Sep 21, 2012

Kabiguan

123rf
Sa panahon ngayon, imposible na ang maging kuntento ang isang  tao sa lahat ng bagay na mayroon siya.
Kahit sino pang “Ponsio Pilato”, nakararanas din ng mga frustrations sa buhay.  Dahil lahat ng bagay na wala ang isang tao, 90% ay malaki ang pagnanais niya  na magkaroon nito.
Kapag ang isang tao ay mayroon na ng lahat ng kailangan niya, still, wala pa ring contentment sa sarili ito.  Lalo pa siyang maghahangad ng “mas pa” sa kung ano ang mayroon na siya.  Minsan naman, hinahanap na lang ay for a change daw“, bored na sa kung anong mayroon siya.  Para kasing may kulang, na madalas hindi nila alam ang kasagutan.  Very common na ito sa lahat ng tao. Kaya naman, frustrated ang mga taong hindi makuntento sa kung ano ang mayroon sila.

Sa usaping puso naman, ang kakulangan ng pagmamahal ang madalas nagiging dahilan para ma-frustrate ang isang tao.  Kadalasan ay nangyayari ito sa mga yound adults. Madalas kasi akala nila love na nila ang isat-isa, iyon pala, later on they’ll discover na marami pala silang hindi napagkakasunduan.  Or something na mas may malalim pa na reason, kaya feeling nila, love does not  exist anymore.
Sa kahit na anong klaseng relasyon na sangkot ay pag-ibig, mayroong possibility na makararanas ng paghihiwalay.  Mahirap kalaban ang emosyon, madalas natatalo ang isip ng puso ng tao.  Sa sobrang frustration na naranasan, kadalasan nagiging manhid na ang isang tao. Lalo na kung ito ay nasaktan nang todo, kaya nga minsan ay mayroong nagpapakamatay pa.
Bakit nga ba lahat ng tao ay nakararanas ng paghihirap ng kalooban? Sabi nga sa nabasa ko “it is because they have not developed an understanding of the uncertainties of life, and iarecaught up in an emotional turbulence”.

Ang isang tao, kapag sapat ang kanyang pang-unawa sa lahat ng nangyayari sa kaniyang buhay, madaling maka-cope dito.  Minsan naman kasi, nagsisilbi ring instrumento ang kabiguan para mag-grow ang isang tao.  Doon niya kasi mare-realize ang mga bagay na kung saan siya maaring nagkamali. Or, hindi man sa kanya nanggaling ang pagkakamali, nagsisilbi naman itong aral para sa kanya upang higit na maunawaan ang dalang kabiguan sa buhay.  Minsan, nagiging matagumpay ang isang tao dahil sa kaniyang mga pagkabigo.
Isipin na lang natin, na hindi lang tayo ang nakararanas ng kabiguan.  Kaya hindi kailangang ikulong natin ang ating sarili sa isang sulok ng buhay natin. Isipin natin na may mga taong mas matindi pa ang naging karanasan o kabiguan sa buhay, lalo na sa buhay pag-ibig, ngunit sa sandaling panahon, muli itong nakababangon at patuloy na namumuhay nang normal.

Bakit hindi natin subukang bilangin sa ating mga kamay ang lahat ng mga blessings na natanggap natin?  Hindi ba, mas masuwerte pa rin tayo kumpara sa iba? Napakaraming tao ang  may mas mabigat na  problema kaysa sa atin.  Subukan nating igala ang ating paningin sa kapaligiran natin.
Nakarating ka na ba sa isang hospital na mayroong mga karamdamang wala nang lunas? Nakakita ka na ba ng mga batang walang magulang na nag-aaruga at ang masaklap, mayroon pa itong mga kapansanan.  Bakit hindi natin subukang pumunta sa mga lugar na akala mo isinumpa na sila ng tadhana at hindi na binigyang karapatan upang maging masaya, ang makapamuhay nang normal tulad natin.

Isa sa paraan para maiwasan natin ang pag-iisip ng ating mga problema ay ang gawing example kung ano ang ating mga pinagdaanang pagkabigo at paghihirap, at kung papaano natin ito nalampasan.  Kung nalampasan nga natin sa una, bakit natin papayagang ilugmok tayo ng ating mga kabiguan na nararanasan sa ngayon?
 In the end, wala namang matatalo, kundi sarili lang din natin.  Maaari pa tayong pagtawanan ng mga taong nakapaligid sa atin.  Remember, nasa mundo tayo na puno ng mga taong mapanghusga.

Subukan lamang nating ilagay lagi sa ating isipan na sa bawat kabiguan ay may kakayahan tayong makabangong muli at maibalik ang tiwala sa ating sarili.  Walang ibang makatutulong kundi sarili lamang natin.  Matuto tayong mahalin ang ating sarili.  Ang isip nga daw ay sadyang inilagay sa mas mataas sa kinalalagyan ng puso, dahil ito ang nagbabalanse sa lahat, ito ang nag-uutos, ito ang nagsisilbing boss ng ating mga sarili.

No comments:

Post a Comment