Showing posts with label Invironment. Show all posts
Showing posts with label Invironment. Show all posts

Sep 21, 2012

Paano Ba Magpalaki Ng Isang Mabuting Anak?

Full-blooded Catholic ako, pero nagagawa kong pumasok at makinig sa ibang church.  Malaki ang respeto ko sa bawat religion ng kapwa ko o ng mga kaibigan at mga kakilala ko. Kaya naman tanggap ko ang pagkakaiba ng bawat pananaw ng isang relihiyon.

http://www.inmagine.com/culs109/culs109950-photo
Gustong-gusto ko ang nakikinig sa mga pari, sa homIly at mga sermon nila.  Gustong-gusto ko rin, lahat ang mga words of wisdom na ibinabahagi ng mga Pastor. Dahil para sa akin, iisa lang naman ang ating pinaniniwalaan at itinuturing na Diyos.  Ang mahalaga ay ang mga aral na aking natutunan sa bawat isa sa kanila, at hindi ang usapang  relihiyon.

Kanina, sa school meeting ng aking anak, isa na namang inspirational story, ang nai-share ng Pastor sa aming mga parents.
 “How to raise a good child or children.” After basahin ni Pastor ang isang verse sa Bible, iyan ang itinanong niya sa amin.

Nagbibigay siya ng mga real stories kung saan nai-apply niya sa kanyang sariling pamilya.  Natutuwa ako at gusto ko rin itong i-share sa lahat ng mga parents.  Again, hindi po sangkot ang religion dito, nabanggit ko lamang po ito bilang intro bilang isang patotoo sa mababasa po ninyo.
 Paraan paano magpalaki ng isang mabuting mga anak:
 Give yourself as a GIFT
  • Ito ang hindi magastos na regalo, pero pinaka the BEST sa lahat.  Ang ating sarili mismo ang gawing regalo sa mga anak natin.  Hindi ang mga mamahaling mga gadgets, o ano pa mang mga material na bagay.  Pagmamahal natin at pag-aaruga sa kanila ang pinaka da BEST!
  • Sikapin nating “haplusin, yakapin, kandungin at halikan” ang ating mga anak araw-araw. kahit sila ay malalaki na.  Ito ay tanda nang ating pagmamahal bilang magulang. Umpisahan ito mula pagkasilang. at  hanggang sa lumalaki sila. Para alam nila, ang pagkakaiba ng haplos o caress nang isang pagmamahal na walang “lust”.  Dahil, ang mga batang lumaki na hindi nakaranas ng “caress at pagmamahal”, ay sila ang madalas na nagiging teenage mother or father. Nabubuntis sa maagang edad at nakakabuntis ng wala pa sa tamang edad.
  • Oras o time natin sa ating mga anak.  Kahit busy pa tayo sa ating mga career; gawaing bahay o paghahanapbuhay, sikapin na kamustahin kung ano ang mga ginawa  sa buong maghapon. Sabay offer ng sarili kung kailangan ng tulong.  Time para sa mga school activities, sobrang tuwa na ng mga anak na makita tayong mga parents na present lagi sa mga school activities nila.
  • Importante ang bonding ng buong pamilya. Bonding sa kusina habang nagluluto ng mga paborito natin Bonding habang sabay-sabay na naglilinis nang buong kabahayan, hanggang sa paglalaba o pag-aalaga ng mga pets.  Kasama na ang pamamasyal sa labas at kung ano pang mga activities tulad ng sports.
  • Kailangan nating lawakan ang ating mga sarili, at sikapin na arukin ang bawat mga salitang binibitawan o mga katanungan. Mag-ingat sa ating bawat isasagot
 Isang halimbawa:
 Anak:   Mama, saan po ba ako galing?
 Mama:   Si mama ay niligawan ni papa dahil love niya ito, Love ni mama si papa kaya sila ay nagpakasal.  Dahil love namin ang isat-isa, gumawa kami ng baby, nagtagpo ang aming mga semen at nabuo ka sa loob ng aking tummy.  Nine months bago ka nailabas sa tummy ko!
 Anak:    Ang gulo naman mama…ang dami ko palang pinanggalingan.
 Mama:   Bakit ka naman naguguluhan, eh, sinabi ko naman lahat sa iyo.
 Anak:    Kasi po mama,angsabi ng classmate ko….siya daw po, galing ng ILOCOS!
 Let them  EXPLORE                     
  • Hayaan natin silang maging mapagmasid.  Hayaan natin na sila ay maging matanong, huwag tayong magsawa sa pagsagot sa bawat katanungan nila.
  • Huwag pagagalitan kapag nakita na mayroong sinisira at nakikitang  ginagawan ng paraan kung papaano niya ito maibabalik sa dati.  At kapag hindi nagtagumpay, magpahayag ng suporta.
  • Hayaan natin silang maging responsible sa kanilang bawat ginagawa.  Hayaan natin silang matuto sa kanilang mga pagkakamali.  Pero kailangan nating iparamdam, na nandiyan lamang tayo sa tabi nila, na laging handang sumuporta para sa kanila
  • Turuan ng tamang pag-iipon at pagba-budget.
 Teach them how to PRAISE GOD
  • Mula sa murang edad, kailangang i-expose na natin sila sa ating mga gawaing spiritual.  Tulad sa pagdadasal bago matulog at pagkagising. Pagdarasal bago kumain, at pagdarasal bago lumabas ng bahay.
  • Isama natin sila sa pagsisimba o pagpunta sa church habang bata pa
  • Sanayin natin silang makarinig ng mga aral at kilalanin ang nag-iisang may-likha ng lahat.
  • Turuan natin silang lumaki na mayroong malaking paggalang at takot sa Diyos.  Kapag lumaki na mayroong takot sa Diyos, siguradong malaki ang respeto ng mga anak na ito sa kanilang mga magulang. Magkakaroon ito ng disiplina sa kanilang sarili.  Alam nila kung ano ang mga bagay na mayroong limitasyon.  Mga bagay na mali at tama.
Iyan ang tatlong mahalagang sangkap na kanyang ginawa, kung bakit mayroon siyang mga mabubuting anak.

