Mar 22, 2012

Generosity Ng Isang Bata

If I had my child to raise all over again,
I'd build self-esteem first, and the house later.
I'd finger-paint more, and point the finger less.
I would do less correcting and more connecting.
I'd take my eyes off my watch, and watch with my eyes.
I'd take more hikes and fly more kites.
I'd stop playing serious, and seriously play.
I would run through more fields and gaze at more stars.
I'd do more hugging and less tugging.

~Diane Loomans,
Making the decision to have a child is momentous.  It is to decide forever to have your heart go walking around outside your body.  ~Elizabeth Stonetion



Malapit na pala ang birthday ng 3 lalaking pinakamalalapit sa puso ko.  Hinde maiwasan na kahit sobrang busy sa trabaho at sa ibang bagay ang mga ganitong okasyon ay hinde puede makalimutan, makalimutan ko na ang birthday ko pero ang sa kanila malayo pa lang lagi na sumasagi sa isipan ko.
 
 
Maraming plano at hinde puede na wala kahit simple lang.  Andian yong ipaghanda kahit pansit lang, cake at may kasamang juice at softdrinks.  Ang pansit di puede mawala dahil kasabihan ng matatanda na “longlife” daw ang meaning non at kapag niluto mo huwag puputulin.  Hmmm….wala naman mawawala kapag sinunod di ba?


Ang bunso ko number one fanatic ni Jollibee umpisa ng siya ay nagkaisip.  Lagi mataas ang exam dahil alam nya na ang premyo nya ay fries at hamburger at meron pang hirit na sundae or minsan chicken, siguro kung banko lang ang jollibee ang dami na siguro nyang ipon.  Pero yong eldest ko ayaw ng handa, or jollibee. Hinde kasi sanay dahil noon wala pa akong pambili lagi ng Jollibee. Lumaki sya na kabaliktaran nitong bunso ko walang bukambibig kundi jollibee at ngayon nadagdagan pa coke float ng Macdo.  Hayy naku bakit ba kasi nauso si bee
at si mac.

 “Some measure their lives by days and years,
Others by heart thrbs, passion and tears;
But the surest measure under the sun,
Is what in your lifetime for others you have done.”
 
Ang hinde ko makalimutan noong nakaraan taon, hinde sumagi sa isip ko na bigla ko marinig sa aking bunso na anak na mag limang taon gulang pa lamang. "Mama gusto ko sa squatter ako mag birthday", bakit naman gusto mo doon? Sagot sa akin "kasi mama kawawa naman sila mahirap lang eh!" At paano mo nasabi na mahirap lang? Kasi po mama yon bata don lagi hihinge ng food sa tindahan natin tapos tatapon nya basura natin tapos bayad food, ayaw nya ng pera. Tapos mama yong food dalhin nya sa house nila kasi po marami sya sister kakainin nila po.



 Most of us become parents long before we have stopped being children.  ~Mignon McLaughlin, 

Sobra akong natuwa sa gesture ng anak ko at sabay explain ko sa kanya; na ang mga batang iyon actually hinde kawawa dahil meron pa mga magulang.  Napapabayaan nga lang ng magulang nila kaya walang pagkain dahil maghapon nagsusugal sa kalye.
  
Anak kung gusto mo talaga mapasaya at magpakain ng totoong mahirap at kawawa dapat don sa bahay ampunan, don sila yong mga batang walang magulang, iniwan or tinapon at napulot lang.  O di kaya don tayo punta sa bahay ampunan na meron mga kapansanan ang mga bata at siempre curious at excited ang anak ko.


1 comment:

  1. Natapos ang party na sobra sobra ang saya nya pati yong eldest ko....Of course pati na rin kami parang ang sarap ng feeling. Sana maulit namin ito sa mga susunod na mga taon simple ways of making those children smile. Masarap pakinggan yong thank you na galing sa kanila. Sa isang sako na bigas, diaper, biscuits at sabong panlaba and used toys, shoes and dresses, alam ko na masayang masaya na sila sa munting naibigay namin.

    ReplyDelete