(Photo Credit: Fotosearch) |
Isa akong multi-tasking mommy. Sa panahon kasi ngayon na mahirap ang buhay ay kailangang double time.
Pero, sa kabila ng sobrang kabisihan,
kailangan pa din nating maglaan ng oras sa ating pamilya; sa mga anak na
kailangan ng ating gabay, habang lumalaki ang mga ito.
Single mommy ako sa eldest ko noon, ibig
sabihin, busy ako noon sa paghahanapbuhay. Aaminin ko na, talagang
kulang ako sa oras noon sa kanya. Hindi ko natutukan ang kanyang
pag-aaral. Madalas, ginagabi na ako ng uwi; kailangan kong magpart-time
ng iba’t-ibang work, o ‘di kaya ay overtime sa trabaho (over tawad, free
lang hehehe)
Wala na siyang yaya noong four years old
na siya, pakisuyo na lang sa kapitbahay. Ang pagkain ay iniiwan ko na
lamang ito sa lamesa; alam na niya kung ano ang kanyang gagawin.
Pag-uwi ko, malinis pa ang aming bahay. Ang hindi ko makalimutan, noong
napanis ang kanin. Nagawa niyang magsaing sa rice cooker, sa edad na
five years old lamang.
Hindi ko na nga matandaan, kung kailan
natuto ang eldest kong magbasa at magsulat. Basta ang alam ko,
sinisikap ko siyang makapasok araw-araw. Tinitingnan ko rin naman pag
uwi ko ng bahay, ang kanyang bag at mga assignment. Tinitingnan ko, kung
tama ba ang kanyang mga sagot, o ginawang assignment. Madaling-araw ko
na lamang siya ginigising, at sabay naming aayusin ang mga mali sa
kanyang ginawa. Ganun din kapag malapit na ang exam. Pero, di pa rin
iyon sapat, alam ko kulang pa rin ako sa panahon para sa anak ko. Kahit
Sunday kasi, kailangan kong mag-round sa aming outlet sa mga malls.
Pero, kahit ganun, lumaki ang aking anak
na maayos at mabait; nakatapos ng high school, at ngayon ay nasa college
na, taking up HRM course.
Nagkaroon ako ulit ng anak after 11y
ears. Six years old na siya ngayon. Busy pa rin ako bilang isang ina,
hanggang 4 years old lamang siya na mayroong yaya. Kasa-kasama ko siya
sa office, tulad din ng aking eldest. Smart si bunso ko (si eldest kasi
eh, Globe hhehe). Hyper at maraming tanong. Bibo daw, ayon sa mga
teachers. Small but terrible kung kanilang tawagin ito. Nakakatuwa,
dahil matured kung mag-isip. Aware sa paligid at laging mayroong sagot
sa mga tanong mo. Sarap lang batukan kapag nangangatwiran J
Unang perform niya noong kinder, day care
lang siya noon, wala pa kasing budget para sa private school. Noong
time na nila para umakyat ng stage, ang bilis ng isang batang naka
barong, diretso sa gitna, naka smile pa. Napaiyak ako kasi ang
galing-galing niya! Ang mga teachers naririnig ko, tuwang-tuwa at hindi
lamang daw magaling kyut pa!. Siempre, lumaki ang tenga ni mommy
hehehe. Palakpak ang naririnig, ko maya-maya natapos na ang palabas
nila. Pagbaba niya nang stage, yumakap sa akin, sabay sabing “mama
agaling po ba ako”, sabi ko na naiiyak na “oo naman” sabay yakap din.
Nakakuha siya ng ilang medals,
tuwang-tuwa siya; ipinatago niya ito, para daw pagdating ni papa niya
galing Saudi, ay ipakikita niya ang mga ito. Nalipat siya sa isang
catholic school (kaya ko na kasing magpa-aral sa private that time)
Nanlumo siya noong walang makuhang medal o award, hindi nakatulog ng
dalawang gabi. Paulit-ulit niyang sinasabi “mama bakit po sila lang ang
tinatawag, bakit po wala akong medal”. Ramdan ko ang kalungkutan ng
anak ko. Sinabi ko pagbutihin niya sa susunod para magka-award siya.
Kinausap ko rin ang head teacher ng
school, na sana hindi lamang 1-5 ang bigyan nila ng award. Nagbigay ako
ng suggestion, na malaking katuwaan na ng mga bata ang mga tokens or
appreciations na matanggap. Tulad nang best in____ or most in____ ,
part din kasi ng motivation iyon, para lalong magpursige ang mga bata na
magsikap mag-aral. Pati na rin sa mga mommy, kahit mga non-academic
award ay sobra na itong ma-appreciate ng mga bata.
Katunayan, last year nakatanggap siya ng
dalawang “Best Award”, two nights niya itong itinabi sa pagtulog niya.
Ipina-upload sa Facebook. para makita ng papa daw niya; itinago rin niya
ito sa kanyang cabinet hanggang ngayon. Thankful ako kasi na-consider
iyong suggestion ko, for a purpose na ma-motivate lalo ang mga bata na
mag-aral. Tulad nang inaasahan ko, sobrang tuwang-tuwa ang mga bata;
tuwing tinatawag ang mga pangalan nila.
Nalipat kami ng opisina at tirahan, maganda ang school na nalipatan ng anak ko. Ito ay isang school na tinatawag nilang “School of Tomorrow”. Tama nga ang sinabi ng teacher supervisor, “mommy, dito, kahit hindi ninyo matutukan ang inyong anak, magugulat kayo wala pang half year, marami nang pagbabago kayong makikita sa inyong mga anak, at magugulat kayo na makitang matuto kaagad magbasa”.
At happy ako, dahil masayang-masaya ang aking anak nang umuwi at ibinalita na kasama siya sa honor list for 1st qrt. Happy din siya na ibalitang kasama siya sa fieldtrip ulit para sa lahat ng nasa top 10. Ito ay award ng school para lalong ma-motivate ang mga bata.
“Mama, happy ka po ba?”, I replied, “YES!”.
“Para po happy face ka lagi, mama, pagbubutihin ko pa po sa susunod, gusto ko po nasa honor A na.”
No comments:
Post a Comment