Sep 21, 2012

Pinagtagpo At Pinaglayo Ng Tadhana at Relihiyon ( True Story Part-1)

http://www.fotosearch.com/photos-images/first-love.html#comp.asp?recid=59043400&xtra=
Si Anna ay 14 years old lamang, ngunit matured nang mag-isip. Malaking bulas na babae, kaya hindi halatang bata pa ito.

Hindi pa siya nakaranas na makipag-boyfriend, pero, mayroong mga nanliligaw sa kanya. Wala pa sa isip niya ang tungkol sa pag-ibig; abala siya sa pagtulong sa kanyang inay.
Marami siyang pangarap sa buhay.  Pangarap niya ang makapagtapos ng pag-aaral; at isa na rin doon ang pagnanais niyang magkaroon ng isang simple, ngunit masayang pamilya.
Namasukan siyang katulong sa isang tiyahin. Gusto niyang makaipon para sa kaniyang pag-aaral.
Anna:   Iyan ba ang pamangkin ni tito, Zab? Ang tanong ni Anna sa kaniyang pinsan.

Lea:      “Oo.”
“Ilang taon na kaya ‘yan?  Parang matured na, at nag-aaral daw ‘yan ng   Engineering course.
 
Tahimik lamang na nakamasid sa kanila si Al. Seryoso, mukhang ‘di marunong tumawa o ngumiti man lang. Isa siyang Tausug.  Sina Anna, Lea at tiyahin nila ay pure catholic.  Pero, nasanay na rin sila Anna sa kultura ng lugar kung saan sila naroroon; nasanay na rin sa pagluluto ng mga pagkaing bawal sa Islam.
Lumipas ang mga araw at buwan….

Lea:      May sakit ka ba?
 
Anna:   Oo, ‘insan…..kaso hindi ako puwedeng hindi tumayo at magtrabaho.  Magagalit si Tita.

Sa sobrang pagod at hirap na dinadanas ni Anna araw-araw, sumuko ang kaniyang katawang-lupa.  Humina ang kaniyang resistensya, dahilan kaya siya ay hindi makabangon sa loob ng dalawang linggo.  Walang pakialam ang kaniyang pinsan na si Lea, ganun din ang tiyahin nito.

Si Al na dati ay hindi palakibo at laging nagkukulong sa kuwarto niya, ay biglang nag-offer na si Anna ay asikasuhin, pati na rin ang mga gawain ni Anna ay si Al na ang gumagawa.  Sa sobrang awa ni Anna sa sarili, walang itong magawa  kundi ang  umiyak nang umiyak. Ganunpaman, nagpapasalamat  si Anna kay Al.  Walang ibang karamay si Anna.  Si Al, tulad ng dati ay naging maasikaso na sa kanya hanggang sa siya ay gumaling..

Dahil doon, nagkalapit si Al at si Anna.  Walang malisya noong una ang pagiging close nila sa isa’t-isa.  Para na silang magkapatid.
Semestral break.  Nagbakasyon sa kanilang isla si Al, at nawala ito ng halos one week.  Mayroong kakaibang naramdaman si Anna.

Anna:   Bakit kaya parang na miss ko si Al? Kamusta na kaya siya?
 
Si Al naman sa kanilang lugar ay hindi mapakali, hindi makatulog at ang iniisip ay ang kakaibang feeling para 
kay Anna.  Tulad ng iniisip ni Anna, miss na rin sobra ni Al si Anna.

Tapos na ang semestral break.  Dumating na ulit si Al. Halos yakapin nila ang isa’t-isa sa sobrang pananabik.  Walang salita na namutawi sa kanilang mga labi; mga tinginan na sila lamang ang nakaaala kung ano ang ibig sabihin nito.

Nagtapat si Al. Lingid sa lahat ay naging sila ni Anna.  Mapagmahal si Al, malaki ang respeto kay Anna.  Hindi ito nagsamantala kahit na nasa iisang bubong lamang sila. Ingat sa mga kilos at baka malaman ng tiyahin ni Anna; tiyak maghahalo ang balat sa tinalupan.  Si anna, kahit hirap pa rin tulad ng dati, kinakaya na niya lahat, pati na rin ang pang-aapi ng kaniyang tiyahin.  First love ni Anna si Al.

Naging masigasig lalo si Al sa kanyang pag-aaral.  Punong-puno siya ng mga pangarap para kay Anna.  Nangako ito na tutulong siya sa pag-aaral ni Anna kapag nag-aral na ito ng college.  Drop-out kasi si Anna sa first year high school; tama lamang pagka-graduate ni Al sa kurso niya, college na rin si Anna.

Al:        Mahal na mahal kita, Anna. Nagsisikap ako lalo para sa ating kinabukasan.  Balang araw ay sasaya rin ang buhay  mo, at hindi ka na mahihirapan.

Anna:   Aasahan ko ‘yan, Al.   Pangako, mamahalin kita nang tapat at iingatan ko ang pagmamahal mo sa akin.

Sa bawat buhay nga raw ay mayroong kontrabida.  Nalaman ng tiyahin ni Anna ang tungkol sa relasyon nilang dalawa. Ang masaklap, ginawan pa ito ni Lea ng kuwento na hindi naman totoo .
“ Mga walanghiya kayo! Lumayas ka dito, Al!….wala kang utang na loob, pagkatapos kitang patirahin dito sa pamamahay ko, ito pa ang gagawin mo?” Ang nakabubinging sigaw ng tiyahin ni Lea.
itutuloy……………………..

No comments:

Post a Comment