Photo Credit:123rf/ loving affectionate couple) |
Kasabihan nga, ang sabaw ay hindi masarap
higupin kung malamig na. Kaya nga kapag tayo ay kumakain, hindi ba
halos hindi na tayo makatayo dahil sa kabusugan. Sobrang init at sarap
ng sabaw ng nilaga, sinigang o sabaw ng bolalo; tagaktak pa ang pawis at
talagang solved na solved ang feeling mo.
Bakit nga ba sa kabila ng halos umuusok
at naglalagablab na pagmamahalan, madalas dumarating pa rin sa punto na
unti-unting namamatay ang apoy at abo na lamang ang natitira;
namamalayan na lang, malamig na ang paligid dahil nakalimutan na pala
itong dagdagan ng gatong. Kailangan kasi para manatili ang init huwag
kalimutang lagyan ng tuloy-tuloy na panggatong at para lagi o lalong mag
ningas ito.
Ito ang tanong… Bakit nga ba ang daming mga couples na nagkakahiwalay ngayon sa kabila na halos mayroon na silang perfect marriage or relationship?
Susubukan kong isa-isahin ang mga dahilan:
Ligawan level
Noong si lalaki ay nanliligaw pa lamang,
sobrang maginoo, malambing at lagi mayroong rosas,chocolates at kung
anu-ano pang bagay na ibinibigay sa kanyang nililigawan.
Halos inuubos na ang oras sa pagte-text at chatting. Hindi rin nanghihinayang sa load sa cp at sa internet. Kailangan kasi nang effort para masungkit ang matamis na oo ni girl. Ang tiyaga pa yan maghintay at maghatid sa kanilang mga nililigawan.

Sa mga net naman nagliligawan, halos
hindi na makapagtrabaho, sagana rin sa load at sabik na dumating ang
uwian kasi kailangang magdamagan na naman videocall or skype. Ubusan ng
load, nagkakautang-utang pa para lang makatawag kay iniirog. Kailangan
pag-ibayuhin para masungkit kaagad ang napakatamis na “OO”
Si babae naman ito kilig na kilig, habang
nililigawan panay din pa cute, laging maganda at conscious sa kaniyang
looks o beauty. Halos isang oras sa salamin, lalo na kapag inaya ng
date. Para naman doon sa mga nililigawan sa internet ganun din panay pa
cute, kailangang naka make up pa pagharap sa webcam.
Boyfriend / Girlfriend level (1st -5th month to 1year)
Noong sinagot na ng babae si lalaki,
lalong naging sweet at kulang na lang eh langgamin halos hindi na
mapaghiwalay. Isang text, tawag o aya ni girl halos kandarapa pa si
lalaki sa pagsunod sa kanyang girlfriend. Kung ang usapan eh 8pm nandian
na 6pm pa lang. Uso pa masyado sa ganitong level ang American time.
Paala-alalay pa iyan sa pagbaba ng sasakyan kay girl. O di kaya naka
alalay pa iyan sa likuran or sa danger side kapag tatawid.
Si babae naman, nakupo ang lalake ng
langgam, parang herumigas kung tawagin sa bisaya. Super sweet, andun
ang pinupunasan pa ang mukha o likod ni fafa; madalas sinusubuan pa nga
na parang baby si lalaki hehehe at nilalagyan pa ng bimpo sa likod.
Sobrang lambing din ni girlash kay fafah, “bebeh ko, honey ko
etc..kumain ka na ba? Kumain ka na ha? Huwag na huwag kang magpapagutom.
Basta lahat na ng klase ng minatamis o kakornihan nandito na sa level na ito lalo na kapag may LQ…amininnnn… J
Boyfriend / Girlfriend ( months or 1year onwards)
Sabi ni macho man:
“Honeybee, sweetheart, bebeh ko
(lahat na na ang mga matatamis na tawagan) sorry ha? Late or ma-late
ako kasi…(madaming dahilan na ang na-recite).”
“Chuwawa ko, bumaba ka na kasi nagmamadali ako; kailangan kong umabot sa moon, sa sun at sa planetang Uranus, etc.” Andaming reason ulit.
“Mylove my darling, sorry ha naubusan na ako ng load, wala na rin akong pang internet pasensiya na ha?”
“Sweet, Irog ko….Dali bilisan mo at tatawid tayo… Takbo! Baka masagasaan tayo”
Sabi naman ni Barbie:

“Papeh, may lakad kami mamaya ng mga barkada ko, huwag mo na akong sunduin ha?”
“Asawa koh, puwede bang mamaya ka na lang tumawag o pumunta dito sa bahay…inaantok pa kasi ako eh.”
“My hero, may superman, bakit hindi ka nagtext o tumawag kagabi?….Sige na nga, bahala ka!”
Naglalambingan pa rin naman, nagmamahalan pa nang tunay sa level na ito pero parang medyo may kulang na.
Maari din itong maihalintulad ang mga naunang salaysay sa level nang marriage life. Mayroon rin mga stages o level na pagdadaanan kapag kasal na ang magsing-irog.