Aug 11, 2012

KAILAN PA KAYA?....KUNG HULI NA ANG LAHAT?

.facebook.com/photo.php?fbid=338239462930983&set=a.186665851421679.49845.178609772227287&type=1&theater
Hindi ako fanatic ni “Madam Auring,” at lalong hindi rin ni Jojo Acuin.  Pero minsan, oo, aaminin ko!  Kapag hindi umuubra ang mga resita ng mga doctor sa akin, at kapag halos naikot ko na ang mga  kilalang hospital  at magagaling na doctor ng kamaynilaan, iisa na lang ang huling nasa isip ko; ang kumunsulta sa isang “quack doctor”.  Hindi naman kasi alam ng mga doctor ang salitang “binat” at “napasukan ka ng lamig” (sorry sa mga doctor na makabasa nito, sariling opinion ko po ito at karanasan).

Oo,  sobra akong abuso  sa katawan ko. Sobra ang pagnanais ko na makamit ang aking mga pangarap at magkaroon ng magandang kinabusan. Kailangan ko ang kumita para malampasan ang buhay ng isang single parent noon, kaya naman, walang bawal sa akin.   Kaya naman, kahit bagong panganak at maraming bawal, sige pa rin ako sa mga ipinagbabawal sa akin na puedeng maksama. Ayon,  ang unang reward ko na natanggap sa sarili ko?“Binat sa gutom, pasma at nerbyos”. Feeling ko masisiraan na ako tuluyan ng ulo.  Doctor dito, doctor doon, wala rin.  Lahat kasi sinasabi stress lang.  Stress nga siguro ang medical term sa "binat" (hula ko lang, baka maka tiamba :)  )  Hanggang tumaba na ako sa kaiinom ng mga vitamins kasama na ang stresstab.
Last choice ko ang "quack doctor" albularyo ang tawag sa probinsya.  Meron kasi mga “quack doctor”, sabihin na nating gifted ang hindi lamang panggagamot ang alam.  May iba na meron silang kakayahan na silipin ang iyong nakaraan, kasalukuyan at ang hinaharap .  Iyon bang tipong isang tingin lang niya sayo, nababasa na niya ang kaloob-looban mo, parang x-ray.   At para nga maniwala ka, na nagsasabi siya ng totoo, epa flash back pa niya ang iyong “past”.  Interesting di ba?  Kasi nga first time mo pa lamang siyang na meet, then meron syang alam sa mga nangyari o kasalukuyan mo.  May bonus pa at pati na rin ang iyong bukas ay sinasalamin niya.  Kaya ko ito naibahagi dito sa blog ko, hindi para magyabang ako at para  sabihin na maniwala kayo sa mga merong gifted knowledge tulad ni manang. Sa totoo lang kasi ,eh, nangyari halos lahat ng pinagsasabi niya sa akin.  Gusto ko nga siyang hanapin at pasalamatan, kaso wala na akong contact sa kanya.  Inisip ko na lang din na nagkataon lamang ang lahat.  Nagsisikap lang kasi talaga ako kaya nangyari ang lahat ng sinabi niya.
Ito ang isa sa mga natandaan ko sa mga sinabi niya:
  1. “Alam mo ba, darating ang araw meron isang lugar na mawawala sa mapa ng Pilipinas, lulubog ito kapag hindi mahigpit na ipinatupad ang illegal logging.
