Jul 29, 2012

" Sana Nga! Para For Good Na Ako Sa Pinas Mare", (Dream ng Bawat OFW at Pa

..."Sana nga ate, para hindi na ako aalis ulit"

"Mahirap ang malayo sa pamilya mare, lumalaki ang aming mga anak na wala ako."
http://www.dreamstime.com/stock-photo-girl-full-dreams-image1314820
"Pero, kapag hindi naman ako umalis, ano ang mangyayari sa amin?

"Mahirap dito ate, malaki nga ang sweldo, pero malayo naman ako sa aking pamilya."
"Pero kailangan ko magtiis para mabigyan ko ng magandang kinabukasan ang aking pamilya."

"Malayo na ang loob sa akin ng aking mga anak mare, gustuhin ko 'mang umuwi, wala akong kakayahan gawin ito."  
"Wala akong maipakain sa kanila kapag hindi ako nagtiis dito!"

"Friend, hindi na nagpapadala sa akin ang aking asawa, bihira na rin maka-alalang tumawag, para kami'y kamustahin.  Gusto ko na siyang pauwiin, pero baon kami sa utang!"

"Bakit ka ba nagtitiis diyan magtrabaho? Eh, 'di hamak naman na mas malaki pa ang kinikita mo sana dito noon?" 
"Paano kasi, si Mrs., gusto magkasama kaming dalawa na dito magtrabaho, para daw mabilis kami makaipon."

"Tamad kasi si Mr, kaya kailangan umalis ako, ito lang ang alam ko para kumita at makapag-aral ang aming mga anak.  Pero Ayaw ko sanang umalis, kung meron lang sana akong pagkakitaan 'dian."

"Sana nga huling alis ko na ito, kaya lang sabi ng magulang ko, kailangan makatapos muna ang aking mga kapatid."

"Sana nga mare, tulad mo ang asawa ko, marunong humawak ng pera, marunong sa buhay.  Alam paano sinupin ang pinaghirapan naming mga OFW dito."

"Ate, pag uwi ko, gusto ko mag negosyo, para naman meron akong makikita sa pinaghirapan ko."


"Ate, gusto ko sanang magnegosyo, kaso wala namang mag-asikaso dian."

"Insan, lahat ng sideline ginagawa namin dito sa taiwan, pati pagtitinda ng kung anu-ano. Para lamang kami makapag-ipon mag-asawa at makapag-negosyo na lang 'dian.  Lumalaki na ang aming anak na wala kami pariho."

Hindi ko na mabilang ang mga taong nagsabi sa akin ng mga nabanggit ko sa taas.  Hindi nga lang iyan, mas marami pa at baka matapos lang itong blog na ito puro lahat hinaing, plano at kunsultasyon ang laman ng artikulo kong ito.  Sa dinami-dami ba naman ng aking mga kakilalang OFW, at mga asawa ng mga OFW, kaya naman alam ko ang mga saloobin nila. Kasama na din ako doon, pero sooner malapit na magtapos ang pagiging OFW partner ko.  Huling contract na ito ng aking lovey duds, dapat nga noong huling alis 'nya, for good na talaga.  Kaso, sabi ko siguro habang inaayos ko lahat dito, para pag andito ka na eh hindi ka manibago o ma miss ang buhay saudi, umalis ka muna at sayang din ang kikitain mo pa 'don. Pandagdag din, lalo na sabi nga ni "boss" wala akong sweldo, para mas madali ako makabayad sa kanya.

Hindi rin kasi biro ang kailangan kung bayaran, isang reward sa akin bilang isang matapat nilang empleyado, isa sa pinakamaliit nilang kumpanya, na parang libangan lang nila; ito'y tuluyang ipinamana sa akin.  Installment basis, mahirap, pero kailangan kayanin dahil kung hindi, paano na lang ang mga umaasa dito.  Sabagay mag dalawang dekada na rin naman itong hinahawakan ko.
Sanay ako sa hirap, dahil galing din ako sa napakahirap na pamilya, iyong tipong madalas noon kinakain namin "gamos lang at kanin", minsan "balenghoy o kamoteng kahoy".  Isang tipikal na buhay mahirap sa isang mahirap na probinsya noon.  Bata pa ng mamulat sa pagiging responsable sa buhay, kung paano maghirap at gumawa ng paraan para lamang maka bili ng bigas at ulam, para lamang makapasok sa eskwelahan.  Maagang namulat sa "entrepreneurship" ika nila. Naglalako ng luto namin ng nanay ko.  Pati na rin ang paggawa at pagtitinda ng bukayo.

Sabi nila, magaling daw ako humawak ng pera, alam ko daw paano dumiskarte, alam ko daw paano pagkasyahin, at marunong daw ako mag plano.  Hindi ko alam ang mga 'yon basta ang alam ko lang, kailangan ko magkayod marino, bilang isang single mommy noon (17yrs na ang eldest ko).  Iniisip ko lang noon, kailangan namin kumain o mabuhay mag-ina na hindi humihinge ng tulong sa mga magulang ko at kamag-anak.

Siguro iyong mga iyon ang dahilan at nakikita nila sa akin, kaya siguro sadyang lapitin na ako ng mga humihinge ng idea, o payo tungkol sa negosyo at kung paano ma save ang pera nila.  Feeling ko nga kailangan ko nang magtayo ng "consultation office", hehe joke lang!  Kasama na rin dian ang "usapang pag-ibig", ala "Cathy G" ang dating ng beauty ko.  "Di naman ako expert, pero nakapagbibigay ako suhestyon, opinyon, idea at mga optional na diskarte sabi nila.

