong hindi ko rin naialis ang tingin ko sa katabi ko. Nakaputi, ewan ko bakit biglang lumakas ang loob ko; umangat ang ulo ko para tignan ang itaas na bahagi nito, ang mukha ng nakaputi na katabi ko. Isang babae na nasa 40+ at nakangiti sa akin. Ang tanging nausal ko ay “Dios ko po!” sabay kurap ng aking mata. Pangalawang kurap, nawala na ang aking katabi at nawala na rin ang init na aking naramdaman; pinagpawisan na lamang ako ng malamig.
Nanlambot ako ng todo, hindi ko alam na parang nakaramdam ako nang gutom. Tumingin ako sa pinto na papuntang kusina; doon muli ay nakita ko ang babaeng katabi ko kanina at nakatalikod. Mayroong sumunod 3 bata at isang malaking lalaki na bumaba galing sa hagdan. Ang apat na tauhan ko ay abala, walang kaalam-alam sa mga nakikita ko. Naisip ko na lamang, siguro ay na-miss din nila ako. Siguro ang ngiti na iyon ay parang nagpasalamat at bumisita ako ulit sa bahay na iyon at nagpa general cleaning. Iba kasi noong doon pa kami nakatira, malinis at wala kang makikitang alikabok at basura.
Hindi lamang sa akin nagpapakita ang mga taong iyon. Mismo ang hubby ko na nasa Saudi nakita niya rin ito sa webcam noong nag-uusap kami. Ang aking mga boarder na siguro may 3rd eye din, madalas nakikita nila ito na umaakyat sa itaas. Madalas nilang gayahin ang aking anak na binatilyo. Madalas kasi nakasunod sa kanila umakyat, na akala nila ay anak ko; nagtataka na lamang sila na biglang nawawala pagdating sa itaas at wala rin kahit anino ng aking anak. Madalas noon gising ang aking bunsong anak, mamalayan namin wala sa tabi namin. Makita na lang namin naglalaro mag-isa sa ibaba madaling araw habang tulog na ang lahat ng tao.
Noong pauwi na ako, bigla akong nakaramdam ng panlalamig at pagtayo ng balahibo. Hindi na ako lumingon, diretso na akong naglakad palabas ng bahay at sumakay sa motor. Pagdating ko dito sa opisina kung saan dito na rin kami nakatira, saka ako nakaramdam ng sobrang antok. Antok na antok na hindi ko kayang pigilan kahit na kumain pa ako ng maasim na pinya. Nakatulog akong nakaupo sa table ko, ang lalim nang tulog ko hindi ko namalayan kahit anong ingay. Pero buhay na buhay ang aking nakita sa panaginip; nagpakita sa aking panaginip ang nakita ko rin kanina at nakangiti silang pareho. Mayroong sinasabi pero hindi ko na ito natandaan nang nagising ako. Tatlong oras akong nakatulog nang mahimbing at wala na ang aking mga kakaibang nararamdaman.
Noon, alaga ko silang alayan ng pagkain sa mesa. Naglalagay din ako ng mga prutas sa altar at nagsisindi ako ng kandila. Lagi ko silang kinakausap na huwag lang nila kaming gawan nang masama. Isinasama ko sila noon sa aking pagdarasal, ang kanilang katahimikan. Madalas din noon, kapag nagpapakita sa kahit kanino sa amin; kinakausap ko na sabihin kong ano ang ang aming maitulong. Pero tulad nang dati, magpaparamdam, magpapakita at minsan nakikisaya pa nga kapag mayroong okasyon. Siguro masaya sila na kami ang kasama nila doon.
Eight years ko na rin na inuupahan ang
apartment na iyon. Sa apartment na iyon nag-umpisang magbago ang buhay
ko, doon ako unti-unting nakaraos sa pinansyal na aspeto ng buhay ko.
Kung pagtutuunan ko nang pansin lahat nang anggulo ng bahay na iyon ay
umaayon sa Kua number ko. Pero, madalas magpahiwatig sa akin ang
babaeng iyon kapag mayroon magandang mangyayari sa akin. Parang gusto
ko na rin paniwalaan ang sinabi nang matanda sa akin noon; na ang
nakatira doon ay siya ang tumutulong sa akin.
Mga kababalaghang hindi pinaniniwalaan ng karamihan, ngunit paano nga ba ito maipapaliwanag?
Basta ako, hanggat hindi sila nananakit ng tao ay hahayaan at titingnan ko lamang sila. Lagi ko silang isasama at ihingi ng kapatawaran sa Dios at para sila ay magkaroon na ng katahimikan.
No comments:
Post a Comment