Sep 21, 2012

BERRRR Na!…Ilang Tulog Na Lang…Pasko Na Pala!

Photo Credit:  Freedigitalphotosl
Ano ba ‘yan!….parang noong nakaraang buwan lang ang Pasko ah!
Ang bilis talaga ng araw, halos hindi mo na nararamdaman ang paglagas ng kalendaryo.
Binaligtad ko pa talaga nang dalawang beses, ang aking table calendar.  Parang ‘di pa rin ako makapaniwala; tumingin ako sa harapan ko, sa wall kung saan mayroong hanging calendar… Oh my gulay!….tama nga ang aking nakikita….berrrrrr na!

Three months more to go na lang pala or 116days na lang pasko na.  Magkahalong lungkot at saya na naman ang aking nararamdaman.  Ilang araw na lang muli ko na namang maririnig ang mga awiting pamasko.

“O Holy Night! The stars are brightly shining,” ito ang kanta na, kapag narinig ko pa lamang ang intro?……..dyosko day! Masakit sa dibdib.  Iba ang haplos, kaya naman luha ay ‘di namamalayan, tumulo na pala!  Ang feeling mo, parang bumabalik ang lahat nang kalungkutang pinagdaanan mo.  Oo, para akong sira-ulo, kapag inaawit na iyan sa simbahan?…tumutulo ang luha ko, at hindi ko alam kung bakit.  Kinikilabutan din ako kapag naririnig ko na ang kantang ‘yan.  Pero, paulit-ulit ko rin namang pinakikinggan; sira ulo na yata ako hahaha.

Kidding aside, siguro dahil hindi ko talaga naranasan ang maging masaya ang Pasko.  Apat na dekada na akong nabubuhay sa mundo, pero hindi ko talaga ramdam.  Siguro, dahil hindi kami kumpleto.  Hindi kami magkakasamang buong pamilya tuwing Pasko.  Kahit noong bata pa ako, magkakahiwalay din kaming magkakapatid.  Lalo na nitong nagkaroon na may kanya-kanya nang sariling pamilya, minsan na lang kami nagkikita. Celphone o text na lang, saka FB ang way of communication.  Magkita man, bilang mo sa daliri sa loob ng isang taon.

Malungkot din, kung ang haligi na tahanan ay malayo, mas doble ang nararamdaman na kalungkutan.
Hayyyyy…..ang drama huh!…..eh, wala, talagang ‘yon ang nararamdaman ko.  Ewan ko, sana darating ang araw, na sana maramdaman ko naman kung ano talaga ang saya na hatid ng Pasko sa akin.  Pambata nga lang daw ang Pasko…sino ang nagsabi nang ganun? Parang mali, dahil ang Pasko ay para sa lahat; kung saan we celebrate the birth of our Dear Jesus Christ.

Bawal ang emo, kaya ito na lang Ibigay Mo Na Ang Chrismas Bonus   Sa tuwing darating ang kapaskuhan, ang Christmas bonus ay inaasahan ng mga empleyado.  Hahaha…oo nga, masaya ang end of the month ng November; ang ibang company kasi ay advance magbigay ng bonus. Pero karamihan naman, natatanggap nila ito sa loob ng December 1st week hanggang 2nd week.  Ang mga minalas-malas naman ay sa mismong disperas na ng Pasko.

Malayo pa lamang, ang iba ay nakaplano na kung saan magpupunta.  Kung ano ang mga bibilhing mga appliances. Pero, siyempre, magtitira ng pagsasaluhan sa araw ng Pasko at Bagong Taon.  Naaalala ko noon, pagdating sa aking sarili, wala nang natitira. Masaya ako na mas inuuna ko sa listahan ang aking nanay at tatay, kasama na ang aking mga pamangkin.  Kaunti lang naman ang aking mga inaanak. Iyong iba ay malalayo pa.

Nitong nalipat na sa akin ang kumpanya, kung saan dito na ako tinubuan ng kalyo sa daliri sa kapi-pindot sa calcu at keyboard ng Pc; kakaiba ang aking pakiramdam, parang may kakaibang saya. Parang masaya ako na nakikita kong pumipirma sila para kunin ang kanilang Christmas Bonus.  Ganun pala iyon, kasi iisa lang ang nasa isip ko, magiging masaya na ang mga anak o pamilya nila, dahil sa Christmas Bonus na naibigay ko at 13th month pay.

Pero, dahil sa hirap ng buhay, malungkot ako para doon sa mga nakasangla na ang mga 13th month pay.  Kaya iyong saya minsan napapalitan ng kalungkutan.
“Pasko na! Kayod todo na tayo….ang daming inaanak nasa 100! Hindi ako yan ha!…isang taong matagal ko nang kilala.  Ganun siya ka popular eh, ang masaklap, kapag namamasko, kasama ang buong pamilya; siyempre aabutan mo rin iyon. Mabuti na lang naiwan ang pusa at aso, kung hindi, pati ang mga iyon kailangan pamaskuhan din hehe…..

This is not a joke, totoo ito, halos taon-taon ko na lang ito nasasaksihan.  Kaya sa hirap ng buhay, ayon bigla nag-iba ng routine, 3 days bago ang Pasko, nasa malayo na silang lugar.  Doon magkasamang nagse-celebrate ng Pasko and exclusive for family lamang.  Hindi biro ang binibitawan kada Pasko nasa 300 daang libo lang naman.  Pati kasi inaanak sa kasal namamasko din, siyempre pati mga anakis nila.
Para sa akin, maglaan lang nang kung ano talaga ang kayang budget para pamasko, baka naman kasi maisangla mo na ang iyong bahay.  Kaya nga may tao na naisipan na nitong magpasko sa ibang lugar, dahil nagkakautang siya tuwing Pasko sa mga kaibigan.  Utang na, halos kalahating taon niya itong binabayaran.  Siguro naman, maintindihan na tayo ng mga namamasko sa atin kung ano lamang ang ating makayanan. Hindi natin kailangang magpanggap na marami tayong pera, iyon pala ay butas na butas na ang bulsa, pagdating ng Bagong Taon, tipid na sa pang- handa.  Ang mamahal pa naman ng mga prutas kapag malapit na ang Bagong Taon.

Ako, November pa lang inaayos ko ang aking listahan. Siyempre, una sa listahan ang kapamilya, small token sobra na  nila itong na appreciate.  Give love on Christmas nga daw at hindi give more cash. Simple na mga regalo at hindi mamahalin basta galing sa puso ng isang tao, katumbas nito para sa tumanggap ay mas mahal pa sa house and lot.  Masaya dahil kahit papano ay naalala mo siyang bigyan ng regalo.
Kaya mga ninang at ninong, huwag nang makipag-hide and seek…..puwede na ang tig P20-50 na mga items na mabibili sa Divisoria.  Hindi sa kakuriputan, sadya lang talaga mahirap ang buhay ngayon.  Lalo na kapag marami ang anak na nag-aaral…hambigattt ng matrikula.  Baka after ng Pasko at Bagong taon, poor na tayong lahat. Hindi makakuha ng exam si Junior o si Hija.
Tara na! magkaroling na lang tayo!……Advance Merry Christmas sa lahat!…uunahan ko na kayo bago pa bahain ang social network ng mga pagbati sa December”

No comments:

Post a Comment