Kaya ko ito naisulat, dahil sa susunod kong blog (part 2) susubukan ko na makapagbahagi sa inyong lahat, lalo na 'don sa mga nagnanais na pasukin ang larangan ng pagne-negosyo.  At base ito, sa actual na karanasan ko mismo at ng mga taong nakadaupang palad ko.  Alam ko kahit papano, hindi man ako eksperto, alam ko makakatulong ito para sa inyong mga OFW; lalo na 'don sa mga maliliit lang ang kita o sweldo at nang pamilya ninyo dito sa Pilipinas. 

Jul 25, 2012

'Limang Piso"....Laman-'Tiyan Din 'To!

Piso, 

Limang Piso,

Sampung Piso,
http://en.wikipedia.org/wiki/File:PhilippinePesoCoins.jpg

"Ikaw, matanong kita!".  Gaano o paano mo pinahahalagahan ang mga baryang ito?  Paano nakakatulong sa iyo ang mga  ito?

Noong kapanahunan ko, uso pa ang belikoy at nutriban.  Marami na akong mabibili ng belikoy sa halangang "bente singko sentimos".  Makakabili na rin ako ng isang "nutriban". Kasama na ang "singko" na hugis bulaklak.  Ngayon, hindi na pinapansin ang "singko" lalo na ang isang centavo, na merong butas sa gitna.  Umabot din sa punto na ang bente singko na barya, ay hindi na rin pinapansin.  Nauso ang "Pondong Pinoy", kung saan ang lagayan ay plastic ng miniral water, na wala nang laman.  Ang dating pakalat-kalat at halos binabalewala nang bente singko, ay biglang nagkaroon ng kabuluhan, at nakatulong pa sa simbahan.  Para kasi'ng nawalan ng halaga o ningning, kahit sa mga bata.

"Pahinge po ng piso?"....'yan ang madalas nating marinig di ba?  Kapag binigyan mo ng bente singko sentimos, iirapan ka pa o dadabog pa; sabaya sabing, "Wala nang mabibili nito, kahit kendi!".  

Oo nga naman, 'kaw naman kasi, magbibigay ka na rin lang bente singko pa!...kuripot mo naman!.  'Buti na nga lang, nauso nga ang pondong pinoy sa simbahan, pati na rin sa mga malls.  Lata naman ang lagayan kapag nasa mga groceries o kahit saang pamilihan na meron tulad nito.  Nang nagtaas ng singil ang mga jeepney's nitong nakaraan, si "bente singko" muling nagkaron ng halaga, sa lahat ng commuters.  Sayang!  Matagal na tuloy mapuno ang pondong pinoy.  Kaya, ayon ang laman ay isang sentimo at limang sentimo na meron butas, kasama na rin ang sampung sentimo.  At muling bumaba ang pamasahe, salamat,  marami na namang laman ang pondong pinoy.

Piso, kapag pinagsama-sama at naipon, ito ay meron halaga.  Lalo na sa mga bata na nag- aaral ng elementarya. Piso, na madalas iyon ang nadudukot sa bulsa o sa coin purse, at naibibigay sa mga nagpapalimos. Makadukot ng dalawa, tatlo o apat, ito ay sapat na sa iyong pakiramdam.  Hindi ka nanghihinayang  Ayon sa iba, hindi mabigat na bitawan, lalo na kapag meron umaakyat sa jeep, at pupunasan ang iyong sapatos; sabay lahad ng kamay sa pasahero.  'Swerte! nakadami! Marami na namang pambili ng rugby ito mamaya.  'Wag ka, naka senyas pa yan ng subo ang kamay, ibig sabihin, "pangkain lang daw".  Pagkaing rugby pala!

Pero, hindi iyan ang gusto ko tukuyin, 'kundi ang "Lima at ang Sampung Piso".  Para sa mga mayayaman, siguro ang limang piso ay katumbas na lang ng isang sentimo, mayaman nga eh.  Siempre, mga papel na ang pera nila.  Iyong mga "barya" nasa tabi-tabi na lang 'yan, o  'di kaya ay nasa altar, at sa pondong pinoy na  Pero para sa akin, tulad ko na meron trabaho at sariling hanapbuhay, mahalaga pa rin ito.  Mas lalo na 'don sa mga commuters, dagdagan mo lang iyan ng tatlong piso; makakarating ka na sa pupuntahan mo. Maging honest ka lang kay manong driver ng jeep. "Kuya!... kulang ng dalawang piso, pasensya na pero, 'dian lang naman ako bababa sa unahan". Mabait si manong driver kaya ayun okey na. Kung hindi mabait, "Miss saang "unahan" ka bababa?...Wala namang lugar na, "Dian Lang"!.  Meron Dian St.! Wafak tuloy kay manong driver hahaha, napahiya man oks lang, wag ka na lang titingin sa mga kapwa mo pasahero. Kunyare eh, "nothing".  Sori, bingi ako, sabay saksak ng headset ng celphone mo!

