Seryoso, Masipag, Ulirang Ina, Matapang na babae ( take note ha huwag muna mag react alam ko iba na kaagad ang nasa isip nyo kapag sinabi na matapang). Babaeng walang pahinga din daw ako at kung anu-ano pang mga salitang sadyang masarap sa tenga pakinggan noon hanggan ngayon.
Pero meron din naman masakit sa tenga pakinggan. Pero, ok lang kasi minsan ang iba totoo ang iba ay hindi naman, pero bahala sila basta ako hindi ako nakikialam sa buhay nila dahil sariling buhay ko nga halos wala na akong panahon tapos intindihin ko pa buhay ng iba para magtsismis.Aminin ko man o hindi meron bahagi sa pagkatao ko ang lantad sa lahat kung ano ako at sino ako, at tanggap ko naman iyon lahat ng mga salita na ginagawa sa likuran ko. Katwiran ko bahala kayo dahil hindi nyo naman alam ang buong kwento sa bawat yugto ng buhay na pinagdaanan ko. Hindi ako nagmamalinis dahil alam ko makasalanan ako, tulad ng iba, tulad ninyo tao din naman ako noh. Meron din akong puso, yon nga lang parang sa kanta na Pusong Bato! At bakit naging pusong bato aber? Mahabang kwento kung paano ang mamon ay naging kasing tigas ng bato. Hayaan nyo na lang kung bakit pero siguro ang iba sa inyo alam na alam ang dahilan dahil tranfarent ako sa mga taong matagal na akong kilala mapa plastic man sila o ano pa.
Lukaret daw ako sabi nila...Totoo ba? Hahaha! Natatawa naman ako. Hindi ah, inaayon ko lang ang
aking sarili sa kung sino at anong klase tao ang kaharap ko. Kumbaga,
depende yon., parang ganito lang yon Mabait ako sa taong mabait din at
mas sira ulo ko sa taong sira ulo din kapag kaharap ako,,,,joke lang ha!
Ito siguro ang napapala ng taong maluwag na ang tornilyo at hindi na member ng kahit anong religious activity, pero
nagsisimba naman ako at nagdadasal araw araw parang friend ko nga lang
sya ituring eh, kasi naman sa buong buhay ko na paglapit sa kanya sobra na kaming
naging close, wala na ako maitago sa kanya eh. Sya lang kasi ang aking dakilang
kakampi at kaibigan umpisa nagkaisip ako, magunaw man ang mundo hindi ko sya ipagpapalit kahit
kanino
Ordinaryong babae at magulang lang ako na dumaan sa napakaraming pagsubok at
hirap sa sa buhay, iyon bang nakaranas ng 2 araw na walang kain. Swerte na kung makabili ng skyflakes at tubig na lang dear. Namumuhay ng simple at tahimik at minsan na din kinalimutan ang lahat ng taong meron kaugnayan sa akin, nagpakalayo layo at umiwas sa mga kamag anak, magulang at mga kapatid pati na din sa lahat ng kakilala. Kung bakit kasi nauso ang Friendster at Facebook, ayon tuloy ang dating tahimik at puro hamon sa buhay ang hinaharap nagkaron ng social networking at nagkaron tuloy ng way para magkaron ulit ng connection sa mga long lost friends classmates and relatives. Ako? Naku matutulog na lang ako, walang hilig sa gimik, bahay
trabaho at pagbabasa ng kung anu-ano basta interesting basahin naman basahin at nakakapagbigay ng aral.
Dating
tahimik ngunit ngayon ay hindi na napapanisan ng laway at lalong lalo na
hindi na rin iyakin. Pagmasama ang loob sa pagsusulat ibinubunton kaya
nakakagawa ng mga blog na wla lang. Malalim, masayahin at malungkutin
din, naughty at hindi halatang alaskador kapag meron sayad. Sa madaling
salita flexible na babae daw ako. Iyong tipong strike anywhere daw, puedeng ihagis dito at doon, grabe naman siguro ang dami kong bukol kung hinahagis ako. Baka nga nasa ortho na hahaha. Sorry na lang sa lahat ng personal na naka experience ng paglilitanya ko, eh pano wala naman akong magagawa concern lang at nagmamahal sa mga taong nakapaligid sa akin kaya naman ito ako "ako ang iyong kunsensya" ala safeguard, ala nanay , ala ate, ala una etc....
