Opo, alam n'yo ba na ito ang pinakagusto ko sa kahat na gawing negosyo?
Sabi
ko nga, kapag bigyan ako nang chance na manalo sa Lotto; ang unang-una
na bibilhin ko ay mga apartment na for sale. Maari rin na vacant lot at
aking patatayuan ng up and down na apartment. Kapag malaki ang
napanalunan eh puwede na rin ang townhouse unit hehe.
Libre
naman ang mangarap kaya, huwag mahiyang mangarap at magkaroon nang
malaking ambisyon sa buhay. Malay mo, malakas ka pala kay God at
ipagkaloob sa iyo ang iyong gusto. Pero, tandaan natin lagi na si God
lamang ang nagbibigay nang guide sa atin; siya ang ating takbuhan kapag
down na down tayo ( totoo 'di ba?...lalapit lamang ang karamihan sa atin
kapag may kailangan)
Tayo
pa rin ang dapat kumilos. Tayo pa rin ang kailangang magtiis at
magpakahirap para sa katuparan ng ating mga pangarap sa buhay. Kung
maghihintay lamang tayo sa swerte na tinatawag at nakatambay lamang tayo
sa loob ng ating bahay, siempre lilipas ang mga araw na walang
mangyayari. Hindi naman kasi isinasaboy ang swerte kundi kusa natin
hinahanap at kailangang i-descover.
Paano nga ba magkaroon ng ganitong hanapbuhay ang isang ordinaryong mamayan o isang OFW?
Simple lamang at praktikal na pamamaraa at pagpaplano ang gagawin, tulad nang mga sumusunod:
1.
Kung malaki ang iyong bahay at sobrang maluwag para sa inyong pamilya,
magdagdag ng isang room kung saan maari mo itong paupahan o gawing
boarding house. Sa probinsya ay uso na rin ang for rent na room o
bahay. Lalo na kung malapit ka sa school o university. Ang uupa sa iyo
ay mga teachers at estudyante na malayo ang tinitirhan. Isang relative
ko, ganun ang ginagawa sa isang baryo, tumatanggap
siya kada buwan ng renta. Depende ito sa kung gaano kalaki o ano ang itsura ng iyong pinauupahan.
2
Kung mayroon ka din isang bakanteng lote at uso sa inyo ang mga
paupahan, maari mo itong patayuan nang isang box type na bahay. Parang
row house o duplex na simple lamang. Kung member kayo ng HDMF o
Pag-ibig, maari kayong mag-apply ng House Construction. Collateral mo
ang land title na iyong lote. Ang mode of payment ay depende sa iyo
kung ano ang iyong pipiliin na magaan para sa iyo.
Mayroon
akong isang kaibigan sa Las Pinas at may bakante pa siyang lote sa
harap ng bahay nila. Sa halagang 500K 2years ago, nakapagpatayo siya ng
4door box type na bahay. Ang 4door na iyon ay pinarentahan niya ng P
3,500/mo. Mayroon siyang income na P14k/mo. Within 3 years bawi na niya
ang lahat ng ginastos niya. May bahay na siya at nag-generate pa ito
ng income.
Tulad
ko, mayroon akong inuupahan na apartment 2 bedrooms up and down.
Nakatira dito ang aking mga tauhan sa canteen, Ang isang room ay
pinaupahan ko ng P4200.00 at ang isa naman ay may 4 na boarder at
1500/head. Ang 4 ko na 5 tauhan ko ay panggabi at pang araw ang ilan sa
kanila. Naisip ko sayang naman na malaki ang house at sila lamang ang
nakatira. Sa ground floor kusina at sala nilagyan ko ng double deck at
doon natutulog ang aking mga tauhan. Working lahat ang aking mga
boarders kaya sa gabi lamang mayroon tao ang bahay. P8k ang rent ko at
ang electric at water ay nasa 2k lamang, kaya kunti na lamang abuno ko.
Hindi ko na kailangang kunin sa aking sariling bulsa o sa aking canteen
ang pangrent sa house na iyon.
Dahil sa ideya ko na ganun, sa-save ko na ang pera na dapat ay pambayad sa rent.
Kailangan
lang natin maging wise sa lahat nang ginagawa natin disisyon sa ating
buhay. Huwag natin iasa ang ating sariling pag-unlad sa iba. Huwag rin
nating isisi sa iba ang kahirapan na mayroon tayo o pinagdaraanan
natin. Tayo ang mayhawak sa ating sarili, tayo ang masusunod at
nakakaalam kung ano ang makakabuti para sa atin. Kailangan lamang natin
maging positibo lagi sa buhay at huwag hayaan ang mga negative na
mamayani sa ating sarili.
Iba ang saya at kaligayahan kapag tayo ay umuunlad dahil sa ating sariling pagsisikap at pagbabanat ng buto.
No comments:
Post a Comment