"Ate, pabili po kanin, limang piso lang." Ibig sabihin, kalahati lang ng isang order na kanin ang bibilhin 'nya. Isang order ng kanin kasi ay sampung piso.  "Ate, lagyan mo po ng sabaw ng adobo ha?" Sabaw lang naman ang hinihinge bakit ipagdadamot pa, kaya hala sige bigay.  Noong una akala ko, sadyang bumibili lang, baka nabitin sa kanin, at meron pa siya natirang ulam sa bahay nila.  Sumunod na bili, sinundan ko ng tingin.  Ayon, ang bata nasa isang tabi, kumakain habang nakatayo.  Sarap na sarap, binutas lang iyong plastic na balot at parang ginawang ice candy.  Sabay tingin sa akin, at sumenyas pa ng "thumbs up".  "Aray ko!", mukhang meron tumusok na karayom sa dibdib ko.  Meaning, okey nabusog na sya sa pag thumbs up nya, sabay parang senyas na din ng "ok! Thank You!

Sa isang tindahan ko, meron araw araw dumadaan estudyante.  Nakita ko bumibili din ng kanin at humihinge lang ng sabaw sa aking tindera.  Masaya, masigla at maliksi.  Tulad ng isang bata noon, nakita ko ganun din ang ginawa, kinain at sarap na sarap.  Biro mo, sa halip na ibili ng candy o ice cream paglabas ng eskwelahan, ibinili ng kanin at huminge ng kaunting sabaw ng ulam. Solve na ang gutom ng bata.  Kakaawa naman, kaya ng mga sumunod na araw na, pagdadaan at bibili, meron na din dagdag na isang hiwa ng karne.  Kakaawa eh!  Mabuti pa pala ng ako nag-aaral noon, meron pa akong ulam na "balitsaw", halagang "dos" o dalawang piso. Dikit mo lang ang iyong dalire sa balitsaw, at sabay dila ng dila na meron pang laman na "bahaw na kanin" (lamig kanin)....sarapp!. Nakakatuwa at masarap sa pakiramdam, marinig galing sa isang batang tulad nya ang makarinig ng "salamat ate".

Hindi lang pala mga bata, o binatilyo ang gumagawa ng ganun.  Wala ng pinipili na edad, mapababae o lalaki, ganun ang ginagawa.  "Sampung piso na kanin ate", tapos pahinge ng sabaw ng itong ulam na ito".  Hindi lang iyong mga batang lansangan mo matandang lansangan na din (pakalat-kalat eh).  Taga repair ng relo, dating meron puesto sa isang maliit na mall, kung saan ang rent ay 200/day,  ngayon wala na.  Lakad ng lakad na lang alok sa bawat madaanan, pasok sa mga opisinang meron entrance na bukas.  Wala pa daw kita, ayun, bumili ng kanin at huminge ng libreng sabay.  Isang subo ng kanin, isang higop ng sabaw.  Ilan pa kayang  mga bata ang tulad nila?  Ilan pa kayang mga tulad ni manong repairman, at ilan pa kayang pakalat kalat na tulad nila?  Ilang pamilya kaya ang meron tulad nila na naghihirap, nagtitiis sa kanin at sabaw lang? At ilan kaya sa mga batang ito, ang balang araw ay magtatagumpay dahil lamang sa "limang pisong kanin at sabaw?".  At ang limang piso na dating hawak nila ay maging limampu, limang daan, limang libo, limampong libo hanggang maging doble doble pa?  Nakakadurog ng puso, ngunit nakakabilib. Madiskarte, pantawid gutom nga naman. 

Limang piso, kanin at libreng sabaw ng ulam.  Malayo ang mararating mo bata.  Hangad ko ang iyong tagumpay pagdating ng araw.  At kapag dumating ang araw na iyon, sisiguraduhin ko sa iyo; matitikman mo na ang mga pagkaing naipagkait sa iyo, dulot ng KAHIRAPAN. 

Jul 21, 2012

“Akala Ko Hindi Mabubuo…Buntis Pala Ako!”

.....’Yan na lang ang tanging nasabi ni Emma.

“Sayang ka, maganda ka pa naman at matalino din”.  Iyan ang sinabi ko sa kanya.
“Mag-ara ka, kahit sa gabi”.

Hindi lang makailang beses, ng ‘sya ay alukin ko.  Gusto kong bigyan ng pagkakataon, at tulungan ang mga taong alam ko meron mararating sa buhay.  Lalo na, iyong mga taong nakakasama ko, at nagbibigay ng malasakit sa kung ano ang meron ako.  Mga tao na meron, o alam paano pahalagahan ang kanyang trabaho.  Ginagampanan ng maayos at buong katapatan; ang bawat responsibilidad na aking inaatang.  Lalo na pagdating sa pera, ito ay maaasahan.

Kapamilya na ang turing ko, sa lahat ng taong mapunta o madikit sa akin.  Lagi akong puno ng pangaral.  Hindi sa pangingialam ng buhay ng may buhay, kundi sa paniniwalang, “ Ako ay pabalik na, at kayo ay papunta pa lamang.” Nagmamalasakit lamang, iyan ang term ko.  Upang maging maganda o magkaroon kayo ng magandang kinabukasan.  Hindi habang buhay ay ganyan ka na lang.  Naniniwala ako, na nasa kamay ng bawat tao, kung paano ‘nya ito babaguhin ang kanyang kapalaran.

“Hindi mo ba alam?....babaero ‘yan!.”