Ito na!…Medyo maligamgam na ang
sabaw. Saka parang may kulang na sa timpla; hindi malaman kung asin,
vetsin o magic sarap ba or knorr cubes ang kulang.
Sabi ni Kuya o ni mang Tomas (dating si Tom nang kapogian pa):
“Anong date?…Oi, kurdapya gastos lang iyan, pambaon pa nang mga bata.”
“ Ito bumili ka na lang ng kandila sa kanto at bumili ka na rin ng monay na malaki at ilagay mo ang kandila sabay hipan mo. tapos kantahan mo sarili mo nang happy birthday.!”
“Bulaklak? Chocolate?….sus, hindi na uso ‘yan! Saka ang mamahal na ng bulalaklak ngayon at chocolate.”
“P___ ___ mo! Bilisan mo takbo! Ang bagal bagal kasi eh!”
Sabi naman ni Ate o ni manang Cleopatra (dating cleofe):
“G___ ka! Bakit umuwi ka pa!…Doon ka na lang sa kulasisi mo!”
“Kumain ka na diyan, initin mo na lang ang ulam, pagod ako eh…’andaming trabaho dito sa bahay maghapon.”
Oi, Tomas! Huwag na huwag kang tumabi sa akin ha!…amoy tinapa ka!

“Hoy!…Juancho!..Siguro may ka chatmate at katawagan ka nang iba, kaya wala ka nang panahon sa akin!”
Naku!…lagot wala na nga talagang timpla….Nawala na iyong “O irog ko susungkitin ko ang mga bituin at buwan para sa iyo”. Iyon pala ibang bituin ang ibinigay pati moon isinama pa; dahil umikot ang paningin sa suntok at kurteng moon ang black eye….

”Bakit nga kaya?”
Unang-una, nagkulang na ang isa’t-isa sa pagpapakita at pagpaparamdam nang pagmamahal.
Unang-una, nagkulang na ang isa’t-isa sa pagpapakita at pagpaparamdam nang pagmamahal.
Kailangan kahit mag asawa na, panatilihin
ang sweetness,at paglalambingan Kahit gaano pa kapagod sa maghapon,
kailangan pariho kayong magbigay nang oras sa isa’t-isa.
Panatilihin ang init ng pagmamahalan.
Ang kaligayahan nang mga babae ay ang paglalambing ni Mister. Ipagluto,
tulungan sa gawaing bahay, mag-date paminsan-minsan at huwag kalimutan
ang mga mahahalagang araw sa buhay ninyo. Ugaliin pa rin na magbigay ng
bulaklak kahit walang okasyon; maari naman itong gawin kapag mayroong
mga small or big achievements nagagawa ang iyong asawa.
Hate na hate ni mister ang bungangerang misis at puro reklamo. Ito ang madalas na pag-awayan nang mag-asawa. Kaya naman halos nawala na ang respeto sa isa’t-isa pati na ang mga anak; kasi sa buong buhay na ginawa ng Dios, walang ginawa kundi ang talakan at sigawan sa loob ng bahay. Ang ending, magkakaroon ng isang pamilyang magulo, pati mga anak ay maaring magrebelde. Hanggang sa naging broken home na ang dating nilalanggam na tahanan. Nambabae at nanlalaki na si mister at si misis, kesyo nagkulang na ang isa’t-isa; at naghanap nang kalinga sa iba na isang malaking pagkakamali sa buhay nila ang pangyayaring ganito.
Ang itinuturong ugat?
1. Pinansyal na estado sa buhay
2. Pagkululang at kawalan nang panahon sa isa’t-isa
3. Pressure sa mga pang araw-araw na
pamumuhay dala nang iba’t-ibang problema (sa trabaho, biyenan, mama or
papa’s boy/girl, etc.)
4. Bisyo (alak, sugal, pambabae, panlalaki )
5. Malayo sa isa’t-isa bunga nang pagtatrabaho sa malayong lugar at sa abroad at hinahanap ang presence ng bawat isa.
Kaya sa lahat nang qoutes na nabasa ko, ito ang pinakagusto ko
“The success of marriage comes not in finding the “right” person, but in the ability of both partners to adjust to the real person they ineveitably realize they married.”
John Fischer
John Fischer
No comments:
Post a Comment