Sep 21, 2012

Sa Aking Mga Naging Guro At Mga Guro Ng Aking Mga Anak

ttp://pandayan.com.ph/national-teachers-month/
“Mama, ready mo na po ang gift ko sa apat kong teachers ha?”
 
“Puede ba anak, mga baso na lang ulit na may pangalan nila?”
 
“Yes mama.”  “Happy face na sila kapag po ibinigay ko na ang aking gift”
 
Teachers month nga pala ngayon.
Bakit noong bata pa ako, hindi ko matandaan na may mga okasyong ganito.  Pati na rin iyong father and mother’s day.  Ngayon, marami nang mga okasyon ang sine-celebrate, na hindi ko naririnig noon.  O sadyang hindi ko nga lang binigbigyang pansin ang mga ito.
HAPPY TEACHER’S DAY, ma’am and sir!
Isang buwang selebrasyon, isang buong buwan na kinikilala at binibigyan pagpahalaga ang kanilang propesyon.

Para sa akin, marapat lamang na sila ay mapasalamatan.  Hindi lamang sa buwang ito.  Maparat lamang na bigyan nang espesyal na pagtatangi ang mga gurong nagsisilbing ina at ama, ng ating mga anak sa labas ng ating mga tahanan.  Sila na mga gumagabay upang matuto ang ating mga anak sa pagbabasa at pagsusulat.  Sila na mga guro, kung saan hindi lamang sa pagsusulat at pagbabasa ang ating natutuhan.  Kundi, sila ang mga taong may malaking bahagi sa ating buhay; kung paano tayo hinubog bilang isang mabuting tao.  Hinubog tayo para sa mga kaalamang ating nagiging silbing gabay sa buhay araw-araw.  Naging bahagi ng ating buhay sa pag-unlad, bilang isang matagumpay na mamamayan; sa bawat larangan na kung saan tayo ay naroroon ngayon.

Hindi biro ang sakripisyo ng mga guro.  Alam natin kung gaano sila katiyaga para lamang matuto ang isang estudyante.  Hindi lamang sila basta nagtuturo at suweldo kada buwan.  Nasa puso nila ang sobrang didikasyon sa trabahong ito.  Ilang beses ko nang sinabi na “hindi ako puwedeng maging teacher”, at ang dahilan ko? Maiksi kasi ang aking pasensya, ayaw ko ng makukulit na estudyante at lalong-lalo na ayaw ko ang paulit-ulit magturo at maingay.  Gusto ko, sa pang 3x na sinabi ko, gets na kaagad kung ano ang sinabi o ang itinuro ko.  Kung naging teacher siguro ako, tiyak  babansagan akong “terror”.

Ilang teacher din ang mga kilala ko at nakakausap,  mismong kapatid ko ay teacher rin.  Tinitiis ng kapatid ko na akyatin ang ilang bundok; isa o hanggang dalawang beses para lamang makapagturo sa mga bata sa probinsiya ng Mindoro.  Pero, masaya ang kapatid ko, kahit na sabihing linggohan lamang niya makita ang kaniyang pamilya.  Pinag-resigned pa nga niya ang kaniyang asawa, pinagnegosyo at para mayroong kasama ang kanilang mga anak; habang wala siya at nasa bundok at nagtuturo sa mga  native sa bayan ng Mindoro.
Ito ang propesyong kahit tapos ka na mag-aral, pero patuloy ka pa ring nag-aaral ng mga lesson.  Noong dito pa siya noon nagtuturo sa isang private school sa Maynila, lagi ko siyang sinasabihang “Ano ba ‘yan?….hanggan kalian ka matatapos mag-aral?” May halong biro, pero ngiti lang ang isinusukli ng kapatid ko.  Doon siya masaya, sa kaniyang ginagawang iyon.  Pero deep inside, masaya ako para sa kaniya.  Proud yata ito, na sa pamilya namin ay nagkaroon ng isang guro.
Maliit lamang ang sweldo ng isang guro, lalong-lalo na sa mga private schools. Ang tanging benefits nilang nakukuha ay 13month pay at incentives.  Hindi nga lang delay ang sweldo, kumpara sa mga government teachers.

Ang mga government teachers naman, sobrang tiis, siksikan sa kwarto ang 60-65 estudyante.  Walang aircon at kapag minalas na walang kuryente, maliligo ka sa pawis; pawis nang init ng panahon at kakulitan ng mga estudyante.  Delayed pa ang sweldo, bago matanggap, baon na sa utang si ma’am at sir.  Na losyang pa si sir at ma’am, dahil sa sobrang init na binabagtas mula sa bahay papunta sa pinagtuturuan nito.  Tumatanda kaagad ang hitsura, dahil sa kunsumisyon sa mga pasaway na mga estudyante.  Pagdating pa sa bahay, superwoman at superdad sila sa tahanan.  Teacher din sila sa kanilang mga anak pag-uwi ng bahay.  Nagpupuyat sila sa paggawa ng lesson plan. Iyon nga lamang, mayroon silang benefits na nakukuha galing sa gobyerno.  At kapag gusto na ni teacher magpahinga sa edad na 60, dito lamang ma-enjoy ni teacher ang kaniyang pinaghirapan.  Pero alam natin, nami-miss nila nang sobra ang kanilang mga estudyante at ang pagtuturo nila.

Bilang isang kapatid at magulang, binabati ko kayong lahat nang Happy mother’s day.  Kayo, na nagtitiyaga magbigay kaalalam sa aking mga anak.  Paano na lamang kami na mga magulang na busy sa paghahanapbuhay kung wala kayo na pangalawang magulang ng aminng mga anak?
Saludo po ako o kaming lahat sa inyo mga mahal naming guro noon, at mga guro ng aming mga anak at magiging anak at kaapu-apohan!!

No comments:

Post a Comment