“Hindi ako mapanghusga, pero makailang beses na rin na meron 
nakakakita, may ibang kasama at kaakbay ang boyfriend mo!.”

“Ako mismo, nakita ko rin siya!.”  “Hindi ko ito sinasabi, dahil nag-aalala ako na baka  umalis ka, at mawalan ako ng isang tauhan na mapagkatiwalaan ko; kundi, para paalalahanan ka!.”

Napag-alaman ko, na aware ka naman pala sa kanyang extra curricular activity.  Bukod doon, pinaalalahanan pa kita, na ang bf mo ay meron nang anak!  At kung sakali ‘man, sundin mo pa rin ang itinitibok ng puso mo; kailangan nakahanda ka.  Nakahanda ka tanggapin, ang hatid o dulot na hirap ng isang buhay may-asawa; na maaring lolokohin ka rin,  kahit ikaw ay pakakasalan nya..  Ang pagkakaiba ng “kayo” lang mag-ina ang priority nya, at iyong bukod sa inyo, meron pa siyang responsibilidad sa iba, dahil may anak sya sa unang karelasyon.  At hindi p’wede, na e set aside niya ang responsibilidad nya sa una.  Kapag mahal mo ‘sya kailangan nakahanda ka sa lahat ng ito.  Kailangan mo buksan ang lahat ng kakayahan mo, para unawain ito pagdating ng ‘andun na kayo sa sitwasyong ito.

“Ate, hindi na lang ako mag-aaral.”  “Bakit?yan lang ang tanging natanong ko sa iyo.  At ang sagot mo….”Mag-aasawa na po ako!.”  Ang nasabi ko na lang, “Oh sige, ikaw ang bahala, buhay mo ‘yan.”
Pero….sana puede pag magbago ang isip mo, at tanggapin mo ang alok ko na, ika’y mag-aral ng kolehiyo.”
“Alalahanin mo, ang pagmamahal ay lumilipad yan, dumadaan sa bintana.”

Lalo na kapag pumasok na ang bigat ng responsibilidad ng buhay may pamilya.”  Hindi ito kanin na kapag napaso ka, puede mo itong iluwa.”
Mahirap kaya isipin, ‘yong umiiyak anak mo, dahil gutom na.  Wala pang bili ng gatas, wala pa si daddy.  Saan si daddy? Ito ka, nag-iisip ka, “Leche, naman alas dose na wala pa ang kumag! Siguro,  (hanggan pumasok na sa isip mo iyong mga bagay na puede naman hindi totoo ginawa ng asawa mo)  Pagdating ni daddy, ayun…”lashing”, kinuha mo ang wallet, at binulatlat ang “payslip”.  Anak ng tinapa naman oh! Kulang!...paano ngayon yan, ayun aburido na, etc.  At baka di mo pa kayanin, ang iba pang mga pagsubok darating.  Ang ending, awayan na lagi, pagminalas, may sapakan pa.  Dahil narindi sa ala makina mong bunganga.

“Hayyy…buhay nga naman oh!”.  Oh, pag-ibig na makapangyarihan, sadya ka nga bang nakakabingi at nakakabulag at sabi nga eh nagiging tanga pa ang tao (kasama na ako ‘don…hehehehe. Kaya nga, nagpapayo eh!..’kaw talaga, kaya nga sabi ko galing na ako dian eh.)
Masarap kasi ang feeling ng meron nagmamahal, at meron kang minamahal. Kaya, hala sige lang “Harangan man daw ng sibat, walang puede na makapagpigil”.  Oo nah. Makapangyarihan nga daw ang “pag-ibig”.  Kaya nga lang marami din ang mapaglinlang na pag-ibig. Ah, basta! Mahirap explain eh, pero sana, maging wise din tayo.  Lalo na sa panahon ngayon. Mahirap na, alam na ninyo ano ang ibig kong sabihin.

“Buntis na ako ate!” Ha?....”Paano nangyari?...

Ang tanga ko naman, nagtanong pa paano nangyari, of course gumawa sila ng baby!...ah ewan!...’wag mo ako pagtawanan…..batukan kita dian eh!  “Akala ko kasi, hindi mabubuo.”   Natawa ang kasamahan sa trabaho sabay sabi, “Ay tanga ka pala eh!....Natural ginawa ‘nyo ‘yan, expect mo na puede mabuo, kung anuman ang ginawa nyo!”  Andian na ‘yan.  Magalit man ang magulang mo, tanggapin mo. Ikaw na inaasahan pa sana, para makatulong sa pamilya mo.
O, sya humayo kayo at magpakarami.  Mag-aral ng family planning at hindi family planting.

Ang buhay pag-ibig nga naman oh!

Jul 10, 2012

"Tara, Drive Tayo!"

You block your dream when you allow your fear to grow bigger than your faith.  ~Mary Manin Morrissey


The driving site (photocreditwww,journeyoflife.blogspot.com)

Sa nakaraang article ko, "Kahit Milyon Pa Ang Ibayad Mo Sa Akin, Di Bale Na Lang!  Kung saan dito ko tinukoy, ang isang salitang ako mismo ang sumira.  Binali ko, dahil kailangan kailangan gawin.
Ang aral na natutuhan ko mismo sa aking sarili ay,  "Wag magsalita nang patapos!" Dahil hindi natin alam kung ano ang  puwede mangyari! At lahat ng ito ay akin mismong napatunayan. Sa una at sa pangalawang pagkakataon.
 Takot ako sa aksidente lalo na sa kalye. Isipin ko pa lang 'yong mapisa ka ng mga naglalakihang sasakyan. 'Yong maputulan ka ng kamay at paa! O 'di kaya, kapag sadyang minalas ka, eh hindi mo na makikita ang lahat ng mahal mo sa buhay. "NO TO DRIVING!" 'yan ang madalas kong sabihin noon.  Bukod sa natatakot ako sa kalye, eh, wala naman akong hilig sa mga sasakyan. 

