(google/social icons) |
Nag-iisip ka sa nabasa mo anoh!..
Sige, kuwentuhan muna tayo; para lumamig ang ating ulo dahil sa mainit na batas na ngayon ay pinag-uusapan.
Hayaan mo, maiksi lamang ito, gusto lamang kitang kuwentuhan.
Isang workaholic na adik na laging
kaharap ay puro numero at mga ledger. Salamat sa quicken mas napabilis
ang pagkuwenta at pagbabalanse ko.
Naging “in” na rin ang aming opisina, nagkaroon na ng internet connection.
“Ate Dhors, gawaan ka namin ng Friendster account”
“Naku!…wala akong hilig diyan.”
Minsan kapag hindi busy; pinanood ko sila habang nagpi-Friendster o naglalaro ng pacman kapag breaktime.
Hindi nagtagal naki “in” na rin.
“Sige nga!….. gawaan ninyo ako ng account sa FS”
In short, nagkaroon ako ng Friendster account. Add ng mga kakilala at upload nang ilang pictures. Pero, minsan-minsan lamang ako mag-open noong una, madalas nakalilimutan ko pa nga ang password ko. Hindi rin kasi ako that time mahilig kahit sa chat, hindi ko nga alam ano iyong tinatawag na messenger; ang tanging alam ko ay email at inbox. Ignorante pa ako noon, pero hindi ko pinapahalata siempre… hehehe!
FRIENDSTER ng pag-ibig ko, dahil sa Friendster kami nagkakilala ng aking love of my life ngayon. Sobrang makasaysayan ang Friendster sa buhay naming magsing-irog. Ginawang parang chatbox ang inbox; nag-umpisa sa simpleng “kamusta ka, batch, ang ganda mo ngayon”. Ikaw ba naman ang mag-upload ng isang graduation picture, sigurado talagang maganda dahil naka make-up..lol…
Hindi lamang pag-ibig ang naibigay sa akin ang Friendster, ang dating tahimik ko na mundo ay nagkaroon ng ingay. Dahil sa Friendster, doon ko rin nakita ulit ang mga dati kong mga kakilala at malalayong kamag-anak. At dahil rin sa Friendster, nabuhay ang napakatagal kong inilibing sa baul…ang pagsusulat. Dahil sa Friendster blog, ito ako ulit ngayon at nagsusulat at nagbabahagi sa inyo,
Kaya, salamat sa Friendster dahil
natagpuan ako ng aking mahal; nagkakilala mula sa simpleng pag-click ng
add button. Dahil sa Friendster, muling nagkakulay ang buhay pag-ibig
ko. Kaya, isa kang magandang alaala para sa akin FRIENDSTER!
FACEBOOK…..ikaw ang buhay ko, bukod sa aking mga minamahal sa buhay. Nang dahil sa iyo, naibsan ang aking kalungkutan habang nasa malayo ang aking mahal. Dahil sa iyo, tinatanggal mo ang aking stress noon at magpahanggang ngayon. Katunayan, sa iyo natupad ang aking pangarap; magkaroon ng farm dahil sa Farmville, ‘yon nga lamang at nakasalamin na ako ngayon. Pero okey lang, madalas naman nahahasa ang aking isipan sa iyo, dahil sa mga games na kung saan naging addict akong laruin ang mga ito. Paligsahan sa Brain Buddies at pabilisan na gamit ang isip ko sa larong Bubbles.
Ikaw ang naging buhay ko, dahil nang nawala si Friendster napakalaking utang na loob ko sa iyo. Sobrang naibsan ang aking kalungkutan sa aking mahal na nasa malayo. Nagkaroon ako nang libangan at dito ko nakilala ang aking makapal na angkan, kung saan ako nagmula at sino ang aking mga ninuno pati na ang mga bagong henerasyon.
Dahil sa iyo, ang malayo ay naging magkalapit na lamang. At nang dahil sa iyo, naging update na rin sa bawat isa at mga pangyayari; at lahat nang iyon ay dahil sa status at pag-a-upload ng mga pictures ng bawat ka Facebook ko. Nang dahil sa iyo, ito ako ngayon nagsusulat at nakakapagbahagi sa aking mga ka-Facebook nang mga ideas at mga walang kuwenta minsan na mga status. Dito ako nalilibang eh!…kaya minsan naisip ko, malaking kawalan rin ang Facebook kapag tulad ni Friendster ay baka mawala rin.
Ah, basta….patuloy akong maging addict sa FACEBOOK, lalo na ngayon at adik na rin ako sa blogging sa DEFINITLY FILIPINO. Addict man ako dito, pero alam ko ang aking limitasyon. Mas lalong alam na alam ko kung papano ito gagamitin para sa maganda lamang at hindi para makasira sa akin at o ikasira ng kapwa ko.
Goodbye Friendster ….Hello Facebook!.
No comments:
Post a Comment