Parang madre o pari daw ako hahaha!
kasi naman ang hilig ko mangaral base na rin siguro sa naging karanasan ko o lahat ng dahil sa pinagdaanan ko. Madalas kinaiinggitan kaya naman nagtatanong ako madalas sa sarili ko kung meron nga ba
dapat ika inggit sa akin. Dati halos magpakamatay ako sa sobrang kasipagan
pero na realize ko din na mas mahirap mamatay sa sobrang sipag at maiwan ang 2 anak ko. At siempre bata
pa ito noh! Mahilig magluto basta meron pambili ng lulutuin at masaya
kapag napupuri na masarap magluto. Dati sweet daw akong babae at
mapagmahal na asawa sobrang bait at kung anu ano pa, pero ngayon ewan ko
parang sweet na parang hindi. Siguro puede na tawagin na lang na sweet n sour o di kaya ay sweet and spicy. Dating mabait din pero parang hindi
na rin ngayon dahil madalas kailangan ko ipakita na matapang ako at ayaw ko
ipakita na umiiyak ako at mahina rin tulad ninyo.
Ang kahinaan ko
ay ang pamilya ko at buhay pag-ibig ko, bumabagsak ang mundo ko kapag meron pinagdadaanan
sa isa sa kanila at halos humihinto ang lahat pati pag-ikot ng mundo. Para akong "masaya na malungkot din" pero hindi bilang isang OFW kundi bilang isang tao. Ewan ko ba pero kapag sinuma mas lamang ang lungkot kesa saya at mukhang natambakan pa nga yata ang saya ng lungkot, hayy buhay oh lalala. Pero ok lang at least lahat ng klase ng sarap at hirap ng buhay naranasan ko. Nasabi ko na nga lang sa sarili ko hindi talaga puede maging pariho ang lasa ng buhay parang ulam din kailangan meron kang mga ilalagay para mag blend ang tunay na itsura at lasa ng luto mo.
Frustrated writer at may tinatagong pagka madam
auring(wag kayo maingay atin atin lang ito bka marami ang pumila
katuwaan lang ) din. Kaso naman madalas natatakot ako gamitin ang talent na ito saka baka magalit lalo sa akin si Bestfriend ko. Wag ka malakas ang pakiramdam ko at marunong
ito manghuli hindi lang hindi mo alam kapag kaharap kita pinag aaralan ko na pala ang bawat salita at kilos mo pati na expression ng mukha mo at paghinga mo at kung saan galing ang boses mo. Ala NBI pero ayaw ko maging NBI mahirap na masarap din hahaha. Siguro malakas ang intuition dahil siguro sa kanyang zodiac
sign na sagittarius (kalahati tao kahalati hayo) iyon daw kasi ang ibig
sabihin non.
Mabuting kaibigan at madaling makalimot at magpatawad
kapag ginawan ng hindi maganda kasinglawak ng pacific ocean ang angkin kong pang unawa sa lahat ng bagay, pwera na lang kapag meron sayad. Once a month lang naman kapag bilog ang buwan hahahaha, pero ok lang at least hindi nahahati ang katawan at naiiwan iyong tipong puede lagyan ng asin iyong naiwan na kalahati. Ayaw kaagad na magkaron ng
wrinkles kaya natuto dedmahin lahat ng bagay na puede pagmulan nito. Smile nga daw kahit labas na ngipin mo sa sobrang gigil at galit. Parang customer is always right, that's why always wear your sweet and beautiful smile daw.
How true?
Sabi may pagka generous pero ewan ko hindi rin dahil mahilig
din ito magparusa sa mga taong kailangan turuan ng leksyon sa buhay.
Pero nungka deep inside she is dying dahil the truth ay "pusong mamon"
pa din ito sa kabila ng lahat. Ay, sige na nga baka magalit na yong
nagbabasa nito at baka hindi na basahin ang blog ko dahil sa sobrang
haba eh mapagod na. Pagtiagaan nyo na lang basahin trying hard kasi
magsulat at ayaw na ayaw mag edit gusto diretsuhan na. O sya, enjoy
reading na lang sa lahat <3