Para kasi sa akin, luxury lang 'yan!  Mas importante sa akin ang edukasyon ng mga anak ko, at ang pagkakaroon ng sariling bahay.  Para sa akin, wise lang ako.  Ayaw kong mag invest sa isang bagay, na alam ko nagde depreciate ang value.  Puede naman akong mag commute, at  safe pa ako! Lalo na sa tulad ko na antukin sa byahe.  Higit sa lahat, wala pa akong sakit ng ulo, na karaniwang nararanasan ng mga meron sasakyan; kapag ito ay nagkaroon na ng aberya. 'Tyak butas ang bulsa ko! Para sa akin hindi ko 'to priority!  Walang parking space, bawal ang meron car sa apartment at halos lahat ng pinupuntahan ko ay walking distance lamang.

Nag-umpisa sa isang biruan at napunta sa seryosohan. "Ok, sige! Bibilhin ko, para na din pang delivery service."  "Ok na ako dian, hindi ko naman kailangan ng bongga na sasakyan."   Sa isip ko, magagamit ko ito sa negosyo. At para na din makita ko man lamang, ang isang "bunga" ng aking pinaghirapan ng sobra-sobra.  Dagdag pa roon ang isang kwento, kung saan at 'pano pina-angat ng sasakyan na iyon, ang pamumuhay ng may-ari ng sasakyan.  Mula sa pagiging ordinaryong empleyado, negosyong pagkain ng kanyang sawa; hanggan sa nagsarili at nagkaroon na ng sariling negosyo.  Nakapagpatayo ng mga paupahan, nakabili ng mga lupa at bukod pa doon nakabili na rin ng mga mamahaling sasakyan.  Ayon sa may-ari meron hatid na "swerte" raw sa kanila ang sasakyang iyon.  Naniwala na rin ako, dahil isa ako sa saksi sa istoryang ng buhay nila.  Type ko ang kulay, pati na rin ang plate number nya na pariho kong lucky color.  Mahilig kasi akong mag feng shui, wala naman masama kapag ito ay subukang gawin. Walang marunong magdrive, kailangan ko e hire ang serbisyo ng dating driver, sa  tuwi na'y meron delivery o lakad.  Meron akong messenger, pero motorsiklo lamang ang kayang e maneho. Motorsiklo  na galing din, sa aking food business.  Kung saan binili ko ito, para regalo sa aking mahal ng huling nagbakasyon ito dito sa Pilipinas.

Dahil kailangan mag cost cutting at maka survive sa lumalaking gastusin ng kumpanya, binitawan ko ang aming messenger, at inilipat sa kabilang office. Sumagi sa isip ko na ito'y bilhin na, since na kailangan ang todong pagtitipid, at para mabawasan ang expenses ng kumpanya; na dulot ng sunod-sunod na gastusin sanhi ng paglilipat ng aming opisina. Kung bakit kasi ang lugar pa namin, ang napusuang bilhin ng ayala para tayuan ng mga condo. Ayan, napilitan tuloy maghanap ng ibang lugar.  Dahil kailangan ko mabayaran ang aking dating mga boss, sa pagbenta sa akin ng kumpanya, kung saan 17years ko rin itong hinawakan. Kaya kapit patalim din ako, sukdulang pagba-budget sa operating expenses. At dahil dito, Ako ay naglakas loob at nag desisyon na mag aral ng driving tuwing linggo.

Apat na araw ang theory, at limang oras ang "actual driving." Huling klase ay "trouble shooting". Hmmm..hindi na masama, pang masa ang bayad tuwing papasok.  Una, nagdalawang isip pa ako, naisip ko na naman ang aksidente; Pero bahala na! Kailangan ko talagang matuto, at sayang ang bayad sa taxi 'twing mayroon delivery. Sobra na rin busy ang kabilang kumpanya, para makahiram ng sasakyan at driver sa tuwina'y meron deliveries.
Twenty Five kami lahat na nag-enroll.  May bata pa, may edad, at may mga trabaho na karamihan.  Kaya sila ay nag-aral mag drive, ayon sa kanila, isa daw sa hinahanap ngayon na skill ng isang kumpanya, ang marunong ka mag drive.  Napansin ko karamihan sa kanila, alam mag drive ng motorsiklo, pero hindi alam magdrive ng apat na gulong.  Ang aming guro ay isang MMDA traffice head enforcer, partime 'nya ang pagtuturo at pagiging dentist.  Ang kagandahan sa Xavier School Tech School, meron theory. Kung saan tuturuan kayo ng mga road signs at iba pang diskarte sa kalye tulad ng mga sumusunod:

1. Kailangan nyo matutuhan kung paano maging defensive driver.
2. Isipin ninyo na ang kalsada ay hindi isang malaking "playground"
3. Matutong magbigayan
4. Pairalin ang presence of mind, maging alerto lagi
5.Matutong intindihan ang mga road signs
6. Alamin ang karapatan mo sa kalye at kailangan mo maging abogado ng iyong sarili.
Ilan lamang 'yan sa mga tips na natutuhan ko, bukod pa sa trouble shooting.

