Sep 26, 2012

( photo credit:123rf/young business men in stress)
“Oi, balita ko mayaman ka na daw!”
 
“May mga negosyo ka na raw, iba talaga kapag sobrang masipag at mabait lalong pinagpala.”
 
“ Eh,’ di ang sarap na nang buhay mo ngayon; mabuti ka pa malayo na ang narating mo talagang umasenso ka na.  Hindi tulad noon na hirap na hirap ka at ang dami mong problema.”
Gusto ko lang itama ang mga salitang iyan at alam ko iyong mga may maliit o medyo may kalakihang negosyo ay sobra silang makaka-relate dito sa sasabihin ko.
Ilang beses ko na rin sinasabi sa sarili ko at sa mga malalapit sa akin, na sobra kong nami-miss noong ordinaryong trabahador lamang ako.  At alam niyo ba kung bakit?
Noong Empleyado pa ako:
  1. Maliit man ang aking suweldo,pero napagkakasya ko.  Gumagastos lamang ako sa mga alam kung kailangan talaga. Kung gusto ko madagdagan ang aking income, maraming sideline na maari kong pasukin; iyong mga sideline na hindi makaapekto sa trabaho ko.
  2. Iniintindi ko lamang ang trabaho ko sa maghapon. Matapos o hindi basta alas 5 na nang hapon tapos na ang work ko
  3. Nakakatulog ako nang 8hours, at kapag linggo pahinga na ang ginagwa ko
  4. Wala akong malalaking obligasyon na mga binabayaran at iniintindi.
  5. Ang problema ko lang budget sa loob ng bahay at nang buong pamilya
  6. Higit sa lahat mayroon akong peace of mind.
  7. Wala rin ang pressure na lagi kang nilalapitan para ikaw ay utangan, dahil alam nila na wala ka rin. At wala rin sasama ang loob sa iyo.  At hindi ka rin gaanong pressure kapag alam mo na kinakapos ka na sa budget.
Ngayong Negosyante na ako:
  1. May negosyo ka expect mo na kailangan mo ang mahaba ang pisi mo.  Hindi sa
  2. Lahat nang oras ay ok ang takbo ng negosyo.  May mga pagkakataong nag aabuno ka pa ng ilang buwan.  Iyong kinita o naitabi mo noong panahon na kumikita ang negosyo ay nailalabas mo rin.
  3. Kapag nga daw ang isang tao ay kumikita na nang malaki, meaning lumalaki na rin ang mga gastusin. At iyon lamang ang nakaka-angat sa isang ordinaryong empleyado.  Kapag may negosyo ka, nandiyan iyong mag-iisip ka ng mga bagay na mas lalong makatulong at makapag angat sa iyong negosyo o kabuhayan.  Pati na rin ang pag-i-invest sa iba dahil iniisip mo na kailangan kumita; para sa oras nang kagipitan ay mayroon kang naitatabi
  4. Kung dati sarili at pamilya mo lamang ang iyong iniintindi, ngayon pati ang iyong mga tauhan dahil alam mo na sa trabaho lamang sila umaasa.  Kung dati 8hrs lang ang obligasyon mo sa work, ngayon kung maari nga lang na 24hrs.
  5. Kung noon ang ginagawa mong budget ay pampamilya lamang, ngayon hindi na, dahil sa kaunting pagkakamali mo lamang sigurado lagapak ang iyong kumpanya o negosyo.  Dito masusubok ang lahat ng kakayahan mo sa financial planning.
  6. Hindi mo na rin magawang makatulog ng 8hrs.  Sa dami nang mga problema sa kumpanya o negosyo hindi maaring hindi mo ito iisipin.  Lalo na kapag mayroong mga pasaway na sila na nga ang may kasalanan ikaw pa ang ihahabla sa DOLE.  Kung dati ay mayroon kang peace of mind, kapag may negosyo ka sigurado burado ang peace of mind na ‘yan.  Araw-araw halos mayroong mga minor or major problem na kinakaharap ang isang negosyo. Kasama na ang problema sa mga tauhan na madalas hindi naiintindihan ang kalagayan ng kumpanya.  Hindi lahat ng kumpanya ay kumikita o tumatabo ng pera ang may-ari.  Baka hindi ninyo alam, mas marami ang loans ng ibang mga negosyante lalo na sa panahon na mahina ang negosyo.  Kaya nga kapag ang usapin na ay taas ng pasahod, bigla na lang sasakit ang ulo ng mga negosyante.  At para hindi maapektuhan ang lahat; ang desisyon ay itaas ang produkto at magbawas ng mga tauhan.  Dahil bukod sa tumaas ang sweldo mas lumaki din ang binabayaran ng mga employer sa mga benefits ng mga empleyado.
Ex. Salary P 11,000/mo
SSS employee share P 366.70 (ito lang ang kinakaltas sa empleyado)
SSS employer share P787.30 ( ito ang binabayaran ng kumpanya sa isang tauhan na may sweldo na 11k/month)

Sa SSS pa lang iyan, paano pa ang ibang mga benefits na may mga share din       ang  isang kumpanya sa bawat mga empleyado.  Diyan pa lamang sasakit na ang ulo ng mga negosyante.  Idagdag pa diyan ang malalaking taxes na binabayaran sa gobyerno.  Doble-doble pa nga ang taxes na binabayaran ng isang negosyo.  Cityhall, BIR, Custom at mga pampadulas pa.

Hindi na rin mawala sa sistema nang ugaling Pinoy ang kung ano ang nakikita  nila ay iyon na ang kunklusyon nila.    Hindi naman nila alam na mas nagigipit ka pa nga lalo na ngayon pahirapan ang singilan.  Lahat mayroong terms, sabi nga nang kaibigan kong taga BIR 30 months na daw at hindi na 30days ang terms ngayon sa pagpapautang.  At totoo nga, dahil ilan din ang aking mga parukyano na kilalang kilala sa buong mundo na mayaman o tanyag na kumpanya pero halos abutin ng isang taon bago magbayad.  Para hindi makabayad ng naayon sa terms, maraming reason kesyo nawala ang resibo, kesyo ganito ganire. Anak nang tinapay nakaka-kalbo talaga.  Siempre, ikaw naman na maliit na negosyante, sa dami ng kumpitensya, hahayaan mo na lang dahil kahit papano mayroon kang inaasahang sisingilin.

Kaya sana, minsan maisip din nang mga empleyado ang katayuan ng isang kumpanya o ng employer.
Masarap magkaroon ng negosyo dahil kahit papano nakakatulong ka sa kapwa mo at pamilya nila, kasabay nang pag-angat mo rin sa buhay.  Pero kakambal naman nito ang katakot-takot na mga responsibilidad na iyong kahaharapin.  Hindi biro ang STRESS nang isang negosyante.  Pero, sobrang nakaka- challenge, dahil ang sarap sa pakiramdam kapag nalalampasan mo ang mga problema na akala mo ay hindi kayang bigyan ng solusyon.

Lagi kong  iniisip ang isang payo sa akin ng dating boss ko “ Lagi mong iisipin ang nakakatulong at makatulong ka sa iyong kapwa, at tiyak hindi ka pababayaan ng Dios”

No comments:

Post a Comment