Full-blooded Catholic ako, pero nagagawa
kong pumasok at makinig sa ibang church. Malaki ang respeto ko sa bawat
religion ng kapwa ko o ng mga kaibigan at mga kakilala ko. Kaya naman
tanggap ko ang pagkakaiba ng bawat pananaw ng isang relihiyon.
http://www.inmagine.com/culs109/culs109950-photo |
Gustong-gusto ko ang nakikinig sa mga
pari, sa homIly at mga sermon nila. Gustong-gusto ko rin, lahat ang mga
words of wisdom na ibinabahagi ng mga Pastor. Dahil para sa akin, iisa
lang naman ang ating pinaniniwalaan at itinuturing na Diyos. Ang
mahalaga ay ang mga aral na aking natutunan sa bawat isa sa kanila, at
hindi ang usapang relihiyon.
Kanina, sa school meeting ng aking anak, isa na namang inspirational story, ang nai-share ng Pastor sa aming mga parents.
“How to raise a good child or children.” After basahin ni Pastor ang isang verse sa Bible, iyan ang itinanong niya sa amin.
Nagbibigay siya ng mga real
stories kung saan nai-apply niya sa kanyang sariling pamilya. Natutuwa
ako at gusto ko rin itong i-share sa lahat ng mga parents. Again, hindi
po sangkot ang religion dito, nabanggit ko lamang po ito bilang intro
bilang isang patotoo sa mababasa po ninyo.
Paraan paano magpalaki ng isang mabuting mga anak:
Give yourself as a GIFT
- Ito ang hindi magastos na regalo, pero pinaka the BEST sa lahat. Ang ating sarili mismo ang gawing regalo sa mga anak natin. Hindi ang mga mamahaling mga gadgets, o ano pa mang mga material na bagay. Pagmamahal natin at pag-aaruga sa kanila ang pinaka da BEST!
- Sikapin nating “haplusin, yakapin, kandungin at halikan” ang ating mga anak araw-araw. kahit sila ay malalaki na. Ito ay tanda nang ating pagmamahal bilang magulang. Umpisahan ito mula pagkasilang. at hanggang sa lumalaki sila. Para alam nila, ang pagkakaiba ng haplos o caress nang isang pagmamahal na walang “lust”. Dahil, ang mga batang lumaki na hindi nakaranas ng “caress at pagmamahal”, ay sila ang madalas na nagiging teenage mother or father. Nabubuntis sa maagang edad at nakakabuntis ng wala pa sa tamang edad.
- Oras o time natin sa ating mga anak. Kahit busy pa tayo sa ating mga career; gawaing bahay o paghahanapbuhay, sikapin na kamustahin kung ano ang mga ginawa sa buong maghapon. Sabay offer ng sarili kung kailangan ng tulong. Time para sa mga school activities, sobrang tuwa na ng mga anak na makita tayong mga parents na present lagi sa mga school activities nila.
- Importante ang bonding ng buong pamilya. Bonding sa kusina habang nagluluto ng mga paborito natin Bonding habang sabay-sabay na naglilinis nang buong kabahayan, hanggang sa paglalaba o pag-aalaga ng mga pets. Kasama na ang pamamasyal sa labas at kung ano pang mga activities tulad ng sports.
- Kailangan nating lawakan ang ating mga sarili, at sikapin na arukin ang bawat mga salitang binibitawan o mga katanungan. Mag-ingat sa ating bawat isasagot
Isang halimbawa:
Anak: Mama, saan po ba ako galing?
Mama: Si mama ay niligawan ni papa
dahil love niya ito, Love ni mama si papa kaya sila ay nagpakasal.
Dahil love namin ang isat-isa, gumawa kami ng baby, nagtagpo ang aming
mga semen at nabuo ka sa loob ng aking tummy. Nine months bago ka
nailabas sa tummy ko!
Anak: Ang gulo naman mama…ang dami ko palang pinanggalingan.
Mama: Bakit ka naman naguguluhan, eh, sinabi ko naman lahat sa iyo.
Anak: Kasi po mama,angsabi ng classmate ko….siya daw po, galing ng ILOCOS!
Let them EXPLORE
- Hayaan natin silang maging mapagmasid. Hayaan natin na sila ay maging matanong, huwag tayong magsawa sa pagsagot sa bawat katanungan nila.
- Huwag pagagalitan kapag nakita na mayroong sinisira at nakikitang ginagawan ng paraan kung papaano niya ito maibabalik sa dati. At kapag hindi nagtagumpay, magpahayag ng suporta.
- Hayaan natin silang maging responsible sa kanilang bawat ginagawa. Hayaan natin silang matuto sa kanilang mga pagkakamali. Pero kailangan nating iparamdam, na nandiyan lamang tayo sa tabi nila, na laging handang sumuporta para sa kanila
- Turuan ng tamang pag-iipon at pagba-budget.
Teach them how to PRAISE GOD
- Mula sa murang edad, kailangang i-expose na natin sila sa ating mga gawaing spiritual. Tulad sa pagdadasal bago matulog at pagkagising. Pagdarasal bago kumain, at pagdarasal bago lumabas ng bahay.
- Isama natin sila sa pagsisimba o pagpunta sa church habang bata pa
- Sanayin natin silang makarinig ng mga aral at kilalanin ang nag-iisang may-likha ng lahat.
- Turuan natin silang lumaki na mayroong malaking paggalang at takot sa Diyos. Kapag lumaki na mayroong takot sa Diyos, siguradong malaki ang respeto ng mga anak na ito sa kanilang mga magulang. Magkakaroon ito ng disiplina sa kanilang sarili. Alam nila kung ano ang mga bagay na mayroong limitasyon. Mga bagay na mali at tama.
Iyan ang tatlong mahalagang sangkap na kanyang ginawa, kung bakit mayroon siyang mga mabubuting anak.
No comments:
Post a Comment