Kailangan ko mag 'tyaga tuwing linggo pumunta sa driving site.  Ang tawag nila sa lugar na iyon ay "FARRRVIEW".  Biruan 'yon dahil sa napakalayong lugar ng Fairview, para sa aming actual driving.  Isang malaking subdibisyon, na wala pa gaanong bahay. Paikot-ikot kami doon, kapag nakita nila kaya na ng estudyante, ilalabas ka na ng instructor mo.  Ayon sa kanila, mas madali ka daw matuto sa mga mahihirap na sasakyan,  Pinili ko ang isang owner type jeep. Ang sungit ng instructor, sa halip na matuto ka, andun 'yong matataranta ka, dahil masyadong hyper.  Kaya ka nga nag aral eh, kasi hindi mo pa alam mag drive at gusto matuto!  Next sunday na lang ulit, bad trip sayang ang aking 2 cards na katumbas ng 1hour.

 Sunday ulit, masaya din ang aming samahan.  Kahit doon lamang kami nagkakilala, biruan at kwentuhan, para hindi mainip sa byahe papuntang farrrrview.  Swerte! "Lalabas na tayo ng highway, marunong ka na pala eh!." Ayon sa aking instructor.  Bahala na! Hmmm....okey din pala, kahit nakaka nerbyos mapipilitan ka na maging alerto.  Masarap pala ang mag drive, exciting kapag walang kasabayan.  Lalo na kapag madalang ang sasakyan.  Maiinis ka lang kapag nasa ma-traffic kayong lugar.  Sa sobrang tuwa ko, sinubukan ko mag overtake, natulala ang instructor ko!  Hehehe.... tutulog-tulog kasi eh! Huwag ko na daw uulitin iyon. Ang kailangan ko lang daw tandaan, ay maging defensive driver ako at alalahanin na ang kalsada ay hindi playground kundi isang lugar kung saan ay puedeng tumapos ng iyong mga pangarap sa buhay o maaring maging daan para ikaw ay maging inutil habambuhay.

Pagkaraan ng ilang linggo na pagtiyaga, tinawagan na kami para sa aming trouble shooting class.  Ang iba hindi satisfied, dahil natapos ang mga sessions na hindi nila nagawang magdrive ng maraming beses sa labas. Last day at bigayan na ng certificate. Habang hawak ko ang Certificate,  sabi ko sa sarili ko, 'to na ang aking "Certificate of Overcoming Fear in The Road thru Driving". Muli binali ko na naman ang isang salitang binitawan ko sa pangalawang pagkakataon, pero dahil naman sa meron magandang dahilan.  Paminsan, minsan kahit na meron tayong paninindigan sa ating mga ginagawa at salitang binibitawan.  Maari din na ito ay makapagpababa ng ating "pride".  Ang pride na kadalasan ay dulot nito ang madalas na hindi kagandahan.  Ngunit, hindi sa lahat ng oras, kapag ibinaba mo ang iyong pride, ay para sa ikasasama. Bagkus, para ito sa ikabubuti natin bilang isang tao.

Jul 3, 2012

Desierto...Gaano Ka Katatag ng Dahil Sa Pamilya at Mga Pangarap...

Kahit gaano ka busy ang aking araw sa aking multitasking life everyday,  routine ko na ang pag open ng facebook ko sa gitna ng kabisihan.  Kunting silip ng mga updates at sino ang mga may birthday, pero ang totoo don ay para lamang silipin kung online ba ang aking mahal na asawa.  Oo, tama ka kabilang ako sa samahan ng mga LDR ( Long distance relationship) na minsan ay talagang hindi ko pinangarap na magkaroon ng asawa na malayo sa aming mag-iina.  Pero, lagi na lang mapagbiro ang tadhana sa atin; kung ano pa iyong ayaw natin o hindi natin ginugusto ay iyon pa ang nangyayari sa buhay natin.
Jisan, KSA (photocreditfacebookomm)
"Oi, meron bagong upload na picture ang mahal ko"! Ito lang kasi ang katuwaan ko, ang lagi silipin ang facebook nya kahit walang bago; miss ko kasi eh! Kaya hanggan tingin tingin na lang sa facebook nya at abangan na naka online. Hanggan sa dumating ako sa isang picture na sobrang humaplos sa aking puso ng kakaibang nararamdaman, sobrang awa, lungkot at meron kunting kirot.  Kung titignan mo ang picture ay isang simpleng bundok na kahit isang puno o tubig ay wala at sa gitna ng bundok ng buhangin na iyon, na kung tawagin nila ay desierto; doon nagkanlong ang campo na sa tingin ko ay gawa sa container van na pinagdugtong dugtong.  Ito ay nagsisilbi nilang tirahan sa bawat lugar kung saan sila nade destino, mag umpisa sa ordinaryong laborer hanggan mapa Engineer, at mga supervisors at managers ng project, magkasama iba-ibang lahi.  Sila sila ang magkakaharap, katunayan memorized na nila ang mga face value nila hehehe.