  2. Dito sa Maynila, iyong Milenyo na nangyari? Masusundan pa ito ng paglubog ng buong NCR sa matinding baha, hindi bastang baha lamang ito.  Marami ang ma apektuhan na mga tao at magbubuwis ng buhay. Nakikita ko BASURA ANG MAGIGING DAHILAN, AT KAPAG HINDI NAAYOS ANG PROBLEMA SA BASURA, NAKIKITA KO NA, DARATING ANG ARAW TALAGANG PAGSISIHAN NG LAHAT  ITO. ( ito talaga ang tunay na hindi ko makalimutan sa lahat ng sinabi niya)
  3. Ang Pilipinas kapag hindi napalitan ang kasalukuyang namumuno, tiyak lalong maghihirap ang bansa, sobrang laganap ang corruption.
  4. Meron isang mamumuno ng bansa ng Pilipinas ang hindi inaasahang makakatulong para makaahon ang bansa, isang lalake ito.  Pero, mahihirapan siyang sugpuin ang mga  hindi gumawaga ng mabuti.
Akala ko nga noon si mr ___ ang tinutukoy niya. Hindi pala, mali ako ng hula hehe.  Di bale hindi ko naman sine seryoso ang lahat ng mga sinasabi niya.  Pero sa mga nakaraang kalamidad na nangyayari sa atin at lalo na nitong nakaraang linggo lamang.  Nakita ko iyong mga nakalutang na mga “BASURA” naisip ko bigla si “manang.”  Sabay dasal na, mali siya, hindi totoo ang mga sinabi niya, ito ay nagkataon lamang siguro.

Pero, kung bibigyan ko rin pansin, at maniwala sa mga sinabi ni manang, parang totoo din ang sinasabi niya, naiisip ko lahat ng ito,  habang nakahiga ako at nakatitig sa kisame.  Kinikilabutan ako, pero alam ko, si God ay 'andyan lamang, at siya ang mas higit na nakakaalam. Pero naiisip ko din, si God nga ang nakakaalam, pero, dapat  naman talagang kumilos ay tayo mismo na mga tao.  Hindi sapat iyong puro dasal lamang, ngunit kulang sa gawa.
KAILANGAN NGA BA TAYO KAILANGANG  KUMILOS?  KAPAG HULI NA ANG LAHAT?!

Ako? Ang magagawa ko, iiwasan ko ang gumamit ng “aircon” madalas, para hindi makadagdag ng lason sa ozone layer.  Basta, lahat ng alam ko,  na puedeng magdulot ng kabutihan at kagandahan sa kapwa at kapaligiran k , lahat ay gagawin ko.  Gagawin ko bilang isang mabuting mamamayan ng bansa ko.  Wala akong dapat ereklamo, dahil naniniwala ako sa sinabi ng aking nakatabi sa pila ( pumunta ako ng Cityhall) "Huwag naman ibagsak ang sisi sa gobyerno! Maaring nagkulang ang gobyerno sa pagpa alala at pagdisiplina.  Pero,  hindi ba dapat tayo na mismo ang magpatupad ng disiplina sa ating sarili?  Sa ating buong pamilya?  Mabuti na lang, marunong ako mag ligpit at magtapon sa tamang tapunan ng aking mga basura.  Mabuti na lang at nakikita ko sa anak ko, marunong kung saan dapat itapon ang basura.  Limang taon gulang pa lamang ito, ngunit marunong siya mag intindi kung paano e segregate ang mga basura.  Kahit 'san kami magpunta, naghahanap ng basurahan para lamang itapon kung ano ang hawak niya na di na niya kailangan at puro na lang balat.

Sana ikaw din, magnilay-nilay ka na rin.  Umpisahan na natin ang mag-isip ng para sa kaligtasan nating lahat at nang sanlibutan.  Dahil kung hindi, tayo rin ang higit na magdusa at makaranas ng hirap ng dahil sa kakulangan natin ng disiplina sa ating mga sarili.