(google/rolling store) |
Here I am again...
Kamusta na sa lahat ng aking mga follower, na may mga balak pasukin ang negosyo pag-uwi. Mga negosyong gusto umpisahan at ipa-manage sa pamilyang naiwan.
Tulad nang promise ko, bibigyan ko kayo nand idea. Mga Idea na maari ninyong i-apply o kung saan kayo maaring makakuha nang mga ilang tips na mula sa akin.
Part 6 na po tayo at ang gusto kong ibahagi sa inyo ay ang MOBILE Store. Maari din itong tawagin na Rolling Store. Pero, mas sosyal kapag Mobile Store (parang celphone ang dating di ba?..hehehe)
Itong Mobile Store ay applicable sa mga probinsya at sa mga subdivision dito sa kamaynilaan. Pati na rin sa mga karatig na mga lugar ng kamaynilaan.
Unang-una kailangan mayroon kang sasakyan na Multicab na 2nd hand in good condition worth 150-180k o L300 FB, 2nd hand lang din halos magkalapit lang ang price nila. Kung mayroon kang Van maari din itong gamitin. Mas madali na para sa iyo ang mag-umpisa na pasukin ang negosyong ito; kailangan mo na lamang ang puhunan para sa ilalagay mo sa Mobile Store.
Nakikita ko sa ilang subdivision sa Cavite ang may ganitong style ng "Sari-Sari Store". Kinakausap nila ang homeowners assn. para payagan sila na pumasok sa loob ng bawat subdivision. Kapag nasanay na ang mga suki at alam na nila kung anong oras dumadating ang Mobile Store, mga nakaabang na ang mga ito sa pintuan. Minsan naman ang isang Mobile Store ay nasa isang lugar lamang kung saan pinayagan ng homeowners o guard na siya ay pumuwesto araw-araw.
Ang maari mong ilagay sa iyong MObile Store ay mga basic needs. Mga pang araw-araw na kunsumo, hindi lamang mga groceries; isama mo na ang bigas, karne, cold cuts, isda at gulay. Kaya kailangan ay Multicab or L300 para sa 2 cooler. Isang pang isda o seafoods at isang para sa mga karne at cold cuts.
Maari din itong gawin dito sa Maynila sa loob ng mga subdivision. Mayroon akong kilala na dito halos umasenso. Ang una nilang sasakyan ay Owner Type Jeep. Mayroon mga styro lamang na puno ng yelo at ang mga tinda nila ay mga sugpo, hipon, pusit at may kasamang karne. 3x lamang nila itong gawin sa loob ng isang linggo. Namamakyaw sila sa Malabon. Ang natitirang araw ay iba naman ang dinadala nila or itinitinda nila, bigas at gulay na mula sa Divisoria. Nakapagpatapos sila ng 4 na anak, 2 Engr's, 1 nurse at 1 Doctora.
Sa Probinsiya naman, ang target ay ang mga baranggay na malalayo sa bayan. Wholesaler naman ang iyong papel at ikaw ang magdadala sa mga tindahang maliliit ng mga paninda na ilalagay din nila sa kanilang mga sari-sari store. By schedule din ang mga lugar na iyong pupuntahan, para alam na nila kung kailan ka darating. Maari kang magbigay ng terms of payment sa kanila, puwedeng weekly lamang at may limit
Sa negosyo, hindi kailangan na mag-umpisa ka sa malaking puhunan. Hindi mo maaring ubusin o ilagay lahat sa iyong negosyo ang iyong naiipon. Tandaan na nasa expirement level ka pa lamang, kumbaga parang nangangapa ka pa dito. Kailangan lamang ang lakas ng loob at huwag patatalo sa hina ng loob. Lahat ng negosyo ay hindi kumikita kaagad. Kailangan mong magbilang ng ilang buwan bago mo ito maramdaman.
Tulad ng lagi kong sinasabi, sa negosyo kailangan ang control. Hindi maaring gumastos ka nang lampas sa kinikita ng iyong negosyo. Maglaan ng tamang halaga bilang iyong sweldo. Ituring na ikaw ay isang trabahador din na kailangang tumanggap ng kabayaran sa iyong serbisyo. Tulad ko, sa aking canteen mayroon akong sweldo na P200 araw-araw. Sa aking maliit na kumpanya tumatanggap din ako ng sweldo at doon ko kinukuha lahat ng aming pangangailangan pati na rin ang pang tuition ng aming mga anak.
Kung ikaw ay may mga katuwang na kapamilya sa iyong negosyo, laanan rin sila ng suweldo; kung paanong pasusuwelduhin mo rin kung sino man ang tauhan na iyong kukunin. Makatitiyak ka na may sigla ang paggawa kung may karampatang balik, di ba?
Lakipan ng smiles at positibong pag-uugali ang papasuking negosyo. Goodluck!
No comments:
Post a Comment