Naisip ko na sa ganitong mundo, dito umiikot ang buhay ng mga lalaking OFW, na meron asawa at pamilya na naiwan dito sa Pilipinas.  Napakalungkot, parang itinapon sa isang lugar na tulad sa mga preso, na kung saan walang paraan para makalaya kung wala kang sasakyan. Ganito ang buhay nila sa gitna ng desierto umiikot araw araw, gigising at magtrabaho sa malapit na site, uuwi at kakain ng pagkaing sabi ng asawa ko ay walang lasa pero pilitin na  lang kainin kesa magutom ka. Manood ng tv, internet kung meron signal, iyong iba natutulog na lang o di kaya ay busy sa text, kasama na ang chat kung meron laptop o computer. Meron din naman sila ibang libangan, ayon naman sa aking napag alaman, ang paglalaro ng baraha na minsan nauuwi na talaga sa sugal. Isa sa dahilan bakit nababaon sa utang ang mga ilan sa kanila.  Ang ilan naman ay nababaon sa utang sa load, dahil walang ibang libangan kundi ang mag text o chat, ang ilan naman ay sa inumin.  Hindi natin masisi kung nangyayari man ito, dahil kahit tayo na mga babae ang mapunta sa ganitong klase ng lugar sigurado masisiraan na tayo ng bait.  At kahit hindi ako marunong mag tong-its tiyak matututo talaga ako, para lang meron mapaglibangan sa napakalayo at napakatahimik at nababalot ng sobrang kalungkutan na lugar na ito.

Sumagi lalo ang awa na nararamdaman ko, para doon sa mga pamilyang naiisip ko nagkakaroon ng matinding problema, at sa ganitong situation ramdam ko kung gaano kahirap ang buhay magkalayo, lalo na sa oras ng kailangan ninyo ang isat-isa, kapag meron hinaharap na mga problema.  Ramdam ko ang awa para don sa mga OFW na one day millionaire dito sa Pilipinas ang pamilya tuwing malatanggap ng padala.  Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng isang OFW kapag niloloko at di nakatiis nanlalaki habang nagpapakahirap ang kanilang asawa sa desierto.  Awa din ang nararamdaman ko sa mga naghiwalay o nagkaron ng problema sa relasyon may asawa dahil hindi rin natiis ng OFW ang pangungulila, sa una ay gusto lang malibang o mapawi ang kalungkutan sa pamilya na naiwan.  Sumubok at kalaunan ay natukso ng tuluyan at bigla na lang nakalimutan na meron pamilya na dahilan ng kanyang pagtitiis at sakripisyo sa desierto.

Ilan din sa mga kakilala at kaibigan ko at kamag-anak ang nagpapatunay, na kung hindi ka malakas magpigil sadyang ang tukso ay andian lang, naghihintay para ikaw at ang buhay ng pamilya mo ay sirain sa isang pagkakamali lang.  Nakakalungkot isipin pero ito ang katotohanan.  Pero dahil sa pangarap natin sa ating mga pamilya at anak sinusubukan natin ang mga bagay na akala natin ay makakatulong sa atin para umunlad.   Salamat at ang iba ay nagtatagumpay kahit dumaan sa matinding pagsubok at ito ay kanilang nalampasan.  Pero nakakalungkot naman para don sa mga hindi naging maganda ang nangyari sa halip lalo nasira ang pamilya na dahilan ng kanilang pag-alis.  Ang tanging masasabi ko lang ay sa bawat pagsubok na pagdaanan ng bawat pamilyang OFW maging matatag at handa lagi unawain ang bawat isa, bigyan ng time ang bawat isa at lagi iparamdam na andian lang kayo at magkasama, lawakan ang bawat pang unawa at pairalin ang give and take relationship.

Ang pagmamahal ay kaakibat ang sakripisyo at sakit dahil kung hindi ka nagmamahal hindi ka masasaktan.  Kung nagkamali man handa pakinggan ang bawat isa, lagi gawan ng paraan at solusyonan ang bawat kinakaharap na magkasama. Pag aralan ang magkaron ng open communication, tiwala ay kailangan ibigay kahit na sa dulo ng isip mo ay meron agam agam.  Ang pagdadasal at lagi huminge ng guidance sa itaas ay malaki ang naitutulong para maging matuwid ang pag iisip ng bawat isa  At para sa mga babae na tulad ko nasa malayo ang asawa isa sa natutuhan ko ang e program ang isip ko na ang aking asawa ay lalaki at meron pangangailangan na hindi natin maibigay at anytime puede sila makalimot. Unfair, pero kapag nangyari iyon tiyak sobra sakit pero dahil nga naka ready ang ating isip sa puede mangyari, kalaunan kapag pina iral ang open communication at pagmamahal at understanding sigurado mapapatawad mo ang pagkakamali na nagawa ng iyong asawa at bigyan ng pagkakataon na magbago dahil naging malawak na ang iyong pag iisip at pang unawa sa bawat situation ng buhay LDR.

"Ikaw paano mo hinaharap at pinaglalabanan lahat ng pagsubok at kalungkutan alang alang sa iyong pamilya at sa hinahangad mo na magandang kinabukasan para sa pamilya mo?'

Pag-Ibig, Pagmamahal at Pagkabigo.....Handa ka ba Masaktan?

"The greater your capacity to love, the greater your capacity to feel the pain."
~ Jennifer Aniston

Naranasan mo na ba ang paulit-ulit na pagkabigo at paulit-ulit na nasaktan? Dahil lamang sa ikaw ay nagmamahal ng lubusan?

Photo google from unknown
Sa isang relasyon na halos ginagawa mo na ang lahat ng kaya mo ibigay para lamang ito ay maging maayos at magkaroon ng katuparan ang bawat pangarap na pariho ninyo binubuo.  Pangarap na balang araw ay matutupad pagdating ng tamang panahon.  Sa pakikipagrelasyon sa larangan ng pag-ibig, kaakibat ng bawat saya ay may kalungkutan, bawat matatamis na ngiti ay may pait na kapalit at ang pagmamahal ay meron katumbas na sakit at pait.  Sa ayaw man at sa gusto natin, kahit ano pa ang saya dulot ng pagmamahalan ng isang magkarelasyon, dumadating din sa punto na meron pagdadaanan na mga pagsubok.  Pagsubok na kung saan susukatin hanggan saan at kung ano ang kakayanin ng bawat isa para lamang sa ngalan ng pag-ibig.  Sa bawat tahimik na pagpatak ng bawat luha, sa halos mag collapse ka na dahil halos hirap ka huminga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman mo  at halos zombie ka na dahil nanlalalim na ang iyong mga mata dahil sa hindi  ka makatulog at dahil sa iyong naramdaman,  andun iyong wala ka na sa iyong sarili na dahilan ng muntik ka na masagasaan dahil tulala ka at lumilipad ang iyong isip.  Marami pa ang mga bagay na hindi maganda nangyayari dahil sa ngalan ng pag-ibig kapag ikaw ay nasaktan o naranasan mo ang pagkabigo.

Naisip mo na din ba ang sumuko na? Iyong alam mo naman sa sarili mo na talaga lang hindi ka pinagpala sa larangan ng pag-ibig? Iyong bitter ka dahil bakit ikaw pa ang nakakaranas ng pagkabigo samantalang wagas ka naman magmahal at loyal ka pa sa taong mahal na mahal mo.  Na ikaw na napakabait mo sa mga taong nakapaligid sa iyo pero halos walang karapatan para naman lumigaya.  Iyong feeling na para kang sinumpa, na kahit ilang beses mo pa mag try na magmahal at halos ginamit mo na nga ang isip mo para huwag lang masaktan pero ganun pa din ang nangyayari?  Pero dahil tao ka lang at gusto mo maranasan ang maging masaya naman ang napakalungkot mong buhay, ito ka ngayon at sumubok na naman na magmahal ulit.  Nakakapagod din di ba? Pero lagi mong iniisip na baka ito na iyong tao na sagot sa dinadasal mo na in return ay mamahalin ka din ng taos puso at hindi sasaktan.  Ang pag-ibig ay isang sugal, at kailangan sumugal at ang puhunan ay ang mag invest ng pagmamahal na tunay, at kapag natalo ito ka at iiyak na lang sa isang tabi.  Mag iisip at babangon ulit para buuin naman ang sarili na minsan na naman winasak ng dahil sa pag-ibig.

Madalas dahil sa kagustuhan mo na ayusin ang lahat dahil sa pagmamahal at mga pangarap ninyo na unti-unti binubuo.  Ito ka at lagi umuunawa at umaasa na malampasan lahat ng pagsubok. Ng dahil sa pagmamahal halos kainin mo na ang sarili mo pride, gagawin mo ang mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin pero nagagawa mo alang-alang sa pagmamahal mo sa taong mahal mo.  Pero, dumadating ka din ba sa point na halos natatakot ka na din sa mga ginagawa mo o  sa mga nangyayari.  Takot ka na baka isang araw magising ka na naman ulit at nagtataka ka at meron ka kakaibang nararamdaman, iyong pakiramdam na parang wala na iyong pain at parang balewala na lang lahat.  Dahil sa sobrang sakit na iyong nararamdaman tuwing meron hindi pagkakaunawaan halos na immune ka na at sasagi na naman sa iyong isip ang mga nakalipas na mga pangyayari kung paano ka exactly na fall out of love.  Kasabihan nga na hindi sa lahat ng oras hawak natin ang ating mga puso, sila ay may sariling isip na nagdidikta sa atin thru our emotion.

Hindi ba puede na puro na lang pagmamahal ang pairalin ng sa gayon ay walang nasasaktan na damdamin.  Hindi, dahil kapag hindi ka marunong magmahal hindi ka rin masasaktan.  At hindi ba puede pagtagpuin kapwa iyong mga taong hindi kayang manakit ng damdamin ng taong mahal nya, ng sa ganyon pariho nilang iingatan ang pagmamahalan nilang dalawa.  Iyong parihong meron malawak na pang unawa sa ngalan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon. Iyong parihong nakakaunawa sa bawat  pagkukulang at pagkakamali ng isa't-isa.  Pero, siguro nga hindi puede ang ganun, dahil kailangan maranasan ng bawat relasyon ang sakit para makamtan nila ang tunay na ligaya.  Iyong ligaya na hinubog na ng panahon at hindi na kayang buwagin ng kahit na anong unos pa dumating, dahil meron na itong ugat na malalim na nagpatibay.  At dahil sa ugat na iyon kapag lubusan na itong naging hinog para sa isang matibay na puno ito ay magbibigay na ng ganap na kasiyahan at kaligayahan pagdating ng araw...pagdating ng tamang panahon.